DINAMPIAN ni Phoenix ng napkin ang labi niya nang maalala kung paanong dumampi ang mga labi ni Vance sa labi niya. No. Hindi lang basta dampi iyon. He claimed her lips and her soul. And she could feel him around her even in a crowd. O kahit na walang ibang tao kundi siya lang.
“Phoenix, are you listening to me? Sigurado ka ba na okay lang sa iyo na sa mansion ninyo tayo magpakasal? Mas gusto sana ng parents ko sa Tagaytay Highlands dahil masyado daw masikip sa bahay ninyo. The golf course as the wedding venue would be fabulous. And The Verandah is perfect for the reception. Hindi tayo magsisiksikan.”
Naputol ang pangangarap niya tungkol sa halik ni Vance nang maramdan ang pagyugyog nito sa balikat niya. “Phoenix?”
“Huh?! Come again?” aniya at itinaas ang tingin kay Nelson. “Anong Tagaytay Highlands? I didn’t follow you. I am sorry.”
He was almost waving his iPad infront on her face. Pero di pa rin niya ito nakikita. He was frantically discussing about their wedding for an hour now. Kung ano ang mga pagbabagong gusto nito o ng pamilya nito. And she was daydreaming about another man’s kiss.
“Ilang araw ka nang tulala. May problema ba?”
“J-Just sleepy,” aniya at humikab. “Hindi ako halos nakatulog kagabi.”
Mahigit isang linggo na mula nang halikan siya ni Vance pero di pa rin siya pinatatahimik ng halik nito. Kahit na gaano pa siya kapagod sa maghapong pag-aasikaso sa kasal niya at sa naiwang ari-arian ni Mauricio na direktang ipinamana sa kanya ay hindi pa rin niya maiwasang maisip si Vance.
And for some reason, she couldn’t help but smile with that kiss. Pakiramdam niya ay rumaragasa ang endorphine sa katawan niya. Paglaon ay naiinis siya sa sarili. Hanggang ngayon ay apektado pa rin siya ni Vance kahit na ikakasal na siya. Ugh! She ought to be shot. She was crazy.
“Regarding the venue. Pwede pa nating i-move sa Tagaytay Highlands. Our guests won’t fit in here,” wika ni Nelson at inilahad ang palad. Sa hardin ng mansion ng Villaviray gaganapin ang kasal at reception ayon sa kagustuhan niya.
Sinapo niya ang noo. Parang gustong umatake ng migraine niya. “Ayos naman na ang lahat. Ang unang set ng guest list natin ay sapat na para sa mga imbitado natin. Hindi natin kailangan ng malaking space para sa maraming tao.”
Limampu lang ang unang listahan ng bisita nila. Mga piling bisita gaya ng ilang kaibigan at ilang kamag-anak at malalapit kay Nelson na sasaksi sa pag-iisang dibdib nila. Subalit nagbago ang lahat mula nang umentra ang pamilya ni Vance na lahat ay gustong ma-involve sa kasalan.
“Pero maraming inimbitahan ang pamilya ko. It is bad enough for them that the whole of Bukidnon can’t witness our grand wedding. Kaya idinala nila dito ang Bukidnon.”
“And Bukidnon won’t fit in Villaviray Mansion?” marahan niyang tanong. Mukhang buong Bukidnon ang inimbitahan ng pamilya nito sa kasal.
“Yes. Minsan lang naman tayo ikakasal kaya gusto ng parents ko na magarbo na. It must be grand. And I want to make you feel like a queen.”
Nang mga oras na iyon ay hindi niya maramdaman na reyna siya. Pagod na pagod ang pakiramdam niya dahil sa wedding preparations. Hindi iyon problema noong una dahil simpleng kasal lang ang plano niya. Basta maikasal lang nang maayos at maituloy ang plano niya. Pero nang pumasok ang pamilya ni Nelson sa eksena ay nagulo na ang lahat. Gusto yata ng mga ito na magkaroon ng wedding of the century. Gusto yatang kabugin ang kasal nina Prince William at Kate Middleton.
