“I CAN’T BELIEVE IT! I am nominated Photographer of the Year for Pulitzer Prize, man! I am a Pulitzer Prize nominee and a freaking hot Brazilian model wants to f*ck me. I love this! I f*cking love this! Whoo! I am the king of the world!” sigaw ni Deutsch at nagtatalon sa harapan niya. Nang di pa ito nasiyahan at gumulong-gulong ito sa carpeted na sahig ng opisina ni Vance. Wala itong pakialam kung tinapakan na ng kung sinu-sino ang carpet na iyon at madudumihan ang designer jeans nito at ang checkered red, white and black na polo. Dumating ito kaninang matapos ang meeting niya sa mga Japanese investor. Hindi rin naman siya makapag-focus sa trabaho kaya napilitan din niyang tanggapin ang kaibigan niya sa opisina niya dahil may importante daw itong sasabihin sa kanya.
Hindi na narinig ni Vance ang sinasabi ng kaibigan at wala rin siyang pakialam sa exhibition na ginagawa nito sa carpet ng opisina niya. Nakatitig lang siya sa cookies na niluto ni Phoenix na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nagagalaw mula sa plastic container.
Pabiro siyang sinuntok sa braso ni Deutsch. “Huy! Kanina pa ako dito. Di mo ako pinapansin. I said…”
Nakakunot ang noo niya itong tiningnan. Nainis siya dahil inabala nito ang taimtim niyang pagmumuni-muni. Hindi ba nito nakikita na kailangan niya na mag-concentrate sa iniisip niya para abalahin nito? “Gaano ba kaimportante ang sinasabi mo?”
Napanganga si Deutsch. “What the… I am a Pulitzer Prize nominee.. Pulitzer Prize,” anito at itinuro ang sarili. “The most prestigious competition in the whole damn world. I am in cloud nine. Cloud ten pa nga kung posible. I am on top of the stratosphere. I can almost reach the stars.”
“Okay.”
“Okay? Okay lang ang sasabihin mo?”
“Okay. Go to the outer space. Goodluck on your adventure to reach the stars. Bye! Leave me in peace.” At saka iwinaksi niya ang kamay dito na parang itinataboy dito.
Iwinagayway nito ang palad sa harap ng mukha niya. “Hello, Mr. Vance Antiporda. May naiintindihan ka ba sa sinasabi ko? Sabi ko…”
Inis niya itong tiningnan. “Yes. I understand you. Sabi mo pupunta sa tuktok ng stratosphere. Na pupunta ka sa mga bituin. Kaya nga sabi ko goodluck sa pagpunta mo space expedition mo. Ewan ko kung magkikita pa tayo pagbalik mo sa kung saang bituin. Mars nga di pa naaabot ng tao.”
Sanay na siya sa mga weird coverage ni Deutsch sa iba’t ibang parte ng mundo. Mas weird, mas intense ay mas lalong mabuti para dito. Puro human interesting stories ang kinukuha nito. Handa itong isuong ang buhay sa panganib. He thrived on danger for a living. Kaya di na siya magtataka kung sasama ito sa isang expedition sa outer space para lang makakuha ng magandang larawan.
Napanganga na lang ito sa kanya. “Wala ka ngang naintindihan sa sinabi ko. Hindi ako pupunta sa outer space. Figure of speech ang iyon. Kasi nga nominated ako sa Pulitzer Prize. Pulitzer Prize. You know? Prestigious competition for journalists and photojournalists.”
“Okay. Mukhang pamilyar nga iyan sa akin.”
Pinitik nito ang noo niya. “Wala nga yatang pumapasok sa isip mo. Paano mo ako maiintindihan kung nakatitig ka lang diyan sa cookies na iyan. Ano bang meron diyan sa cookies na iyan at hindi mo ako pinapansin?”
“It is a puzzle?” nakangiwi niyang wika.
