Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 63

Tumiim ang anyo ni Vance. “Why are you suddenly giving up?”

Ibinagsak ni Phoenix ang sarili sa maroon na settee at ipinatong ang mga braso sa arm. Hindi niya inaasahan na mag-uusisa pa si Vance. Bakit nga ba hindi na lang ito matuwa sa desisyon niya? Bakit kailangan pa nitong magtanong kung wala siya sa mood na magpaliwanag? Dahil marami pa ring bagay sa dibdib niya na hindi niya alam kung handa siyang isiwalat kay Vance.

Pinagsalikop niya ang mga palad. “Nakapag-isip-isip ako noong mag-isa lang ako. Inisip ko kung ano bang ginawa ko sa buhay ko nang nagdaang mga buwan. Mula nang malaman ko kung sino ang tunay kong ama, nang umalis ako dito, nang mamatay si Tito Mauricio at ang testamento. I was full of angst, Vance. Pakiramdam ko pinagkaisahan ninyo ako para lokohin. Lahat kayo ginawa ninyo akong tanga. Galit na galit ako. Sa galit ko, tinikis ko si Tito Mauricio. Namatay siya nang hindi man lang kami nag-uusap.” Mariin siyang pumikit at naramdaman niya ang pangingilid ng luha niya. “Dinamdam niya ang pag-alis ko. Masama akong pamangkin samantalang ibinigay niya ang lahat sa akin para mapasaya ako at protektahan ako.”

Narinig niya ang yabag ni Vance sa tapat niya. Ginagap nito ang kamay niya at kinintalan ng halik ang likod ng palad niya. “Naiintindihan niya iyon. Mahal na mahal ka ni Ninong. Hanggang sa huling bahagi ng buhay niya, wala siyang inisip kundi patawarin mo siya at unawain mo siya sa lahat ng ginawa niya. Hindi niya sinasadyang saktan ka. Hindi ka namin sinasadyang saktan.”

Dahan-dahan siyang dumilat. Nakaluhod si Vance sa harapan niya. Sa kabila ng nanlalabong mata dahil sa luha niya ay nakita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. “Ikaw ang nandoon para kay Tito nang panahong wala ako sa tabi niya. Hindi mo siya iniwan.”

“Yes,” mahinang usal nito. Ito ang nakakita sa paghihirap ng tiyuhin niya dahil sa kanya. Ang mga ito ang magkakampi.

“And I hated you for it,” usal niya at iniwas ang tingin dito.

“I am sorry,” mahinang usal nito.

Pinahid niya ang luha ng likod ng palad niya. “No. Don’t be. I was irrational for a long, long time. Lahat isinisi ko sa iyo dahil di ko mapapatawad ang sarili ko kapag tinanggap ko ang lahat ng pagkakamali ko. It is better to hate someone else than hate myself, you know?”

“Natural lang siguro iyon. At hindi kita masisisi kung gusto mo akong kamuhian. Nasasaktan ka nang mga panahon na iyon. Isa ako sa dahilan kung bakit hindi kayo nagkaayos ni Ninong Mauricio bago siya mamatay.”

“No. Kasalan ko iyon. Pakiramdam ko kinawawa ako. Di pa man ako isinisilang tinanggihan na ako ng ama ko. Niloko ako ng dalawang lalaking mahal ko. Iyon ang bumuhay sa akin sa loob ng ilang buwan. Pero nagbago na ang lahat. Matapos ang mga nangyari sa akin nang nakaraang araw – nang di matuloy ang kasal ko at napahiya ako sa maraming mga tao - napapagod na akong lumaban. Bakit pa ba ako lalaban? Ano bang ipinaglalaban ko? Is it money? Or just my pride? I am just ruining my life in the process. Lagi kong pinipili ang mga bagay na di naman nagpapasaya sa akin just to spite you. At sa huli, hindi rin ako masaya,” malungkot niyang pag-amin at pinagmasdan ito. Hinaplos niya ang pisngi ng binata. “I am sorry, Vance.”

