Huminga siya ng malalim. “I mean, pwede na ba akong tumanggap ng projects? Magagaan lang naman. Marami kasing trabaho na available ngayon at dito lang ako sa bahay magtatrabaho. Ise-send ko lang ang mga report sa email at ako na ang bahalang mag-ayos sa mga iyon. I can be a researcher or a writer for journals. Madali lang naman ang mga iyon.”
“No,” Vance said in a curt tone.
“Why?” malungkot niyang tanong.
“Nasabi ko na sa iyo na ayokong napapagod ka. At nabanggit din mismo ni Doktora na nagdadala ng mental strain ang trabaho na iyan. It won’t be healthy for you and the baby.”
“Ang sabi naman ni Doktora okay lang. Nakausap ko na siya…”
“I don’t want to risk it!” mariing giit ni Vance. “Ilang buwan ka na lang naman magtitiis. Kapag nanganak ka na pwede ka nang magpunta kahit saan mo gusto. Kahit na iwan mo na kami ng anak mo. The hell I care.”
Pinanood niya ang paggigiyagis ng ngipin ng asawa habang sinasabi iyon. There was an underlying message there. Oras na piliin niya ang trabaho niya ay kailangan niyang iwan ito at ang bata. She must cut her ties. Hindi na siya pwedeng maging bahagi ng buhay ng mag-ama niya oras na umalis siya sa poder ng mga ito.
She could feel the gates of the cage closing down on her. Nasa kulungan na naman siya. It was too cruel but she had no choice but to suck it up. Hindi niya gustong mapahiwalay sa anak niya. But there must be some ways to take her edge off. Malapit-lapit na talaga siyang mabaliw sa bahay na iyon nang walang ginagawa.
Inilahad niya ang mga kamay. “P-Pero wala naman akong gagawin dito. The people in this house can function without my orders. Tapos ayaw mo rin akong gumawa ng kahit anong gawaing bahay. Ayaw mong gumalaw ako. Anong gusto mong gawin ko dito? I will die of boredom, Vance. Alam mo ba na hindi maganda sa isang buntis na babae na walang ginagawa? Baka maging dahilan iyon ng depression. Hindi rin iyon makakabuti sa akin at sa bata. Is that what you want?” naghahamon niyang tanong.
Itatapon niya dito ang lahat ng psychobabble na pwede niyang maimbento para lang matiyak na mapagbibigyan niya ito. Na hindi maganda sa kalusugan niya ang paniniil na ginagawa nito sa kanya. Some expecting mothers work. Mga babaeng mas mayaman pa sa kanya. Mas maselan pa ang kondisyon sa kanya. Maswerte lang siguro ang mga ito dahil walang istrikto at controlling na asawa ang mga ito. While she had Vance. Siguro ay gusto sila nitong alagaan ng anak niya pero di niya maiwasang maramdaman na nakakadena ang paa’t kamay niya. She was practically a prisoner there. O kaya ay isang dekorasyon lang sa tahanan nito dahil parang wala naman siyang silbi.
“Hindi mo naman kailangang umabot sa depressed stage. You can fix the nursery if you want.”
Napanganga siya. “The nursery?”
“Yes. Isa sa guestroom ang gagawin nating nursery. Paparating mamaya ang interior designer para kausapin ka. And you have shop for baby clothes, cribs, toys, etc.”
“Pero four months pa lang ang ipinagbubuntis ko.” Hindi pa nga nila alam kung anong gender ng bata. Tapos ay gusto agad nitong mag-decorate siya ng nursery at mamili ng gamit? Parang masyado naman yatang maaga.
“Mas magandang habang maaga pa lang ay handa na tayo sa paglabas ng bata. Mabuti nga iyan para hindi ka pa hirap mamili sa ngayon. Pagkakataon mo nang makalabas ng bahay para di mo naman sinabi na lagi ka lang nandito sa loob ng mansion. Hindi ka ba excited na mamili para sa anak natin?”
“I am. Pero iba naman ang gusto kong hingin sa iyo…” Hindi naman trabaho ang pag-aayos ang nursery. She wanted a fulfillment as a woman. At hiwalay ang pagiging babae niya sa pagiging asawa at ina niya. Paano ba niya iyon ipapaliwanag sa saradong isipan ni Vance. Bago pa niya magawang makipag-argumento dito ay matiim na naman ang anyo nito.
Ginagap nito ang kamay niya para putulin pa ang ibang argumento sa isipin niya. “Huwag mo nang isipin ang trabaho sa ngayon. Kaya kailangan mong mag-focus sa magiging baby natin. If you want anything that can enchance your brain, maraming libro sa library. You can access the internet if you want to talk to your friends and colleagues. But that’s it. Ayokong may iba ka pang isipin kundi ang magiging anak natin. Malinaw ba?”
“Y-Yes,” nag-aalangan niyang sagot. Wala naman siyang choice kundi ang tumango na lang dito.
“I must get going. We have a Japanese investor to meet in an hour.” Tumayo ito at kinintalan siya ng halik sa pisngi. Too impersonal. Not intimate at all. Ganoon kalamig ang pagsasama nila ni Vance.
Tumayo siya sa upuan. “Ihahatid na kita sa kotse mo.”
“Hindi na.Tapusin mo na ang kinakain ko,” anito at tumango kay Mang Ador na nakaantabay sa di kalayuan. “Umalis na po tayo. May road reblocking daw ngayon at baka maipit tayo sa traffic.”
“Yes, Sir,” anang si Mang Ador.
Malungkot na lang niyang pinagmasdan ang likod ng papalayong asawa. Kailan ba ito matutuwa sa ginagawa niya para dito? Kailan ba sila magkakasundo? Parang napaka-imposible ng hinihingi niya na mapalapit ulit ang loob niya dito. Kahit anong gawin niyang pag-aasikaso dito ay parang sinasangga lang nito. Kapag ba naayos na niya ang nursery ay mas magiging malapit na ba ang loob nito sa kanya?
Magpapatuloy sana siya sa pagkain nang mahagip ng paningin niya ang plastic dish na naglalaman ng oatmeal cookies sa tabi ng plato nito. Dinampot niya ang plastic container at hinabol si Vance na pakasay na ng kotse. “Vance, nakalimutan mo ang cookies mo. Pinaghirapan kong i-bake iyan.” At alam naman niyang nasarapan ito sa cookies niya kaya hindi nito pwedeng tanggihan basta.
Bumuntong-hininga ito at parang napilitang kuhanin ang plastic container. “Sa susunod huwag ka na talagang magpapagod. Okay lang naman ako kahit di mo ako alagaan. Mas maganda kung mag-focus ka na lang sa anak natin.”
“B-Basta kainin mo iyan at huwag kang magpapagutom. A-Ayoko rin naman na magkasakit ka dahil sa pagtatrabaho mo,” malambing niyang sabi.
Bakas ang pagtataka sa mukha nito. “O-Okay. Thank you.”
Sapat na ang pasasalamat nito para ngumiti siya at gumaan ang loob. “Mag-ingat ka,” malambing niyang sabi.
Hindi na masama. Di naman nito natanggihan ang cookies niya. Hindi naman talaga tuluyang nawala ang pinaghirapan niya. Inspired siyang mag-ayos ng nursery dahil doon.