Heartbreakers Series Chapter 75

Synnovea dipped the strawberry at the chocolate fountain and offered it to Andreas. Ibinuka ni Andreas ang labi. Then he took a bite of the succulent fruit. He gave her a smoldering look as his tongue brushed the tip of her fingers. Nahigit niya ang hininga. She never thought that eating chocolate dipped strawberry could be so sexy and sensual. Halos hindi na siya makahinga. And it reminded her of the night they made love a few days ago.

Matapos iyon ay itinakas siya ni Andreas at idinala sa megayacht nito. Naglalakbay sila sa iba’t ibang isla ng Pilipinas. Ni hindi na nila kailangan pang bumaba ng yate. Parang solo nila ang mundo at nasa sarili nilang paraiso.

All they did was feed each other then make love. Kadalasan ay wala na sa isip niya ang magandang tanawin. Saka na lang siya nanghihinayang kapag nakaalis na sila sa isang lugar.

“Andreas, ayaw mo bang mag-diving muna?” tanong niya. “Alam mo matagal ko nang gustong mag-diving dito sa Tubataha Reef.” She always been fascinated with the rich marine biodiversity of the place. At gusto din niyang may iba silang gawin ni Andreas dahil baka magsawa na ito sa kanya.

“Ano ba ang mas gusto mong gawin? Mag-diving sa Tubataha o makasama ako? Alam mo bang nagwawala ngayon si Chef Vicenzo dahil ito na ang last supply niya ng strawberry. Wala na daw siyang gagamitin para sa strawberry shortcake.”

Hinampas niya ang braso nito. “Ayan ka na naman! Kung anu-ano na lang pangongonsensiya ang ginagawa mo sa akin para di matuloy ang mga gusto kong gawin. Andreas, baka tubuan na ako ng buntot ng isda dito sa yate mo.”

Napalitan ng lungkot ang saya sa mga mata nito. “Ayaw mo na ba akong kasama? Nagsasawa ka na sa mukha ko?”

Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “Imposible yata iyon. Kaso masyadong mahaba ang bakasyon natin. Kailangan ko nang bumalik sa pearl farm.”

Gusto na rin niyang simulan ang mga order sa kanya habang gumagana pa ang creative mind niya. Masyado na kasi siyang nadi-distract ni Andreas.

HE was a very delectable distraction anyway. Hindi siya nabo-boring na kasama ito. Alam nito ang mga istorya ng mga bawat lugar na nadadaanan nila. Hindi irn niya inaasahan na magkakasundo sila ni Andreas sa maraming bagay. Kadalasan nga ay pareho sila ng iniisip. Samantalang noon halos lahat ng mga lalaki ay laging kasalungat niya kaya naiirita siya.

“Okay. A few more days. Iyong isang buwan nating pagtatanan, gagawin ko na lang three weeks. Pwede na ba iyon?” Hinaplos ng daliri ang dulo ng ilong niya. “Nag-aalala ako sa iyo. Sigurado ka ba na normal lang ang mga abdominal pains mo?”

Bahagya siyang natigilan. Ang sakit nga pala niya. “Oo naman. Huwag kang mag-alala. Mukha namang wala akong dysmennorhea ngayon.”

“Ano ba ang date ng period mo?” tanong nito. “Kung magkaka-dysmennorhea ka, sabihin mo sa akin. Gusto kong alagaan ka.”

Di niya alam kung paanong sasagutin ang tanong nito. Tiyak na malalaman nitong may mali sa kanya oras na hindi magtugma ang date ng menstruation niya at ng araw na atakihin siya sa Sicily kung saan wala naman talaga siyang period.

Isa pa ay ilang araw na siyang di inaatake ng pagsakit ng puson mula nang may mangyari sa kanya ni Andreas. Siguro nga ay iyon lang ang gamot sa sakit niya. Kailangan lang niyang paganahin ang reproductive system niya.

Magiging maayos na ang lahat. Siguro nga ay si Andreas lang ang solusyon sa lahat ng problema niya. He was healing her physically and emotionally. Parang isang bagong buhay ang ibinigay sa kanya ni Andreas.

“SYNNOVEA, si Mommy lang muna ang magpapagawa ng necklace sa iyo para sa kasal ko. Huwag mong iisipin na ayaw ko sa iyo. Well, Kesca is… she has a hard time deciding on what she really want,” sabi ni Wyndham. Nasa penthouse suite sila ng La Brissa Hotel sa Cebu kung saan nakipagkita sa kanila si Wyndham at ang iba pang kaibigan ni Andreas. Iyon daw kasi ang day off ni Wyndham mula sa babaeng pakakasalan nito na si Kesca La Fleur.

He didn’t look particularly happy. Lolo nito ang nag-set up ng kasal nito sa kay Kesca. The future baroness seemed nice. Hindi rin maikakaila na maganda ito. Pero mukhang walang atraksiyon sa pagitan nito at ni Wyndham.

“Nikos, gusto ko rin magpa-design sa kanya,” ungot ng nobya nitong si Arizona. “Bakit di natin siya gawing consessionaire sa boutique ng hotel?”

“Mas magandang idea nga iyan. Di ko pa kasi siya makumbinsi na gawing resort ang pearl farm. Mas magandang isama iyon sa shore excursion ni Andreas oras na mag-open na ang Philippine cruise.”

Sa Pilipinas na muna magbabase si Andreas dahil sa bago nitong project. Ang bagong cruise ship ng Voyager Cruise ay nakatakda nang maglakbay sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Paghahanda na rin iyon upang isama na rin sa mapa ng cruising ang bansa at makahabol sa mga kalapit na bansa sa Asya.

“Masyadong tahimik ang buhay namin sa isla. Ayaw naman naming ma-exploit. Alam naman ninyo kung gaano ka-sensitive ang mga alaga ko,” sabi niya. “Pero kung may maganda kayong plano na maipe-present sa akin, baka I-consider ko na mag-cater ng turista sa pearl farm.”

Nagiging trend na ngayon na gawing pang-akit sa mga turista ang mga pearl farm. Magandang pagkakataon din iyon para umunlad ang pamumuhay ng mga kababayan niya. Gusto niya ang mga kaibigan ni Andreas dahil tinanggap siya ng mga ito sa sirkulo. Maliban kay Alonzo na sobrang tahimik.

Kinalabit siya ni Ariz. “Synn, maghanda na lang tayo ng pagkain nila.” Nagkaka-asaran na kasi ang mga magkakaibigan lalo na’t problemado si Wyndham. At mukhang di nila dapat marinig na mga babae ang pinag-uusapan ng mga ito. “Sa anim na iyan, sina Ryuji at Alonzo lang ang matured. Ewan ko ba kung bakit ako nagka-boyfriend ng kasing-immature ni Nikos. Parang bata minsan. But I love him.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.