Heartbreakers Series Chapter 67

Matagal na niyang gustong masolo si Synnovea pero tuwing lalapit siya ay lagi na lang itong umiiwas. Ito na sana ang pagkakataon niya. Nasayang pa.

Humalukipkip siya at mariin ang labi nang igala ang paningin sa mga kaibigan. “Sino ba ang kumaladkad sa inyo dito?”

Ang alam niya ay busy pa ang lahat sa mga trabaho at sa isang linggo pa sila magkikita sa Pireaus, Greece, sa family estate nila Nikos. Karamihan sa mga ito ay nasa iba’t ibang parte ng mundo at malabong maligaw sa Italy.

Itinuro ng lahat si Wyndham na namumuwalan pa sa paborito nitong cannoli, ang pinakamasarap na dessert sa buong Italy. “Bakit ako lang? Gusto rin naman ninyong malaman kung ano ang nangyayari kay Andreas at kay Synnovea, di ba?”

“Nananahimik kami ni Reese sa Paris tapos bigla ka na lang sumulpot,” depensa naman ni Marcoe. “Kayo ni Nikos ang pasimuno. Mas tsismoso ka lang.”

Tinapik niya ang mesa para kunin ang atensiyon ng lahat. “Nandito lang si Synnovea para magbakasyon. Inimbitahan siya ni Mama. Matagal na niyang gustong mag-stay sa Italy si Synn.”

“Kung magbabakasyon siya, hindi mo siya dito dadalhin. May mga bahay kayo sa Florence, sa Venice at sa Verona. This is your private villa, Andreas. Kahit ang press di alam na may villa ka dito. At kahit minsan di ka pa nagsama ng babae dito. What does it mean?” naghihinalang tanong ni Ryuji.

“Synnovea Alcaraz, the pearl princess. Noong eighteen years old ka, sabi mo liligawan mo si Synnovea kapag nag-eighteen siya,” wika ni Alonzo.

Nagulat siya dahil bata pa siya nang sabihin niya iyon. “Natatandaan mo pa rin iyon hanggang ngayon?”

“Of course. Nang ipadala ni Ryuji sa amin ang blog post, naisip ko na agad na siya ang babaeng iyon. My mother wears some of her creations. I think she is more decent compare to your other girlfriends.” Ngayon lang ito nag-approve sa isang babae na nagustuhan niya. And he needed that. He liked Synnovea badly.

“She’s not interested with a relationship.” Parang matindi ang allergy ni Synnovea sa pakikipagrelasyon. He wondered why.

Ang alam niya ay lumaki itong walang magulang dahil namatay ang mga magulang nito noong bata pa lang ito. Lumaki naman ito sa mapagmahal na Tita Beatrix nito. O baka nasanay lang ito nang di kailangan ang isang lalaki. She was a self-sufficient female. Kaya nitong patakbuhin ang pearl farm na minana nito sa lolo nito nang walang ibang katulong. She could bring a man down on his knees.

Tumikhim si Nikos at tinapik siya sa balikat. “Mukhang kailangan mo ng tips galing sa akin. Mukhang kinakapos na ang talent mo.”

Pinalis niya ang kamay nito at uminom ng pilini. Pinaghalo iyong sparkling wine at peach juice. “Synn and I should be at Isola Bella.”

Isa iyong paraiso na di kalayuan sa Capo Sant’ Andrea. It was a perfect place to snorkel and relax. Synnovea would love it for sure.

Pumalakpak si Wyndham. “Ah! Isola Bella. Pumunta na tayo.”

“Kami lang dapat ni Synnovea. Kami lang,” giit niya. “Don’t you have plans to go someplace else? Anywhere! Just leave us alone. Nasisira ang bakasyon namin.”

“Parang ipinagtatabuyan mo na kami,” angal ni Wyndham.

“That’s exactly the point!” he stressed.

