Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 50

Naestatwa ang lahat sa deklarasyon ni Phoenix. Parang hinagisan niya ng granada ang mga dumalo sa kasalan at sumabog sa mukha ng mga ito.

Sinapo ni Serafica ang noo at sunud-sunod ang pagpapaypay nito sa sarili. “No, no, no! This can’t be happening. This can’t be happening.”

Sa arte nito ay parang mawawalan ito ng malay. She knew the older woman was upset. Pero matigas ang loob niya sa desisyon niya. Pangangatawanan niya ito.

Lumapit sa kanya si Nelson na anyong nasaktan."Why? Handa na ang lahat. All we have to do say is "I do"."

“Iyon na nga. I do na lang ang sasabihin natin at nangyari pa ito. Ngayon ko pa malalaman na magkakaanak ka sa iba. At gusto mo na ituloy ang kasalang ito? Akala mo ba ganoon lang kasimple ang lahat? Na kapag binigyan mo ng pera si Rosalinda at nagpapakalayo-layo na siya ay tapos na ang lahat? No. Magkakaanak kayo. Mas matatanggap ko pa siguro kung magiging lalaki ka at pananagutan mo ang ginawa mo kay Rosalinda. Matutuwa pa ako sa iyo. But no. Pinatunayan mo na wala kang kwentang lalaki.”

“Bakit ka ganyan? Ikaw nga ang pinili ko kaysa kay Rosalinda. Ikaw ang mahal ko. Dapat nga maging masaya ka.”

“Maging masaya?” Pagak siyang tumawa. “Hindi ako istupida, Nelson. At lalong may konsensiya ako. I am sorry. Ayoko na kitang pakasalan. My decision is final.”

"Baka mapatay kitang babae ka. Sinisira mo ang kaligayahan ng anak ko,” tungayaw ni Serafica at akmang susugurin si Rosalinda gamit ang nakatuping abaniko nito.

Tinutop ni Rosalinda ang tiyan at nanlaki ang mata habang di alam kung paano paliliitin ang sarili para maiwasan ang pagsalakay ni Serafica. Dali-daling humarang si Phoenix dito bago pa nito malapitan si Rosalinda. "Huwag ninyo siyang sasaktan. Ako ang makakalaban ninyo,” banta niya.

Tumigil sa pagsugod si Serafica. Sinapo nito ang dibdib at huminga ng malalim. “Hija, why are you doing this? You are hurting our family and you are hurting yourself. Mapapahiya tayo sa harap ng maraming tao. Pakiramdam ko ay -gusto mong mamatay tayong lahat sa kahihiyan. D-Dahil… dahil lang sa babaeng iyan. Who is she anyway? She’s a nobody.”

“Mas nakakahiya naman po kung itutuloy ko ito. Alam ko na ito ang tamang gawin.” She lifted her chin up. "Lumaki ako na walang ama. Nagsinungaling ang nanay ko sa akin para di ko maramdaman na wala akong ama habang lumalaki ako. Alam mo iyan, Nelson.”

Inilahad ni Nelson ang palad. “Y-Yes. B-But…”

Naggiyagis ang ngipin ni Phoenix sa galit. “Akala ko iba ka sa tatay ko. Wala kang ipinagkaiba sa kanya. Pareho lang kayo. No! Masasahol ka pa sa kanya. Paano mo maaatim na talikuran ang mag-ina mo at sabihing mahal mo ako? At sa harap ko pa mismo pasasamain mo siya? Susuhulan ng pera para palayuin sila ng anak mo? Mahal ka niya pero ginamit mo siya. Hindi katulad mo ang gusto kong maging ama ng anak ko. Hindi ikaw ang gusto kong makasama habambuhay. I am sorry. Hindi na talaga matutuloy ang kasal. Naabala ko pa kayo."

Pinaypayan ni Serafica ang sarili habang habol ang hininga. "Hija, huwag mong gawin ito. Nagmamakaawa ako. We will fix this. We will fix this somehow. Kahit ano gagawin ko basta pumayag ka lang na pakasalan ang anak ko.”

"I am sorry. I don't want to be married to this kind of family. You treat people like shit. Pakisabi ang lahat na wala nang kasalan,” wika niya at akmang tatalikod para iwan ang mga ito patungo sa direksiyon ng hagdan.

"Hindi ko kayang gawin iyon,” nanlalaki ang matang sabi ni Nelson.

"Pwes! Ako ang magsasabi!” sabi niya at naglakad pabalik sa hardin kung saan naghihintay ang mga tao.

Pinigilan ni Serafica ang braso niya. "Look! Give it time. Gusto mo bang uminom ka muna ng tubig, hija? Kakalma ka rin. H-Huwag naman sana ganito."

"Mas mabuti nang ganito ang gawin natin kaysa naman mas mapahiya tayo sa huli. Kung kaya ng konsensiya ninyo na pabayaan si Rosalinda at ang magiging anak niya, huwag ninyo akong itulad sa inyo. Hindi ko kaya."

"How about us, Phoenix?" tanong ni Nelson sa kanya.

There is no us to start with. Hindi naman niya ito mahal. Nagprisinta lang naman ito na tulungan siyang ayusin ang problema niya pero isang malaking pagkakamali lang ang lahat.

"Alagaan mo ang mag-ina mo. Kailangan ka nila. Be a man. Pagsisisihan mo sa huli kapag tinalikuran mo sila ng anak mo ngayon. I want to believe that you are a good man, Nelson. Di ka naman siguro mamahalin ni Rosalinda kung walang kabutihan sa iyo,” aniya sa malumanay na tono.

