Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 100

Naging madali ang transition sa munting presentation ni Vance sa matandang lalaki. Kung tutuusin ay parang pormalidad na lang ang mga presentation na iyon dahil maganda naman ang reputasyon ng projects ng Villaviray Construction. Pero naaaliw siyang panoorin ang presentasyon ni Vance. He knew his field very well. Sa palagay niya ay maganda talaga ang training na ibinigay dito ng tiyuhin niya. The rest of it, he worked it out himself. And he was really passionate about the company. Maganda ang vision nito at gusto nitong manatili ang quality ng gawa ng kompanya pati na rin ang pagtrato nito sa mga tauhan. At iyon ang pang-akit nito sa mga potential investor gaya ni Antonio Faustino.

“I am willing to invest in your company,” wika ni Antonio sa kay Vance nang matapos na ang hapunan at umiinom ng alak ang mga ito. Nagkasya naman si Phoenix sa fruit shake. Hindi na siya nagtaka nang marinig iyon mula kay Antonio. She was proud of Vance. Magaling talaga ito. “Consider it as my wedding gift.”

Sa wakas ay umaliwalas ang mukha ni Vance at kinamayan ang lalaki. “Thank you, Sir. Titiyakin namin na hindi masasayang ang investment ninyo sa Villaviray Construction.”

Tumango si Antonio sa direksiyon niya. “I am glad that you are married, Vance. Noong una ayokong ipagkatiwala sa kompanya mo ang pera ko kung ikaw ang hahawak. When you were younger, you had a reputation of being a playboy. Kahit na gaano ka pa kagaling o kaseryoso sa trabaho, some conservative businessmen like me would doubt your integrity. Being married to a good woman will put you on a new light. Pero sa palagay ko malaking asset sa iyo ang asawa mo. Do you have a copy of the proposal?”

“Of course,” wika ni Vance at inabot sa matandang lalaki ang isang folder. “Just tell me if you still have questions.”

Binuksan ng matandang lalaki ang folder at binasa. Makalipas ang ilang sandali ay isinara din nito ang folder at tinapik iyon ng palad. “Great. How about we meet next month? I am really interested in this new eco hotel that you will build in Masbate. Any more projects aside from this?”

“Yes. We have more eco resorts, eco buildings and eco-villages on the line but we have to finalize the details.”

“Send those to my email.” Kinamayan ni Vance ang matandang lalaki at kitang-kita niya ang enthusiasm sa mukha ng asawa. Magandang wedding gift nga naman iyon para sa kanila.

Kinamayan din siya ni Antonio. “Thanks for the advice, Phoenix. I hope it will help settle my daughter. I hope we can chat again next time. Kundi mo naitatanong, pangarap ko rin ng bata ako na maging archaeologist.”

“If you want, you can join as an archaeologist volunteer during digs. They offer some of those in Egypt. At baka magkaroon din po dito sa Pilipinas kapag naiayos ng director namin.”

“Good. Good. That is a great way to encourage archaeologist wannabes like me. “I will leave you two. Ayokong abalahin pa ang honeymoon ninyo. And I will send a very nice wedding gift.” Kumindat si Antonio at kinamayan si Vance. “Looking forward to doing more business with you, Antiporda.”

“Thank you, Sir.”

Kumindat pa si Antonio sa direksiyon niya. “Your wife is a prize. Take care of her.”

“Let’s go back to our suite. Baka na-bore ka sa business discussion namin,” sabi ni Vance at inalalayan siyang tumayo.

“No. I enjoyed your business presentation. He is a nice man. Parang naalala ko si Tito sa kanya,” usal ni Phoenix habang naglalakad sila ni Vance pabalik sa suite nila.

The hotel was like a golden building looming ahead of them. Gusto pa sana niyang yayain si Vance na magpunta muna sa lagoon para magpahangin o kaya ay doon na ito magkape para makapag-relax sila pero mukhang desidido na itong bumalik sa suite.

“True. He is a good man. At kailangan natin ng investors na katulad niya. Na maiintindihan ang vision ng kompanya. Na hindi lahat ay tungkol sa pera.”

“That eco hotel is a new trend?” tanong niya.

“Everything must go eco. Pati kung paano makakaagapay ang mga structure sa climate change ay ina-adapt din namin. Kailangang makipagsabayan ng kompanya sa kung anong hinihingi ng mundo,” paliwanag ni Vance. “Then the rest will follow. Iyan ang iniwan ni Ninong Mauricio.”

“Matutuwa si Tito Mauricio. You are living up to his vision of the company.”

“Iyon naman ang dapat. He and that company were my salvation. Nagkaroon ng direksiyon ang buhay ko mula nang mamatay ang parents ko.” Ginagap ni Vance ang kamay niya. “Thanks for helping me out.”

“Hindi ko alam na may silbi rin pala ako sa kompanya,” aniya at pagak na tumawa. Siya ang nag-improve sa image ni Vance. “Well, I am glad to be of help. Sabihin mo lang sa akin kung may maitutulong pa ako sa iyo.”

“For now, I want you to freshen up and take a rest.”

“Okay,” nausal na lang niya.