“W-What? Ano bang sinasabi mo diyan?” Hinawakan nito ang container ng cookies at ipinaling-paling. “Looks like ordinary cookies to me.” Inalog-alog nito ang container. “Ano ba ang mga bagong pauso sa mga cookies ngayon? Kinakain lang naman ito. Madali lang buksan. Ako na lang ang magbubukas. May puzzle-puzzle ka pang sinasabi.”
Bigla niyang hinablot ang container mula dito. “Huwag mong alugin. Baka madurog.”
“Ano bang meron sa cookies na iyan at parang takang-taka ka? Nandiyan ba ang susi para maging habambuhay na bata? Kapag ba kinain ko iyan ay lalo akong dudumugin ng mga babae.”
Matalim niya itong tiningnan. “Si Phoenix ang nag-bake nito,” aniya at kinipit pa sa braso ang plastic container na parang natatakot siyang agawin ito ni Deutsch mula sa kanya.
Ngumisi ang kaibigan niya at namaywang. “Wow! Very domesticated. You have a loving wife. Ayos naman pala e.”
Kumunot ang noo ni Vance. “Kaya nga nagtataka ako. Hindi ko alam kung bakit siya umaaktong mabuting maybahay sa akin. Siya ang nag-aasikaso ng damit ko, she makes my bed every day, cooks for me and now she even bakes my favorite cookies. Ayaw daw niyang magugutom ako. How weird is that?”
Nagkibit-balikat ito at umupo sa bakanteng upuan sa harap ng desk niya. “Ano naman ang nakakapagtaka doon? Mag-asawa na kayo. Natural lang naman sa babae na asikasuhin ang asawa niya.”
Pero di naman ordinaryong asawa si Phoenix. She was Phoenix Villaviray. They didn’t have an ordinary marriage. Pinilit niya itong pakasalan siya at sinira niya ang plano nito na itago sa kanya ang magiging anak nila. He didn’t allow her to cheat on him for the nth time. At tiyak niyang kung ito ang masusunod ay nais nitong gawing miserable ang buhay niya. Di tulad ngayon na parang gusto siya nitong pagsilbihan na parang hari. It was weird and unnerving.
“She’s supposed to hate me. After all, nakuha na niya ang kailangan niya sa akin.”
“Yeah! Your gorgeous body and your high quality sperm.”
“Exactly!” wika niya at pumitik.
“Siguro naisip niya na gawing normal ang pagsasama ninyo.”
At malamang ay kinamumuhian siya nito lalo dahil hindi niya tinatanggap ang mga pag-aasikaso nito sa kanya. Naiilang siya na pinakikitaan siya nito ng maganda. Hindi niya pwedeng basta-basta ito pagkatiwalaan.
She was a woman who must not be trusted. She taught him a very hard lesson when it comes to trust. Habang inaakala niya na bumubuo sila ng isang maganda at matatag na relasyon ay iba naman pala ang plano nito sa buhay. She was a treacherous woman. Iba ang Phoenix na nagtiwala na kaya niya itong mahalin at iba rin ang babaeng nagbigay ng katawan sa kanya para lang bulagin siya ng alindog nito at paikutin siya. Naniniwala siya na wala na ang inosenteng Phoenix na minahal niya. Ibang Phoenix ang pinakasalan niya. Ang Phoenix na di niya pwedeng pagkatiwalaan ng buhay niya kung gusto niyang gumising na lang siya isang araw na may nakatarak nang patalim sa puso niya. In a figurative sense, of course. She was more vicious that way than literally plunging a knife on his heart.
Hinaplos niya ang sariling baba. "O baka naman may kailangan siya sa akin."
"Gaya ng... sex?" nakangising tanong ng kaibigan niya.
Umiling siya. He was celibate for sometime now because of Phoenix. Malinaw nitong sinabi na wala na itong planong ibigay pa ang sarili sa kanya. "No. Kung aakitin niya ako, alam ko na gusto lang niya akong palambutin para pasunurin sa gusto niya. That woman is a highly intelligent creature. Hindi na ako magpapauto sa inosente niyang mukha."