Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 108

Napansin niya na gusto siya nitong akitin noong honeymoon nila. He could easily give in. Mahina siya pagdating kay Phoenix. Pero anong kapalit? Ang kaluluwa niya?

Tiyak na gagamitin nito ang kahinaan niya laban sa kanya. At nang hindi gumana ang pang-aakit nito ay nagpapaka-domesticated naman ito. Hindi talaga ito nauubusan ng tricks sa katawan.

"Ano naman ang gusto niya sa iyo at kailangan pa niyang magpakabait para lang makuha niya?" naguguluhang tanong ni Deutsch. “Ano pa bang hahanapin niya sa iyo? May isa siyang guwapo at mabait na asawa na ibibigay ang lahat ng gusto niya. She’s practically a queen.”

“Exactly. Pero di pa rin siya masaya. Kanina habang nagbe-breakfast kami tinanong niya kung pwede siyang magtrabaho. Marami daw offer sa kanya para tumulong sa pagsusulat ng journals at archaeological publications.”

“Wow! Hindi naman yata siya kailangang umalis ng bahay para sa mga iyon. Anong sabi mo sa kanya?”

Tumigas ang anyo niya. “Of course, I said no."

"Pwede naman ang mga ganoon sa bahay. Hindi iyon nakakapagod katulad ng mga archaeological digs. Hindi naman siya malalayo sa iyo."

"Hindi niya kailangang magtrabaho. Ayokong may iba pa siyang aalalahanin habang nagdadalang-tao siya.”

“May mga babae naman na nagtatrabaho kahit na buntis. Mabibigat pa nga ang ginagawa nila pero ayos lang naman. Alam mo naman na independent ang asawa mo. Hindi pwedeng di siya magtrabaho. Baka mabaliw iyon.”

“Marami naman siyang pwedeng gawin nang di kailangang magtrabaho. Gusto kong mag-focus siya sa magiging anak namin. So I told her to fix the nursery instead."

Natigagal si Deutsch. "Fix the nursery?"

"Nagpadala na ako ng interior designer para tulungan siya. It is enough to keep her occupied. Para din a niya isipin ang trabaho niya."

Hindi talaga niya maintindihan kung anong problema ni Phoenix sa pananatili sa bahay. Ilang buwan lang naman ang hinihingi niya para matiyak na maayos ang kalagayan ng anak nila. Mahirap ba iyon? She machinated this whole thing to get herself pregnant. Inakit siya nito at pinaikot. Bakit hindi nito matiyagang alagaan ang magiging anak nila?

"Hindi mo man lang siya pinayagan na magtrabaho? Nursery? Ano lang naman ang magagawa niya sa nursery samantalang may interior designer ka nang kinuha."

"That is enough to keep her busy." Naiinis niyang tiningnan ang kaibigan. “Come on. Tayo ang magkaibigan dito. Bakit parang gusto mong hayaang magtrabaho ang asawa ko? Kapag nag-asawa ka, ibig sabihin okay lang sa iyo na mahirapan siya habang nagbubuntis?”

Itinaas nito ang daliri. “Gusto ko lang linawin na hindi ako mag-aasawa. Hindi rin ako magkakaanak. Pero kung may isang bagay akong natutunan sa lahat ng mga taong nakasalamuha ko sa mundo, I respect the power of women. Kung paano nilang kayang magbuntis pero nakakapagtrabaho pa rin. Hindi pwedeng alisin sa kanila ang profession nila kahit gaano pa kaliit dahil parte iyon ng charm nila bilang babae. Lumalabas ang full potential nila.”

It didn’t make him feel any better. His friend is siding with his wife. “Pwede naman siyang magtrabaho sa tamang panahon,” sabi niya at iniwas ang tingin dito.

"At kailan mo naman siya pagbibigyang magtrabaho?"

"Pagkapanganak niya pwede na siyang magtrabaho. But my child is staying with me. We will get an annulment and she will give me the full custody of our child. Hindi ko siya papayagan na hayaan ang anak namin na maghukay sa kung saang disyerto o kuweba. Gusto ko ng normal na kabataan para sa anak ko."

Mataman siyang tinitigan ng kaibigan. "Aren't you a bit cruel to her?"

"At bakit naman?" Hindi niya iniisip na malupit siya dahil inaalagaan naman niya si Phoenix. Di niya ito pinababayaan.

"Asawa mo siya at dinadala niya ang anak mo, but she's still her own woman. Hindi mo ba narinig na ang mga babae ngayon ay pwede pa ring magtrabaho kahit na buntis sila?"

"Kailangan nila iyong gawin dahil sa pera. I can provide it for my wife and my child. Madaming babae din ang nalalagay sa alanganin ang pagbubuntis dahil sa pagtatrabaho."

"Nandoon na tayo. Pero marami ring babae ang nakakaranas ng depression habang nagbubuntis. Look at Phoenix. Parang tumigil ang buhay niya dahil sa pagbubuntis niya. Nasa bahay lang siya. And what? Mag-aayos ng nursery. Kung ikaw man ang lumagay sa kalagayan niya, di kaya mabaliw ka rin na nakakulong lang sa bahay?"

"She's a smart woman. I am sure she'll understand. Kung talagang pinahahalagahan niya ang kalusugan ng anak namin, alam niyang kailangan niyang magsakripisyo."

Pumalatak ito. "I am afraid you are asking too much from her. Wala ka nang itinira sa kanya."

Walang itinira? Hindi naman niya inaapi si Phoenix. Gusto lang niyang alagaan ito at ang magiging anak niya. He won’t risk their health. Paanong siya ang naging malupit ngayon?

Inis niyang binalingan ang kaibigan. "You are a playboy. Why are you playing psychologist and expert on pregnant women?"

Inilapat nito ang palad sa dibdib. "I am a Pulitzer Prize nominee. Marami na akong nakita sa mundong ito. And you are acting like a Neanderthal. Katulad ka rin ng mga caveman na nahukay nila Phoenix sa Palawan. Sinapian ka ba ng mga iyon?"

Binato niya ito ng Parker Pen niya. "Shut up! I know what I am doing." Hindi naman ganoon kasama ang ginagawa niya. Hindi niya inaapi si Phoenix. Damn it!

Natatawa lang nitong sinalo ang pen. "Sana nga alam mo ang ginagawa mo. Huwag kang masyadong magpadala sa galit mo. Baka sa sobrang galit mo minsan, di mo na nakikita na nakakasama na pala ang ginagawa mo.”

“Pag-usapan na lang natin ang pagpunta mo sa outer space,” sabi niya para iiwas ang usapan tungkol sa kanila ni Phoenix.

“Hindi ako pupuntang outer space,” naiinis na sabi nito. “Pulitzer Prize nominee nga ako. Kainin na lang natin ang oatmeal cookies ni Phoenix. Mukhang masarap iyan.”

“No way. This is mine!” tutol niya at ipinasok ang plastic container sa loob ng drawer niya.

“Ang init ng ulo mo. Celibate ka siguro,” nakangising sabi nito. “Dapat nag-give in ka na lang kay Phoenix.”

“Sira ulo!” angil niya.

Hindi na siya magiging mahina pagdating kay Phoenix kahit na kailan. Hindi niya pwedeng magpatalo sa emosyon niya dahil siya din ang tao. Kung kinakailangan niyang maging matigas para kontrolado pa rin niya ang sitwasyon ay gagawin niya. He was in the helm of this marriage. Hindi niya basta-basta mapagkakatiwalaan si Phoenix. Mabuti nang maging malinaw iyon ngayon pa lang.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.