Parang bagong tao si Synnovea nang idilat ang mata. Masamang bangungot lang na sumakit ang puson niya. It was a perfect view outside her room. Asul na asul ang dagat at may mangilan-ngilang sailboat na dumadaan. Salamat kay Andreas na nagbantay sa kanya buong gabi.
Bumiling siya sa kama at wala na ito. Parang panaginip lang din ang lahat dahil di sila nagtalo. At gaya ng pangako nito ay di siya nito sinamantala.
Gumuhit ang ngiti sa labi niya at isinubsob ang mukha sa unan. His manly scent was imprinted on the pillow that he used. Sleeping with him wasn’t so bad at all. At tuluyan nga nitong naitaboy ang sakit na nararamdaman niya. Dati kasi ay nasanay na siya nang tiisin ang sakit nang mag-isa. Wala na ang sakit pero di pa rin mabura sa isip niya ang init ng katawan nito at ang haplos nito sa kanya.
“What are you doing?” narinig niyang tanong ni Andreas.
“The pillow has your smell,” she said in a muffled voice.
“Bakit nagtitiis ka sa unan? The real thing is better.”
Nahigit niya ang hininga at tuluyan nang nawala ang antok niya. Bumalikwas siya ng bangon. Nakatayo si Andreas tabi ng kama. Katatapos lang nitong mag-shower at mukhang mabangong-mabango. The real thing was indeed better.
Lagot na! Nahuli siya nitong sinisinghot ang bango nito. Wala talagang buting idudulot na pagnasaan ang isang lalaki.
Hinawakan niya ang unan at ipinagpag. “Ang baho ng pabango mo. Dumikit sa unan ko. Pwede bang palitan ang punda nito?”
Lalong lumapad ang ngiti nito. “Bakit mo inaamoy kung ayaw mo?”
Napansin niya ang tray na nakalapag sa low table ng kama. “Para sa akin ba iyan?” pag-iiba niya ng topic.
“Yes. May masakit pa sa iyo?” tanong nito at umuklo sa harap niya.
She was taken aback. There was so much warmth and concern in his eyes. Nakalimutan na tuloy niya na dapat ay mainis siya dito. “Sa terrace na lang tayo kumain. I want to see the view,” request niya.
Dahil hindi nakapaghapunan nang nakaraang gabi ay hindi niya tinigilan ang finnochio con sarde o fennel and sardines na local recipe sa Sicily.
“Hindi mo naman kailangang magdali. In Italy, we take our take whenever we eat. Iyon ang paraan namin para ma-appreciate ang pagkain,” wika ni Andreas.
Itinaas niya ang kamay. “Huwag kang kontrabida. Ganado akong kumain.”
“Hindi siguro madaling maging babae. You have your monthly cycle and cramps. Tapos mahirap din magbuntis at manganak.”
“At kapag nagbuntis ang isang babae, iniiwan naman ng lalaki.”
Lumamlam ang mga mata nito. “Hindi ako katulad ng lalaking sinasabi mo. Pinalaki ako na family oriented. A man must be responsible for his family. Kaya kung magkakaanak ako sa kahit sinong babae, hindi ko tinatakbuhan.”
“Paano ka nakakatiyak na wala kang babaeng naanakan?”
“I am very sophisticated in that aspect,” wika nito at humigop ng kape.
Hindi ba nangangarap ang mga babae nito na magkaroon ng anak mula kay Andreas? O sopistikada rin ang mga babaeng iyon. Dumadaan lang ang mga babae sa buhay ni Andreas. Walang nagtatagal.
“Anong oras dadating si Tita Paquita?” Di na siya komportableng pag-usapan ang sex life at love life ni Andreas. Baka ano pa ang matuklasan niya.
“They are not coming anymore. Tumawag si Papa kanina. Nagtanan daw sila.”
Naningkit ang mata niya. “Nagtanan sila?” marahan niyang tanong para tiyakin kung tama nga ang narinig niya. Tumango ito. “Matatanda na sila, di ba?”
“Gusto nilang maalala ang fuitina o pagtatanan nila. Alam mo ba na di lang iyon sa Pilipinas nangyayari? They still have that tradition here in Southern Italy. Gusto daw nilang bumalik noong mga bata pa sila.” Isang turista si Paquita at nakilala ni Stefano sa Venice. Hindi na naghiwalay ang dalawa. Dapat ay ikakasal na si Paquita sa ibang lalaki na pinili ng magulang nito kaya itinanan ni Stefano. “Nasa Cyprus sila ngayon sa bagong hotel nila Nikos. My father sent his apologies. Pag nasa romantic mood siya, hindi mo siya pwedeng pigilan.”
Mukhang aliw na aliw si Andreas sa nakaugalian ng magulang. Kapag ba na-in love ito ay itatanan din nito ang babae? Masarap kaya itong magmahal?
Ipinilig niya ang ulo nang analisahin ang tinatakbo ng isip. “Paano ako?” Ibig sabihin ay sila lang ni Andreas ang magkakasama. Umuwi na lang kaya siya? Di niya ito dapat abalahin sa paghahanap ng babaeng mamahalin nito.
“I am at your disposal, signora. All I need is your trust.”
SYNNOVEA was exhilarated riding the cable funicular from the coast of Mazzaro to the old town of Taormina. Nakadikit ang pisngi niya habang pinagmamasdan ang dagat at ang mga bahay paakyat ng bundok. Nasa ibabaw ito ng Mount Tauro. Excited na siyang dumating sila sa cable station.
“Andreas, amphitheater ba ang nakikita ko?”
“Yes. It’s a Greco-Roman Amphitheater,” sagot nito na nakahalukipkip lang habang pinagmamasdan siya. Mula sa villa nito sa Capo Sant’ Andrea ay idinala sila ng yate nito sa Mazzaro Beach kung saan sila sumakay ng cable car.
“Mount Etna ba iyon?” tanong niya at itinuro ang matayog na bundok na may puting caps sa ibabaw.
“Yes. That is Mount Etna, the highest and most active volcano in Europe.” Inilagay niya ang wide brim hat sa ulo niya at isinuot naman nito ang shades nito. “Malapit na tayong bumaba.”
“Kaya ayokong makikipag-date sa mga sikat,” pabiro niyang sabi.
Hindi na niya tinanong kay Andreas kung ano ang nangyari sa mga pictures nila. Basta daw magsuot lang siya ng shades at wide-brim hat, hindi na nila problema ang mga reporters. They could lose themselves to the throng of tourists.
Nang makarating sa cable station ay natigilan siya. Wala kasi siyang makitang taxi. Hinawakan lang ni Andreas ang kamay niya at naglakad sila.
Tumigil sila sa isang motorcycle rental shop. Maraming scooter at maliliit na motor na nakaparada doon. “Andreas, hindi ako marunong mag-drive.”
“Umangkas ka sa akin.”
She ditched her wide-brim hat and replaced it with the helmet. Kumapit siya nang mahigpit sa baywang nito nang humarurot ang motorino sa kalsada ng Taormina. Andreas was a smooth driver. Hindi siya nakaramdam ng takot kahit na humahampas ang hangin sa mukha niya. Ihinilig niya ang pisngi sa likod nito at ngumiti siya nang marinig ang halakhak nito na sumasama sa hangin. She wished she could throw caution to the wind just like him.