Tumirik ang mga mata ni Amery. “What can I do? Ayaw naman ninyo akong payagan sa mga bagay na gusto kong gawin?”
Iginiya niya si Amery papunta sa bakanteng mesa at hinayaan ang mga kalalakihan na mag-usap tungkol sa negosyo. “So what’s wrong with your course?”
“I tried culinary and baking. It was exciting at first. Pero kalaunan na-bore ako dahil wala akong nakikita kundi ang kusina. And it is hot in the kitchen,” angal nito at ipinaypay ang palad sa mukha. “At wala rin akong guwapong kaklase.”
“And the course before that?”
“Accountancy.” Umikot ang mga mata ni Amery. “Parang robot ang mga kaklase ko.” Kumuha ito ng dalawang cocktail drinks mula sa nagdadaang waiter. “Nag-fashion designing ako pero na-realize ko na wala pala akong hilig sa pananahi. I just want to wear nice clothes. Pero kung paano gawin ang mga damit… never mind.”
Amery was simply uninterested. Mabilis itong mawalan ng interes sa mga bagay-bagay. "So what do you really want to do?" tanong ni Phoenix.
Luminga-linga ang dalaga sa paligid at saka maningning ang mata na inilapit ang bibig sa tainga niya. "I want to be a treasure hunter?"
"Seriously?"
"Yes. A treasure hunter ala-Lara Croft. Gusto ko talagang maging pirate pero naisip ko na ilegal iyon. Being a treasure hunter is the next best thing."
Matamang pinagmasdan ni Phoenix si Amery. She could see the signs. Amery was craving for an adventure. Hindi naman niya ito masisisi. Ganoon din ang nararamdaman niya kapag gusto niyang tumuklas at makadiskubre ng mga sinaunang kagamitan o labi ng mga nayapa o kaya ay sinaunang pamayanan.
"I am also a treasure hunter,” pagmamalaki niya.
"Really?"
"Archaeology is treasure hunting. Mas mahalaga pa ang hinuhukay namin kaysa sa halaga ng pera. Alam mo ba na sa isang province sa China ay may nahukay kami na isang sinaunang kaharian noong Chin dynasty? Hindi ito nasakop ng kaharian ni Shih Huang Ti. Nakaka-amaze ang mga mamahaling metal at bato na nahukay namin doon.”
Halos lumuwa ang mga mata nito. “Wow! How about in Egypt?”
“Of course. May nadiskubre din kami doon na bagong libingan ng pharaoh. Ang isang ito ay ipinatanggal sa mga libro ng kasaysayan ng Ehipto. Siyempre hindi naman laging magagarbong bagay ang madidiskubre namin. And we are discovering more with the help of satellite imagery. We are not after the grandeur of the treasure or its value in gold. Mahalaga kung anong maiko-contribute nito sa kasaysayan at kung anong matututunan ng mga tao tungkol sa nakaraan. Para mas maintindihan kung anong nangyayari sa kasalukuyan.”
“And when I was in high school, Social Studies interested me. Naiisip ko nga noon na baka isa akong reyna o prinsesa noong past life ko. I think this is the course for me.” Hinawakan nito nang mahigpit ang kamay niya. “You are an angel. Parang tinatawag na ako ng mga nakabaong kayamanan.”
“Artifacts,” paglilinaw niya.
“At magiging kasing sikat ako ni Lara Croft. Yes! Excuse me, Ate Phoenix. Sasabihin ko lang sa kanila kung ano ang bago kong course.” Halos tumakbo ito papunta sa ina nito na nakatayo sa tabi ng fountain ng champagne. "Mama, I want to be an archaelogist."
Hindi pa niya nasasabi dito kung ano ang mga drawback ng pagiging archaeologist. Na hindi iyon kasing glamoroso gaya ng iniisip nito pero wala siyang nagawa dahil mukhang desidido na ito.
Pabalik na siya kay Vance na kausap pa rin si Deutsch at ibang kaibigan nito nang isang lalaki ang lumapit sa kanya. "Excuse me."
