Nasilaw si Synnovea pagpunta niya sa bow ng barko. Papalubog na ang araw at nagmistulang dugo ang kulay ng langit at ng dagat. Nagmistulang aparisyon si Andreas habang nakatayo sa bow ng barko.
He looked dashing in his white polo and white cotton pants. Nabukas ang lahat ng butones niyon at malayang ipinapagaspas ng hangin. She guessed he didn’t give a damn. Mukhang fashion na yata sa Italy na magpakita ng dibdib ang mga lalaki. But Andreas was the most striking man she had ever seen. He had the perfect body of Roman gods. Baliw siguro ang itatawag ng ibang babae sa kanya dahil nagawa niyang tulugan si Andreas samantalang magkasama sila sa isang yate.
The effect of the setting sun on his olive skin was striking. He looked like a golden living god of mythology, ready to burn every willing female alive.
Lumingon ito at inilahad ang palad habang palapit sa kanya. His lips curved in a leering smile. Ginagap nito ang kamay niya at hinaplos ng daliri nito ang likod ng palad niya. “Let’s enjoy the view. We are almost there.”
Likod pa lang ng palad niya ang hinahaplos nito pero pakiramdam niya ay kaya nitong haplusin pati ang kaluluwa niya. Ni hindi niya magawang bawiin ang kamay dito. Nagugustuhan niya ang sensasyong gumagapang sa katawan niya.
“Where?” Saka niya naalalang di niya alam kung saan sila pupunta.
Unti-unti ay lumapit ang yate nila sa lupa. Nagtatayugan ang mga granite cliffs na mistulang higanteng gintong mga bundok dahil sa sikat ng araw. Malinaw din ang tubig dahil natatanaw niya ang mga corals sa ilalim.
“Welcome to Capo Sant’ Andrea, Taormina, Sicily.”
Na-excite siya nang banggitin nito ang Sicily. “Wow! Mount Etna and the Mafias.” Ang dalawang iyon ang nagpasikat sa pinakamalaking isla sa Mediterranean. At setting din ng popular na pelikulang Godfather. “Makakakilala ba ako ng Mafia?”
Humalakhak ito. “They lurk in the dark, Synn. Hindi sila maglalakad sa kalsada na parang artista o pulitiko. Though Sicilians are quite proud about their Mafias.”
“Hindi ka ba nai-insecure dahil mas sikat sa iyo ang Mafias?”
“No. I am a proud sailor, Synn. Doon kami nabuhay ng pamilya ko.” Inilahad nito ang mga kamay. “We are here at La Bella!”
Napanganga siya nang makita ang magandang Mediterranean villa sa tuktok ng matarik na granite cliff. Napalunok siya. “Paano tayo aakyat diyan?”
Hindi naman siya si Spider man o si Superman.
Lumigid nang bahagya ang yate nito at doon niya natuklasan na may isang maliit na pier. Mukhang pribado ang pier na iyon at para lamang kay Andreas. May hagdan na doon paakyat ng villa pero sa palagay niya ay mauubos muna ang lahat ng tubig niya sa katawan bago niya maakyat. Noong una ay excited siya. Sinubukan niyang bilangin ang mga baitang …until she lost count.
“Wala ka bang elevator o escalator paakyat dito?” tanong niya kay Andreas nang nakakatatlumpung hakbang na siya ay hindi pa niya nakikita ang dulo ng paikot na hagdan na sinundan ang natural na porma ang granite cliffs. Ang mga gamit nila ay nakita niyang inakyat ng cable basket.
Walang sabi-sabing binuhat siya ni Andreas. “Ako na ang bahala sa iyo.”
Nahigit niya ang hininga. Hindi niya napaghandaan ang bigla nilang pagkakalapit at ang init ng matipuno nitong katawan. Naroon bigla ang kagustuhan niyang protektahan ang sarili dito. “Andreas, ibaba mo ako!”
“Wala akong elevator pero kaya kitang buhatin hanggang taas.”
There was no doubt about his power. Pero ayaw niyang manghina sa mga bisig nito. Ayaw niyang magkadikit ang katawan nila. Ayaw niyang malanghap ang nakakaakit na panlalaking bango nito. At lalong ayaw niyang kumapit sa leeg nito.
Tumigil ito sa pag-akyat at matiim na tinitigan ang mga mata niya. “Do you really want to argue with me? Hahalikan kita kapag hindi ka tumigil.”
Itinikom na lang niya ang bibig at iniwas ang tingin dito. He was at her mercy. Itinuon na lang niya ang tingin sa magandang view sa baba. Hindi niya ito titingnan kahit na magka-stiff neck pa siya.
Parang napakatagal ng panahon hanggang makarating sila sa tuktok. “Sa wakas!” usal niya at tiningala si Andreas. “Pwede mo na akong ibaba.”
“Sure.” Pero di siya nito basta-basta inilapag. He made sure that his delectable body would slide against her own as he put her down. Nag-aakusa ang mga mata niya nang salubungin ang pilyong ngiti sa mga mata nito. He deliberately did it. Nag-init ang pisngi niya. “Does that blush go all over your body?”
Itinulak niya ito sa dibdib at humakbang paurong. “Maganda ang villa mo.”
Iniikot siya nito sa bahay. May gate sa harap ng bahay at may kalsada na pwedeng daanan ng sasakyan. Maganda ang hardin sa paligid ng villa at karamihan daw ang endemic sa Sicily.