Napakalaki ng kasalanan niya dito. Ni hindi niya naipagpasalamat ang magagandang bagay na idinulot nito sa Tito Mauricio niya. Sa kabila ng panlilinlang na iyon, di niya maikakaila na si Vance pa rin ang nag-iisang lalaki na kayang paluksuhin ang puso niya at pasayahin siya. Pero anong isinukli niya dito kundi galit? Kahit man lang bilang pasasalamat niya sa pag-aalaga nito sa tiyuhin niya ay gusto niyang ibigay dito. Sa paghingi niya ng tawad dito at sa pag-amin sa mga pagkakamali niya ay napakalaking bagay para sa kanya. Pakiramdam niya ay nakawala siya sa tanikala na pinaggapusan niya sa sarili. Nakalaya siya sa sakit at galit na mistulang lason na pumapatay sa sistema niya. Pero hindi na ngayon.

Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. “Gusto ko lang na magkasundo tayo. Hindi naman ako interesado sa kayamanan mismo ni Tito Mauricio. I swear. Gusto ko lang talagang mapabuti ang kompanya at ang mga tauhan natin. Sa Villaviray Construction umikot ang buhay ni Ninong. Mahal niya ang kompanya at ang mga tauhan doon. A-Ayoko lang na maipit sila sa di natin pagkakasundo. And seriously, wala sa isip ko ngayon ang tungkol sa pagtupad sa testamento ni Ninong Mauricio. Ang mahalaga sa akin ay maka-recover ka at protektahan ka sa sinumang mangugulo sa iyo.”

Naalarma siya. Kung siya na lang ang babantayan ni Vance, paano na ang natitirang kayamanan ng tiyuhin nila na baka tuluyang maglaho? “Vance, kailangang may tumupad sa testamento. Malalagay sa alanganin ang kompanya at babagsak iyon kapag walang umasikaso sa proviso. I really understand if you have to go. Ang totoo, hindi ko nga alam kung bakit nandito ka sa tabi ko. I appreciate your kindness but I am not your responsibility anymore. Marami pang bagay na kailangan mong asikasuhin.”

“Dahil hindi kita kayang iwan. Especially now that you are not hating me. Pero ikaw pa rin ang magdedesisyon kung gusto mong manatili ako sa tabi mo.”

Hinaplos niya ang mukha nito. “Y-Yes, I want you to stay beside me. I still want you.”

Hindi niya alam kung anong gagawin niya kung wala si Vance sa tabi niya. Parang isa itong matatag na pader na pwede niyang sandalan. Handa siya nitong protektahan. He could even solve her problems. And making love with him was strong enough to drive her demons away and make her smile.

There was fondness in his eyes as he kissed her fingers one by one. She never thought that such an innocent act could be erotic. “Hindi lang one-night stand para sa akin ang nangyari sa atin. I really care a lot for you. I want everyone to know that I am the man who will protect you and you are mine.”

Hindi niya nagustuhan ang mapang-angkin na himig sa boses nito. At parang alam na niya kung saan pupunta iyon. He wanted a brand. He wanted a relationship. Pinigilan ng daliri niya ang labi nito. “Shhh… Let’s not go there. Ayoko nang maging emotional tungkol dito. Sex was good. Surprisingly good. Naalala mo ang sinabi ko nang gabing iyon? No strings attached. I still want that if you are game.”

She wanted to be firm in her stand. At kailangang maging malinaw sa kanila ni Vance kung hanggang saan lang ang kaya niyang ibibigay dito.

