Hindi siya iniwanan ni Andreas kahit na kasama na niya si Paquita. Nakita niya ang inggit sa mata ng mga babaeng may gusto dito. Marami ang nagtataas ng kilay nang makilala siya dahil mula nang ma-link siya kay Andreas ay wala nang iba pang babaeng nadikit sa pangalan nito. At botong-boto pa sa kanya si Paquita kung sakaling siya ang magiging nobya ni Andreas.
Minsan ay iniisip niya kung deserving siya sa atensiyong ibinibigay ni Andreas. Simple lang ang ganda niya kumpara sa mga dating naka-date nito. She was just Synnovea Alcaraz. Wala halos nakakakilala sa kanya.
Nangangalahati na ang party nang matuklasan niyang marami nang interesado na magpa-design sa kanya. Hindi nga makapaniwala ang mga ito na mas naka-focus siya sa pearl farm at libangan lang ang pagde-design. Malaki daw kasi ang tsansa niya na kumita ng mas malaki.
“Seryoso ka ba na mami-meet ko ang expectations nila?” tanong niya kay Andreas habang nagsasayaw sila. Akala niya ay di na matatapos pa ang gabing iyon sa dami ng mga kinausap nila ni Andreas.
“You are very talented. Si Mama mapili sa mga jewelries niya. Pero tingnan mo naman. Paborito na niyang isuot ang creations mo.”
Huminga siya nang malalim. “Andreas, parang hindi pa rin ako makahinga. Thank you for giving me this chance.”
“You deserve it. Saka gusto kitang ipagmalaki sa lahat.”
Hindi niya naramdaman na importante siya noon. Pakiramdam nga niya ay ang Tita Beatrix lang niya ang nagmamahal sa kanya. Bata pa lang siya, parang wala nang nagmamahal sa kanya. Salot ang tingin sa kanya ng lolo niya. At lumaki siya nang pakiramdam niya ay ayaw din sa kanya ng mga magulang. Na pinili na lang ng mga ito na mawala sa mundo kaysa ang mahalin siya.
Tumingkayad siya at kinintalan ng halik ang labi nito. Si Andreas lang ang nagparamdam sa kanya na importante siya. Na posible pa siyang mahalin at may maibabalik din siyang pagmamahal dito.
He groaned and crushed his body against hers. “I wish we could be alone right now, Synnovea. Nagtitimpi lang ako na di ka halikan kanina pa. You only made it worse. Kung pwede lang itakas kita.”
“Itakas mo ako.”
Nag-iinit ang mga mata niya nang salubungin ang matiim na titig nito. She missed him so much. Di sapat ang araw-araw nitong pagtawag sa kanya. Masyadong matagal ang isang buwan. Ni hindi na niya maialis pa ito sa isip niya.
“I have a room upstairs.” Hinaplos ng daliri nito ang pang-ibabang labi niya. “But I’d rather stay here. Di ko maipapangako na higit pa sa halik ang gusto kong mangyari. I am at the edge of my control, Synnovea.”
He was a god of molten desire. Nararamdaman niya na pinipigilan lang nito ang sarili na di siya yakapin at halikan o higit pa doon.
“Sasama pa rin ako sa iyo.” Di niya inaasahan na maging malinaw ang rehistro ng boses niya. Kabaliwan ang ginagawa niya pero gusto niya itong makasama. Handa siyang harapin ang konsekwensiya ng susunod na mangyayari.
Hinuli nito ang mga mata niya. “You might regret your decision afterwards. You might hate me.”
“Magpaalam na tayo sa host natin.”
Parang robot siyang sunud-sunuran kay Andreas nang magpaalam sila sa mga magulanga at kaibigan nito. Pati sa kay Wyndham at sa pakakasalan nito.
Habang hinintay nila ang pag-akyat ng elevator, di niya tinitingnan si Andreas. Ayaw niyang magkaroon ng pagkakataon na magbago ng isip. She threw caution to the wind. Ito na ang pinakamatapang na desisiyong gagawin niya.
She could feel the air sizzle. Pareho nilang pinakikiramdaman ni Andreas ang pagpapalit ng numero ng elevator. Masama ang tingin nito sa elevator operator. Kung wala ang operator doon, baka sa elavator pa lang ay di na nila mailis ang kamay sa isa’t isa.
Natigilan si Andreas habang hawak ang keycard ng suite nila. “You can always change your mind, Synnovea.”
Kinuha niya ang keycard mula dito. Inilusot niya iyon sa slot. Pumasok siya at ihinagis ang keycard. She kissed Andreas in a feverish kiss before she lose her nerves. Ibinuhos niya ang lahat ng natutunan niya dito. Di na niya ito pakakawalan.
There was no turning back. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hahayaan niya ang sarili na gawin ang gusto niya. Gagawin niya kung ano ang bagay na magpapalaya sa kanya kasama ang lalaking pinili ng puso niya.
Gusto niyang maging normal na babae. Malayang magmahal. Walang kinatatakutan. Walang nakaraan. Walang galit sa puso. At handa na siyang tanggapin sa buhay niya ang lalaking bubura sa lahat ng pangit na bahay sa buhay niya. She was taking a risk with Andreas. And she was sure that it would be all worth it. Ito ang regalo ng langit sa kanya na handa niyang tanggapin.