Hindi niya alam kung sino ang mas kinabahan sa tanong ni Vance – siya o ito. Alam niyang iyon ang tanong na kinatatakutan nito.
Nanunukso siyang ngumiti. "Huwag mo akong hamunin. Baka mamaya ma-in love ako sa iyo. Pipikutin kita. Baka hindi na ako bumalik ng Egypt. Sige ka."
"Gusto mo pa rin talagang bumalik sa Egypt?"
"I am keeping my options open. Parang napakalaking opportunity kung magiging parte ako ng archaeological community ng Pilipinas. But of course, may tatlong buwan pa akong kontrata sa Egypt. I don't want to leave them hanging."
But she would love to stay. Kahit na nasa Egypt siya ay parang hindi pa rin siya mapakali. Her soul was still restless. Pero habang nasa El Nido siya at kasama si Vance, nakadama siya ng kapayapaan. Wala sa disyerto o sa mga higanteng pyramids na libingan ng mga sikat na pharoah. She found solace and peace on the beaches and caves of El Nido. She found happiness in Vance's company.
Hinawakan nito nang mahigpit ang kamay niya. "Please stay here."
Napigil ni Phoenix ang paghinga. “Vance…”
"Maganda rin naman ang career opportunity dito. Isipin mo kung makakasama ka sa team na magdidiskubre sa mga di pa nae-excavate na kuweba ng Palawan. Hindi ka na rin aalalahanin ni Ninong Mauricio. Hindi na siya bumabata. Gusto niyang makasama ka nang mas madalas. And he likes El Nido. He is planning to retire here. At ako.."
“Anong ikaw?” tanong niya.
"Mami-miss mo ako. You'll hunger for my touch."
Akala naman niya ay gusto siya nitong makasama. Itinulak ng daliri niya ang noo nito. “Puro ka kalokohan. Magseryoso ka nga.” Kapag hindi nito inayos ang sagot nito ay babalik siya sa Egypt.
Nawala na ang pagbibiro sa anyo nito at sinapo pati ang isa pa niyang kamay. Direkta siya nitong tiningnan sa mga mata. His eyes were intense and it made her heart skip a beat. "I want you to stay because I like you."
"Like... paanong like?" Like na parang friend? Like na parang crush? Medyo malabo ang sagot nito.
Binasa ng dila nito ang labi nito na parang ninenerbiyos. “I was never good at confessions or discussing my feelings. Hindi ko pa iyon ginawa sa isang babae.”
“Feelings? You have feelings for me?”
Hinaplos nito ang kamay niya na animo’y nag-aalangan sa sasabihin sa kanya. Hinila nito ang upuan palapit sa upuan niya. "Gusto na kita teenager ka pa lang. I think you were fourteen then. Gusto sana kitang ligawan noong mag-e-eighteen ka na pero lagi mo na lang akong sinusupladahan at inaaway. Hindi pa maganda ang perception mo sa akin dahil pakiramdam mo kinukumpitensiya kita sa atensiyon ni Ninong Mauricio. Then you left for abroad and our gap became bigger.
“Bata pa tayo noon pero ngayon ay mas matanda na tayo at sa palagay ko ay mas matured. We don’t have to bicker at each other anymore. Gusto ko na nandito ka para makilala mo rin akong mabuti. Para makita mo na kaya kitang alagaan. Na pwede kong ibigay lahat ng gusto mo."
"Lahat?"
"I can't be a pharaoh like Thutmose or a conqueror like Alexander the Great but I am willing to be your slave. Sex slave."
Umikot ang mga mata niya at tumawa. "Oh, please! Kailan ka ba magseseryoso?"
"I am serious. I am yours to command. I am a great kisser and a lover..." Nag-init ang mukha niya. "Okay. I am a great kisser. If you want to be my lover, you have to marry me."
"Ikaw? Magpapakasal?" di makapaniwala niyang tanong.
