Di siya makagalaw sa kinatatayuan nang marinig ang pangalan ni Alonzo. Sa lahat ng kaibigan ni Andreas, ito ang laging naghahatid ng takot sa kanya. Alam nito kung ano ang sekreto niya. Tuwing nasa paligid ito, lagi nitong ipinaalala ang lihim na di pa rin niya nasasabi kay Andreas.
“Close ba si Andreas kay Alonzo?” tanong niya.
“They are like blood brothers. Pero nakasanayan na nilang kay Alonzo unang lumapit kapag may problema. At siya din ang sabihan nila ng sekreto.”
Pilit siyang ngumiti at pinanood na lang si Ariz na ilabas ang mga ingredients ng iluluto nito mula sa refrigerator. “Ako na lang ang gagawa ng shake. May phobia kasi ako sa chef ni Andreas na ayaw akong patulungin sa kusina.”
“No problem. Hilig ko naman ang magluto. Alam ko na ang panlasa nila.” At sinabi nito sa kanya kung anu-ano ang fruit shake na paborito ng mga lalaki.
Tinuturuan siya ni Ariz kung paano lalagyan ng garnishing ang fruit shake nang pumasok si Alonzo at tuloy-tuloy sa refrigerator para kumuha ng tubig.
“How’s Wyndham?” tanong ni Ariz.
“May death wish yata ang isang iyon. Gustong makipag-sparring ng judo kay Ryuji.” Ryuji was an expert of various martial arts. Sakit ng katawan lang ang hinahanap ni Wyndham at gusto yatang takasan ang problema sa pagpapatiwakal. Tinungga ni Alonzo ang baso ng tubig. “Ayaw pa din magpaawat. Mukhang ayaw niyang matuloy ang kasal niya.”
Di niya ito tiningnan man lang at nananatiling nakikiramdam. She always had a feeling that he would always open the Pandora’s box. Kahit pa sinabi nito na di nito sasabihin ang totoo kay Andreas, di pa rin siya komportable dito. She had a feeling that he didn’t like her for Andreas for obvious reasons.
“As if there is something he can do about it.” Bumuntong-hininga si Ariz. Binuksan nito ang refrigerator at kumuha ng yelo para sa ice pack. “Synn, patayin mo ang stove after five minutes.”
“Ariz, sandali!” Naggiyagis ang ngipin niya dahil naiwan siya kasama si Alonzo. Sana ay siya na lang ang nagdala ng yelo. Kahit pa lahat ng yelo sa Antarctica ay hahakutin niya para kay Wyndham huwag lang makasama si Alonzo.
Mukhang wala pang balak si Alonzo na umalis dahil binuksan pa nito ang takip ng niluluto ni Ariz at tiningnan. “This looks good.” Nilingon siya nito. “You and Andreas looks good as well.”
“Yes,” tipid lang niyang sagot at maingat na inilagay ang slice ng kiwi sa gilid ng baso. Nanginginig ang kamay niya sa sobrang kaba. May natuklasan na naman ba si Alonzo na pwedeng makasira sa kanya?
“I am expecting that you are feeling better now that you are with Andreas.”
Huminga siya nang malalim at hinarap ito. “Mr. Luminarez, I know what you think about me. Na ginagamit ko lang si Andreas para humaba ang buhay ko. But it is not like that.” Espesyal ang nararamdaman niya para kay Andreas. Maaring di na niya iyon maramdaman pa sa buong buhay niya. Di niya gugustuhing madungisan ng iba pa niyang problema ang relasyon nila.
“So you are in love with him?” he asked with disbelief.
Direkta niyang tiningnan ang mga mata nito. “Yes. I tried to stay away from him. Ayoko nang masali siya sa gulo ng buhay ko. But the feelings I have for him is too strong. Kahit ano pa ang isipin mo, alam kong mahal ko si Andreas.”
Kumunot ang noo nito. Di niya masabi kung naniniwala nga ito sa pagmamahal niya kay Andreas. Pero ito na rin ang magpapatunay na pilit siyang umiwas kay Andreas sa puntong sinaktan na niya ito. Kahit naman siguro may sakit siya, karapatan pa rin niyang magmahal tulad ng ibang normal na babae.
“Alam na ba niya ang tungkol sa sakit mo?”
“Kailangan pa ba niyang malaman? Wala iyong kinalaman sa relasyon namin.”
Dumampot ito ng carrot stick at kinagatan. “For your own good, tell him the truth. Alam kong natatakot ka kaya hindi mo masabi. Aminin mo man o hindi, may pakialam na siya sa buhay mo mula nang tanggapin mo siya. Kung totoong di mo siya gagamitin, sasabihin mo ang totoo,” giit nito at saka pinatay ang kalan. “Two minutes lang daw sabi ni Ariz, di ba?”
Siya naman ngayon ang kumuha ng tubig sa ref. Kailangan niyang kalmahin ang sarili niya. Ayaw niyang sabihin kay Andreas dahil ayaw niyang ma-minsinterpret nito ang sitwasyon. Hindi na nito kailangan pang malaman. Gagaling na siya.
“ANDREAS, where are you?” tanong ni Synnovea sa kabilang linya.
“Luncheon meeting. Nakakapagod nga,” ungol ni Andreas habang nakasakay sa elevator paakyat sa condo na inuuoahan ni Synnovea. May hawak siyang malaking kahon na naglalaman ng isang eleganteng dress at bouquet ng bulaklak.
“Wish me luck. Kung magugustuhan nila ang design ko, maila-lunch na ang pangalan ko sa fashion world. And I don’t even have a label yet.”
May meeting ito sa isang grupo ng fashion designer para sa Fashion Week kaya wala ito sa condo nito. Hindi pa rin makapaniwala si Synnovea na ang simpleng libangan nito na pagde-design para sa mga kaibigan ay magbubunga. Malaki ang impluwensiya ng mga kaibigan ng Mama niya na pawang nagustuhan ang mga ginawa ni Synnovea.
“Come home early. I don’t want you traipsing the city alone,” he said as he punched in the condo’s security code. Siya mismo ang pumili sa lugar na iyon at nagpa-install maging ng modern security system dahil gusto niyang safe si Synnovea. Mas gusto daw kasi nito ng hiwalay na condo kaysa pumisan pa sa kanya.
“Andreas, hindi na ako minor. Kaya ko na ang sarili ko.”
“Umuwi ka ng maaga. Importante sa akin kung makakauwi ka nang maaga at alam ko na safe ka. Please?” malambing niyang pakiusap.
“Okay. Uuwi agad ako pagkatapos ng meeting. Go now. I know you have a very busy day,” pagtataboy nito. Isa sa nagustuhan niya dito ay hindi ito demanding sa oras. Kapag busy siya sa trabaho at di natutuloy ang date nila, iniintindi pa rin nito. She had no complains about their relationship. For a former man-hater, he was surprised that she was a very understanding girlfriend. She was perfect.