Heartbreakers Series Chapter 78

“But I do love you. At kung anuman ang pinagdadaanan mo, siguradong may solusyon diyan. I am sure may ibang paraan para gumaling ka.”

Hindi maintindihan ni Synnovea kung bakit napaka-cynic ng dating ni Andreas. Kung may sakit man ito, naiintindihan niya na dismayado itong di matutupad ang lahat ng plano nito sa buhay. Pero parang pati siya ay pinaparusahan nito. Parang may mali sa sitwasyon.

Umangat ang gilid ng labi nito kaya lalo itong nagmukhang sarkastiko. “Why? Because I did you a favor by making love to you? Ang sabi ni Doctor Fernandez, malaki daw ang improvement ng health mo. Wala ka nang abdominal pains. At magiging normal ka na nang tuluyan oras na magkaanak ka. Oh, she told me to keep up the good work.”

Tinakasan ng kulay ang mukha niya habang pinagmamasdan ito. “Pumunta ka sa doktor ko? Alam mo na ang sakit ko?”

There was a cruel glint in his eyes. Mukhang hindi ito masaya sa natuklasan nito. Wala sa itsura nito ang lalaking sinasabing mahal siya sa loob ng nakakaraang araw. He looked like a man who was disillusioned and hated the sight of her.

“By accident. Gusto ko lang namang malaman kung paano kita matutulungan kung may abdominal pains ka. I was so worried about you. Iyon pala hindi lang simpleng dysmenorrhea ang sakit mo. You have a cyst and an inverted uterus which can be corrected once if you will bear a child.”

Ito na ang sinasabi sa kanya ni Alonzo iyon. Kung di pa niya sasabihin kay Andreas ang totoo, marami itong paraan para malaman. At hindi niya napaghandaan ang komprontasyong iyon.

“Andreas, I can explain.”

“I understand, Synnovea. Kailangan mong gumaling. And any man will do.” Tinungga nito ang baso ng brandy. Napapitlag siya nang ihagis nito sa carpeted na sahig ang walang lamang baso. Hinaklit nito ang balikat niya at nag-aapoy ang mga mata nito sa galit habang nakatitig sa kanya. “I am a fool, right? I am always available for you. Kaya naman pala kung dati tumatakbo ka palayo, ni hindi na kita kailangang habulin ngayon. I thought I am simply irresistible. But you want something else from me. And it has nothing to do with love.”

Parang nilatigo ang puso niya sa bawat salitang binitiwan nito. Ang iniiwas-iwasan niyang salita ay narinig na niya. Kahit na sabihin pa niyang mahal niya si Andreas, hindi na ito maniniwala pa.

She was hurting so badly. Di niya alam na ganoon kasakit paratangan nang di totoo. O nagi-guilty lang siya dahil minsan ay sumagi din sa isip niya na gamitin ito para gumaling siya. Iyon din ang nakikita ng Tita Beatrix niya at si Alonzo.

Her feelings for him didn’t mean a thing anymore. Nabahiran na iyon ng lihim niya. At kahit na magsisi siya, di na niya maitatama pa ang pagkakamali niya.

“Makikipaghiwalay ka ba sa akin?” tanong niya sa matatag na boses.

Hindi siya pwedeng magpatalo sa luha ngayon. Wala siyang oras para umiyak. Kung ayaw na sa kanya ni Andreas, hindi siya magmamakaawa dito. Ang naging kasalanan lang niya dito ay di siya nagsabi ng totoo.

“That’s the original plan.” Naramdaman niya ang malamig na salaming dingding sa likuran niya nang isandal siya nito. His finger traced the contour of her face as if she was a work of art. “I changed my mind. I will keep you.”

“Bakit pa? Hindi ka naman naniniwala na mahal kita, di ba? Naniniwala ka na ginagamit lang kita.”

Humalakhak ito. “I am at your disposal anytime, Synnovea. You can keep me and use me anytime you want. I am not impotent and I can give you a child. O kahit ilang anak pa kung gusto mo. Pero may kondisyon.”

“Ano iyon?” Kung gusto siya nitong pakasalan, tatanggapin niya. Pagsisilbihan niya ito at ipapakita niya na mali ito ng pagkakakilala sa kanya.

“Hindi kita pakakasalan at sa akin mapupunta ang anak natin oras na maghiwalay tayong dalawa.”

Kung kanina ay nilalatigo lang ang puso niya, ngayon naman ay hinihiwa na iyon ng matalim na kutsilyo. “Andreas, no!”

“Gusto mo lang namang gumaling, hindi ba? At gusto mong magkaroon ng anak para maging normal ang buhay mo. Hindi mo ako kailangan o ang bata.”

“Ako pa rin ang magiging nanay ng bata. Hindi mo siya pwedeng basta-basta na lang kunin sa akin at di ko rin siya ibibigay basta-basta sa iyo.” Naranasan niyang lumaki nang walang magulang. Ayaw niyang maranasan iyon ng anak nila.

At kahit ano pa ang sabihin ni Andreas, bunga pa rin ang bata ng pagmamahalan nila. Ayaw niyang di makasama ang anak nila kung lalaki ito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.