SINIKO si Synnovea ng Tita Beatrix niya habang isinasalansan ang mga nahugasan nang plato. “Sabi ko sa iyo gusto ka ni Andreas. Sinuong niya ang bagyo para lang makita ka dito. It is so romantic.”
Iniikot niya ang mga mata nang makita niyang makislap ang mata nito. Parang nagkukwento kasi ito ng isang fairy tale. And she hated fairy tales.
“Huwag kang masyadong ma-excite, Tita. Sanay na si Andreas sa ganyang klaseng bagyo. He loves adventure.”
“Basta ngumiti ka. Huwag mong masyadong susungitan. O mas maganda pa kung aakitin mo na,” suhestiyon nito matapos siyang maghugas ng plato.
She stared at her with disbelief. “Baka tamaan kami ng kidlat. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, Tita.”
“Synnovea, araw-gabi kong ipinagdadasal na sana gumaling ka. At sa palagay ko ito na ang sagot sa mga dasal ko.”
Habang siya naman ay araw-araw na ipinagdadasal na sana ay tuluyan nang lumayo sa kanya si Andreas. Iyon ang dasal ng isip niya pero sa loob niya, masaya siya na makita ito. Mukhang mas dinidinig ng langit ang panalangin ng puso niya at tita niya. Hindi ba naisip ng langit kung ano ang makakabuti sa kanya at kay Andreas? Mas gusto na niyang magkasakit kaysa gumamit ng ibang tao.
Nang bumalik siya sa sala ay binabasa nito ang files sa laptop niya. “Your farm is doing great. And I like your designs,” anito at bahagyang umusod nang okupahin niya ang harap ng laptop.
“Bakit hindi ka matulog? Mag-isa ka lang nagmando ng yate mo. Malamang pagod ka,” walang emosyon niyang sabi.
Inunat nito ang dalawang kamay paitaas. “Ngayon pa ba ako matutulog? Kaya nga ako nagpunta dito dahil gusto kong titigan ka.”
“Hindi ako makakapagtrabaho kung tititigan mo lang ako.”
Ibinaba nito ang kamay at humugot ng malalim na hininga. “What’s wrong, Synnovea? Noong naghiwalay tayo sa Sicily, masaya naman tayong dalawa. Nang umuwi ka dito di mo na sinasagot ang mga tawag ko. Kaya nga ako pumunta dito dahil gusto kong makita ka. Tapos di mo rin ako papansinin. Galit ka ba?”
“Yes. I am mad with your stupidity and impulsiveness. Alam mong may paparating na bagyo pero sumugod ka pa rin.”
“Walang problema. May gadget naman ako na nagbibigay ang satellite feed. Kada segundo, may natatanggap akong report. At maliit lang ang bagyong iyan kumpara sa mga hurricane na hinarap namin ni Gianfranco noon. They are fiercer at the Caribbean. You have nothing to worry.”
“Kahit gaano pa kagaling o ka-hi tech ang equipment mo, di mo dapat hinahamon ang kalikasan. Paano kung mawala ka sa dagat o lumubog ang yate mo? Pag-aalalahanin mo pa kami dito?”
Ilang mga asawa at kamag-anak na ng mga mangingisda ang nakita niya. Pawang mga beterano ng mga bagyo pero umuuwi nang walang buhay. Ang iba pa nga ay di na nakikita ang katawan. Ayaw niyang maranasan iyon,
Kumislap ang mga mata nito at lalo pang lumapad ang ngiti. “I am glad to hear that you are concern about my welfare.”
“Para sa isang taong di nag-iisip, dapat lang na mag-alala ako.” Hindi naman yata nito sineseryoso ang mga sermon niya. Sana di na lang siya nag-alala.
“Paano pa ako mag-iisip kung ikaw na lang ang laman ng isip ko?” Hinawakan nito ang ilang hibla ng buhok niya at kinintalan ng halik. “Iniwan ko ang trabaho ko para lang makita ka. Dahil alam ko mababaliw ako.”
That simple act made her heady. Buhok pa lang nito ang hinahalikan niya ay lumulukso na ang puso niya. Synnovea, get hold of yourself! Buhok lang iyan!
Ibinungkos ng kamay niya ang buhok niya at tinalian. Di na yata ito mauubusan ng tricks para akitin siya. “Hindi ka na sana talaga nag-abala sa pagpunta dito. Hindi naman importante.”
“Anong hindi importante? Yes, I tried to brave storms before. Pero ngayon ko lang iyon ginawa para sa isang babae. Sana ma-appreciate mo naman ang effort ka na pumunta dito para sa iyo.”
Kung ibang babae siguro siya, baka maniwala siyang mahal siya nito. At di rin malabong ma-in love din siya dito. Pero di siya katulad ng ibang babae. Gusto niyang layuan siya nang tuluyan ni Andreas. She couldn’t accept that kind of affection from him.
Isinara niya ang laptop niya at inayos ang salansan ng printed report na dapat niyang pag-aralan. Di rin siya makakapag-concentrate sa trabaho dahil parang isa itong makulit na lamok na humuhuni sa tainga niya.
“Andreas, I really appreciate that you are here. Kaya nga mas maganda kung matutulog na lang tayo. Kailangan mong magpahinga at marami pa akong trabaho bukas.” Baka sakaling humupa na ang bagyo kinabukasan. Kailangan pa niya ng tingnan ang naging damage sa mga bahay ng tauhan niya at sa pearl farm.
Itinukod nito ang mga kamay sa sandalan ng upuan niya.“Goodnight kiss ko?”
“Wala. Di uso ang goodnight kiss dito.”
“Hindi ako matutulog hangga’t walang goodnight kiss. Kahit na matulog ka na, susundan pa rin kita at babantayan.”
“Andreas, you are crazy!” Kapag hindi siya nakapagtimpi, sasakalin na niya ito. Bakit ba pinapahirap nito ang buhay niya?
Humikab si Andreas. “Inaantok na rin ako. Kapag hindi mo ako binigya ng goodnight kiss, ako mismo ang magbibigay ng goodnight kiss sa iyo.”
Patay siya kapag ito mismo ang humalik sa kanya. Matindi ang kapangyarihan ng halik ni Andreas. Kaya nitong bagyuhin ang sistema niya. Mas malakas pa kaysa sa bagyong umaalimpuyo sa labas.
“Oo na. Maggu-goodnight kiss na.” Kinintalan niya ito ng halik sa pisngi at saka nagtatakbo sa kuwarto niya. “Goodnight!”
His masculine laugh seemed to echo with the howling wind. Ikinandado niya ang pinto at saka itinalukbong ang kumot sa kanya nang humiga sa kama.
That was close. Really close. Kung nagmatigas siya at ito pa ang humalik sa kanya, baka di na siya makabalik sa kuwarto niya. Andreas could easily persuade her with whatever he desires. As much as she could, she’d try to save their souls.
She couldn’t ruin Andreas even if it meant her own destruction.