Heartbreakers Series Chapter 73

Katatapos lang magbanlaw ni Synnovea. Pagod siya mula sa pagda-dive sa pearl farm. Kailangan niyang linisin mula sa mga pearl oysters ang mga dumi na dala ng nagdaang bagyo. Maari kasing magkasakit ang mga ito o ma-stress kung di aagapan. Pero magaan pa rin ang pakiramdam niya dahil kasama niya si Andreas.

Hindi siya makapaniwala nang nakangiti siyang humarap sa salamin para magsuklay. Di siya sanay na ngumiti malibang sarkastiko. Paano ay sinabi nito na mas maganda siya kapag nakangiti. Naniwala naman siya.

Pinuntahan niya si Andreas na naghihintay sa porch. Oras na para sa hapunan. Ilang sandali pa lang silang nagkakalayo ni Andreas ay nagbago na ang nararamdaman niya para dito. Samantalang dati ay ni ayaw niya itong tingnan. Lumamlam ang mata niya nang makita itong natutulog sa hammock. Bahagya pa itong nakabaluktot dahil sa lamig.

Tinapik niya ang pisngi nito. “Andreas, gising! Magdi-dinner na.”

Umungol lang ito at bahagyang pumaling pero di idinilat ang mga mata. Lumambot ang puso niya nang maalala ang mga trabahong ipinagawa niya dito sa loob ng dalawang araw. Pinaglinis pa niya ito kanina ng mga oyster pearls dahil di pwede ang tauhan niyang si Makoy na nagbabantay pa rin sa asawa nito. Walang puso siya kung gigisingin niya ito.

Pumasok siya sa kuwarto ni Andreas at kumuha ng kumot. Maingat niya itong kinumutan. Ibang-iba ito sa Andreas na nakikita niyang naka-plastada sa mga magazine at hinahabol ng mga babae mula sa iba’t ibang bansa. He was just plain Andreas when they were together. He was just the man who made her feel so special.

At mas safe ang pakiramdam niya kapag natutulog ito. He looked like a sleeping Prince Charming. Di tuloy niya napigilan ang sarili na kintalan ito ng halik sa labi. Umungol ito at gumuhit ang ngiti sa labi.

Nataranta siya at nagtatakbo sa loob ng bahay sa takot na magising ito dahil sa halik niya. Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya at hinalikan ito?

“Synnovea, bakit ka nagtatatakbo?” tanong ni Beatrix.

Saka lang siya tumigil at sapo ang dibdib habang habol ang hininga. “Ano po… nagugutom na ako. Kain na tayo, Tita.”

“Si Andreas nasaan na?”

“Nakatulog po sa hammock. Hindi ko na po ginising. Kawawa naman dahil pagod na pagod po sa trabaho. Hayaan na po nating matulog.”

Ngumiti ito at hinaplos ang buhok niya, “I never thought I would see this day. Dati wala ka kahit na katiting sa mga lalaking katulad ni Andreas. Pero ngayon…”

“Tita, tinulungan po niya ako sa mga trabaho dito sa pearl farm. Gasino ba iyong hayaan kong matulog iyong tao. Walang ibang ibig sabihin iyon, Tita.”

“Synnovea, kung gusto mo siya, huwag mong pigilan ang sarili mo. Huwag mo akong isipin o ang sakit mo. Enjoy the feeling then everything will be okay.”

Bakit parang tama lang sa lahat na tuluyan siyang mahulog kay Andreas? Sa pamamagitan ni Andreas, magagamot ang sakit niya. Hindi na rin siya mag-iisa sa mundo. He even made her feel good inside and special. Parang isa itong tagapagligtas na sasagot sa problema niya.

Hahayaan na lang ba niya ang sarili na magpadala sa nararamdaman niya dito? Kahit anong iwas yata niya kay Andreas, di naman niya matatakasan ang itinitibok ng puso niya. Dapat siguro ay tumigil na siya sa pagtakbo palayo na dito.

MAHIGPIT ang kapit ni Synnovea sa braso ni Andreas. Di niya inaasahan na maraming tao sa pupuntahan nilang party. The movers and shakers of the Philippine’s elite society were present. Maging ang mga international diplomats ay naroon at pati mga artista, modelo at kahit mga music at sports icon. Ang party na iyon ay para sa susunod na baronesa ng Marquinton, isang island kingdom sa Mediterranean na si Kesca La Fleur. Ito rin ang nakatakdang pakasalan ni Wyndham.

“Andreas, di mo naman sinabi na ganitong klaseng party pala ang pupuntahan natin. Gusto ko na yarang umuwi.”

“Just stay beside me. Wala kang dapat na ikatakot. You are so beautiful.”

Puno ng paghanga ang mga mata nito habang pinagmamasdan siya. Sa dami ng mga magagandang babae doon at nakasuot ng nagkikintabang mga diamante at brilyante, sa kanya lang nakatuon ang atensiyon nito. Simpleng light brown halter gown ang suot niya. Ang strap niyon ay gawa sa pinagsama-samang pearl at mother of pearl na siya mismo ang nagdisenyo.

“Synnovea!” Kinintalan siya ng halik ni Paquita sa pisngi.“You look gorgeous.”

“Ma, gusto na daw po niyang umuwi,” sumbong ni Andreas.

“No way! This is a very special night. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. They are wondering who created my beautiful pearl jewelries. Gusto daw nilang magpa-design mismo sa iyo.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.