Heartbreakers Series Chapter 68

Nabitiwan niya ang hawak na lapis at gumulong iyon sa sahig. Hindi na niya napansin dahil nakatitig lang siya kay Alonzo. His cruel eyes were telling her that he knew everything. “You had me investigated.”

Hindi pala basta-basta ang kaharap niya. He belonged to the Luminares clan who were political superpowers in the Philippines.

Sumandal lang ito sa pader ngunit nasa malayo na ang tingin nito. “Andreas is like a brother to me. Lahat ng mga babaeng nakarelasyon niya, nakaplastada na sa mga tabloids, magazine at internet ang buhay. I didn’t bother with them much. Alam kong dadaan lang sila sa buhay ni Andreas, with little impact.”

“Hindi ako babae ni Andreas,” kontra niya. “Nandito lang ako para magbakasyon.”

“Hindi ba talaga kayo magkakaroon ng ibang relasyon? You need to have a child soon. It is the best solution. Alam ba ni Andreas ang tungkol dito?”

Ilang buwan na ang nakakaraan nang ma-diagnose ng pinsan niyang doktor sa St. Luke’s ang ovarian cyst niya at inverted uterus. Normal na sa kanya na magkaroon ng dysmennorhea kapag may buwanang dalaw. Pero nang huli ay napapadalas ang pagsakit ng puson at balakang niya kahit sa mga normal na araw lalo na kapag napapagod siya sa trabaho. May ibinigay na gamot sa kanya ang doktor para mawala ang sakit pero babalik at babalik pa rin iyon hangga’t di nawawala ang cyst sa obaryo niya at di naiko-correct ang uterus niya. May mga option itong ibinigay sa kanya. Maari siyang uminom ng pills para di siya mag-mentruate. Maari ding operahan ang ovary niya pero tatanggalin ang ovary at maaring maging ang uterus niya. Those two won’t make her as healthy as she was. Para sa isang taong laging active, mahihirapan daw siya. At pinakahuli ay ang pagkakaroon ng anak. Mas maganda daw ay ma-repair ang sistema niya sa natural na paraan kung gusto pa niyang magawa ang karamihan ng dati niyang ginagawa.

Hindi madaling magkaanak o humanap ng lalaki na tutulong sa kanya lalo na’t wala naman sa plano niya ang magkaroon ng pamilya. Mas pinili na lang niyang magpa-opera. Nakiusap lang ang Tita Beatrix niya na palipasin ang isang taon. Minsan na itong inoperahan sa pareho ring sakit at nagsisisi ito. Pangarap pa rin nito na magkaroon siya ng isang masayang pamilya. Ayaw nitong mag-isa siya. Ang gusto lang naman niya ay palipasin ang isang taon at magagawa na niya ang gusto niya.

Andreas was a great temptation. But he was not a brazen, selfish womanizer she thought he was. He wanted to be loved. Kung ilalapit pa niya ang sarili niya kay Andreas, baka mangyari pa ang higit na kinatatakutan niya-ang ma-in love.

Mariing nagdikit ang labi niya. “Hindi na kailangang malaman ni Andreas ang tungkol sa sakit ko.”

“Di mo kailangang sabihing may sakit ka. Isang salita mo lang, parang bulag na siyang susunod sa lahat ng gusto mo. You know how much he adores you.”

“Wala akong planong ganyan,” paglilinaw niya. Akala marahil nito ay gagamitin niya si Andreas para gumaling. Oo nga at ilang beses nang sumagi sa isip niya na samantalahin ang pagkakataon. Pero laging may pumipigil siya. Alam niyang mali kung gagamitin lang niya si Andreas.

Ipinamulsa nito ang kamay at itinuon ang atensiyon sa mga kaibigan na nagkakantiyawan sa nahuling maliit na isda ni Marcoe. “Andreas is every woman’s fantasy. Lahat ng mga babae nagkakandarapang makasama siya. Pero di nila alam na gusto lang niya ng babaeng magmamahal sa kanya. Hindi kita pipigilan kung gusto mong gumaling at mabuhay nang matagal. Huwag mong paiikutin si Andreas. Kung hindi mo siya kayang mahalin, huwag mo na lang siyang paasahin. Oras na gamitin mo lang siya at paglaruan, hindi ka niya patatawarin.”

Unti-unting gumapang ang lamig sa kalamnan niya nang tumalikod si Andreas at bumaba sa lower deck. Umakyat si Andreas dala ang lapis niya. “Nailaglag mo. We’ll have fish for dinner. Gusto mo ba?”

Ngiting-ngiti si Andreas habang ipinagmamalaki sa kanya ang mga nahuli nitong isda. Mukhang malayo ito sa di mapagpatawad na lalaking tinutukoy ni Alonzo. O baka naman isa lang natutulog na bulkan si Andreas. Kapag ginalit ay sumasabog. Hindi niya alam kung sino ngayon ang katatakutan niya. Si Alonzo o si Andreas. Basta ang alam niya, di niya kayang saktan si Andreas.

TAHIMIK si Synnovea habang kumakain ng cannoli at pinagmamasdan ang dramatic landscape ng dagat at Mt. Etna. Nasa isang garden restaurant sila ni Andreas. Matapos umalis ang mga kaibigan nito ay bumalik sila sa central town ng Taormina.

Iyon na ang huling araw niya sa Italy. Tahimik si Andreas. Nagtatampo ito. Ayaw pa kasi nitong umuwi siya. Pero kailangan kundi ay baka pagsamantalahan niya ito. Nag-alala siya. Hindi niya alam kung paano ito pangingitiin. Di siya sanay nang malungkot si Andreas. Pinili na lang niyang tumahimik na lang. Kung magpapadala siya dito, parang ipinahamak na rin niya ito. Mas malaki ang posibilidad na maakit siya nang tuluyan dito.

Kumislap ang mga mata niya nang makita ang barya sa kalye. “Uy! Makakabili ba ako ng gelato dito?” pabiro niyang tanong.

“Barya lang iyan. Baka kahit apa hindi ka makabili.”

“Sayang. Ililibre pa mandin kita.” Ihinagis niya ang barya sa hangin at sinalo. “Kapag nahulaan mo kung anong side lalabas, matutupad ang wish mo.”

Iniwas nito ang tingin. “Mga bata lang ang naniniwala doon.”

Mukhang tuluyan na itong nagtampo sa kanya. Hindi na rin naman siya bata para maniwala sa ganoong kalokohan. Wishes were for fools and children. Pero kung maniniwala si Andreas, gusto rin niyang maniwala na magkakatotoo iyon.

“Wala namang masama kung susubukan mo. Make a wish!” Ihinagis niya ang barya at sinalo saka ipinatong sa likod ng palad. “Anong hula mo?”

Matagal na sandali siya nitong tinitigan. “Tao.”

Ngumiti siya. Akala niya ay hindi na ito sasagot. Natuwa siya nang makita na tao ang lumabas. “Magkakatotoo ang wish mo. Anong wish mo?”

Naging malamlam ang mga mata nito at hinaplos ang pisngi niya. “All I want is a kiss from you. Now make my wish come true, Synnovea.”

She wasn’t able to move when he framed her face with his hands and kissed her gently. He was kissing her for real. Ang mahinay na halik ay naging mas malalim. At nang hapitin nito ang baywang nito ay parang napaso siya pero di niya magawang kumawala. The sensation was new to her yet she could easily get used to it. Lumuwag ang pagkakahawak sa barya at gumulong iyon sa paanan niya pero di niya pinansin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.