Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 99

Akala niya ay titigil na si Misty sa paglapit-lapit kay Vance pero nakita niyang dumaiti ang babae sa gilid ni Vance. “Your must be special. Hindi ba siya ang tagapagmana ng Villaviray Construction?”

It would be the last thing she wanted to hear. Na pinakasalan niya si Vance dahil sa kompanya. Dahil siya ang pakakasalan nito.

“Misty!” saway dito ng ama.

Tumuwid ng upo Misty at muling sumimangot. “Wala naman akong masamang ibig sabihin. At least I didn’t ask if she’s pregnant that’s why Vance married her.”

Bigla siyang napaubo. “Hey!” Hinaplos ni Vance ang likod niya at inabutan ng tubig.

Itinaas niya ang kamay. “I am okay. I am okay.”

Iyon ba ang tingin ng mga tao sa kasal nila ni Vance? Kundi business marriage ay dahil nabuntis siya nito. Well, it was all of the above. Tanggap naman niya. Iyon naman ang totoo. Iba lang ang pakiramdam kapag naririnig niya sa ibang tao. Mas masakit yatang marinig ngayong kasal na sila ni Vance kaysa noong ikakasal pa lang sila.

“Misty, stop being so crass,” wika ni Antonio at nakangiting bumaling sa kanya nang kumalma na siya. “Hija, what do you do?”

“I am an archaeologist,” buong pagmamalaki niyang sabi. “I am working with an excavation team on a prehistorical site in El Nido, Palawan.”

“Used to work,” pagtatama ni Vance sa madiing boses. Saka ito nakangiting bumaling kay Antonio saka hinawakan ang kamay niya. “Gusto ko muna siyang masolo. That work is taking too much of her time. Ayokong mapalayo sa kanya.”

“Such a caveman,” she commented dryly. Talaga bang kailangan nitong ipagdiinan sa ibang tao na pinatigil siya nito sa pagtatrabaho? She had so much pride in her job.

“I wish I could find a man like that. Aalagaan lang niya ako. Hindi niya ako pipilitin na magkatrabaho o magkaroon ng career. He will treat me like a princess,” nakangising sabi ni Misty na parang sinasabi nito kay Vance na ito ng dream girl ng lalaki.

“I love my job. And before this project in El Nido, I worked on discovering pyramids and ancient tombs and cities in Egypt,” kwento niya.

Nanlaki ang mata ni Antonio. “There’s still more? I would love to see those. Plano naming pamilya na bumalik ng Egypt lalo na ngayong malaki na si Misty. Sa palagay niya ay mas maa-appreciate niya ang lugar ngayong mas matanda na siya.”

Tumirik ang mata ni Misty. “Boring. Sands and heat and dead people. Seriously, that is not my idea of fun, Dad. Vance, hindi ka ba nabo-bore sa history and dead people?”

“I am married to a woman who lives and breathes history and dead people. I appreciate and respect what she does.” Ginagap ni Vance ang kamay niya. “And she’s never boring. She’s unique. Hindi ko alam kung sinong patay na bayani o prominenteng tao ang pinapangarap niya sa araw-araw. Natsa-challenge tuloy akong patunayan sa kanya na mas interesante ako kaysa sa mga lalaking iyon.”

Nakakunot ang noo niyang bumaling kay Vance. Talaga? Sa tono ng boses nito ay parang pinagseselosan nito ang trabaho niya o mas tamang sabihin ang mga historical figures na pinapangarap niya. Nagtama ang paningin nila ni Vance. There was heat in his eyes. As if a challenge. Na parang mas deserving siyang maging top priority sa buhay nito. Na mas dapat siya ang pangarapin nito. And she loved Vance when he was acting so possessive. Kahit pa nga sabihing mga patay na tao na ang pinagseselosan nito.

“I like your wife, Vance,” natatawang sabi ni Antonio at tinapik ang balikat ng asawa niya. “She is a rare find. I am sure mahirap makahanap ng katulad niya.”

Umungol si Misty. “Sorry. I am lost there. May babaeng mas gusto ang mga patay na tao kaysa sa katulad mo, Vance? And you like that type?”