Humikbi si Rosalinda. "Ma'am, pasensiya na po. W-Wala na lang po akong mapagpipilian pero ayoko po kayong saktan."

Hinawakan niya ang balikat nito. "Wala kang kasalanan. Ginawa mo iyon para sa anak mo. Mabuti kang ina. Mabuti kang babae. Nagkamali ka lang siguro sa lalaking minahal mo.” Niyakap niya ito. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay yakap niya ang nanay niya. At alam niyang kung nasaan man siya nang mga oras na iyon ay masaya ito dahil sa desisyon niya. Sinenyasan niya ang driver ng pamilya na si Mang Ador na nakasilip sa di kalayuan kasama ang ilang kawaksi. Alam niyang nakahanda ang mga ito na protektahan siya kung kinakailangan. “Mang Ador, pakihatid po si Rosalinda kung saan man siya tutuloy."

"Bakit mabuti kayo sa akin?" tanong ni Rosalinda.

"Nakikita ko sa iyo ang nanay ko,” sabi niya. “Be strong. Kundi ka man panagutan ni Nelson, pwede ko kayong tulungang mag-ina.”

Pakiramdam ni Phoenix ay walang balak si Nelson na pangatawanan ang mag-ina nito. Gusto niyang malaman nito na pwede itong magkaroon ng kaibigan sa pamamagitan niya.

“Salamat,” wika ni Rosalinda. She gave a longing look to Nelson. Umaasa pa rin marahil ito na magbabago ang isip ng lalaki at susundan ito.

Pero nanatili si Nelson sa tabi niya. Na parang umaasa pa rin ito na magbabago ang isip niya at itutuloy ang kasal nila. "Nasisiraan ka ba ng bait? Paano ang testamento ng lolo mo? Maraming mawawala sa iyo. Mapupunta kay Vance ang lahat ng iyon. And you hate him.”

"Problema ko na iyon,” wika niya.

“I think I am going to die,” wika ni Serafica at bumagsak sa sofa. Dinaluhan naman ito agad-agad ni Nelson. Hindi niya iyon pinansin ay naglakad palayo. Tapos na siya sa drama ng mag-ina. Wala na siyang pakialam sa drama ng mga ito. May sarili siyang gulo na kailangan niyang harapin at ayusin.

Iniwan na ni Phoenix ang mag-ina sa sala at bumalik sa garden. Nakataas ang ulo niya nang tumutok sa kanya ang mahigit dalawang daan na pares ng mata. Humangos palapit sa kanya si JK. “Phoenix, ano nang…”

Itinaas niya ang kamay at tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang makarating sa altar. Kailangan niyang mag-focus ngayon. Kailangan niyang tatagan ang loob niya. Hindi magiging madali ang mga susunod na pangyayari sa buhay niya.

Nang humarap siya sa mga bisita niya ay saka niya naramdaman ang panginginig ng tuhod niya. Ito ang pinakamahirap na bahagi sa kahit sinong ikakasal. Ang sabihin sa lahat ng mga tao na hindi na matutuloy ang kasal. It was painful but someone had to bite the bullet.

Huminga siya ng malalim. "Good morning, ladies and gentlemen. I am afraid that the wedding won't push through due to some unforseen events.” Parang iisang tao lang na nagsinghapan ang lahat ng naroon. Lumunok siya at nagpatuloy kahit parang napakabigat ng dibdib niya. “Wala na pong kasalang magaganap. Pasensiya sa abala. But we will still serve food for everyone. You may also take back your gifts on your way out. Help yourselves and have a good day.” Lumingon siya sa pari. “I am sorry about this, Father.”

“Naniniwala ako na anuman ang desisyon mo, iyon ang makakabuti,” malumanay na wika ng pari. “Magiging masaya ka rin sa tamang panahon. Magdasal ka lang sa Panginoon.”

Parang may bikig sa lalamunan niya nang tumango siya at naglakad sa aisle. Wala na siyang pakialam ngayon sa iba. Sinundan agad siya ni JK. Wala siyang sinabi at parang alanganin din ito na magtanong.

Pagdating sa sala ay naroon pa rin sina Nelson at Serafica at nagtatalo. "Umalis ka! Sumama ka na sa babaeng iyon. Wala na akong mukhang maihaharap sa mga tao. Sinabi ko na sa iyo na gulo lang kung makikipagrelasyon ka sa hampaslupang iyon. Umalis ka na!"

Nilagpasan niya ang pamilya ni Nelson sa sala. Labas na siya sa drama ng mga ito. Nagawa na rin niya ang obligasyon niya na i-anunsiyong hindi na matutuloy ang kasal. Manhid na manhid na lang ang pakiramdam niya.

Hinawakan ni JK ang balikat niya nang paakyat na siya sa grand staircase. "Phoenix, alam mong nandito lang ako kinakailangan mo ako."

"Gusto ko munang magpahinga. Doon muna ako sa kuwarto ko,” aniya sa malamig na boses. Nang mga oras na iyon ay wala siyang maramdaman na kahit na ano. Manhid na manhid siya.

Niyakap siya ni JK. “Sige na. Ako na ang bahala sa mga bisita.”

Kumalas siya sa pagkakayakap nito. Umakyat siya sa taas at nagkulong sa kuwarto niya. Saka niya pinakawalan ang luha niya nang mapag-isa siya.

She was a mess. Sa pagnanais niyang labanan si Vance ay lalo siyang nasuot sa mas malaking gulo. Hindi niya alam kung paano haharapin ang lahat ngayon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.