Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 26

“Wala. Na mabuti daw silang magkaibigan. Iyon lang. Pero nang malaman nila Tito Mauricio ay pinaglayo sila.” Bumuntong-hininga siya. “Can we just move on? Wala namang masamang nangyari. As if I am trading company secrets with him. Huwag na lang nating pag-alalahin si Tito Mauricio tungkol dito.”

“Pero ang pangako mo sa kanya…”

“Hindi na ako makikipagkita kay Maximo Pantaleon. Yes. Napagbigyan ko na siya. Ayoko lang sabihin na naging bastos ako sa kanya kaya naman siguro ay wala na siyang masasabi pa sa akin.” Inilapit niya ang paper bag dito. “Pwede bang buksan mo na lang ito? Pinaghirapan kong piliin iyan.”

Skeptical pa rin ito nang damputin muli ang paper bag. His eyes were still wary. Parang nagtatalo pa ang kalooban nito kung dapat tapusin na lang ang isyu tungkol kay Maximo Pantaleon o hayaan na lang.

“Talaga bang hindi ka na makikipagkita kay Maximo Pantaleon o sa kahit na sinong Pantaleon kahit na kailan?” paniniguro pa rin nito.

Itinaas niya ang palad. “Promise. Hindi na talaga. Let’s move on?”

“Okay.” Noon lang nawala ang pag-aalinlangan sa anyo nito at binuksan ang paper bag. Nagliwanag ang mukha nito nang ilabas ang kurbata. "Nice. This is nice. I wonder when you will give me one. Alam mo kung anong ibig sabihin nito?"

"Ano?" tanong niya.

"You want to take care of me. And I think you like me… a lot."

"It is just a necktie. Napansin ko na hindi bagay sa iyo ang mga suot mong necktie,” aniya at kinalas ang necktie na suot nito. “Sino bang babae ang nagbibigay nito sa iyo? Wala man lang taste.”

“Ako ang namili niyan. Ikaw lang ang babaeng nagbigay ng kurbata sa akin. Pangit ba?” tanong nito. Hindi naman talaga pangit ang mga kurbata nito. Mas stylish nga lang ang pinili niya.

She crooked her finger. “Come. Ako ang magsusuot sa iyo ng bago.”

Sumunod naman si Vance. Kakaibang kaba ang naramdaman niya nang isuot ang kurbata dito. She felt like she was branding him. That she was his.

May pagmamalaki sa anyo nito nang maisuot na ang kurbata nito sa wakas. “Itatapon ko ang lahat ng kurbata ko basta ikaw ang bibili para sa akin.”

“Sige ba. Tiyak na mababaliw lalo ang mga babae sa iyo.”

“Isang babae lang ang gusto kong mabaliw sa akin.” Sinapo nito ang kamay niya. “Ikaw.”

Tumigil sa pagtibok ang puso niya. Malapit na. Malapit na niyang ibigay dito ang puso niya. But he had to wait for a little while. Naaaliw pa siyang suyuin nito.

Binawi niya ang kamay niya. “Gusto ko ng green tea frappe bago mag-dinner.”

Masigla itong tumayo. “One green tea frappe coming up.”

Good. Kahit paano ay nakalimutan na nito ang tungkol kay Maximo.

“VANCE is smoking hot. No wonder you were willing to give up Egyptology for him. He is hotter than Egyptian desert.”

“Sssh!” saway ni Phoenix sa kaibigang si Janine Karla. Dumating ito ng Maynila kasama ang nobyong si James dahil nataranta ito nang sabihin niyang baka hindi na siya bumalik pa sa Egypt at i-work out ang natitira pang tatlong buwan sa kontrata niya para magtrabaho sa Pilipinas. “Baka marinig ka niya. Saka kung makapuri ka kay Vance parang wala dito ang boyfriend mo.”

Kausap ni Vance ang nobyo ni Janine Karla si James sa poolside area ng Maxim’s Hotel sa Resorts World Manila.

“Hayaan mo siya. Alam naman niyang hindi ko siya ipagpapalit sa iba. Masama bang makikilig ako sa lalaki mo?”

“Hindi ko pa siya boyfriend,” aniya at inikot ang mga mata. “At hindi pa naman final ang desisyon ko na huwag bumalik ng Egypt para sa huling tatlong buwan. Ang sure lang ako ay dito na ako sa Pilipinas matapos ko man o hindi ang kontrata ko sa Egypt. Maganda ang career opportunity dito lalo na’t maraming mga ancient sites na pwedeng ma-excavate. Naghihintay lang talaga ng permit ang mga archaeological groups mula sa gobyerno.”

“Career opportunity or love life opportunity. Sa wakas naman buhay na tao na interes mo at hindi sinaunang tao na mummified na. Kadiri kaya iyon,” anitong mukhang kinilabutan sa kanya.

“And just to be clear, nandito ako dahil gusto kong makasama si Tito Mauricio nang mas matagal. Nagi-guilty talaga ako dahil sa loob ng mahabang panahon ay napabayaan ko siya. Siya na lang ang nag-iisang kamag-anak ko. I want to spend more time with him.”

“Huwag mo akong paglakuan.” Pinanlakihan siya ni Janina Karla ng mata. “Alam ko naman na si Vance ang malaking dahilan kung bakit hindi ka na babalik ng Egypt. Magkwento ka naman. Naisuko mo na ba ang Bataan?”

“Ano siya? Sinuswerte? Hindi ako ganoon kadaling bumigay. Ngayon pa nga lang namin ine-enjoy ang company ng isa’t isa.”

Nagpapadyak ito at mariing pumikit. “Nakakainis ka! Huwag mong sabihin na hihintayin mo pang mag-forty years old ka bago mo pa isuko ang Bataan? Ano ba? It is high time that you discover the joys of making love. At sa palagay ko ay expert diyan si Vance. Explore it! Don’t be shy. Hindi ka na menor de edad.”

Di gaya ni Phoenix na masyadong focus sa pag-aaral at may pagka-anti social, na-enjoy ni Janine Karla ang buhay nito noong college. Laman ito ng mga parties. Nagkaroon ito ng boyfriend dati pa man at umaamin naman ito na noon pa nito naisuko ang Bataan. Magkaiba lang talaga sila ng paniniwala sa buhay.

Mahigpit ang bilin sa kanya ng nanay niya noong magsimula siyang magdalaga na huwag basta-basta isusuko ang sarili niya sa babae. Dapat ay matiyak niya na kasal na siya bago gawin iyon para hindi siya magsisi sa huli.

“Vance is not pressuring me into anything. Nararamdaman ko naman na irerespeto niya ang kagustuhan ko kung sakaling piliin ko na maging virgin bride. Gusto ko ring ipakita na hindi ako katulad ng ibang babae na basta na lang dumaan sa buhay niya,” sabi niya at itinaas ang noo.

“Ikaw ang bahala. Katawan mo naman iyan. Pero sa palagay mo ba pakakasalan ka ni Vance? Ganoon siya kaseryoso sa iyo?”

“No pressures, alright? Wala pa sa isipan ko ang pikutin siya. Ngayon pa lang umaayos ang lahat ng gusto kong mangyari. I am starting a new chapter of my life. Let’s keep it that way.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.