Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 40

Is this for real? Inaalok ni Nelson ang sarili para pakasalan siya at maging ama ng anak niya kahit di niya ito mahal? Ito na ba ang sagot sa kanyang mga dasal? Senyales na ba ito na siya ang mas karapat-dapat na magmana ng kayamanan ni Mauricio? Ito na ba ang sagot ng langit sa kanya?

“Kailangan muna ni Phoenix na pag-isipan ang proposal mo,” sabi ni JK at hinawakan ang braso niya. “Siyempre hindi naman dapat padalos-dalos ang pagpapakasal. Maraming kailangang pag-isipan…”

“Hindi! Pumapayag na akong magpakasal sa iyo,” sa halip ay sabi agad niya. Ayaw na niyang magdalawang-isip pa. Baka mamaya ay magbago pa ng isip si Nelson. Mahihirapan na naman siya na mag-isip kung paano sosolusyunan ang problema niya.

“Phoenix, ano ka ba?” anang kaibigan at pinanlakihan siya ng mata. “Hindi naman biro-biro lang ang kasal na iyan.”

Hindi niya ito pinansin. Itinuon lang niya ang atensiyon kay Nelson na masayang-masaya siyang niyakap. "Oh! You made me a very happy man."

Heto na ang magandang pagkakataon. Ang perpektong solusyon sa problema niya. He had no qualms even if he didn’t love her. At may nararamdaman ito sa kanya. She was at the advantage. Hindi katulad kay Vance na siya lang ang may nararamdaman dito at laging masasaktan dahil alam niyang hindi siya nito mahal.

Ito ang maganda sa relasyon nila ni Nelson. She was at the helm of their relationship. Kontrolado niya ang emosyon niya. Wala siyang kahit anong ilusyon na isang fairy tale love story ang mayroon sila. It would be like a business arrangement. Totoo ang kasal nila at magkakaroon sila ng anak. She would be a perfect wife but love won’t be a part of the equation. At tanggap iyon ni Nelson. Malinaw ang set up nila. At di rin siya nito pipilitin na mahalin ito.

Maya-maya pa ay naasiwa na siya nang tumagal ang pagkakayakap nito sa kanya. "Wait. Ano... hindi pa ako komportable,” sabi niya at bahagya itong itinulak sa dibdib.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya nang may pag-aalinlangan. “I’m sorry.” Hinawakan nito ang balikat niya. "Alam ko na naninibago ka pa. I will be patient with you. Handa akong tanggapin kung ano lang ang kaya mong ibigay."

Oh! He was really perfect. Ito mismo ang kailangan niya. Isang lalaki na hindi siya ipe-pressure sa kahit ano.

“Pero siyempre kailangan muna nating malaman ang medical history mo, Nelson,” singit bigla ni JK. Nakita na parang nasaktan si Nelson. As if JK burst his fairy tale bubble and ruined his dreamlike state. “Siyempre. Hindi naman pwedeng pakasalan ka ni Phoenix kung hindi namin alam ang health status mo. No offense meant. After all, hindi naman asawa ang habol ni Phoenix kundi magiging ama ng anak niya. So we have to make sure that you are capable of bearing a child and your sperms are healty.”

Binigyan ni Phoenix ng nagbababalang tingin si JK. Parang offensive naman kay Nelson ang dating nito pero nanatiling nakatutok ang mata ng kaibigan niya sa lalaki.

Pilit na ngumiti si Nelson nang makabawi. “Of course. Magpapa-medical check up ako. G-Gusto ko din namang makatiyak si Phoenix sa akin.”

“Magpapa-medical din ako para i-check ang fertility ko,” sabi ni Phoenix para makaalis sa nakakaasiwang sitwasyon na iyon. “Gusto ko na maayos ang lahat. After we make sure that everything’s okay, pwede na tayong kumuha ng marriage license at planuhin ang kasal.”

Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang ngumiti si Nelson. “May dala pala akong pagkain. May special matcha green tea donut akong nakita sa The Fort. Naalala ko na mahilig ka sa tea. Baka magustuhan mo.”

“That’s thoughtful of you. Thank you,” sabi niya. Hindi man niya mahal si Nelson ngayon pero maalaga ito. Sa palagay niya ay di naman ito mahirap na mahalin. Kundi man, tiyak na magkasundo naman sila.