Inimbitahan na ang buong bansa samantalang wala pang singkwenta ang orihinal nilang bisita. Kaya rin na-move ang date ng kasal nila ng isa pang buwan. Lalo tuloy na-delay ang plano niya para mas mabilis ang pagkakaroon niya ng anak. Nakalimutan yata ni Nelson na may deadline silang hinahabol.
Ayaw na lang umangal ni Phoenix. It was a little delay anyway. Pinagbibigyan na lang niya ito dahil malaking pabor ang hiningi niya dito. He was signing away his life to a woman who didn’t want him. To a woman who would use him just to have a child. Kaya kahit na parang sasabog na ang utak niya ay nagtitiis pa rin siya.
Umiling siya. “Malawak naman ang garden. It is not as huge as the golf course but I think we can do something. Alam mo naman na sa ganitong paraan ko lang mararamdaman na parang kasama ko pa rin si Tito Mauricio. Ginagawa ko ito para sa kanya. Hindi na niya ako maihahatid sa altar. K-Kaya sana okay lang na dito pa rin ako ikasal para maramdaman ko ang presensiya niya.”
Bigla ay parang gusto niyang maiyak. Akala niya ay simple lang ang lahat oras na mai-set ang kasal nila. Pero lalo siyang nanghihina sa bawat araw. Nakakabahala mang isipin pero ang alaala ng halik ni Vance ang nagpapasigla sa kanya. Kaya kahit na nakaka-guilty ay wine-welcome niya iyon. Mistula siyang hangal. Isang ipokrita. Mukhang totoo nga ang sumpa nito. Na kahit na makuha niya ang gusto niya ay hindi siya magiging masaya.
No. Magiging masaya ako. Si Nelson ang tamang lalaki para sa akin. Mahal niya ako at ginagawa niya ang lahat para sa akin.
“Why don’t we relax a bit?” wika ni Nelson at inilapit ang mukha sa kanya.
Pinigilan niya ang sarili habang palapit nang palapit ang labi nito sa kanya. Hindi siya gagalaw. Hindi siya tututol tulad ng dati kapag tinatangka siya nitong halikan. Hindi siya iiwas. She owed it to him as her future husband. She owed it…
Pumikit siya at halos di humihinga nang halos dadampi na ang labi nito sa kanya. Nang makita niya ang mukha ni Vance. “No!” tutol niya at itinulak si Nelson sa dibdib.
“What’s wrong? Ikakasal na tayo,” angil nito sa kanya.
“Ikakasal na tayo. Hindi ka ba pwedeng maghintay?” aniyang may bahid ng iritasyon. Hindi siya galit dito kundi sa sarili niya.
“It is just a kiss.” Bakas ang sakit sa mukha nito. Hindi siya dapat nag-lash out dito. Kasalanan ito ni Vance… at kasalanan niya.
“I am sorry.” Hinaplos niya ang nakapusod na buhok. “H-Hindi lang talaga ako handa pa para dito. Alam ko unfair sa iyo. Nai-stress na ako sa wedding preparation. I…I just want to rest.”
No. She just wanted to get over everything. The wedding. The last will and testament stipulation. Everything. Hindi na siya natutuwa sa nangyayari. Pakiramdam niya ay hinihigop na ang lakas at katinuan niya. Kahit sa pag-akto sa harap ng lalaking pakakasalan niya ay di siya makagalaw nang tama.
“I am sorry if I am coming on too fast.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “I-I just want to kiss you.” Kahit kailan talaga ay napakamaunawain at pasensiyoso nito.
“Kapag handa na ako. Sa ngayon masyado pa akong maraming iniisip.”
Kinintalan na lang siya nito ng halik sa ibabaw ng ulo. “Magpahinga ka muna. My mom is coming to Manila tomorrow. Siya daw ang tutulong sa atin sa paghahanda sa kasal natin. You can relax.”
“Thank you. I am sorry. Alam ko na malaking sakripisyo ito para sa iyo.”
“No. Huwag mong isipin na sakripisyo ito. I am honored to have you as my wife. Hindi mo lang alam kung gaano kaswerte ang pakiramdam ko.” At tinitigan siya nito na puno ng pag-asam. Parang gusto na naman siya nitong halikan.
