“Kaya ko na ang sarili ko.” Lalo siyang di gagaling kung iyon ang inaakala nitong solusyon para gumaling siya. Baka maging paranoid na din siya.
“Alam ko kung ano ang ginagawa ko,” mariin nitong wika.
“Ganito ka rin ba sa mga girlfriend mo?”
“They don’t stay around long enough for me to find out.”
“Of course. How can you make love to a girl who has a period?” Interesado lang naman ang mga lalaki kapag napapaligaya ang mga ito ng mga babae. Andreas didn’t hang around for long to see a woman suffer.
“Bakit hindi mo na lang ipikit ang mata mo at matulog ka na?” Hindi pa rin siya nito binitiwan. At dahil masama ang pakiramdam niya ay wala siyang laban dito.
“Ayoko ngang matulog.” Malay ba niya kung ano ang gagawin nito sa kanya habang natutulog siya. She needed to defend herself.
Huminga ito nang malalim. Naisip tuloy niya na parang malungkot ito. “Wala kang tiwala sa akin. I won’t force a woman in pain. If I will make love with you, it’s because you want me to. Parang hindi ako tao kung pupwersahin kita. Wala akong makukuha sa pananakit sa isang babae.”
Bakit nga naman ito mamumuwersa ng babae samantalang mga babae mismo ang naghahagis ng sarili dito? With an amorous man like Andreas, it won’t be easy even for her to say no.
“Pwede mo naman akong iwan dito.”
Idinikit nito ang labi sa tainga niya. “Want me to kiss you?”
She stiffened and held her breath. May panakot ito sa lahat ng pagkontra niya. “Just making a conversation. Ayoko pang matulog.”
“Bakit hindi ka pa nagkaka-boyfriend?”
Hindi niya inaasahan na iyon agad ang itatanong nito sa kanya. Madalas kasi ay tinutulugan lang niya ang usapang iyon. Di niya ugaling ipaliwanag ang sarili sa iba.
“I feel complete without a man,” she declared.
She heard his chuckle and his body quaked when he laughed. “I have one scary self-sufficient female in my arms. Hindi ako naniniwala diyan. Men and women have needs. Emotionally and physically.”
“Sabi nang kaya kong mabuhay nang walang lalaki!”
“Baka naman natatakot ka lang.”
“Ano naman ang katatakutan ko? Inconvenient na ma-in love ako. Saan ko ilalagay ang lalaki sa buhay ko? Panggulo lang iyon.”
“Tuwing nakikita ko kung gaano kasaya ang mga magulang ko dahil nagmamahalan sila, naiinggit ako. I wish I would fall in love and find a good woman like my mother.”
She thought Andreas was unfeeling. Ayaw nitong ma-in love dahil ayaw nitong matali sa iisang babae. Di kaya hinahanap lang nito ang babaeng tunay nitong mamahalin kaya sinu-sino ang ka-date nito. It must be hell searching for the right one.
“Ayaw mo bang magkaanak? Hindi daw kumpleto ang babae kung walang anak.”
“Gusto ko nang magpahinga,” wika niya nang di masagot ang tanong nito.
Synnovea, please! Isang taon lang ang hinihingi ko sa iyo. Isang taon para mahanap mo ang lalaking para sa iyo at magkaroon ng pamilya. Then you have to go through all those awful medical procedures. You will live a healthier life.
Matatapos ang isang taon niya at maitutuloy na niya ang balak niya. Gagaling siya sa sariling paraan. Nang di kinakailangan ng tulong isang lalaki.
Humarap siya kay Andreas at natuklasang mahimbing itong nakatulog. Napagod din marahil ito sa biyahe nila kanina. Nakatulugan na rin nito ang white long sleeve polo at ang trousers nito. Ni hindi siya nito iniwan para magpalit ng damit.
Her finger traced his face without really touching it. Heto na ang lalaking sasagot sa lahat ng problema niya. Just a kiss from her. Just a touch from her. Just a single word from her and he would gladly take her. Mabibigyan siya nito ng magandang anak. Maibibigay din nito sa kanya ang mas mahaba pang buhay. Kung maibababa lang niya ang depensa niya kay Andreas, malalabanan din niya ang sakit na nagbabanta sa kanya.
Argh! It was hell. Di ordinaryong lalaki si Andreas. He had a magnetic personality even when asleep. Samantalang sa ibang lalaki ay awtomatikong nagsa-shut down ang pandama niya. Kahit yata gayumahin siya ay di siya naaapektuhan. Mukhang di nga siya kasing manhid gaya ng inaakala niya pagdating kay Andreas. That was dangerous.
Mariin siyang pumikit at muling tinalikuran si Andreas. Kaya niyang mabuhay nang wala ito o kahit sinong lalaki. Hindi niya ito kayang gamitin lalo na’t hindi lang init ng katawan ang hinahanap nito sa isang babae. Naghahanap din ito ng magmamahal dito. Hindi ito kasing sama ng iniisip niya.
Andreas deserved a woman better than her. At kung anumang atraksiyon ang nararamdaman niya para dito ay lalabanan niya. Manhid siya! Di siya maaaakit dito. At lalong di siya mai-in love.