Mahirap ang pinagdaanan niya para lang masolo si Synnovea. Kailangan pa niyang mag-overtake kay Gianfranco at siya ang sumundo kay Synnovea sa hotel. Sa halip na dalhin sa isang trip sa Italian Riviera ay idinala niya si Synnovea sa Taormina. At kinailangan pa niyang kontratahin ang Papa niya na itanan muna ang nanay niya at dalhin sa Cyprus para tuluyan nang maipamahala sa kanya si Synnovea. He never through such extent for a woman before.

Minasahe ni Wyndham ang balikat niya. “Have a heart. Isang araw lang kami dito. How I long to have a vacation. Kailangan kong mag-isip. My father wants me to marry some Mediterranean baroness. All I want is a day at Isola Bella.”

Hindi na niya matagalan ang pag-ungot ni Wyndham. Kapag mabigat ang problema nito, stress reliever na para dito ang mambulabog ng iba.

“Okay. Just a day and you will leave us first thing in the morning.”

Gusto niyang maniwala na unti-unti nang lumalambot ang puso ni Synnovea sa kanya. Ayaw niyang pakawalan ang pagkakataong iyon.

NANG sabihin ni Andreas na lahat sa bayan ng Taormina ay maganda, nagsasabi ito ng totoo. Kahit saan yata sila pumunta ay wala siyang itulak-kabigin sa ganda ng tanawin. Naka-angkla ang barko nila sa Isola Bella. Isa iyong isla sa Timog ng Taormina. It was considered as “Pearl of the Ionian”. Gusto niya ang granite rock formation na bumubuo sa mga islet sa paligid.

Nasa upper deck siya ng barko habang nasa lower deck naman si Andreas at ang mga kaibigan nito na nangingisda. Hindi siya inabala nito dahil hawak niya ang sketch pad niya at nakalapag sa harap niya ang iba’t ibang mga libro na ibinigay sa kanya ni Andreas tungkol sa fashion statement sa Roman civilization.

“Synnovea!”

Napatingin siya sa lower deck nang marinig ang pagtawag ni Wyndham sa kanya. Itinuturo nito si Andreas na nakatitig sa kanya. Naghiyawan ang lahat nang mag-flying kiss ito. Naramdaman niya na nag-init ang mukha niya. Akala niya ay matindi na kapag inaakit siya ni Andreas nang silang dalawa lang. Mas malala pala kapag may nanunukso sa kanila. And she was actually blushing like a teenager.

Nang magsalubong ang mga mata nila ni Andreas ay mabilis niyang ibinaba ang tingin. Nakaka-distract nga ito sa konsentrasyon niya. Hindi siya makapag-focus sa trabaho niya. Kahit may distansiya sa pagitan nila ay kaya nitong panginigin ang kamay niya. Hindi niya mahawakan nang matino ang lapis niya. Pinagmasdan niya ang papalubog na araw. Bukas ba ay ganito pa rin ang mararamdaman niya?

“Nice sunset, isn’t it?”

Nagulat siya nang may magsalita di kalayuan sa kanya. It was Alonzo Luminares. Ito ang kaibigan ni Andreas na pinakatahimik. Natulog nga pala ito kaya di sumama kina Andreas na mangisda.

“Pinakamaganda pa rin ang sunset sa Pilipinas. But there is something about the sunset here that makes it appealing.” Mas matingkad ang sunset sa bahaging iyon ng mundo. Nagmistulang dugo ang kulay ng langit maging ang araw.

“Wala ka na bang sakit?” tanong nito.

“I feel better now. Sinabi ba ni Andreas sa iyo? Natakot yata si Andreas dahil first time niyang nakakita ng babaeng may dysmenorrhea.”

Kung ganoon ay masyado ngang malapit ang magkakaibigan sa isa’t isa. Pati ang abdominal pains niya kailangan pa nitong I-share sa mga kaibigan.

Di ito nagsalita at tinitigan lang siya nang matagal. Natatakot siya sa maiitim na mga mata nito. Parang kaya nitong basahin ang mga sekreto at iniisip niya. Something was telling her that he knew a lot.

“Do you still have pelvic pain and abdominal pain? Dumadalas ba? Anong sabi ng mga doktor tungkol sa sakit mo?”

“Normal lang naman ito sa mga babae.”

“An ovarian cyst and an inverted uterus need special attention.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.