NAGLABASAN na ang lahat sa library maging si Attorney Munsayac pero naiwan pa rin si Phoenix sa loob. The world around her was bleaker than before. At nanlalamig siya na parang puno ng makapal na yelo ang silid. At tumatagos ang lamig na iyon hanggang sa kaluluwa niya. Devastate siya matapos ang lahat ng narinig niya sa pagbasa ng testamento.
Hindi. Hindi ito nangyayari. Masamang panaginip lang ang lahat.
Mariin siyang pumikit at pagdilat niya ay naroon rin siya sa library. And she knew that nothing changed in her predicament.
Dumako ang mga mata niya sa portrait ni Mauricio na nakasabit sa dingding at nakangiti sa kanya. Pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya nito. Biktima siya ng masama nitong biro.
"Tito, bakit ginagawa mo ito sa akin?" aniya at isinubsob ang palad sa mukha.
Baka ito lang ang huling hiling ng tiyuhin niya sa kanya - isang anak. Para may makasama siya. Para hindi na siya mag-isa. Pero hindi ganoon kasimpleng magkaanak. And her birthright was at stake. Siya na lang ang nag-iisang Villaviray at karapatan niyang makuha ang kayamanang iyon. Siya ang higit na may karapatan doon kaysa kay Vance. It was a mess.
Anong gagawin niya ngayon? She was really lost.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng library kasunod ng pagpasok ng mga yabag. Tumahan siya at lumagabog ang dibdib niya nang tumigil ang yabag sa harapan niya. "Panyo?" alok ni Vance sa kanya at inabot ang puting panyo.
Na-realize niya na walang tissue sa paligid. Napilitan siyang tanggapin ang panyong inaalok nito. Padarag niyang pinunasan ang luha. Ayaw talaga niyang maging mahina sa harapan nito. "Anong kailangan mo sa akin?" paangil niyang tanong.
"Pwede ba tayong mag-usap? Tungkol sa testamento ni Ninong…"
"Ano naman ang gusto mo?” tanong niya at inangat ang paningin. “That was the most absurd thing in the world. May kinalaman ka ba doon?"
"Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong nito.
Tumayo siya at taas-noo itong tinitigan. "Ikaw ba ang nagsabi kay Tito Mauricio na iyon ang gawing stipulation sa last will and testament niya? Madali nga naman iyon para sa iyo. Humatak ka lang ng isang babae diyan and voila! May anak ka na at sa iyo na rin ang halos lahat ng kayamanan ni Tito. Congratulations!" aniya at pinalakpakan ito. Hindi talaga niya maiwasang maging bitter sa plano.
"Wala akong alam sa plano niya. I didn't suggest anything. Wala kaming ibang pinag-usapan bukod sa trabaho kundi ang pakiusap niya na kumbinsihin kita na umuwi ng Pilipinas. Wala akong alam sa last will and testament niya. Kung ako ang tatanungin mo, hindi rin naman ako sumasang-ayon na kailangan pang gawing kondisyon ang bata para makuha ang kayamanan niya. But I don't have a choice. We don't have a choice. Kung hindi man tayo makakatupad sa kondisyon, maaapektuhan ang kompanya at ang mga empleyado. Maswerte na kung maibebenta ang kompanya sa isang matinong buyer. Paano kung hindi? Maraming mga empleyado ang maapektuhan. At huwag mong sabihing wala kang pakialam. Ang Villaviray Construction ang nagpaaral sa iyo at sumuporta sa maalwang buhay mo sa ibang bansa."
Natilihan si Phoenix. Siyempre hindi lang ito tungkol sa sarili niya. Nariyan din ang Villaviray Construction at ang mga tauhan na umaasa ng kabuhayan ng mga ito. Naging maalwan ang buhay niya mula nang mapunta siya sa poder ni Mauricio dahil sa kompanya. Wala siyang nai-contribute sa kompanya dahil pinili niyang maging archaeologist kaysa maging engineer. Hindi niya pwedeng hayaan na lang mawala sa kontrol ang kompanya at maghirap ang mga tauhan doon.
"Ibig sabihin kailangan nating sundin ang kondisyon ni Tito Mauricio,” sabi niy Phoenix. “Bahala na lang kung sino ang mauuna sa atin sa karerang ito basta maibigay natin ang gusto niya. Huwag ka lang pakakasiguro na isusuko ko basta ang labang ito. I believe I am the more deserving heir. Hindi mo basta-basta makukuha ang dapat na para sa akin.”
Mariing pumikit si Vance at hinaplos ang sariling batok. “Phoenix, Phoenix, Phoenix, hindi ka ba napapagod sa mga away natin? Parang bata na naman tayong dalawa. Hindi na tayo mga bata."
Humalukipkip siya. "Anong gusto mong mangyari?"
"I mean, we don’t have to fight over it. Pwede naman siguro tayong magkasundo. A mutual agreement would be nice. Kung magkakaisa tayo, pareho naman tayong makikinabang dito. Sa palagay ko ginawa ni Ninong Mauricio ang kondisyon na iyon para magkasundo tayong dalawa."