"Yes?" Sa tantiya niya ay nasa fiftees na ito subalit matangkad at matikas ito sa kabila ng pangangatawan. Ito ang tipo ng lalaki na kahit na matanda na ay kaya pa ring makakuha ng atensiyon ng mga kababaihan. He had that certain kind of charm. At may kakaibang kinang sa mga mata nito.
Natigilan ito sandali habang pinagmamasdan siya. "I thought you are someone I know. Akala ko ikaw si Elaine Mae."
"Elaine Mae? Elaine Mae Villaviray? She's my mother."
Nahigit nito ang hininga. "Ikaw ang anak ni Elaine Mae? Tingnan mo nga naman. Ni hindi ko alam na nagkaanak siya. We used to be good friends. Very good friends,” anito at tumango-tango.
Bigla siyang nakadama ng excitement. Madalang ang kilala niyang kaibigan ng nanay niya sa Maynila. "That’s good to hear. And your name, Sir?"
"Maximo Pantaleon. Pwede mo akong tawaging Maxie,” wika nito at kinamayan siya.
Kumunot ang noo niya. "I am sorry. Hindi po yata kayo naikwento sa akin ni Mama." Walang naikukwento ang mama niya na kaibigan nitong lalaki.
Ang totoo ay madalang magkwento ang nanay niya tungkol sa buhay nito sa Maynila. Magkapatid lang sa ama ang nanay niya at si Mauricio. Resulta ng one-night stand ng lolo niya sa dati nitong sekretarya. Tanggap naman ang nanay niya ng pamilya nina Mauricio. Sinusustentuhan ito at laging nagbabakasyon ang nanay niya sa mga Villaviray sa Maynila. Ang alam niya ay sa Maynila lang nag-aral ang nanay niya at sa mga Villaviray tumuloy. Mahiyain ang nanay niya. Naalala niya kung paanong naiilang ito sa mga kaklase nitong “city girls”. Ang itinuturing lang talaga nitong kaibigan ay ang mga kaibigang naiwan sa Baguio at ang ama niyang si Thomas Knowles.
Bumuntong-hininga si Maximo. "We had some good times together. Too bad, I had to leave for London right away. Ang totoo kababalik ko pa lang ng Pilipinas matapos ang dalawampu’t pitong taon."
"London? Doon po galing ang daddy ko. Si Thomas Knowles."
Bakas ang pagkagulat sa mukha nito. "Thomas Knowles? Nagkarelasyon ang mama mo kay Thomas Knowles?”
"Yes. Too bad he died in Egypt. Hindi niya nalaman na ipinagdadalang-tao ako ni Mama," malungkot niyang usal.
"At si Elaine Mae?" puno ng antisipasyong tanong ng lalaki.
"Namatay po siya noong teenager ako."
"H-Hindi ko alam...” usal nito at hinawakan ang balikat niya. “I am sorry.”
"It's okay.” Tipid siyang ngumiti. “Hindi naman po ako napabayaan. I am an archaeologist now just like my father."
Tinitigan siya nito. "You don't look like him at all."
Hindi niya alam kung bakit bumagsak ang puso niya sa sinabi nito. "Oh! Mas kahawig ko si Mama."
Umiling si Maximo. "Kapag nakatalikod, parang ikaw si Elaine Mae. Kahit sa unang tingin. Pero iba ka na kapag tinitigan ka. Lalo na ang mga mata mo.” Kumunot ang noo nito. “I know someone with those same eyes."
"Phoenix!" tawag ni Vance sa kanya. Nang lumingon siya ay nakita niyang malalaki ang hakbang nito habang palapit sa kanya.
Masaya siyang humawak sa braso nito nang lumapit ito sa kanya. "Vance, look who's here. Kaibigan siya ni Mama noong dito pa nag-aaral si Mama sa Manila."
Matiim ang anyo ni Vance habang nakatingin kay Maximo. "Anong ginagawa mo sa kanya? Anong ginawa mo kay Phoenix?"