Taas-noong bumaba ng grand staircase si Phoenix. Kampante ang bawat hakbang niya habang pababa ng hagdan. She was wearing a satin gold halter gown. May naka-accentuate na diamond belt sa baywang niya habang nakabagsak naman ang palda hanggang sa sakong niya. Tinernuhan iyon ng diamond purse at diamond bangles. Nakataas din ang kinulot niyang buhok.
"You look like a regal queen,” humahangang sabi ni Vance nang salubungin siya pagbaba ng hagdan. Sinamahan siya nitong mamili ng damit pero di nito nakita nang isukat niya ang damit. Gusto niyang sorpresahin ito.
"And you are the king?"
"No. Just a lowly slave,” mapagpakumbabang wika ni Vance at yumukod. Bahagya nitong inangat ang ulo. “Your slave.”
“You are too gorgeous to be a slave.”
Hinila niya ang brasonito para tumuwid ng tayo. Paano niya ito magiging alipin samantalang pakiramdam niya ay ito ay kumokontrol sa kanya? He invaded her senses and thoughts day and night.
“Nasaan si Tito Mauricio?” tanong niya at luminga sa paligid. Napaka-punctual nito at ayaw nitong nahuhuli sa mga pagtitipon.
“Magpapahinga daw muna si Ninong ngayong gabi. Napagod siya sa site visit kanina at sa sunud-sunnod na meeting. Gusto niyang i-represent natin siya.”
“Mas okay nga kung magpapahinga naman siya,” aniya at malungkot na tiningala ang ikalawang palapag ng villa kung saan naroon din ang silid ni Mauricio. Mas gusto niyang isipin na binibigyan nito ng panahon na magsarilinan sila ni Vance kaysa isipin na baka may sakit ito o mas malala pa.
She had a good feeling about this night. Ang mga Ventura ay matagal nang kaibigan ng pamilya nila. Ang mga ito ang unang sumalubong sa kanya nang kanlungin siya ng Tito Mauricio niya. Di gaya ng ibang party kung saan puro negosyo ang nature, ngayon ay ika-siyamnapung kaarawan ng patriarka ng mga Ventura. Kahit paano ay dati na niyang kakilala ang ibang mga bisita kahit pa sabihing di naman siya gaanong malapit sa mga ito. Ang ilan sa mga apo ni Ventura Ventura ay nakipagkaibigan sa kanya gaya nina Deutsch at Amery.
Nakadama siya ng kompiyansa sa sarili. Vance believed that she was beautiful. Bago ito para sa kanya. And it was such a good feeling. Lalo na kapag tinitingnan siya ni Vance na parang siya lang ang babae sa mundo.
Pero parang gusto nang magbago ang isip niya nang isang babae ang agad na sumalubong sa kanila ni Vance sa lobby pa lang ng hotel. She was wearing a plunging neckline gown. Makintab ang telang suot nito parang nagshi-shimmer na rainbow. Halos lumuwa ang dibdib ng babae. Halos wala na ring matakpan sa hita nito sa ikli ng damit.
"Vance! I miss you.” Yumakap ang babae kay Vance at mariing hinalikan sa labi. More like shoving her tongue on his throat. “Hindi mo na ako tinawagan ulit."
Parang gusto niyang pagmumugin ng muriatic acid si Vance para lang mawala ang bacteria na iniwan ng babae dito. Kumuyom ang palad niya. Huwag sabihin ni Vance na nag-enjoy ito sa halik na iyon. Magwo-walkout talaga siya.
"It is great to see you again, Bianca. But I am afraid I have a date.” At saka tumingin si Vance sa kanya.
Nakasimangot siyang tiningnan ni Bianca mula ulo hanggang paa at bumalik ulit. Tumutok ang mga mata nito sa dibdib niya. "She doesn't have much boobs really. And I know how much you love my babies.” Walang kahihiyan pang sinapo ni Bianca ang dibdib nito. At halos kumawala na ang dibdib nito sa damit nito. Vance got an eyeful, she was sure. “You have my number if you find her underwhelming." Saka siya nakangising tinapunan ng nang-iinsultong tingin bago sinalubong ang mga kakilala nito sa lobby.
"Wow! Did she just insult me?" And my boobs? Hindi pa naiinsulto si Phoenix buong buhay niya pagdating sa hinaharap niya. Maliban na lang kung ang tanging ipagmamalaki ng babaeng iyon ay boobs lang nito na parang naka-concentrate na sa boobs nito pati ang laman ng utak nito.
Hinawakan ni Vance ang braso niya at iginiya siya papunta sa grand ballroom ng Makati Shangri-La Hotel kung saan idinaraos ang magarbong birthday party. "Don't mind her. Nagseselos lang siya dahil kasama mo ako. You are perfect. Magugustuhan kita kahit na ano pang size mo. Hindi naman iyon ang habol ko sa iyo, okay?"
"Anong nagustuhan mo sa akin?" malambing na tanong niya.
"Everything. Basta gusto kita. Kung ginayuma mo nga ako, baka ito na iyon."
It was not the most romantically poetic answer but she was not looking for poetry. Gusto lang niya ng totoo. Nakikita niyang neutral lang ang mukha ni Vance nang ihiwalay nito si Bianca sa sarili. He didn’t even break a sweat. Mukha namang hindi na ito interesado pa sa babae. And he firmly acknowledge her as his date. At natitiyak niya na hindi ito nag-effort para kay Bianca o sa ibang babae katulad ng effort na ipinapakita nito para sa kanya.
