"WE are so excited. We are finally going to Cebu,” tuwang-tuwang wika ni JK at itinaas ang dalawang kamay. Naaaliw lang si Phoenix na pagmasdan ang kaibigan. Para sa isang babaeng napaka-sopistikada at parang di madaling ma-impress, mistula itong bata nang mga oras na iyon.
Nakasakay sila sa van na maghahatid sa kanila sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Nakaupo sina Vance at Joshua sa likuran ng driver at nag-uusap tungkol sa mga susunod na area na kailangang i-mapping ng grupo nila, sa isang bahagi ng disyerto ng Ehipto nakita sa satellite image ang mga nakatago pang pyramid na hindi pa nadidiskubre. Mas exciting at mas madali na ang pagdiskubre nila ngayon dahil sa tulong ng satellite imagery o tinatawag na satellite archaeology.
"Enjoy. You need that. Mukhang mahirap ang susunod na area na isu-survey ninyo,” sabi niya.
Umikot ang mga mata ni JK. “Yes. Ito ang mahirap kapag may workaholic na boyfriend. Hirap na hirap akong kaladkarin sa bakasyon. Kundi lang bumabaha sa ibang area ng Egypt, malamang nagkukuta pa rin kami sa disyerto. Ayan! Nakahanap siya ng ibang paraan para i-map namin ang ibang area na hindi binabaha. Kundi ko lang mahal ang lalaking iyan, nagpakasal na lang sana ako sa isang mayaman na sheikh.”
Lumingon si Joshua sa kanila at natuon ang paningin kay JK. “I heard that, honey.”
Pareho nilang tinakpan ni JK ang bibig nila at naghagikgikan. “He has bionic ears.”
“Tsismoso kamo. Shhhh!”
Naalala nila noon sa camp kapag may problema o kaya ay may di magandang tsismis, mas nauuna pa si Joshua na makaalam sa nangyayari kaysa sa kanilang mga babae.
Sinapo niya ang dibdib. “Oh, I miss laughing like this.”
“Oo nga. Masyado kang seryoso nitong nakakaraang araw. Sana mag-enjoy ka rin. Masaya ako dahil magkasundo kayo.” At ngumuso ito sa direksiyon ni Vance. “Kinikilig ako dahil mukhang sweet na naman kayong dalawa. Nakakaamoy ako ng balikan.”
"Kami ni Vance? It doesnt mean anything,” kaila niya at nagkibit-balikat. “Sinusuportahan lang niya ako ngayon sa pinagdadaanan ko. S-Siguro dahil na rin kay Tito Mauricio."
"But you still love him?” pabulong nitong tanong.
Siguro nga ay mahal pa niya si Vance pero hindi na siya tatapak ulit sa teritoryo na iyon. Love could be destructive if deceived or not returned. Nakakalason iyon sa pagkatao niya. "This is just platonic."
Platonic, safe, no strings attached. Mas gusto niya ito kaysa sa isang love relationship. Sa pagkakataong ito ay wala silang inaasahang kahit ano ni Vance sa isa’t isa. Now she could understand the lure of this kind of set up. There was a semblance of freedom while having fun.
"Why don't you give him a chance?" mahinang tanong nito pero seryoso ang tono. “Sa palagay ko naman gusto niyang magkabalikan ulit kayo. Look at him. Nariyan siya para sa iyo nang panahong kailangan mo siya. Hndi mo ba gusto ng lalaking masasandalan mo? A partner in life. Vance is perfect.”
Mapait siyang ngumiti. "Isinuko ko na ang tungkol sa kayamanan ni Tito. I contested it to spite Vance. Pero eye opener sa akin ang nangyari sa amin ni Nelson. Mas wala akong problema kung hindi na ako makikipaghabulan pa sa kayamanan. Di ko na rin kailangang isipin kung gusto ba akong makasama ni Vance dahil sa kayamanan ni Tito o hindi. It only brings me grief one way or another."
Tumango ito. “Hindi lang pera ang nagdadala ng saya sa tao.”
“O kahit pride,” dagdag niya. Sa palagay talaga niya ay hindi naman talaga pera ang dahilan kaya kinumpitensiya niya si Vance noon. It was more on revenge and pride. At iyon ang nagpabagsak sa kanya. Sa ngayon ay gusto na lang niyang alisin ang lahat ng negatibong nararamdaman niya. Mas magaan ang buhay kung walang excess baggage.
