Nagmamadali mag-empake si Synnovea ng damit. May imbitasyon siya na magbakasyon sa magbakasyon sa isa sa mga estate ng mga del Pierro. They have vacation houses and even an olive plantation around Italy. Matagal na siyang sinusuyo ni Paquita, ang Mama ni Andreas.
Anumang oras ay dadating na si Gianfranco para sunduin siya, ang bunsong kapatid ni Andreas. Mabuti na lang ito ang susundo sa kanya at hindi si Andreas na ubod ng playboy. Magkaedad sila ni Gianfranco at walang interes sa mga babae. Kasing guwapo ito ni Andreas pero pinakasalan na yata nito ang mga barko at yate nito. Ligtas siya kapag dito dahil hindi siya mukhang barko.
Nang marinig niyang may kumatok sa pinto ay nakangiti niya iyong binuksan. “Boun giorno!” Subalit naglaho ang ngiti niya nang mapagbuksan si Andreas.
“Ciao! Well, well, you are in a fine mood today, cara,” malambing na wika ni Andreas at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. Normal na bati lang iyon sa Italy pero parang tumigil ang tibok ng puso niya nang malanghap ito. He smelled of Mediterranean sun and an attractive masculine scent that was his own.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya at sinundan na lang ito ng tingin nang pumasok sa hotel niya. Ni hindi na nito hinintay pa ang imbitasyon o permiso niya.
“Sinusundo ka,” kaswal nitong sagot at ininspeksiyon ang mga bagahe niya. “Ito na ba lahat? Dadalhin ko na ito sa kotse.”
“Si Gianfranco ang susundo sa akin.”
“May problema sa sailboat niya na isasali niya sa Fastnet race.”
Isang professional sailboat racer si Gianfranco. At handa itong iwanan ang lahat para sa mga barko at sailboat nito. She was stuck with him Andreas!
She wanted to argue with him but she decided not to. Hinayaan na lang niyang bitbitin nito ang mga bagahe niya.
Naibaba na ang mga bagahe niya nang matuklasan niyang naayos na rin ni Andreas ang pagche-check out niya. Pamilyar si Andreas sa mga empleyado ng La Brissa Hotel dahil kaibigan nito ang sikat na hotelier na si Nikos Theron. At madami pa itong maimpluwensiyang kaibigan sa iba’t ibang parte ng mundo.
”That must be convenient for you,” aniya habang naglalakad sila sa lobby.
“What?” tanong nito at isinuot ang shades.
“Girls swoon over you. Sa isang pitik lang ng mga daliri mo, nasusunod ang lahat ng gusto mo. The world is practically at your feet.”
“It is not always convenient.” Isinuot nito ang wide brim hat sa ulo niya. “Isuot mo ito at huwag kang bibitiw ka sa kamay ko. Kapag sinabi kong tumakbo ka, tatakbo ka. At huwag kang hihiwalay sa akin.”
“Bakit?”
“You will find out how inconvenient my life is.”
Nalaman niya ang ibig nitong sabihin nang magkislapan ang mga camera at pagkulumpunan sila ng mga reporters paglabas niya ng hotel. Halos isungalngal ang microphone at recorder sa bibig niya sa sunud-sunod na tanong. She was unknown to Andreas’ world. Isang malaking tanong kung sino siya.
Nahirapan ang security at staff ng hotel na itaboy ang mga ito. Pumaikot ang mga kamay ni Andreas sa balikat niya para protektahan siya sa mga camera. Kung hindi siya nito niyakap, tiyak na malulunod siya sa mga reporters na gustong dumumog sa kanya. Pero nalulunod naman siya sa init ng katawan nito. He was even hotter than the Amalfi sun. At ang katawan din na iyon ang proteksiyon niya.
“We have to dash to the car, Synnovea,” bulong nito.
Tumango siya at sinabayan ang malalaking hakbang nito. Ibinaba nito ang wide brim hat niya para matakpan ang mukha nito. Patuloy pa rin ang pagkatok ng mga reporters.
Binigyan nito ng instruction ng chauffer na patakbuhin ang kotse. Saka lang siya nakahinga nang maluwag dahil hindi sila madaling sundan ng mga reporters dahil sa makitid na kalye ng Amalfi.
“That is so damn inconvenient!” usal niya at sumandal habang habol ang hininga. Pribado siyang tao. Ngayon lang siya pinagkaguluhan nang ganoon.
Inabot nito ang bote ng mineral water. “Fame isn’t always fun. Sana hindi ka nila masyadong nakunan ng picture.”
“The hat is perfect. Wala silang makukunan kundi sumbrero.” Tinimbang niya ang sumbrero sa daliri niya at pinaikot. “Iyong ibang mga babaeng kasama mo sa magazines bakit hindi mo binibigyan nito?”
Lahat kasi ng mga babae ay taas-noo kapag kasama si Andreas. Kahit naman sino ay ipagmamalaki sa buong mundo kapag naka-date si Andreas.
“Ang sabi mo sa akin, lagot ako sa iyo oras na ma-publish na magkasama tayo. I don’t want to ruin your vacation.”
“Grazie,” pasasalamat niya. Nag-ring ang cellphone niya. “Excuse me!” Sinagot muna niya ang tawag. “Hello!”
Anong nangyayari? Wala siyang maramdamang inis kay Andreas. Kahit na ang una niyang dapat na maging reaksiyon ay sisihin ito kung bakit sila dinumog.
He looked so vulnerable and tired so she won’t beat him.
“Synnovea, nasundo ka na ba ni Gianfranco?” tanong ni Paquita.
“No. I am with Andreas.” Nilingon niya si Andreas na nakatitig sa kanya. “Sabi po niya problema sa sailboat ni Gianfranco.”
“That boy is a major headache. Kailan ba seseryosohin ng batang iyon ang mga utos ko sa kanya? Please give Andreas the phone, dear.”
Ipinasa niya ang cellphone kay Andreas. “Pronto, Mama!” bati nito. Puro salitang Italian na ang narinig niya sa pag-uusap ng dalawa. Noong una ay nakakunot pa ang noo ni Andreas pero sa huli ay umaliwalas din ang mukha nito. “Don’t worry, Mama. I will take care of her.”