"ANONG plano ninyo sa bakasyon?" tanong ni Genessa, ang kasamahang archaeologist ni Phoenix. Mula sa isla ng Lumiang kung saan natagpuan ang mga artifacts na mula pa noong Bronze Age. Halos bagong set sila ng archaeologist dahil ang isang grupo ay nasa Ille Cave pa rin. Si Doctor Ambrosio ang direktor ng parehong archaeological team.
Dalawang buwan na ang lumipas mula nang magsimula sila ng trabaho doon. Napakabilis ng panahon. Nasakakay sila ng bangka pabalik sa bayan upang magpahinga. Lahat sila ay excited sa dami ng artifacts sa lugar na iyon. Mapipilitan ang may-ari ng resort na ibahin ang plano nito para sa resort at i-preserve ang area para sa mga turista at volunteers na gustong mag-participate sa archaeological dig lalo na sa mga kabataan. Iyon ang suhestiyon niya dahil sikat na sikat ang ganoong gawain sa ibang bansa. Sumang-ayon naman ang may-ari ng isla. Mabuti na lang at enthusiast din ang may-ari ng archaeology at history. Kung sa iba siguro iyon ay baka hinayaan na lang magkasira-sira ang mga artifacts doon at tuluyan nang sirain ang site para maitayo ang resort. Mas mabuti nga daw iyon para maging kakaiba sa lahat ang resort nito.
"Mamamasyal kami ng mga bata,” wika naman ng kasamahan nilang si Edgar na may asawa’t anak na naghihintay dito sa Davao. “Plano naming mag-hiking sa Mount Apo.”
"Oras na para magpa-facial, manicure, pedicure at massage. Kailangang akitin ko ang mister ko. Para naman hindi ako laging mukhang galing hukay at nanlilimahid kapag nakikita niya ako,” nangingiting wika ni Nagine at ibinaba pa ang suot na manggas ng T-shirt nito kunyari na parang nanunukso.
Sumang-ayon din ang iba. Sa loob ng dalawang buwan ay normal nang madumihan sila sa paghahanap ng artifacts. Nanlilimahid siya at pagod kapag umuuwi galing sa trabaho. Minsan nga ay inabutan sila ng ulan sa laot at parang pinaglalaruan ng malalaking alon ang bangka nila. Pag-uwi niya ay plakda na lang sila sa higaan. Iba ang buhay sa Palawan at iba sa Egypt. Gusto niya ang bagong challenge sa El Nido. Gusto niya ang mga bago nilang natutuklasan doon. Marami siyang natututunan sa mga kasamahan niya. Hindi niya nami-miss ang disyerto ng Ehipto o ang crush niyang pharaoh.
Kanya-kanyang kwento ang mga ito ng plano. May dalawampu rin silang bahagi ng team na magdi-dig sa Isla Lumiang. Ang marami sa mga kasamahan niya ay may mga pamilyang naghihintay sa mga ito. Ang pagiging archaeologist daw na nabubuhay sa site ay walang ipinagkaiba sa mga OFW na kailangang magtrabaho na malayo sa pamilya. Ang maganda lang ay nasa Pilipinas lang sila at hindi sa ibang bansa. Kaya mas mabilis para sa mga ito ang umuwi sa kanya-kanyang pamilya kung may emergency.
"Anong plano mo, Phoenix? Hindi ka ba luluwas ng Maynila?" tanong ni Florence na single din gaya niya. Pero no boyfriend since birth ito kaya lagi nilang itinutukso sa isang kasamahan nilang single din na si Renz.
"Sa bahay lang siguro." Ang bahay niya ngayon ay ang beach house ni Vance sa Las Cabañas. Hindi na daw niya kailangan pang umupa ng bahay kasama sa mga kasamahan dahil mas komportable para sa kanya kung nasa beach house siya. Mas alam daw ng binata na maalagaan siya dahil naroon si Aling Mina.
"Hindi ka ba dadalawin ng boyfriend mo?" tanong ni Genessa sa kanya.
"He might be too busy. Hindi ko alam."