Pero hindi pa rin matahimik si Phoenix. Isang babae lang si Bianca. Paano kung marami pang naglipana kagaya nito?
"Pwede bang mag-warning ka sa akin sa susunod kung may mga ex-girlfriend ka sa paligid para hindi na ako nasa-shock? Hindi ako handa kanina." In case may mang-insulto na naman sa boobs niya o sa ibang parte ng katawan niya, nakahanda na ang armor niya o kaya ay nahasa na niya ang kuko niya.
"Uhmmm..." sagot lang ni Vance habang tuwid ang tingin.
"O masyado silang marami kaya kailangan ko nang laging ihanda ang sarili ko?" nakataas ang kilay niyang tanong.
"Please don't use my past against me. Maraming babaeng dumaan sa buhay ko pero ngayon ko lang sinabi sa isang babae na gusto kong maging seryoso – sa iyo."
Malungkot ang mga mata ni Vance habang nakatingin sa kanya. Dama naman ni Phoenix ang sinseridad nito. Hindi naman niya ito masisisi kung babae ang lumalapit dito. Ang mahalaga lang sa kanya ay sa kanya nakatutok ang atensiyon nito kapag magkasama sila at hindi lumilipad sa iba.
"Maniwala ka naman diyan kay Vance,” anang isang lalaki sa likuran nila.
"Deutsch!" may angil sa boses ni Vance nang banggitin ang pangalan ng kaibigan bago pa man nila ito harapin. “Hindi magandang biro iyan.”
Humalakhak lang si Deutsch nang yakapin si Vance at tapikin sa likod. “Don’t give me that scowl. Matagal na panahon tayong di nagkita.” He was a vagabond. Kung saan-saang bansa ito nagpupunta bilang isang sikat na wildlife photographer. Nalalathala ang gawa nito sa National Geographic at Discovery Channel magazines.
“Kahit pa may mamahalin kang pasalubong sa akin, di ako natutuwa sa joke mo,” angil ni Vance sa kaibigan.
“Mukhang seryoso ka nga sa isang iyan. I can see why. Kahawig niya si Phoenix." At saka makahulugang kumindat kay Vance.
"I am Phoenix,” she stated in a flat voice. Hindi niya alam kung biro lang iyon na hindi siya nito nakilala o talagang hindi siya nito nakilala.
"Paanong...” Nakanganga si Deutsch sa kanya at kumurap ng ilang beses habang pinagmamasdan siya. “Ikaw nga si Phoenix. Ito ang tinatawag na himala.” At itinaas nito ang mga kamay. Siniko nito si Vance. “Nang sabihin mo sa akin na may ka-date ka, hindi ko alam na si Phoenix iyon. Ang alam ko mas gusto niyang mabaon sa disyerto kaysa makasama ka. Mas posible pa nga na mai-date mo si Angel Locsin kaysa kay Phoenix."
Nagkibit-balikat si Vance. “He can’t resist my charm.”
“Inutusan kami ni Tito Mauricio na um-attend ng party,” nang-aasar namang sabi ni Phoenix. “Hindi naman talaga si Vance ang ka-date ko. Ewan ko nga ba bakit kailangang siya ang makasama ko ngayon.”
Matalim siyang tiningnan ni Vance. “You will pay for that remark.” At sa init ng mga mata ng binata, alam niyang seryoso ang banta nito.
Lumapit sila sa patriarka ng mga Ventura para bumati na si Portes Ventura. Matanda na ito pero matalas at malinaw pa rin ang isip nito. Halos ito pa rin ang nagpapatakbo sa Ventura Enterprises na construction materials ang negosyo. Dahil ang mga ito ang supplier ng Villaviray sa maraming proyekto ay puro usapang negosyo ang inikutan ng usapan ng mga ito.
Isang dalaga ang biglang yumakap kay Vance mula sa likuran. “Vance!”
“Amery!” wika ni Vance at pilit tinanggal ang pagkakayakap ni Amery sa likuran nito. “Mababali ang likod ko sa iyo, baby girl.”
“I am nineteen now. Pwede mo na akong i-date."
She was really all grown up. Nag-radiate ang youthful glow sa mukha nito dahil sa old rose mermaid gown na suot nito. Samantalang nang huli niya itong nakita ay isa lang itong dalagita na nagpipilit na maging dalaga.
“Sorry, baby girl.” At saka tumingin si Vance sa direksiyon niya.
"New date again?” Nakataas ang kilay siya nitong pinagmasdan. “Really. Wala kang taste sa babae kahit na kailan. I am sure mabo-bore ka rin sa kanya.”
“Ahhh! Huwag mong sabihing aawayin mo na ako ngayon dahil kay Vance, Amery. Come on. Ikaw ang dumadamay sa akin noong pinapagalitan ako ni Tito Mauricio dahil sa kasusumbong niya,” sabi ni Phoenix.
Nawala ang pagiging kontrabida sa anyo ni Amery at niyakap siya ng mahigpit. "Ate Phoenix! Oh, my! How could you look so pretty with such a simple garb? Hindi kita nakilala. Babalik ka na ba sa Egypt?"
" I am planning to stay here longer."
"Pwede mo ba siyang bigyan ng pointers kung paano titigilan ang course-hopping? She's first year again for the nth time,” reklamo ni Lolo Portes. “Nakailang palit na siya ng kurso. I lost count already.”