Kinompronta niya si JK nang silang dalawa na lang sa kuwarto niya. Hindi muna siya nito iniiwang mag-isa sa kuwarto hanggang makausap siya.

“Bakit naman ganoon ka kay Nelson? That was so crass,” sermon ni Phoenix.

“Ano namang masama sa sinabi ko? I am just being realistic here,” kaswal nitong sabi habang nilalagyan ng toner ang bagong hilamos na mukha.

“Parang sinampal mo naman siya sa sinabi mo.”

Hinarap siya nito. “Mas mabuti na ito. At least hindi siya mabo-brokenhearted. No expectations whatsoever. This is not a fairy tale. Kung tutuusin parang sinasamantala ka rin naman niya dahil ginagamit niya ang pagkakataong ito para maangkin ka. Sa totoo lang hindi ka na halos nag-iisip kanina. Padalos-dalos ka sa mga desisyon mo. Mabuti na lang may kaibigan kang nag-iisip para sa iyo. Come on. Hindi mo man lang nasubukan kung na suyuin niya kahit ilang linggo.”

Bumuntong-hininga si Phoenix. “I don’t have the luxury of time, JK. Alalahanin mo na kailangan kong magkaroon ng anak sa loob ng kalahating taon. Baka nga ngayon pa lang may hinahatak nang kung sinu-sinong babae si Vance diyan.”

“I don’t think he would do that,” puno ng kompiyansang sabi ng kaibigan.

“Excuse me?” usal niya.

“He loves you. Hindi niya maaatim na kumuha ng kung sinu-sinong babae lang diyan para maging ina ng anak niya.”

“Una, hindi niya ako mahal.”

“Paano kung hindi talaga siya kukuha ng ibang babae para maging ina ng anak niya? Paano kung suyuin ka niya para bumalik ka sa kanya? Kaya mo ba siyang tanggihan kapag inakit ka niya?” nakataas ang kilay nitong tanong.

“Hindi na niya magagawa iyon. Magpapakasal na ako.”

Kaya nga tinanggap agad niya ang alok ni Nelson para may pananggalang siya kay Vance. He doesn’t covet another man’s woman. That was his rule. At hindi rin siya madadala basta-basta kahit na akitin siya ni Vance dahil maiisip agad niya na ang pagpapakasal kay Nelson.

“Sinabi mo iyan, ha? Sana mapangatawanan mo. At sana lang tama ang mga desisyon mo. Alalahanin mo na hindi lang kinabukasan mo at kayamanan ang pinag-uusapan mo. May inosenteng batang mai-involve dito.”

“Matutulog na ako. Magpapa-check up pa kami ni Nelson bukas sa ospital,” wika niya at nagtalukbong ng kumot. Nagtulug-tulugan siya kahit na buhay na buhay pa rin ang isip niya. Ayaw lang niyang marinig pa ang mga pag-aalinlangan ni JK sa plano niya. Ayaw na niyang baguhin pa ang perpektong plano niya. Kahit na anong mangyari ay hinding-hindi na siya babalik sa mga bisig ni Vance.

KATIRIKAN ng araw nang dumating si Phoenix sa opisina ng Villaviray Construction. Alas onse na noon ng tanghali at kakukuha lang ng resulta ng medical check up nila ni Nelson. Pareho silang malusog at maaring magkaanak. Kaya naman ihinahanda na nito ang mga kakailanganin nila para sa marriage license. Excited na rin itong ibalita sa pamilya nito ang gaganaping kasal sa isang buwan.

Habang masayang ibinabalita ni Nelson sa pamilya nito ang tungkol sa nalalapit nilang kasal, siya naman ay nagtungo sa Villaviray Construction para harapin si Vance. Oras na para alisin niya ang multo sa buhay niya.

“Hello, Judith!” bati niya sa sekretarya ni Vance nang tumigil sa desk nito.

Nanlaki ang mata nito at nagpaalam sa kausap sa telepono. “Phoenix!” Tumayo ito at niyakap siya. “Hindi na kita nakausap mula nang mailibing si Sir Mauricio. Sobrang busy na dito sa opisina lalo na’t nadoble ang trabaho ni Vance. Sabagay dati pa naman tambak ang trabaho niya mula nang magkasakit si Sir Mauricio.” Hinawakan nito ang pisngi niya. “Kumusta ka na?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.