IDINIPA ni Phoenix ang mga bisig at masayang sinalubong ang malakas na hangin mula sa dagat. Mainit pa sa balat ang araw pero wala siyang pakialam. Nasa Las Cabañas siya sa harap ng beach house ni Vance. Solo na naman nila ang paraisong iyon at pakiramdam niya ay tinatangay ng hangin ang lahat ng masasamang alaala niya nang nakaraang araw… nakaraang buwan.
"It is soooo good to be back," usal niya at sumigaw. “I love El Nido!”
Impit siyang tumili nang bigla siyang yakapin ni Vance sa baywang mula sa likuran at hapitin ang katawan niya palapit sa matipunong katawan nito. “Matagal ka nang hinihintay ng El Nido na bumalik dito. Matagal na kitang hinihintay na bumalik.”
There was a painful longing in his voice. Na parang nalulungkot ito nang magkahiwalay sila at wala itong ibang gusto kundi ang magkasama silang muli. She was at home in El Nido and in Vance’s arms. Hindi naman niya ikinakaila sa sarili na kapag nalulungkot siya ay ang sandali na kasama niya si Vance sa El Nido ang nagpapangiti sa kanya. Sa lugar na iyon siya na-in love dito at doon din sila naging masaya.
“Well, I am back now. Thanks to you.”
“You can stay here as long as you want to. Forever if you want to. Kung dito ka masaya.”
El Nido was like a fairy tale land for her. Malayo sa Maynila. Malayo kay Nelson at sa pamilya nito. Malayo sa makakati ang dila na pinag-uusapan siya. Puro masasaya lang ang alaala niya doon. Pero alam niyang hindi siya pwedeng manatili doon habambuhay. Gaya nang di naman habambuhay si Vance sa buhay niya.
“Thanks for the offer. Sa palagay ko marami ka pang sorpresang ihinanda sa akin,” hula niya at pinisil ang ilong nito.
“That’s for you to find out. Sa ngayon, kailangan muna nating kumain. Sigurado ako na gutom ka na.”
Iba ang experience niya nang nakasakay sa commercial flight kung saan maraming kasama at iba kapag chartered flight sa maliit lang na eroplano. It was a thrilling experience. Parang nakasakay siya sa malaking ibon at kitang-kita niya ang walang katapusang langit sa taas. Nakakatensiyon lang kapag may wind turbulence. Nakakapraning isipin na baka bumagsak na lang sila sa dagat sa baba. Pero experienced ang mga pilotong kasama niya sa flight. At kapag natatakot siya ay naroon si Vance para tiyakin na mapapanatag ang loob niya.
Isang masaganang tanghalian ang ihinanda ni Aling Mina sa kanila. Karamihan ay seafood. Lobster agad ang pinag-initan niya. “Kumain kayo nang kumain, Ma’am. Pumayat po kayo kumpara nang huling punta ninyo dito. Parang walang nag-aalaga sa inyo.”
“Naku, Aling Mina! Kung alam lang ninyo ang pinagdaanan ko,” nausal na lang niya at isinubo ang malaking sugpo na binalatan ni Vance para sa kanya.
“Ako na ang bahalang mag-alaga sa kanya,” anang si Vance sa matatag na boses saka siya nilingon na parang tinatantiya ang mood niya.
“Si Vance na po ang bahala sa akin. Sigurado na bago po ako umalis dito sa Palawan ay hindi na kasya sa akin ang mga damit ko,” sabi niya at subo lang nang subo sa kung anumang ilagay ni Vance sa kanya.
Nakakagana naman talagang kumain kung nasa maganda siyang lugar at sariwa ang hangin. Nararamdaman niya ngayon na bumabalik ang dati niyang sigla. Hiyang talaga siya sa El Nido. Tama si Vance. Kailangan niya ng bakasyon.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal kumain pero pakiramdam niya ay gutom na gutom siya. Mula nang mamatay ang Tito Mauricio niya ay wala na siyang ganang kumain. Parang kumakain lang siya noon para lang may masabing kumakain siya. She didn’t eat for pleasure, just for survival. Mas busog siya noon sa galit at paghihiganti.
