Heartbreakers Series Chapter 62

Sa kuwarto niya ay makikita ang garden at ang view ng Mediterranean Sea. Presko doon at parang di niya masyadong mami-miss ang kuwarto niya sa isla. Parang gusto na naman niyang matulog nang makita ang four-poster bed. Mas gusto niya ang villa na iyon kaysa sa cabin sa yate ni Andreas.

Binuksan nito ang sliding glass door at lumabas ng terrace. “Nasa kabila lang ang kuwarto ko. We will be sharing the terrace.”

Natigilan siya sa pagsasaya. “Ha?” Dali-dali siyang tumakbo sa pinto para I-check ang lock. Wala siyang tiwala kay Andreas.

“Hindi ka papasukin ng magnanakaw o masasamang loob. I am here to protect you, Synnovea.”

Nilingon niya ito. “But who will protect me from you?”

“Cara, I won’t hurt you. Ako ang kahuli-hulihang lalaki na gugustuhing masaktan ka. At hindi ako gagawa ng bagay na di mo magugustuhan. I will make sure that you will enjoy… my company.”

Kinuyom niya ang palad at pinigilan ang sarili na suntukin ang kama. She was trapped in that place. At dahil pribado ang villa nito, di niya alam kung paano ito tatakasan. Hindi naman siya pwedeng lumangoy sa dagat o maglakad sa bundok. Baka mas lalo siyang maligaw at hindi siya fluent sa Italian. May iba pang paraan para takasan ito nang di siya nito naaakit habang nagbabakasyon sila.

“Sila Tita Paquita kailan dadating dito?” tanong niya.

“Perhaps tomorrow. Don’t worry. I will keep you entertained.”

Lalo siyang natakot sa ideya nito na aliwin siya. Magkasama sila ng isang gabi. Isang karima-rimarim na bagay lang ang pumapasok sa isip niya.

“Hindi mo ba iimbitahan ang ibang babae mo dito? Mas masaya siguro kung may iba tayong makakasama dito.”

“Your company is more than enough for me. Hindi ko na kailangan ng ibang babae. So put your best dress on. We’ll dine out tonight.”

Nanlalambot niyang ibinagsak ang sarili sa kama nang iwan siya nito sa kuwarto. Hindi niya alam kung tamang ideya na manatili pa siya sa Sicily. Mukhang dapat na niyang simulang lumangoy pabalik ng Pilipinas kung gusto pa niyang iligtas ang sarili niya mula kay Andreas.

NAMAMALUKTOT si Synnovea sa kama at nakapikit. Dapat ay naghahanda na siya para sa dinner nila ni Andreas pero di pa rin nawawala ang sakit ng puson niya. Parang ikamamatay na niya ang sakit. Suot pa niya ang beige vircose gown. It must have been crumpled by now. Malayo siya sa pamantayan ng bella figura na dapat ay maging presentable ang isang babae kapag haharap sa mga tao.

Kumatok sa pinto si Andreas. Nakailang balik na ito. “Synnovea, we have to go. Baka mawala sa atin ang reservation natin.”

Mukhang sa isang elegante at sikat na restaurant nagpa-reserve si Andreas. Nahihimigan na niyang nauubusan na ito ng pasensiya.

“Ikaw na lang ang pumunta. Masama ang pakiramdam ko.”

“What? At paano ako?” iritado nitong tanong.

“Go find a date. Wala kang magiging problema doon. Don’t mind me.”

Biglang bumukas ang pinto.

“Synnovea, are you testing my patience? Hindi pwedeng masama ang pakiramdam mo.” Hinaklit nito ang braso niya. Hindi siya natinag. Kahit na ihagis pa siya nito sa dagat, di niya ito kayang labanan. Binitiwan nito ang braso niya at hinaplos ang noo niya na pinagpapawisan. “Oh, God! Anong nangyari sa iyo?”

She forced a smile. “Just a little abdominal pain. I will be fine. Uminom na ako ng gamot. Go now. Enjoy your night.”

“Do you expect me to traipse around town and leave you here? May sakit ka pala, bakit di mo sinabi?”

Nahigit niya ang hininga nang sumigid na naman ang panibagong sakit sa puson niya. “Dysmennorhea lang ito. This is normal with women.”

It was a lie. Wala siyang period kaya hindi iyon dysmennorhea. There was something wrong with her body. At pilit niyang nilalabanan ang sakit na iyon.

Pinindot nito ang intercom. He barked orders in Italian. Matapos ay umupo ito sa kama at hinaplos muli ang noo niya. Nang bumukas ang pinto ay naulinigan niyang pumasok ang katulong nito. “Here. Hot compress para sa abdomen mo.”

“Thank you,” usal niya at bahagyang ngumiti nang makaramdam ng ginhawa dahil sa init ng hot compress na unti-unting kumalat sa katawan niya. Nanlaki ang mata niya nang tanggalin nito ang black coat. “Anong ginagawa mo?”

Humiga ito sa likuran niya. Hinapit nito ang katawan niya para sumandal dito at ipinatong ang isang kamay sa kamay niya. He tucked her head under his chin.

Lalong dumiin ang kamay nitong nakapatong sa kamay niyang nakahawak sa hot compress. “Stay put. This will make you feel better.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.