Pagod at nanlilimahid ang pakiramdam ni Phoenix nang ibaba siya ng motorsiklong naghatid sa kanya sa beach ng Las Cabañas. Wala na siyang lakas para sa kahit na ano. Binuksan niya ang pinto at tumigil ang pagtibok ng puso niya nang makitang nakahiga sa sofa si Vance at mahimbing na natutulog.
Nandito siya! She realized that she was holding her breath. Marahan niya itong nilapitan. He looked so tired. Two weeks mula nang huli niya itong nakita. Dalawang beses sa isang buwan ay pumupunta ito sa El Nido para makita siya. Nang nakaraan ay may business trip ito para sa Singapore kaya hindi siya nito nadalaw. And she missed him so terribly. Akala niya ay matatagalan pa bago ulit niya ito makita. But he was here. Hindi niya napigilan ang sarili na kintalan ng halik ang labi nito. Nang hindi ito gumalaw ay hinalikan niya ang dulo ng ilong nito, ang noo nito at pabirong kinagat ang tainga nito.
Umungol ito at dahan-dahang gumising. "Hey!"
"Hey yourself! What are you doing here? Hindi ba dapat nasa Singapore ka pa?" tanong niya at namaywang. Nag-launch ng isang linggong open-house para sa prime subdivision na itinayo ng kompanya para magkaroon ng pagkakataon ang mga OFW na makabili ng sariling bahay ng mga ito. Bukod doon ay may meeting din ito sa mga potential investors. Bilang mukha ng Villaviray Construction ay kompiyansa ang lahat dito mula sa mga trabahador hanggang sa mga shareholders.
Bumangon ito. "I wrapped up the business right away. Mabuti na lang may vacant seat pa sa flight na direkta dito mula sa Manila." Tumayo ito at magaang hinalikan ang labi niya.
"Once a week lang iyon,” usal niya.
"Mukhang gusto yata na magkasama tayo. Maghahanda sana ako ng dinner pero nakatulog naman ako. I miss you, baby." This time, he claimed her lips in a hot kiss. Nanlambot ang tuhod niya nang marinig na nami-miss siya nito. At nararamdaman niya sa halik nito na nasasabik ito sa kanya. She wanted to pull him towards her and beg him to claim her.
Bigla niyang naalala na kagagaling pa lang niya sa excavation site. Malamang ay hindi maintindihan ang itsura at ang amoy niya. Itinlak niya ang binata palayo sa kanya. "Vance, madumi ako. Hindi pa ako nagsa-shower. Maliligo muna ako."
Dahan-dahang sumilay ang sensual na ngiti sa labi nito. "That's a good idea. Sabay na tayo."
Umungol siya. "Vance...."
"Come on. We haven’t tried the shower, have we? I will help you wash.” At binigyan siya nito ng mapaglarong kindat. Natitiyak niya na hindi simpleng ligo lang ang mangyayari sa pagitan nila. Pagod pa siya at hindi niya alam kung may lakas siya para sa laro nito.
Nag-init ang mukha niya. “Pwede bang hayaan mo muna akong maligong mag-isa?” Kahit naman nami-miss niya ito ay ayaw naman niya na ito pa ang magpaligo sa kanya.
Kinudlitan ng daliri nito ang dulo ng ilong niya at hinila siya papunta sa shower room. Nawalan siya ng pagpipilian kundi ang sumunod dito. “Where is my adventurous vixen? Naiwan mo ba sa excavation site? Parang hindi mo ako nami-miss,” anitong may halong tampo sa boses.
Tumaas ang kilay niya. "Sinabi ko bang na-miss kita?" Hinubad nito ang polo shirt. Air swooshed from her lungs. "Just your hot body."
Lumungkot ang anyo nito. "Just my hot body. You wound me."
Isa-isa niyang kinalas ang butones ng maong polo niya. "Magdadrama ka ba o sasabay ka sa akin?"
“I like you when you play dirty,” nakangising wika ng binata at ibinaba ang zipper ng pantaloon nito.
Their coming together was more explosive than before. Siguro dahil
Oh, how she loved him. She couldnt make love with him while thinking that she only wanted him for his body. That she only wanted him for sex. Nang ibigay niya ang sarili dito ngayon - bawat halik, bawat haplos - ay kasama niyang inaalay dito ang puso niya. She just didn't know how to turn it off.
"OHHH! That is so good. Diinan mo pa diyan," usal ni Phoenix habang minamasahe ni Vance ang likod niya. She was so dead tired. Wala siya halos luxury mula nang magsimula ang trabaho niya sa El Nido. Pagkagaling sa excavation site ay ine-encode pa niya ang mga notes na isinulat niya tungkol sa mga nahukay niya sa pit. Kaya naman nang sabihin ni Vance na tensiyonado ang muscles niya at gusto nitong imasahs siya ay hindi siya tumanggi. He really had a good touch.
"I love hearing those sounds from you," wika ni Vance habang hinahagod ang likod niya.
"What sounds?"
"As if I am inside you and making love with you. So damn sexy," wika nito at kinintalan ng halik ang gulugod niya.
Umungol siya nang gumapang ang sensasyon sa buong katawan niya sa simpleng halik lang nito. They didn't make love in the shower. Kahit gaano pa daw sila kasabik sa isa't isa ay pinili ni Vance na paliguan lang siya. He worked her up and didn't miss to give her a couple of orgasms though. Gusto lang daw nitong ipakita sa kanya kung gaano siya nito nami-miss. He was still sporting an erection though. At parang tino-torture nito ang sarili dahil mas pinili pa nitong imasahe siya kaysa paginhawahin ang sarili nito.
She wiggled her backside. "So why don't you take me now?"
"You are tired. Wala ka pang pahinga mula sa trabaho. I am not that inconsiderate, Phoenix."
"Akala ko ba wala namang pakialam ang ibang lalaki kung ano ang gusto ng mga babae. They will just take the girl if they want to. Wala silang pakialam kung pagod or whatever."
"Those men are jerks. Walang mahalaga sa kanila kundi ang sarili nilang kaligayahan. Di ko nga alam kung dapat silang tawaging mga lalaki. They are just boys. All they care about are their dicks. Ang mahalaga lang sa kanila ay ang init ng katawan nila."
"At hindi mo sila katulad?" tanong niya.
"Ikaw ang makakapagsabi kung anong klaseng lalaki ako. I am always a considerate lover, Phoenix. I will always take care of your needs before mine. If I think you are not ready or you are tired, I will let you take your time. Kahit na gusto mo pa pero sa palagay ko ay di mo kaya, hindi ko itutuloy. You trust me to give you pleasure. It matters a lot to me. Gusto ko na mag-enjoy ka sa bawat experience mo. Na kapag naalala mo ako, ngingiti ka lang at hindi mo iisipin na parang pinilit ka lang o hindi maganda ang karanasan mo dahil hindi ka nag-enjoy."