Pagkakain ay nagsimula siyang makadama ng antok. Umupo siya sa hammock at unti-unting pumipikit ang mata niya. “Hindi ka pa pwedeng matulog. Kakakain mo pa lang,” untag ni Vance sa kanya at tinabihan siya sa hammock.
Umungol siya at ihinilig ang ulo sa dibdib nito. “Inaantok na talaga ako,” ungot niya.
“I can keep you awake,” bulong nito sa kanya.
Her eyes opened wide when he brush the back of his hand against her breast. “Vance!”
“See? I can keep you awake,” puno ng kompiyansang wika nito.
“Baka may makakita,” usal niya.
“Sino naman ang makakakita sa atin?” tanong nito. Nasa bahagi sila ng Las Cabañas na malayo sa resort at di pinupuntahan ng mga turista. Private area iyon. At kung may maligaw man ay may bakod na kawayan at mga halaman na nakatabing sa kanila.
“Si Aling Mina,” sagot niya habang habol ang hininga.
“She is busy clearing the dirty dishes. At kung pupunta man siya dito, maririnig ko siya,” usal ng binata at ipinasok ang isang kamay sa ilalim ng T-shirt niya. Then she melted in his arms when he kissed her.
Darn! Alam talaga nito kung paano siya manipulahin. Kung ano ang kahinaan niya. She was supposed to say no. They were out in the open. Bagamat tiniyak nito na di sila basta-basta makikita ng iba, there was something exciting about making out in public. This was another lesson to be remembered.
Things were starting to heat up when his phone suddenly rang. “I have to answer the phone,” usal ni Vance sa ibabaw ng labi niya.
“Hayaan mo lang mag-ring,” sabi niya at pabirong kinagat ang leeg nito.
“Importante ang tawag na iyon. I can’t miss this one.”
Kumawala siya sa pagkakayakap dito at tumagilid dito nang sagutin nito ang tawag. She could feel that pleasure ebbing away. One of the disadvantages in being new in these sexual games. She didn’t know how to turn off her desires at will. Wala halos ipinagkaiba kapag in love siya. Masakit din pala. Pakiramdam niya ay na-reject siya Hindi niya inaasahan ito. And she thought she was in control. Kailangan niyang pag-aralan ang bagay na ito sa susunod.
Nagulat siya nang tapikin ni Vance ang balikat niya. "May gustong kumausap sa iyo." At inabot sa kanya ang cellphone nito.
Nakakunot ang noo niyang tiningnan ang cellphone at atubiling kinuha iyon. “Hello.”
“Phoenix, this is Doctor Ambrosio. Naalala mo pa ba ako?”
Bigla siyang bumangon nang marinig ang head ng excavation sa Ille Cave. “Doctor Ambrosio, g-good afternoon po. “
"Nalaman ko na nandito ka pala sa El Nido. Natanggap ko ang invitation sa kasal mo pero may importante kaming inaasikaso noon sa site na hindi ko maiwan. I am sorry about your wedding."
"It's okay. I am coping just fine,” aniya sa magaang boses.
“Babalik ka na ba sa Egypt?”
“M-Mas malamang sa hindi na kung babalik pa sa site ang ex-groom ko.”
“May plano ka bang lipatang trabaho?”
She curled her lips. “H-Hindi ko pa napag-iisipan iyan. I am still trying to pull myself together.”
"Perhaps you are interested to join my team here in Palawan,” Doctor Ambrosio offered.