“The other night was a one-night stand, no strings attached. Kung ipagpapatuloy natin ito, ibang usapan na ito. You are not the type of girl for a casual relationship or casual sex. I want you to be my girl. My wife…”

Umungol at binitiwan nito na parang napaso. Saka siya sumandal sa settee. Sabi na nga ba. He wanted to make an honest woman after her. “Vance, let’s not make a big deal out of it. Nasubukan ko nang ma-in love dati at makipag-relasyon. It didn’t work out. I tried a wedding without love, it didn’t work out either. I messed up. Ngayon, ayoko nang gamitin ang puso ko. Ayoko na ring gamitin ang utak ko. I just want to ditch this race for the money altogether. Bahala ka na sa pamamahala sa kompanya. You deserve it after all. Ikaw ang pinili ni Tito Mauricio para magtaguyod sa kompanya. Siguro nangyayari sa akin ang lahat ng di magagandang bagay kasi ikaw talaga ang gusto ni Tito Mauricio na makakuha ng bahagi ng kompanya.”

“Ganoon lang? Isusuko mo ang laban?”

Nagkibit-balikat. “I have my own money. Hindi ako pinalaki ni Tito Mauricio para maging gahaman. Natuto rin ako ng simpleng buhay noong archaeologist ako. I have more than I need.”

“I… I just want you. I just want to feel. No romantic involvement whatsoever. I just want the physical joy that you bring me.”

“Look, hindi ko alam kung anong klaseng lalaki ang tingin mo sa akin. Pero tinitiyak ko sa iyo na hindi ko iniisip na magkaroon ng anak sa ibang babae ngayon. I-I just cant bear touching another woman after we broke up. At ang babae na kinuha ko sana para maging baby maker ay sa pamamagitan lang ng artificial insemination. But it didn’t push through. Mula noon, wala na akong ibang plano.”

“I know,” nausal niya at hinagkan ang labi nito. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang binata para tanungin kung bakit alam niya. O kung anong alam niya. No. Inamin niya ang mga pagkakamali niya. Nakahingi na siya ng tawad dito. That was it. Hindi niya kailangang sabihin dito ang lahat ng ginawa niya para sirain ito. She didn’t want to ruin the magic.

Inangat nito ang sarili at itinukod ang mga kamay sa arm ng settee. He loomed over her, like a dark lover who was ready to conquer his woman. “You are the only woman I want,” he said in a rasp, steamy voice. Parang humahaplos sa buong katawan niya ang boses nito. Pumitlag ang puso. Siya lang daw ang babaeng gusto nito. Iyon ang gustong marinig ng kahit na sinong babae.

Inatake ng daliri niya ang butones ng polo nito at isa-isang binuksan. “Enough talk, Vance. I want you now.” At hinalikan ng labi niya ang bawat bahagi ng katawan nito na nahahantad sa kanya mula sa pakakabukas ng damit nito.

She could love him freely now. Only in the physical sense. Wala na rin ang karera sa kayamanan ng tiyuhin niya. Seriously, she just wanted Vance without anything between them. This was for the better.

Once he made her feel good, oras na maka-recover siya sa mga pinagdaanan niya nitong nakakaraang araw, saka na siguro nila pag-uusapan ang tungkol sa mga plano nito na pagkakaroon ng anak. Hindi na siya makikialam dito. Hindi na siya manggugulo. Bagamat isinuko na niya ang laban at gusto niya na ito ang makakuha ng kayaman ng tiyuhin niya, ayaw niyang malaman pa ang tungkol sa babaeng pipiliin nito para magkarooon ng anak.

Siguro ay magiging mabait siya sa magiging anak nito. Maybe an aunt but not a mother. After all, her relationship with Vance would be purely physical. And she didn’t want any deeper involvement with him anymore.

She didn’t want forever with Vance. She just wanted his body. At kapag sawa na siya dito, she could easily dispense him and move on with her life. At sa palagay niya ay ito ang pinakaligtas na paraan para makuha niya si Vance pero manatili pa ring napoprotektahan niya ang puso niya.

Kailangan lang siguro niyang laging itanim niya sa isipan niya ang kasunduan nila ngayon. No strings attached.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.