Magandang ang gabing iyon para umupo sa lagoon at magpahangin o kaya ay sa tabi ng beach pero mas pinili nito na bumalik sila sa suite. Ibig sabihin ay simula na ng honeymoon nila. Finally. Their honeymoon night.

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon na magtanong kung anong gagawin nito nang maiwan ito sa sala at siya naman ay pumasok na sa kuwarto nang mag-isa. Sinamantala na lang niya ang pagkakataon para i-full blast ang seduction scheme niya.

Nag-shower siya at nagbihis ng sexy na lingerie. Inilabas niya ang fuschia pink baby doll dress at ngumisi. Perfect!

Tinuyo din niya ang buhok niya at hinayaang nakalugay. Hindi na siya naglagay pa ng make up. Natural is better. Ayaw niyang make up ang halikan ni Vance sa kanya. Nagpahid siya ng scented oil sa balat niya. Nang matiyak na kaakit-akit siya sa asawa ay nahiga na siya sa kama kasama ang Kamasutra book na bigay ni JK. May oras pa naman siguro siyang mag-review habang wala pa si Vance.

Sa kababasa niya ay naramdaman na lang niyang pumipikit na ang mata niya. Nagpatuloy pa rin siya sa pagbabasa dahil gusto niya ay handa siya para sa honeymoon nila ni Vance. Hanggang dumating sa punto na napipikit na siya at nalaglag na sa kamay niya ang libro ay bigla siyang naalimpungatan. Hindi siya pwedeng makatulog. Di niya pwedeng tulugan si Vance.

Kinusot niya ang mata at tiningnan ang digital clock na nasa ibabaw ng bedside table. Napanganga siya nang makita ang oras. Malapit nang mag-hatinggabi. Mahigit dalawang oras na mula nang matapos ang dinner nila. Mahigit isang oras na siyang naghihintay dito sa kama. Makakatulog na siya at lahat pero hindi pa rin bumabalik si Vance sa kuwarto. Baka naman kailangan ay siya pa ang magyaya dito.

Napilitan siyang bumaba ng kama. Isinuklay lang niya ang daliri sa buhok at pupungas-pungas na lumabas ng kuwarto. Lumabas siya ng kuwarto at naabutan ito na nasa sala at nakaharap sa laptop nito. “Vance?”

Gulat nitong inangat ang tingin mula sa laptop. “Gising ka pa rin?”

Sumandal siya sa hamba ng pinto ng kuwarto. “H-Hindi ka pa kasi natutulog.”

Hindi pa rin ito nagbibihis. Nagpalit lang ito ng tsinelas pero mukhang wala pa rin itong balak na matulog. “Matulog ka na. Bawal sa iyo ang magpuyat. May tatapusin pa ako.”

Hindi siya makapaniwala nang ibalik nito ang paningin sa laptop nito. Ni hindi man lang nito na-appreciate ang sexy lingerie na suot niya. Parang mas gusto nitong makipag-honeymoon sa laptop nito at wala itong interes sa katawan niya.

“Fine,” aniya at pumasok sa kuwarto nila.

Marahan niyang isinara iyon at mahabang sandaling sumandal sa pinto. Masakit. Sobrang sakit. Pinaghandaan niya ang gabing ito para lang sa wala. Mali ba ang suot niyang damit? Di ba bagay sa kanya?

Sa huli ay tinanggap niya ang masakit na katotohanan. Ayaw ni Vance sa kanya. Siguro ay di naman talaga siya nito gusto. Di talaga ito attracted sa kanya. Kaya naman pala kung anu-anong paligoy nito para di sila magkaroon ng totoong honeymoon. Napilitan lang itong isama siya sa Pico de Loro para lang masabing may honeymoon sila pero ang totoo ay business meeting talaga ang pakay nito. Palamuti lang siya sa isang tabi. Kaya wala itong pakialam sa kanya. Kaya wala itong ibang sinabi kundi ang magpahinga lang siya.

Hindi na niya kailangan ng pahinga. Pagod na pagod na siya dito. Pagod na pagod na ang puso niya. Sobrang baba ng kompiyansa niya sa sarili. Di naman siya ganoon kapangit pero nang mga oras na iyon, pakiramdam niya ay siya ang pinakapangit na babae sa mundo. Kahit na maghubad siya sa harapan nito ay baka di man lang ito maaantig.

Masakit lunukin ang katotohanan. Pinagtitiisan lang siya nito noon para sa kompanya. Para sa testamento ng tiyuhin niya. At pinagtitiisan lang siya nito para sa anak nila. Isang malaking kalokohan ang kasal na iyon.

Di niya mapigilang umiyak. Di niya maiwasang maawa sa sarili. ALam niyang may kasalanan siya kay Vance pero kailangan ba niyang pagdusahan iyon ng habambuhay?

It was so unfair. She wanted this marriage to work. She put her heart on the line. Ibinaba niya ang pride niya pero wala ring kwenta.

Ito ang kailangan niyang pagbayaran dahil hinayaan na naman niya ang puso niya na mahalin ito. At di niya alam kung hanggang kailan siya tatagal sa pagtrato nito. How could she make their marriage work now?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.