Heartbreakers Series Chapter 79

“You have a great career ahead of you. Ang pearl farm ang buhay mo. Kung nagkasakit ka ba lalapit ka sa akin? Will you even allow me to touch you? No!” halos bumaon daliri nito sa balikat niya. “You don’t know how to love, Synnovea! Tama napatunayan ko iyon pero hindi ko hahayaan ang anak natin na maranasan din iyon galing sa iyo o baka mapatay lang kita.”

Hindi pa rin siya makapaniwala habang pinagmamasdan si Andreas. There was so much hate in his eyes. Daig pa niya ang sinampal. Napakababa pala ng tingin nito sa kanya. Kung tatanggapin niya ang proposal nito, lalo lang itong mamumuhi sa kanya. And she couldn’t stand the hate in his eyes because she didn’t deserve it.

Ubod-lakas niya itong itinulak sa dibdib. “Salamat sa proposal mo. Alam ko na gusto mo rin akong gumaling pero hindi ko matatanggap.”

“Of course. Hindi lang naman ako ang lalaki sa mundo.”

“Andreas, tama na! Please.” Gusto niyang magalit sa pang-iinsulto nito pero masyado nang masakit ang dibdib niya. Kung noon, kaya niyang makipag-verbal sparring dito. Hindi niya kaya iyon ngayong di niya hawak ang emosyon niya. Matatalo lang siya. “Ayokong saktan ka kaya aalis na lang ako. Maybe we are wrong for each other to start with.”

“Tama. Akala ko kasi kaya mo akong mahalin. Because I love you, Synn. And I didn’t expect that you’d betray me in return.”

Andreas loved her no doubt. At kasalanan niya kung bakit nawalan ito ng tiwala sa kanya. “I am sorry if caused you great pain, Andreas.” Hinaplos niya ang pisngi nito. “At hindi kita kayang makasama nang alam kong sinasaktan kita.”

Naglakad siya palabas ng pinto pero pinigilan nito ang kamay niya. “May sakit ka pa, hindi ba? Tanggapin mo na lang ang proposal ko. Mas madali iyon dahil hindi mo na ako kailangang mahalin.Di mo na kailangang magpanggap na mahal mo ako.”

“Kaya nga hindi ko tatanggapin dahil mahal kita.” Kumawala siya sa pagkakahawak nito. “Goodbye, Andreas.”

Tumakbo siya palabas at sumakay sa naghihintay na elevator. Kailangan na niyang tumakas bago pa siya pigilan ni Andreas at magbago pa ang isip niya.

Saka lang niya ibinuhos ang pinipigilang luha nang magsara ang pinto ng elevator. She wanted to stay with him. Parang tama ang lahat ng bagay basta nariyan si Andreas. Kung lulunukin niya ang pride niya, baka may pagkakataon para mabago niya ang isip nito. Baka sa huli ay makumbinsi niyang mahal niya ito.

Pero di pala siya kasing tatag ng inaakala niya. Gusto niyang mahalin siya ni Andreas. Isang halimaw ang tingin nito sa kanya. At ayaw na niyang madagdagan pa ang galit nito sa kanya. Gusto niyang manatili siya sa tabi nito dahil mahal nila ang isa’t isa. Iyon naman ang dahilan kung bakit tinanggap niya ito sa buhay niya.

Makakakita ng ibang babae si Andreas. Makakalimutan din siya nito. Pero mas gusto na niya itong makita kasama ang ibang babae kaysa patuloy itong saktan.

Mamahalin na lang niya ito kahit malayo ito sa kanya.

NAGING isang malaking party place ang tahimik na beach house ni Andreas sa Sardinia. It was overflowing guests and expensive wine and haute cuisine. Nasa verandah lang ng beach house si Andreas habang nagkakagulo sa beach ang mga bisita niya. Parang may galit siya sa sarili at pinagtiisan ang di niya paboritong wine. At least it could make the pain numb.

Tinapik ni Alonzo ang balikat niya. “Mukhang malaki ang problema mo.” Pinalitan nito ng ibang wine ang iniinom niya. “This should have been your poison.”

“Can you give me a real poison instead?”

“It’s Synnovea, right?”

“That cruel girl! All she wants is my body and my child. Tapos nag-propose ako sa kanya na okay lang sa akin kahit di niya ako mahalin, tinanggihan niya ako.”

Inaasahan niyang papayag si Synnovea sa proposal niya. It won’t hurt her a bit, right? Kaya niyang tanggapin na hindi siya nito mahal. Pero bakit kailangan pa nitong ipagdiinan na mahal siya nito? It made him sick.

Nang sabihin sa kanya ng doktor ni Synnovea na sa wakas ay nagka-boyfriend na ito. At tuwang-tuwa pa itong ibinalita na maganda ang respond ni Synnovea. At kung plano daw niyang magkaanak, dapat ay simulan na para tuluyan nang gumaling si Synnovea. That ‘s why she didn’t need any more encouragement when they made love. Kasama pala iyon sa plano nito. Mas madali nga naman iyon at healthy kaysa tanggalin ang ovary at uterus nito.

He had always seen himself as a super stud. Lahat ng babae ay kaya siyang mahalin. Pero ang gusto lang naman niya na magmahal sa kanya ay si Synnovea. And what did he receive in return? She didn’t even desire him. Isang medical procedure lang yata para dito ang lahat. Ginamit lang siya nito.

“Nalaman mo na pala na may sakit siya,” kaswal na wika ni Alonzo.

Maang niya itong pinagmasdan. “Alam mo na?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.