“Kung babawas-bawasan mo ang pagpa-party mo at babalik ka sa university, baka sakaling makatagpo ka ng mas matitinong lalaki. Who would treat you as an equal. Ang mga lalaki ngayon ay hinahanap ang mga babaeng sensible at makakatuwang nila sa buhay. Not the type of girl you will meet in bars every night and all they know is fashion and make ups and gossips. Men want women with sense. Hindi puro ganda lang,” paliwanag ni Antonio.

“What’s wrong with having fun? I am young and I want to enjoy life. School makes me feel old and dusty.” Bumuga si Misty ng hangin. “And why do I need school, ‘Pa? You are there to take care of me. You see how guys drool over me.”

“Yes. But nobody is asking for your hand in marriage. Misty, beauty isn’t forever. Hindi iyan ang basehan ng isang matagalang relasyon. You need character and intelligence. I can’t be with you forever. Money isn’t forever either. Paano kung wala ka nang ganda at pera? Ano na lang ang maiiwan sa iyo?”

“Such a long sermon, Papa,” wika ni Misty at kumuha ng celery stick saka kinagatan. “This is dinner. Why don’t you just proceed with business instead? Then just ignore me and bore me with your talks.” Nakataas ang kilay siyang tiningnan ni Misty. “I guess you are not into fashion and stuffs as well. You are too nerdy for that, right?”

Tipid siyang ngumiti. “Fashion isn’t really my forte.”

“Yes. Fashion is not just about make up and the right dress. And nerdy girls hate discussing fashion.” Lumingon ito sa restaurant at nagningning ang mata nang may nakita. Kumaway pa ito at saka tumayo. “Excuse me. I saw a friend.”

“A friend?” bulalas ni Antonio.

“We played billiards a while ago. I think he is a cute,” kinikilig na sabi ni Misty. Nang lumingon siya ay nakita niya ang isang lalaki na sa palagay niya ay nasa early twenties lang at nakasandal sa counter ng bar. Nakasuot ang lalaki ng checkered na polo at jeans.

“And a bum,” naiiling na wika ni Antonio. “He is what? Twenty-four and was kicked out of college four times.”

“He travelled the world as a poet, Papa. He doesn’t need an education. He is inspiring and he has a free soul. And I think he likes me a lot,” sabi ni Misty. Kinuha nito ang purse at saka humalik sa pisngi ng ama. “Bye! Enjoy your business talk. Don’t wait up on me, Papa. I am already twenty-one.”

Bumuntong-hininga na lang si Antonio at wala nang nagawa para pabalikin pa si Misty sa mesa. “Forgive my daughter. She can be really crass. Gusto ko naman na makapagtapos siya. She can’t be a party girl forever. Baka huli na bago niya ma-realize iyon. Wala rin akong tiwala sa klase ng mga taong sinasamahan niya.” At saka nag-aalalang lumingon sa bar area kung saan kakwentuhan na ni Missy ang poet na kinakikiligan nito.

“Baka po hindi niya gusto ang course niya. If she’s interested in fashion, pwede naman siyang mag-fashion designing. At least hindi siya lalayo sa interes niya. If she’s good at arranging events, she could engage on that kind of business as well.”

“Makes sense. Perhaps I can give her that alternative instead. She became difficult since her mother died. Iba ang ugali ng mga kabataan ngayon. Mukhang hindi nahirapan ang tiyuhin mo sa pagpapalaki sa iyo, hija,” wika ni Antonio.

“Nahirapan din po siya sa akin, but for a different reason,” aniya at mariing nagdikit ang mga labi. At di niya maiwasang malungkot tuwing naiisip ang mga panahong nagkalayo sila ng tiyuhin niya para habulin ang alaala ng inaakala niyang ama.

“She was too damn independent. She wanted to make her mark in the world at a very young age. Habang si Ninong Mauricio naman ay gusto siyang manatili sa poder niya,” paliwanag ni Vance. “Ayaw siyang pakawalan ni Ninong.”

“Pero sa palagay ko ay proud na proud ang tiyuhin mo sa iyo,” sabi ni Antonio. “And I am sure that Vance made the right decision in marrying you. You are sensible. Hindi niya kailangang alalahanin kung nagsa-shopping ka kung saan o kung nagpa-party ka ba at aabutin ka sa kung anong oras kinaumagahan.”

“Thank you,” nausal na lang niya at nagsimulang sumubo ng salad. Sana lang ay kapareho nga ng opinyon nito si Vance. Dahil kung may choice ang binata ay hindi ito magpapakasal.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.