Tumayo siya agad bago pa ito magtangkang halikan na naman siya. “Uhmmm… magpapahinga na muna ako. Masakit lang ang ulo ko.”
Tumuloy si Phoenix sa kuwarto niya at ibinagsak ang sarili niya sa kama. Bakit hindi simple ang buhay niya? Bakit kailangang maging komplikado? Ginagawa naman niya ang tama pero hindi siya masaya. Masaya nga siya pero alam naman niyang isang ilusyon lang ang lahat. Hanggang kailan ba siya ganito? Makakalimutan ba niya si Vance? Matututunan kaya niyang mahalin si Nelson?
Nakatulala lang siya sa kisame at di makatulog sa kaiisip kay Vance nang may kumatok sa pinto. “Ma’am, may dumating pong sulat para sa inyo,” wika ni Aling Meding, ang isa sa mga tapat na kawaksi ng tiyuhin niya. Hindi ito umalis sampu ng ibang kawaksi kahit na malaking halaga din ang minana ng mga ito mula sa Tito Mauricio niya.
Pinagbuksan niya ito at isang malaking brown envelope ang inabot nito sa kanya. “Salamat po.”
Walang return address ang envelope. Unang bumungad sa kanya ang 8” x 10” na glossy picture. Larawan iyon ni Vance kasama ang isang babae sa bandang Ortigas area sa palagay niya habang palabas ng kotse sa isang parking lot. Not his usual type. The girl looked dowdy and innocent. Nakasuot ang babae ng puting blouse at bulaklaking palda. Parang probinsiyana din. Far from sophisticated. Nag-iba na ba ang taste nito sa babae? Sino ang babae?
Sumunod na larawan ay pumapasok si Vance at ang babae sa isang parang opisina. Kasunod ay nakita niya ang discreet na karatula ng establishment.
San Lucas Center for Advance Reproductive and Fertility.
Advance? Bakit advance fertility? Hindi ang mga ganoong facility ang nag-o-offer ng service gaya ng artificial insemination? Anong ginagawa doon ni Vance at ng babae?
Binasa niya ang impormasyon tungkol sa mga ito. Ang babaeng kasama ni Vance ay si Evarlita Avanyo. Isa itong sales staff sa isang boutique ng sapatos sa isang mall. May tumor sa utak ang ama nito at nangangailangan ng operasyon kaya nag-sign up ito sa isang agency na namamahala sa mga baby maker.
Hindi siya mapakapaniwala. Si Vance Antiporda, pantasya ng mga kababaihan, kukuha ng baby maker para sa artificial insemination? Hindi niya maintindihan. This was his chance to show his virility. Pwede nitong kunin ang kahit sinong babae nang walang kahirap-hirap. Bakit kailangan pa nitong magbayad?
“Uh oh!” usal niya nang makita ang isa pang larawan. May kasamang ibang lalaki si Evarlita. Ayon sa impormasyon ay naghiwalay ang mga ito dahil ayaw ng nobyo nito na dalhin nito ang anak ng ibang lalaki kahit pa sabihing hindi naman magkakaroon ng sexual contact ang mga ito.
Naguguluhan pa rin siya sa impormasyong nakuha. Bakit nasa kamay niya ang mga iyon? Sino ang may intensiyon na ibigay iyon sa kanya?
Isa lang ang malinaw. May advantage sa kanya si Vance. Mas malaki ang posibilidad para sa baby maker nito ang mabuntis lalo na’t gamit ang modernong teknolohiya. Mas madali para sa mga doktor na ma-monitor ang progress. Habang sila ni Nelson ay kailangan pang subukan nang subukan hanggang makabuo. Walang katiyakan iyon. Hindi naman niya inaasahan ang gagawin nito. Matalino nga si Vance at magaling na strategist. Darn! Malaki ang posibilidad na maunahan siya nito na magkaroon ng anak.
Kung sinuman ang nagpadala sa kanya ng mga impormasyong iyon, natitiyak niya na gusto nitong isabotahe niya ang plano ni Vance na artificial insemination.
Isang ideya ang kumislap sa isipan niya. Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Natitiyak niyang siya ang magwawagi sa labanan nila ni Vance.