Tinapik nito ang balikat niya. "You should relax and take a vacation. Alam ko na nandiyan si Vance para samahan ka pero baka mas mabilis kang makakapag-isip-isip kung malayo ka sa mansion. Doon sa lugar kung saan hindi ka kailangang pag-usapan ng mga tao.”
Tipid siyang ngumiti. "I will think about it."
Ang totoo ay ngayon pa lang siya lumabas ng bahay mula nang hindi matuloy ang kasal niya. Matindi niyang kalaban ang nagtatanong na mata ng mga kakilala niya. Ang usap-usapan ng mga nakakaalam ng nangyari sa kanya. Ang kahihiyan niya.
Sa mansion at sa piling ni Vance ay nararamdaman niyang mas protektado siya. Walang pwedeng manakit sa kanya doon. Walang sinuman ang pwedeng gawin siyang katatawanan. Kung pwede lang ay hindi niya iwan ang lugar na iyon. Pero alam niyang kailangan niyang magpatuloy sa buhay sa kahit anong paraan.
Ang problema lang ay hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hindi pa siya sigurado kung gusto niyang balikan ang trabaho niya. Mukhang mas makapal ang mukha ni Nelson kaysa sa kanya kaya malamang ay babalik ito sa trabaho. Pagkakataon na nga naman nito at baka sakaling mauto pa siya nito na magpakasal dito. He looked desperate as well as his family. Natatakot siya na baka gawan siya nito ng masama dahil sa desperasyon nito. Hindi niya pwedeng ipakipagsapalaran iyon.
“Honey, we are here,” untag ni Joshua kay JK at naunang bumaba ang dalawang lalaki para magkatulong na ibaba ang bagahe ng mga ito na nasa likuran ng van.
Mahigpit siyang niyakap ni JK. “Thank you for this, friend. At tiyakin mo lang na kapag nagkita ulit tayo ay okay na okay ka na. Kailangan mo ng plano.”
Tumango siya. “I know, I know. Anuman ang desisyon ko, ipapaalam ko sa iyo.” Sigurado siya na may maisa-suggest ang kaibigan niya sa kanya lalo na kung magulo ang isip niya.
Bakas ang excitement sa mukha ni JK at ng nobyo nitong si Joshua habang nakapila sa entrance ng terminal. “Natutuwa ako na makakapagbakasyon sila nang sila lang. Walang iniisip na archaeological findings or whatever,” usal ni Phoenix habang lumiliit ang dalawa sa paningin niya.
Umuusad na ang sasakyan nila habang papalayo ng terminal. Back to the boring mansion. Hindi naman lagi si Vance sa tabi niya. They can’t spend all the time making love. Pag-uusapan sila ng mga kasambahay. At ang priority ni Vance ay protektahan siya at ang pangalan niya kahit minsan pakiramdam niya ay wala na siyang pakialam. This was her way of escaping reality. Mabuti at may nag-iisip para sa kanilang dalawa.
"Sigurado ka na ayaw mong magbakasyon muna? Lumayo ka muna dito,” tanong ni Vance sa kanya.
"Nang mag-isa?" tanong niya.
"I am coming with you, of course. Ayokong kung saan-saan ka pupunta. You are still vulnerable right now. I don't want other guys taking advantage of you,” anito sa seryosong tono. But there was a hint of possessiveness there. Na parang di nito gusto na may ibang lalaking lalapit sa kanya.
"Hey! Baka nakakalimutan mo na hindi ako mahinang babae. As a matter of fact, I took advantage of you. And I love taking advantage of you.” At pinaglakad niya ang daliri niya sa butones ng polo nito.
Bigla nitong sinapo ang daliri niya. “Behave,” usal nito at tumingin sa harapan ng sasakyan kung saan naroon si Mang Ador at pinakikiramdaman ang mga kilos nila.
“Killjoy!” Nagtaka siya nang mapansin na pumasok sila sa compound ng airport para sa private planes. Kumunot ang noo niya nang bumaba ito ng van at inalalayan siyang bumaba. “Anong ginagawa natin dito?”
"Surprise! Surprise! We are going on a vacation."
Umungol siya. "Vance..." Ayaw niya sa lahat ang sinosorpresa siya ng ganito. “Hindi naman tayo pwedeng basta-basta magbakasyon. Wala akong dalang gamit. Vance, ayoko ng ganito. Hindi ako basta-basta pumupunta sa ibang lugar nang hindi handa ang mga gamit ko.”
Nagsimula na siyang mataranta. Nakakainis naman. Sana man lang ay sinabi nito sa kanya. She wanted to escape but she wanted to plan everything. Sana ay kinausap muna siya nito.
