Heartbreakers Series Chapter 66

Tumulong sa paghahanda ng pagkain si Synnovea sa kabila ng pagtutol ng two-star Michelin chef ni Andreas. Breakfast was set at the gazebo.

“Good morning!” bati ni Synnovea nang lumapit si Greco. “Ipinagluto kita!”

“Bakit? May chef naman ako.”

“Don’t look horrified. Edible iyan. Di ka ba ipinagluluto ng mga girlfriend mo?”

Umiling si Andreas. “Walang girlfriend ko na nagluto para sa akin.”

“Ha? Sa dami nila, kahit minsan walang nagprisinta?”

“Walang nagkainteres na magluto para sa akin. They are too busy thinking what my Michelin star chef would cook for them, kung saang magazine maipa-publish ang pictures nila kasama ko, kung saang mamahaling restaurant, bar o resort ko sila dadalhin o kung sinong kakilala kong sikat ang makikilala din nila.”

Andreas was taking it lightly. Pero hindi ito masaya.. Ang nakikita niya ay isang lalaki na nag-iisa sa kabila ng magagandang bagay at sikat na taong nakapaligid dito.

“Hindi mo na nga naman kailangan ng babae para ipagluto ka. You got one of the best chefs in the world cooking exclusively for you.”

“All I want is a girl who will cook for me with all her heart. Sabi ko nga ang unang babaeng magluluto sa akin ang pakakasalan ko.”

Muntik na niyang maibuga ang kinakain sa sobrang gulat. Hinaplos niya ang sariling dibdib at uminom ng peach juice. “Hindi naman kita ipinagluto. Inalalayan ko lang si Chef,” paglilinaw niya. “Saka gusto ko lang bumawi dahil nag-enjoy ako sa bakasyon ko dito sa Sicily.”

“Akala ko naman dahil nai-in love ka na sa akin.”

Napamaang siya nang salubungin ang nanunukso nitong mga mata. “You are the perfect host, Andreas. At kung gusto mong maging komportable ako, alisin mo sa isip mo na mai-in love ako sa iyo,” aniya at kinudlitan ng daliri ang dulo ng ilong nito.

He caressed her face. “Hindi na kita tutuksuhin kung sasabihin mo kung bakit ayaw mo sa akin. Maybe I will reconsider.”

“Andreas...” She wanted to speak out for the first time. Kung paanong di siya minahal ng mga taong inaasahan niyang magmamahal sa kanya dahil sa kagagawan ng magulang niya. Kung paano siyang hiniya sa harap ng ibang tao nang malaman kung sino siya. She wanted to trust him. Kahit malaman pa nito ang kahinaan niya.

Tinapik nito ang kamay niya nang lumipad ang chopper sa di kalayuan at nag-landing sa helipad. “Synnovea, wait! I think we got visitors.”

Tatlong matatangkad na lalaki ang bumaba ng helicopter. They looked like they had just stepped out from GQ magazine. Kahit na isama si Andreas, walang itulak-kabigin sa mga ito. Mga malalapit itong kaibigan ni Andreas. All of them were sharing the same fame and wealth like him.

Andreas swore under his breath. “Anong ginagawa nila dito?” Hindi nito inaasahan ang pagdating ng mga kaibigan ni ayaw yata nitong makita ang mga iyon.

Kumaway si Nikos ang half-Greek na nagmamay-ari ng La Brissa International Chain of Hotels. “Andy! I am just in Piraeus. Sabi mo pupuntahan mo ako doon.”

“He obviously doesn’t want to come to you. May mas importanteng bagay siyang inaasikaso,” sabi ng French blooded na wine industrialist na si Marcoe. Kinamayan siya nito. “I am Marcoe Arezmendi.”

“Synnovea Alcaraz. I am a family friend.” Isa na iyong paglilinaw na wala silang relasyon ni Andreas. Naroon lang siya para magbakasyon.