"With you I will make an exemption. So I am blabbering like an idiot. Okay.” Huminga ito ng malalim na animo’y gustong hamigin ang sarili. “Please stay."
Hindi niya alam kung paano ito sasagutin ngayon. Mukhang seryoso na talaga ito. Mas seryoso pa kaysa sa inaasahan niya. Dati pa siya nito gusto? Hindi niya iyon napapansin pero naalala niya kung gaano katindi ang effort nito na mapalapit sa kanya. Pero dahil naiirita siya dito ay binabalewalal lang niya. Anong dapat niyang isagot dito nang di naman magmumukhang excited siyang masyado na makasama ito?
Pinisil ni Phoenix ang pisngi ng binata. "You are cute when you blabber like an idiot."
Mariin itong pumikit. "Please! Hindi mo naman ako sineseryoso. Desperado na ako dito. I am offering you everything in me. A serious relationship…or a chance of having one with you."
It was obviously not a practiced speech. Alam ni Phoenix ang kalibre nito. Mga babae ang nagpo-propose dito. Hindi nito kailangang mag-effort sa isang babae. At kung anuman ang sinasabi nito sa kanya, sinasabi nito nang galing sa puso nito. He was struggling but he was trying his best.
"Kumbinsihin mo ako na dapat talaga akong manatili dito,” aniyang may pigil na ngiti sa labi.
Itinuwid ni Vance ang balikat na parang handa ito sa anumang ipapagawa niya. "Ano pang kailangan kong patunayan?"
"That you are a great kisser."
Nagulat ito. “Iyon lang? Just a kiss?”
“Huwag kang masyadong kampante. Let me inform you that I am not easy to impress.” She crooked her finger. “Come. Tingnan ko kung ano ang ipinagmamalaki mo, Vance Antiporda.”
Ihinaplos nito ang palad sa pants nito. Gone was the overconfident man who kissed her when she was back from Egypt. Puno ito ng pag-aalinlangan. Parang hindi nito alam ang gagawin. As if it was his first time to kiss a woman.
“Hindi naman kita pine-pressure,” wika niya.
Hinawakan nito ang pisngi niya at natahimik siya. His thumb caressed her cheek and her heart thudded against her chest. Kinintalan nito ng halik ang noo niya. Saka bumaba ang labi nito sa mga mata niya. Then he planted a kiss on the tip of her nose. Di niya mapigilang ngumiti. Of course, she didn’t expect that. She thought he would be fierce and plunder her lips.
Then he claimed her lips. It was tentative at first. Yet it was pure and sweet. Parang humihingi ito ng permiso na palalimin ang halik.Ibinuka niya ang labi at pinalalim nito ang halik pero maingat pa rin ito. Ibang-iba sa halik nito sa kanya noon. She felt cherished. He tasted of strong coffee and man. She felt how strongly he desired her but he was was trying to control his urges. He made her feel like a woman. But not just any woman but a very special woman. His woman.
Wala itong sinabi nang maghiwalay ang labi nila. Idinikit lang nito ang noo sa noo niya. Inilapat niya ang palad sa dibdib nito. Malakas ang tibok ng puso nito.
“Kinakabahan ka pa rin?” tanong niya. “Not that confident?”
“Pagdating sa iyo, hindi na ako sigurado.”
Hinawakan niya ang pisngi nito. "I will consider."
“If I am a good kisser or not?” he asked dumbfounded.
Pagak siyang tumawa. "No. Whether I will stay here or not. May dalawang linggo pa ako para mag-decide kung babalik sa Egypt at mananatili na sa Pilipinas. I guess that decision is worth your kiss."
“Yes!” sigaw ni Vance at kinintalan ng halik ang labi niya. His face lit up. Parang bata ito na nakatanggap ng regalo sa Pasko nang mga oras na iyon. "I will do everything to make sure it is worth your stay."
Nagseryoso siya. "Vance, don't mess this up. Ikaw ang ima-mummify ko kapag pumalpak ka."