Umawang ang labi niya ang maunawaan ang ibig nitong sabihin.
"Ang ibig mong sabihin, pareho tayong panalo kung tayo ang magkakaanak. As in ako ang nanay at ikaw ang tatay ng bata?"
Hinawakan ni Vance ang balikat niya. "I still want to be with you. I know we had a little misunderstanding. Pero kung malalampasan natin ito, walang magiging problema. Mapapasaya natin si Ninong Mauricio."
Pagak siyang tumawa. "Siya ba ang sasaya o ikaw lang? That's a nice way of eliminating the competition. Wala kang kahirap-hirap."
Wow! How convenient. Bakit nga naman ito magpapakahirap makipaglaban sa kanya kung pwede naman silang magkaisa? As if ganoon lang kadali sa kanya na ibigay ang sarili sa lalaking nanloko sa kanya.
"Hindi kakompitensiya ang tingin ko sa iyo. Para sa kinabukasan natin ito, ng magiging anak natin at sa maraming taong umaasa sa Villaviray Construction. We had our good times. It wasn’t so bad. Pwede naman nating subukan ulit. Mas kailangan nating magkasundo ngayon. I will do everything to make it work. So I can be a good husband and provider. I will be a good father for our child."
"Opportunism at its finest. Napakagaling mo talagang lumikha ng pagkakataon para lang makuha mo ang Villaviray Construction. At sa palagay mo ba ay ganoon ako kauto-uto para pumayag? Our relationship was just an illusion. At hindi naman ako ganoon kahina kagaya ng iniisip mo para mapaikot mo. After seeing your true colors, I won't hand you the company on a silver platter. At lalong di ako papayag na ikaw ang maging ama ng anak ko."
Bigla itong naalarma. "Anong gusto mong mangyari?"
Matiim niya itong tiningnan. "You are my nemesis now. Gagawin ko ang lahat para hindi mapunta sa iyo ang Villaviray Construction at iba pang ari-arian ni Tito Mauricio. Hindi ko gagawing madali sa iyo ang lahat."
Minsan na siyang napaikot ni Vance. Minsan na siyang nasaktan. Gagawin nito ang lahat ng panlilinlang para lang makuha ang Villaviray Construction. Una ay ang pagiging malapit kay Mauricio. Kasunod ay ang paibigan siya para mapagbigyan ang tiyuhin niya at sa ganitong pagkakataon ay madali na lang para dito na makontrol ang Villaviray Construction. Sa pamamagitan niya at ng magiging anak niya ay habambuhay nitong mapapasakamay ang inaasam nitong kompanya.
Malas lang nito sa buhay ay hindi ito bigyan ng kaligayahan. Handa siyang labanan sa kahit anong paraan.
"You really hate me that much,” usal ng binata sa mapait na tono.
"Yes. Sorry. Hindi na matutupad ang mga balak mo dahil kami ang makakalaban mo ng anak ko. May the best man or woman win."
“At sino ang mamahala sa kompanya kapag napasa-kamay mo? Wala ka namang alam sa pagpapatakbo ng construction company.”
“I will think of something.” Kahit ano, kahit sino basta huwag lang si Vance ang maging ama ng anak niya. Hindi siya papayag sa alyansa dito.
“Ibibigay mo kay Maximo Pantaleon?”
“Ano?” bulalas ni Phoenix sa mataas na tono.
“Nakita kayo ni Mang Ador. Magkausap kayo pagkalibing ni Ninong Mauricio. Ano ito? Tanggap na ba niya na anak ka niya? Tanggap mo na ba na ama mo siya matapos ang ginawa niya sa inyo ng nanay mo?”
Hindi niya inaasahan na makakarating kay Vance ang tungkol doon. Ayaw na niyang maalala pa ang sandali ng paghaharap nila. It scraped another raw wound in her heart. Ang ama niya ay isang bahagi ng pagkatao niya na ayaw niyang maalala pa. Mas gusto niyang ilibing na lang din ang katotohanang iyon.
Ngumisi si Phoenix na may kasamang panunuya. Hindi niya gustong ipakita dito kung ano ang tunay na nararamdaman niya. “Anything is better than handing you the company, Vance.”
Napatiim-baga ito. “Iyan ang hinding-hindi ko mapapayagan. Kaya mo sigurong traidurin si Ninong Mauricio pero hindi ko gagawin iyon. Ayokong magkalaban tayo pero hindi kita hahayaan na sirain ang kompanyang pinaghirapan niya.” At lumabas ito ng library saka pabalabag na isinara ang pinto para ipakita ang iritasyon nito sa kanya. Na hindi siya nito uurungan sa laban.
A part of her cried out for him. Gusto niyang bawiin ang mga sinabi niya. Hinding-hindi siya makikipagkasundo sa ama niya o sa mga Pantaleon. She just said it just to spite him. To grate his nerves.
Pero huli na. Looks like the battle is on. At parang kahit ang puso niya ay kalaban din niya nang mga oras na iyon. Hindi magiging madali lang lahat.