Nanlaki ang mata ni Wyndham na siyang namamala sa airlines business ng pamilya nito. Ito rin ang piloto ng chopper. “That’s her!” At tiningnan nito ang papel na hawak. “She’s the virginal bridesmaid. Andreas’ new girlfriend.”

Namutla siya. At pagalit namang hinablot ni Andreas ang papel mula kay Wyndham. Nasa print out ang picture niya sa kasalan at ang eksena na magkausap sila ni Andreas. “It was Ryuji who told about that blog post. Isa sa mga bisita sa kasalan ng kaibigan ninyo ang nag-post niyan.”

“Tapos nakunan pa kayo ng mga paparazzi. Kahit sa akin ayaw sabihin ng mga tauhan ko sa hotel kung sino ang kasama mo,” nailing na wika ni Nikos.

Hindi pa rin siya makapaniwala. She was remarked by the author as ‘The bitch who manipulated Andreas del Pierro the whole party. An old virginal bitch’. Ngumiwi siya. Di niya alam na ganoon kalala ang kalalabasan ng pagpunta niya sa Italy.

“This is not fair! Dapat sa amin mo unang sinasabi ang tungkol dito,” angal ni Wyndham. “Mauuna ka na bang ikasal sa akin?”

Nahihilo na siya sa mga pangyayari. Halos walang ipinagkaiba ang mga kaibigan ni Andreas sa mga reporter.

“Have you had your breakfast?” tanong niya sa tatlo. “Sasabihin ko lang kay Chef Vicenzo na ipaghanda kayo. Excuse me!”

Naninikip ang dibdib niya at hindi siya makahinga. Ayaw niya nang nagpapaliwanag sa kahit na sinong tao. Mas gusto na lang niyag tumakbo madalas. Sa pagkakataong ito, hahayaan niya si Andreas na magpaliwanag sa mga kaibigan nito.

Nilingon niya si Andreas na patuloy pa ring tinutukso ng mga kaibigan nito.. Andreas made her feel beautiful and important. All woman. She loved the feeling. Kahit na alam niyang mali.

PUMALATAK si Nikos na nakasandal sa lounging chair at nakaunan ang kamay. “Tatlong gabi na kayong magkasama pero hindi ka pa nakaka-first base? Di dapat sa iyo mapunta ang titulong ‘Hottest Man Alive’.”

Matalim ang mga mata ni Andreas nang nilingon si Nikos. Isang malaking dilemma na sa kanya kung paano paaamuin si Synnovea. Dumating pa ang mga kaibigan niya para lalong guluhin ang mundo niya. At ngayon ay pinag-uusapan na ng mga ito ang love life and sex life niya.

Dinampot niya ang peras na nasa talaksan ng prutas sa mesa at binato ito. “Shut the hell up, Nikolos!” sigaw niya sa sobrang iritasyon.

Mabilis na nasalo ni Ryuji ang peras at kinagatan nito. “You are losing your cool. That is bad for you.”

Isa pang chopper ang dumating kalaunan sakay sina Ryuji at Alonzo. Parang grand reunion tuloy nila iyong magkakaibigan. Matagal na silang magkakaibigan. Halos magkakapatid na kung magturingan.

“You are obviously in a dire situation, Andy. Nahihirapan kang paamuin si Synnovea. Iyong ibang mga babae, dikit nang dikit sa iyo. Siya naman tinakasan ka ,” sabi ni Marcoe.

“Paano mapapaamo ni Andreas? Nagsuguran agad tayo dito para mag-celebrate. Hindi pa naman pala nakakapanligaw iyan,” sabi ni Alonzo na ang tingin ay nasa malawak na dagat.

Tiningala niya ang villa. Matapos ang agahan ay nagpaalam si Synnovea na mag-I-sketch muna ng design nito. Pero tumatakas lang ito. Binigla kasi ito ng mga kaibigan niya. Sanay si Synnovea sa buhay nito sa tahimik na isla. Di ito sanay na maibulgar sa publiko ang buhay nito. No wonder she ran scared.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.