"I am better now. I am great actually.” Itinaas niya ang balikat. “Masakit pero sinasanay ko na ang sarili ko na… hindi ko na makakasama si Tito Mauricio. Iniisip ko na lang na nagbibiyahe siya sa ibang lugar. May ka-date na isang magandang anghel. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko.”
"That is good too hear. Nag-alala kasi ako sa iyo,” anitong kumunot ang noo. Parang tinatantiya nito kung talagang naka-recover na siya.
"Salamat. Maraming salamat din sa pagtulong sa akin noong mamatay si Tito at sa lahat ng nagawa ninyo sa kanya noong nabubuhay pa siya.” Hindi niya alam kung may alam ito sa nilalaman ng testamento ni Mauricio. After all, tauhan ito ni Vance. Hindi niya alam kung gaano karami ang nakakaalam. Nakasalalay sa kamay nila ni Vance ang kahihinatnan ng kompanya. It was time to make a statement. “Nandiyan ba si Vance?"
"He is in between meetings right now. May thirty minutes bago ang next appointment niya. Lunch meeting. Shall I tell him that you want to see him?”
Tipid siyang ngumiti at tumango. "Thank you."
Umupo siya sa harap ng desk nito habang kausap nito si Vance sa telepono. It was weird. Ilang beses na niyang ginagawa ang maghintay sa harap ni Judith noong sekretarya pa ito ni Mauricio habang hinihintay ang tiyuhin niya. It was so sad. Alam niyang wala na siyang hihintayin na Mauricio ngayon. But his company would be in her hands a year and a half from now. Ang totoo ay kinakabahan siya dahil di niya alam kung anong aasahan niya pagdating ng panahong iyon. Pero saka na niya iisipin iyon. May isa pa siyang kalabang kakaharapin ngayon. Oras na para ipakita kay Vance na siya ang nangunguna sa karera nila.
Maya maya pa ay ipinagbukas na siya ni Judith ng pinto ng private office ni Vance. Ang totoo ay nanginginig ang tuhod niya sa sobrang kaba. Hindi maganda ang naging huling pag-uusap nila ni Vance kaya hindi niya alam kung paano siya nito tatanggapin. Hindi rin niya alam kung paano nito tatanggapin ang balitang dala niya.
Isang masayang Vance ang sumalubong sa kanya. "Phoenix? This is a surprise. Mabuti naman at napadaan ka sa opisina ko."
"Ikaw talaga ang sadya ko,” aniyang di na nagpaligoy-ligoy pa.
"Really?" anito at hinawakan ang siko niya. Iginiya siya nito papunta sa upuan. His proximity and his oh-so-familiar scent was killing her. “Do you want anything?”
You. That’s what her whole being was screaming for. Parang gusto na lang niyang kalimutan ang lahat ng kahangalang ito at itapon ang pride niya. Gusto na lang niya itong yakapin. Only her self-preservation was stopping her.
Umiling siya. “No.Salamat na lang. Hindi rin naman ako magtatagal.” Pinagsalikop niya ang palad. "Naisip ko na pwede naman akong maging mabait sa iyo. May pinagsamahan naman tayo."
Umupo ito sa tapat niya at ginagap nito ang nanlalamig niyang kamay. Bakas ang tuwa sa anyo nito. "Sabi na nga ba't makikita mo rin na pwede naman tayong magkaayos. We can be a great team."
“Vance, I am sorry. Pero mali ka kung iniisip mo na nandito ako para makipagbalikan sa iyo. Gusto ko lang sabihin sa iyo na ikakasal na ako kay Nelson.”
Bakas ang pagkagimbal sa mukha nito. "Ikakasal ka na? Kay Nelson? Yung kasamahan mong archaeologist? Why him?” di makapaniwalang usal nito. “I mean… kailan mo lang siya nakilala.”
“Yes. But he likes me. Sa Egypt pa lang ay gusto na niya ako. We already have an understanding.”
Kumunot ang noo ni Vance. “Anong klaseng understanding?”
“Hindi ko naman kailangang ipaliwanag sa iyo kung ano iyon. Gusto ko lang malaman mo na magkasunod kami sa maraming bagay. And he is in love with me. Sayang lang dahil di siya nakilala ni Tito Mauricio. But I think he will approve of Nelson for me.”
Hindi niya sigurado iyon dahil boto ang tiyuhin niya kay Vance. Pero ang mahalaga naman sa tiyuhin niya ay hindi siya masaktan, di ba? It was not a total lie.
“Pero isang buwan? Nagmamadali ka naman yata."