Kahit na magkalayo sila ng binata ay parang nasa malapit lang din ito dahil lagi itong tumatawag sa kanya. Kapag hindi ito abala sa trabaho ay dinadalaw siya nito sa El Nido. Those visits would always be fiery. Sa paningin ng lahat ay nobyo niya ang binata. Hindi naman niya pwedeng sabihin sa mga ito na pisikal lang ang relasyon nila. Wala nang iba. Kaya naman wala siyang masyadong expectations mula dito na dadalawin siya nito. Wala naman itong obligasyon sa kanila dahil wala silang relasyon. But a part of her wished to see him. Na sana ay mag-effort ito na dalawin siya o sunduin siya dahil nami-miss na niya ito. Alam naman nitong dalawang linggo silang walang trabaho.
Tinapik ni Hersheys ang braso niya. "Dalawin mo kaya? Baka mamaya ipagpalit ka noon sa ibang babae. Ikaw rin. Guwapo ang boyfriend mo kaya tiyak na maraming babaeng umaaligid doon. Sige ka. Baka ipagpalit ka sa iba. Malungkot din kapag wala ang taong mahal mo. Mabilis matukso ang mga lalaki."
“I object!” tutol ni Edgar. “Hindi porke’t guwapo katulad ko ay magtataksil na kapag may lumapit sa aming babae. Hindi ako ganoon. Kaya huwag din kung anu-ano ang ipinapasok ninyo sa utak ni Phoenix.”
“Takot mo lang sa asawa mo kapag niloko mo siya. Alalahanin mo na kumare ko siya,” sabi naman ni Florence at inambaan ng suntok ang lalaki.
Umulan ng tawanan sa buong bangka habang si Phoenix ay kimi lang na ngumiti. Parang may kumurot sa puso niya nang maisip na baka may ibang babae sa buhay ni Vance ngayon. Sabi niya ay wala siyang pakialam sa personal nitong buhay o kung may idine-date itong babae. But she cared. Gusto rin niyang malaman pati kung sino ang magiging ina ng anak nito. Baka mamaya ay ma-in love ang binata doon.
Napapraning na siya pero gusto niya na siya lang ang babae sa buhay nito. Yet it was silly. Siya ang may gusto sa "no strings attached" arrangement na ito. Gusto niyang pangatawanan na wala na siyang nararamdaman dito. Sabi niya ay wala na siyang pakialam.
Kasinungalingan lang ang lahat. Mahal pa rin niya ito kahit anong sabihin niya. But she won't act on it anymore. Not if she could help it. Iba na ang set up nila ngayon. Wala nang lugar ang pag-ibig doon.
Hindi na lang niya binabanggit kay JK ang tungkol sa set up nila ni Vance. Hindi ito masisiyahan sa takbo ng utak niya. Ayaw na niyang punuin nito ang isip niya ng kung anu-anong ilusyon tungkol kay Vance. She was okay with this set up. Kontrolado niya ang sitwasyon. Kontrolado niya ang nararamdaman niya. Walang kahit anong expectations. She was okay with this.
Everyone was excited with the vacation except her. She felt lonely for the first time. Really lonely. Hindi naman niya ito nararamdaman dati. Kahit nasa malayong lugar siya noon ay alam niyang nariyan ang tiyuhin niya para uwian niya. Ngayon ay wala siyang pamilyang dadatnan. Parang wala ngang nagmamahal sa kanya. She had no one to call her own.
Iyon marahil ang dahilan kung bakit gusto ng tiyuhin niya na magkaanak siya. Para di siya makadama ng pag-iisa. Niyakap niya ang sarili nang bumugso ang malakas na hangin. Pumikit siya at naisip ang isang batang lalaki at babae. Sasalubong sa kanya ng yakap kapag galing siya sa trabaho. Kahawig niya ang batang babae at kahawig ni Vance ang batang lalaki.
Natigilan siya. Anak nila ni Vance ang mga bata? Iniisip niya na magkakaanak sila? Kakaibang init ang lumukob sa kanya sa ideyang iyon subalit pinalis agad niya ang ideya. No. Wala siyang planong magkaanak kay Vance. Magkakaanak ito sa babymaker na pipiliin nito. At siya naman ay... she didn't know. She never thought of having children until now. Vance's children.
No. Walang lugar ang ideyang iyon sa buhay niya ngayon. It would only make things complicated. Hindi niya maibibigay ang stable na pamumuhay kung magkakaanak sila ni Vance. Ngayon pa lang niya nae-enjoy ang bagong challenge sa trabaho niya. Pwede naman siyang maging "auntie" sa magiging anak ni Vance sa ibang babae. She couldn't be a constant mother figure because of her career. Ito ang realidad na dapat niyang harapin.