Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 109

"THERE you go? That is the head of the your baby.”

Nanlalabo ang mata ni Phoenix habang tinitingnan sa monitor ang ultrasound ng anak niya. Mahigit apat na buwan na ang dinadala niya at mas nakikita na ngayon ang iba’t ibang parte ng nabubuong katawan nito.

Hindi siya makapagsalita dahil sa sobrang emosyon. Hindi nga siya makatulog dito sa sobrang excitement. Napakaganda ng anak niya. At first it was just a beating lump of flesh. Parang alien pa nga noong una. Ngayon ay nagsisimula nang makita ang porma ng maliit na tao.

Her child was beautiful. There was a beautiful life inside of her. Malakas na pintig pa lang ito sa ngayon pero hindi na siya makapaghintay na maramdaman itong sumipa at mag-react sa bawat sinasabi at ginagawa niya. Kung alam lang nito na handang-handa na siya sa paglabas nito sa mundo. Handa siyang ibigay dito ang lahat, ang kahit na ano.

“May paa at kamay na siya,” sabi ni Vance at itinuro ang screen. “He is thumbsucking. Wow!”

"She is thumbsucking,” pagtatama naman niya at matalim itong tiningnan. Pakiramdam niya ay babae ang magiging anak nila. Bagamat yellow ang kulay ng nursery na pinili niya para pwede sa babae at pwede sa lalaki ay malakas ang pakiramdam niya na babae ang anak niya.

Mas madaling alagaan ang mga babae dahil di niya maintindihan ang mga lalaki. Di niya maintindihan si Vance. Daig pa ang mood niya noong naglilihi. Palagi itong malamig sa kanya kapag kinakausap niya. Ngayon nga lang niya nakitang gumaan ang mood nito dahil sa check up ng anak nila.

Nagpapalit-palit ang tingin sa kanila ni Doktora. "Do you want to know the gender? Four months na kaya pwede nang makita."

"No,” kontra ni Vance.

"Yes,” sagot naman niya at nakipaglabanan ng tingin dito. Para naman ngayon pa lang ay makapaghanda na siya kung anong bibilhin para sa anak nila na mga gamit. Baka sakaling may dahilan siya para magkasama sila nang mas matagal o kaya ay kausapin siya nito nang mas madalas.

Ang sagutan ngang ito ay mas may sense pa kaysa sa pag-uusap nila nitong nakakaraang araw kung saan parang recorded voice message ito na walang ibang itinanong kung ano ang pakiramdam niya at kung ano ang development sa nursery. Hindi naman niya masabi na bored na bored na siya sa buhay. Gusto niyang ipakita dito na amenable siya hanggang dumating ang panahon na pwede na niyang i-assert ang gusto niya.

"I want it to be a surprise,” anang si Vance.

"Gusto ko nang malaman kung anong bibilhin na gamit o itatawag sa kanya. Para makaisip na rin tayo ng pangalan,” sabi naman niya. Para naman hindi puro “baby” lang ang tawag niya sa anak niya. Kung lalaki man ang anak niya, tanggap naman niya iyon. At least ay alam niya. Para naman may iba siyang magawa sa buhay niya at may iba siyang mapag-isipan.

"Pwede namang huwag muna. May susunod pang check up. Nakikita ko naman na maayos ang development ng bata kaya wala kayong dapat na ipag-alala,” paliwanag ni Doktora Villamena. “Good job. Kahit ang weight mo ay nag-improve, Mrs. Antiporda. Normal na rin ang blood pressure mo.”

“Sinusunod namin ang instruction ninyo tungkol sa tamang pagkain,” pagmamalaki ni Vance.

Of course. Ipinagmamalaki nito na inaalagaan at binabantayan siya nito. Yeah, great! Of course. The responsible and loving husband. So perfect. He says all the right words. Totoo naman ang sinasabi nito. Tinitiyak nito lagi na maayos ang kalagayan niya at ng bata sa sinapupunan niya.

Wala siyang ginawa kundi ngumiti na lang habang bumibida ito sa doktor na para bang twenty-four hours itong nakabantay sa kanya at parang ito ang personal na nag-aalaga sa kanya. Na parang alam talaga nito ang lahat ng kailangan niya at isinasaalang-alang nito ang nararamdaman niya.

“Good.” Tinapos na ni Doktora Villamena ang ultrasound niya at bumalik sila sa opisina nito. “Wala naman akong nakikitang problema sa pagdadalang-tao mo. Except, Mrs. Antiporda, you seem a bit pale,” puna nito at nakakunot ang noo siyang pinagmasdan. “Are you feeling okay?”

Bumuntong-hininga siya. "Just a bit bored maybe. I am idle at home most of the time. Hindi na kasi ako masyadong nakakalabas.”

“I guess that is natural,” kaswal na sabi ng doktora. Habang napansin naman niya na natilihan si Vance dahil nagbubukas siya ng saloobin niya sa doktora sa mismong harapan nito. Pasensiyahan na lang siya. Matagal na niyang hinintay ang pagkakataong ito. This is her chance.

“Doktora, I used to be an archaeologist. I am used to doing a lot. I mean, naiintindihan naman din po ninyo na kailangan din ng babae na maramdaman niya na kapaki-pakinabang siya. Na hindi hadlang ang pagiging buntis para magawa niya ang ibang bagay na gusto niyang gawin. K-Kasi nabasa ko po sa isang study na mas healthy daw sa isang buntis kung magaan at maganda ang pakiramdam niya. Importante iyon sa emotional health ng isang buntis, di po ba?” malambing niyang tanong.

Nakita niya ang biglang pagtuwid ng upo ni Vance. Binigyan siya nito ng nagbababalang tingin. Of course. Alam niyang kontra ito na pag-usapan ang tungkol sa pagbalik niya sa trabaho pero wala itong magagawa. This was her check up. It was her body and her well-being. Pwede niyang itanong sa doktor niya kung anuman ang gusto niya.

“Of course. Whatever makes you happy, Mrs. Antiporda. You have a clean bill of health. Nakakasunod ka naman sa lahat ng bilin ko sa iyo. I guess it is fine to work,” nakangiting wika ng doktora pero naging alangin ang ngiti nito nang makita ang nakatiim na anyo ni Vance.

“It is not okay for her to work,” sabi ni Vance. Nakangiti lang niya itong tiningnan at di sumagot.

“But of course, kayo pa rin ang magdedesisyon na mag-asawa tungkol diyan,” anang doktora na mukhang di komportable. Nag-aalala marahil ito na maggiyera na naman sila ni Vance sa harap nito.

“Of course,” aniya at binigyan ng matagumpay na ngiti si Vance.

Nakuha na niya ang approval ng doktora. Wala nang ibang maikakatwiran pa si Vance sa kanya. Sapat na iyon sa kanya. Bahala itong magngitngit. Mission accomplished.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.