"Wala na kaming masyadong oras. I just want to give you the courtesy of being the first one to know.” Tinapik ni Phoenix ang pisngi ng binata. “Ayoko kasing umasa ka na magkakabalikan pa tayo at magagamit mo ako sa mga plano mo. I won't be used anymore." Tumayo siya. “I have to get going. Kailangan na naming asikasuhin ang detalye ng kasal namin.”
Nakakadalawang hakbang pa lang siya nang pigilan ni Vance ang braso niya. "Mahal mo ba siya? Or you are just using him to spite me?” tanong nitong puno ng sakit ang tinig. As if he was really hurting.
Puno pa rin ng kompiyansa niya itong hinarap. "Yes, I am using him to spite you,” walang gatol niyang wika.
Hinila siya nito palapit at hinawakan ang baywang niya. Nahigit niya ang hininga nang magdikit ang katawan nila at ilapit nito ang mukha sa kanya. His face was so intense. Hindi niya alam kung paano itatago ang emosyon niya kung ganito ito kalapit sa kanya. "Mahal mo pa rin ako."
Iniwas ni Phoenix ang mata. "In your dreams."
Anong gagawin niya? Paano niya ito tatakasan ngayon? Nanghihina na siya. Sana naman ay pakawalan na siya nito at hayaan siya. Ayos lang na magalit ito sa kanya at sabihan siya ng di magagandang salita basta pakawalan siya nito. Kailangan na niyang makatakbo palayo dito.
Hinawakan ni Vance ang baba niya. "Then dream about this while you are in another man's arms."
She was expecting a brutal and bruising kiss. But he was gentle. Oh-so-gentle that he was driving her insane. Hindi niya napaghandaan ang halik na iyon. It was disarming. Parang marahang agos ng tubig na dahan-dahang tumitibag sa isang matatag na bundok. At hindi ganoon katindi ang resolba niya pagdating kay Vance. Di nagtagal ay bumuka na ang labi niya at hinayaan itong angkinin ang labi niya. Ang mga kamay niya ay yumakap sa leeg nito.
Sa loob ng mahigit na anim na buwan ay ngayon lang ulit niya naramdaman na buhay na buhay siya. This is what she had been yearning for. Tuluyan nang nag0-shut down ang niya. All she did was feel. Sana lang ay hindi na matapos ang halik na iyon. Handa siyang kalimutan ang lahat huwag lang matupok ang apoy na lumalagablab sa puso niya.
Napasinghap si Phoenix nang basta na lang siyang iwan ng labi nito. Isang malakas na pares din ng kamay ang humatak sa kanya palayo kay Vance. “Anong….”
Kumurap siya at nakita ang nanunuyang ngiti sa labi ni Vance. Mga kamay din nito ang mismong humatak sa kanya palayo. Anong nangyayari?
"I am sorry, Phoenix. Hindi ako pumapatol sa babaeng ikakasal na sa iba. Nakakahiya naman sa lalaking pakakasalan mo dahil sinagot mo ang halik ko. Ano kayang sasabihin niya oras na…”
“Don’t you even dare!” Ubod-lakas niya itong sinampal dahilan para bumaglitad ang pisngi nito. Saka lang siya natauhan. Hinalikan siya nito para ipamukha sa kanya kung gaano siya kahina. At pinatunayan niya dito na mahina siya. "I hate you."
Nagmamadali siyang naglakad palabas ng kuwarto nito. Naramdaman niya ang pananakit ng palad niya at nakita niya ang marka ng palad niya sa pisngi nto. Ito ang kinatatakutan niya. Ang mawalan siya ng kontrol pagdating kay Vance. At ipinakita nito sa kanya na kahit na ikakasal na siya sa iba ay ito pa rin ang isinisigaw ng pagkatao niya. Kahit na sampalin pa niya ito ay hindi na mabubura pa ang katotohanang iyon.
"The more you hate, the more you love. Kahit na makuha mo pa ang mana mo, hindi ka magiging masaya sa kanya. You will always he was. Parang multo ako na laging nakabantay sa iyo,” pahabol nito nang papalabas na siya ng silid.
At patakbo siyang lumabas ng opisina nito na parang hinahabol ng multo. Sana lang sa pagtakbo niya ay matakasan niya ang katotohanan na kahit anong gawin niya ay hindi na siya mawawala sa sistema niya.
Parang isang sumpa ang iniwan nito sa kanya. Kahit nga iba makuha niya ang mana niya ay hindi siya magiging masaya kahit kailan?
Hindi pwede! She would be happy with the decision even if it kills her.