Nahigit niya ang hininga. “I-Inaalok ninyo ako?” Lumingon siya kay Vance na parang gusto niyang sabihin dito ang alok sa kanya. Pero sa itsura nito ay mukhang alam na nito ang offer sa kanya. Napalunok siya. Pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng malawak na karagatan matapos makaligtas sa isang lumubog na barko. Ang alok ni Doctor Ambrosio ay mistulang bangka na dumaan sa kawalang iyon at magliligtas sa kanya. Ito ang pagkakataong hinihintay niya. “K-Kukunin mo pa rin ako kahit na hindi ako natuloy na magtrabaho sa inyo dati?”
“Yes. Alam na namin ang kakayahan mo. Naiintindihan naman namin kung bakit hindi ka natuloy dati. It is just perfect because we have a new project. Naibigay na ang permiso sa amin para i-excavate ang isang private island. May nahukay na mga banga at iba pang prehistoric na kagamitan habang itinatayo ang isang island resort dito sa El Nido.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "P-Pero hindi ko alam kung handa na ako."
Gusto niyang kapag um-oo siya sa mga ito ay desidido na talaga siya. Na hindi na siya uurong kahit ano pang mangyari. She wanted to be more dedicated if she would grab this second chance.
"No pressure. We have a meeting two days from now and we will probably start excavating in a couple of weeks. Nakabakasyon pa naman ang mga kasama namin. Pag-isipan mo. Pwede kang mag-observe muna kung gusto mo. Alam ko na malaki ang maitutulong mo sa team kung sasama ka sa amin."
"Maraming salamat po, Doctor Ambrosio. Kung alam lang ninyo kung gaano kaimportante sa akin ang offer ninyo na ito."
“We are hoping to hear from you soon,” anang doktor at nagpaalam na.
Nakangiti niyang ibinalik kay Vance ang cellphone niya. "So... what do you think?" tanong nito.
Yumakap siya sa leeg nito at kinintalan ito ng halik sa labi. "Vance, hindi mo kailangang gawin ito para sa akin. I mean, I appreciate it. I really do but…"
Kumunot ang noo ng binata. "Ayaw mo?"
"Gusto ko. How sweet of you. Pero.... paano kung hindi ko maibigay nang one hundred percent ang lahat sa trabaho ko. Deserving ba talaga ako na maging parte ng team nila?"
“Kailan mo pa pinagsuspetsahan ang kakayanan mo? Siyempre naman kaya mo iyon. Nakita nila ang credentials mo. Impressed sila sa accomplishments mo. Kaya nga nalungkot si Doctor Ambrosio nang hindi ka natuloy na magtrabaho sa kanila at bumalik sa Egypt. Hindi iyon dahil sa request mo. Magaling ka talaga.I know you need this new chance. This is something that you really love doing. Kaysa bumalik ka sa Egypt at mag-krus ang landas ninyo ni Nelson, dito ka na lang. Pwede kang mag-observe muna. Sabihin mo lang kapag gusto mo nang magtuloy-tuloy. I want to make you happy. Please think about it.
Hinampas niya ang dibdib nito nang maramdaman niya ang pamamasa ng luha niya. Una ay ang sorpresang trip na ito sa El Nido. Ngayon naman ay ang trabaho sa excavation team. Mula sa kawalan ay parang inilatag nito sa paanan niya ang lahat ng mga solusyon sa problema niya "Naiinis ako sa iyo. Huwag mo nang gagawin ulit ito."
"Ano? Hindi ka natutuwa sa ginawa ko? Masyado ba akong nanghimasok?"
“No. I am just happy. So happy. Thank you."
“Bakit ka umiiyak kung masaya ka pala sa gesture ko?”
“Because… because…” Hindi na lang niya itinuloy ang sasabihin at inangkin ang labi nito. Natatakot siya na sabihin dito ang tunay niyang nararamdaman. Ang mga takot niya.
Nagtatalo ang kalooban niya. Ayaw niyang maging thoughtful ito sa kanya. Ayaw niyang gawan siya nito ng mahalagang pabor. He was supposed to be a body. Just for sed. He was just here for fun. Ayaw na niyang may maramdaman pa siya dito. Ayaw na niyang mahalin pa ulit ito.