"Wala kang dapat alalahanin. Naka-empake pa ang mga gamit mo para sa honeymoon ninyo ni Nelson. Ipinasakay ko na sa kotse kanina." Isinenyas nito ang hinlalaki sa likuran ng van. “Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka pa. I will provide it for you.”
"I hate surprises. Hindi mo man lang ako kinonsulta," wika niya at humalukipkip. Perhaps making love with him was impulsive. Hinayaan din niya itong ayusin ang mga problema niya. Pero di naman pwedeng ito ang mag-take over nang tuluyan sa buay niya.
"At ano naman ang gagawin mo sa loob ng mansion? Magmumukmok?"
"Nakita mo na ba akong magmukmok?" nakataas ang kilay niyang tanong.
"No. But I am just a man. A weak man. You are consuming my very soul everytime you..." Ibinulong nito sa kanya kung anong ginagawa niya na nakakapagpahina dito.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya. "Vance!" She did those things. Pero hindi naman siya sanay na idine-describe sa kanya nang ganoon ka-graphic. Hindi kinakaya ng puso niya. Siguro ay hindi pa talaga siya ganoon ka-wild. There were still some things that could make her blush.
Humalakhak ang binata. "I thought nothing shocks you.” Hinapit nito ang baywang niya. “The point is, I can’t entertain you 24/7, Phoenix. Hindi ko rin naman pwedeng manipulahin lagi ang oras mo kahit na gustong-gusto ko. You have to go out. You have to relax. Hindi mo magagawa iyon kung nasa mansion ka lang o kung kasama mo lang ako. I want you to be happy. Kundi ko man maibabalik nang buo ang pagka-normal ng buhay mo, kahit paano gusto kong maging malaya ka. Na magagawa mo ang gusto mo nang walang mga matang nakasunod sa kilos mo o mga dilang pinag-uusapan ka.”
Luminga siya sa paligid. “This is a private airfield, Vance.”
"Yes. I chartered a flight for us. Please don't say no. Importante para sa akin na gawin ito. Kung ayaw mo sa pupuntahan natin, pwede naman tayong umalis. Just give it a chance."
Huminga siya ng malalim at sa huli ay tumango. “Fine. Nandito na ako. Ano pa nga bang magagawa ko?”
Mukhang napaghandaan naman ni Vance ang lahat. Naa-appreciate naman niya ang effort niya. Ang iniisip na lang niya ay kung saan ang destinasyon nila. She will reserve her judgment. Sana lang talaga ay magustuhan niya ang lugar na pupuntahan nila. When it comes to vacation, she was not easy to please.
Isang maliit na eroplano ang naghihintay sa kanila. Parang pang-apat na pasahero lang ang eroplano. Isang luggage bag ang para sa kanya at maliit na sports bag at backpack naman para kay Vance. Mukhang laman niyon ang ilang gamit at ang laptop computer nito. Inisip niya kung anong nasa maleta niya – toiletries, sexy lingeries, swimsuits and cotton dresses. Nasa kabilang bagahe naman niya ang mga formal dresses at evening gowns na gusto ng nanay ni Nelson na si Serafica na isuot niya para sa party na ihinanda ng mga ito sa kanya. She didn’t need those. Ewan lang niya kung babagay ang mga dala niya sa pupuntahan nila ni Vance.
Isang lalaki na sa palagay niya ay mahigit singkwenta anyos na ang sumalubong sa kanila at nagpakilalang piloto. Kasama nito ang co-pilot na anak nito at di nalalayo ang edad sa kanya. Maya maya pa ay nakaupo na sila ni Vance sa likuran ng piloto. "Good morning, passengers! You are aboard flight (seaplane). This is your captain speaking. We are flying to Liloan Airport in El Nido, Palawan. The flight is approximately one hour and ten minutes."
Nahigit niya ang hininga at mahigpit na humawak sa braso ni Vance. Oh, my! Pupunta tayo sa El Nido? Pupunta tayo sa El Nido ngayon!"
Nilingon siya ni Vance na nakakunot ang noo. "Ayaw mo?"
Niyakap niya ito nang mahigpit. "I-I love El Nido. Gustong-gusto kong bumalik doon. Alam mo kung gaano ko kagusto sa El Nido.” She was blabbering like crazy. She was hyperventilating as well. Bukod sa Egypt, ang El Nido ang pinakapaborito niyang lugar sa mundo.
"That is good to hear. Tama ang desisyon ko na dalhin ka doon."
Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “Thank you, Vance. I am sure that I will have fun.”