Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 68

"Yes," usal niya. Iba nga si Vance kaysa sa ibang lalaki. Mas uunahin nito ang kaligayahan niya kaysa sa sarili nito. Pumihit siya paharap dito at lumuhod sa kama. Then she bestowed him with a sweet kiss. "Thank you, Vance. I am really glad that you are my lover. Ini-spoil mo ako. Baka mamaya hindi ko na gustong umalis."

"If I have a choice, I don't really want to go."

She could hear a silent but. May kanya-kanya silang buhay at trabaho. Hindi sila pwedeng laging magkasama. At pareho nilang nirerespeto iyon. Wala naman silang pormal na relasyon. Wala silang karapatan na mag-demand sa isa't isa. Ang magagawa lang nila ay i-enjoy ang company ng isa't isa kapag may pagkakataon.

Nakadama siya ng kurot sa puso niya. It was just temporary. Siya ang may gusto nito. Kahit na gusto niyang mahalin siya ni Vance, alam niyang hindi iyon ang makakabuti sa kanya. Siya ang gumawa ng patakaran. Hindi niya pwedeng baliin iyon.

Huminga siya ng malalim. "Uuwi ka na ba bukas?"

"Yes. May isang chartered flight na aalis bukas. Kinuha iyon ng may-ari ng island resort kung saan ako ang naging head nang i-construct. Nagkita kami sa town kanina. Nag-offer siya na sumabay ako sa kanya bukas ng hapon."

Bumagsak ang balikat niya. "Oh! Uuwi ka pala agad." Akala niya ay mas matagal pa silang magkakasama. How dumb! Ito ang problema kapag masyadong umaasa. Masakit kapaag nadismaya.

"Huwag mong sabihing hindi ka sasama ka akin? Dalawang linggo ang bakasyon mo."

Bigla siyang napayakap sa leeg nito sa sobrang tuwa. "Isasama mo ako? Really? Really? Really?"

"Yes. Mukha kasing wala kang balak na bumalik ng Manila. Di mo binanggit sa akin kung may flight ka. Hindi naman ako pwedeng manatili dito ng dalawang linggo. I really want to spend more time with you."

It was exhilirating. Kasama siya sa plano ni Vance.

Bigla siyang may naalala. "Is it safe to go back?"

Pagak na tumawa ang binata. "Of course. Marami nang nangyari sa loob ng dalawang buwan. Maaring pag-usapan ka pa rin ng mga tao pero hindi sila importante. Wala kang ginawang masama. Wala kang dapat ikahiya. Kung may dapat mahiya, si Nelson iyon. Tandaan mo iyan."

Tumango si Phoenix. Balita sa kanya ni JK ay hindi na bumalik ng Egypt si Nelson. Magfo-focus muna daw ito sa pagtulong sa negosyo ng pamilya nito. Ibinebenta na ng pamilya nito ang ibang ari-arian. Ang nasagap daw ni Joshua na usap-usapan ay ipapakasal ang nakababatang kapatid ni Nelson na babae sa isang matanda pero mayamang pulitiko mula sa Iligan City. Nakakalungkot lang dahil mukhang di pa rin natututo ang pamilya nito. Gagawin pa rin ang lahat mapanghawakan lang ang salapi at kapangyarihan.

But it was none of her business what they do with their lives. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay nakadistansiya na siya kay Nelson at hindi na siya nito gagambalain pa.

"I have another good news. Nanganak na si Rosalinda. Babae ang anak niya," balita ni Vance sa kanya.

"H-How nice!" usal niya.

Malambot ang puso niya kay Rosalinda at sa anak nito. Siguro dahil di nalalayo ang kalagayan ng mga ito sa pinagdaanan nilang mag-ina. Kaya naman tiniyak niya sa pamamagitan ni Vance na mabibigyan ng tulong ang mag-ina. Nabanggit din sa kanya ni Vance na may trabaho nang naghihintay kay Rosalinda sa Villaviray Construction kapag handa na ito kung tatanggapin nito. Hindi na kailangan ng babae na humingi ng tulong o magmakaawa sa matapobreng pamilya ni Nelson. Taas-noo na nitong aalagaan ang anak nito nang mag-isa.

Iyon ang natutunan niya sa kanyang ina. Kung gaano kalakas ang isang babae na kaya nitong buhayin ang sarili nitong anak kahit na talikuran ito ng sperm donor nito. Sana lang ay tatagan ni Rosalinda ang kalooban nito.

"You are not wishing that the child is yours?" untag ni Vance sa kanya nang biglang hapitin ang baywang niya.

"At si Nelson ang ama?" Nanlalaki ang mata niyang iling. "No. Parang nasusuka ako kapag naiisip iyon. Buti talaga dumating si Rosalinda sa kasal ko at nalaman ko ang totoong kulay ni Nelson at ng pamilya niya."

"No matter how dramatic it was?"

"I survived it." Nalampasan niya ang pagsubok dahil sa tulong ni Vance.

"Gusto daw niya na bisitahin mo sila ng bata. Iyon ang pakiusap ni Rosalinda nang magkausap kami at tinawagan ko siya kanina."

"Si Nelson?" tanong niya. Natatakot siya na magsanga ang landas ng lalaki. Ayaw niyang gumawa ito ng eksena sa ospital. Nakakahiya naman kay Rosalinda.

Tumiim ang bagang ni Vance. "Hindi nagpapakita kahit na anino sa mag-ina niya. Wala talaga siyang balak na harapin ang responsibilidad sa mag-ina niya. I wonder how a man could do that."

"Sabi mo nga hindi tunay na lalaki ang ganoon." Nakahinga siya ng maluwag. "Sige. Bibisitahin ko sila sa ospital."

"Okay. I will tell her about it tomorrow. Sa ngayon magpahinga ka muna. You don't much to pack after all."

"Daing lang siguro. Gusto kong dalhin kapag dinalaw ko sa sementeryo si Tito Mauricio. I miss him."

"I miss him, too."

Kinintalan niya ng halik sa labi. "Thank you for being here even if you don't have to."

"Hindi mo kailangang magpasalamat. Nandito ako dahil gusto ko. You know how much you mean to me. If you will just..."

Bigla siyang kinabahan at pinutol ng halik ang iba pa nitong sasabihin. "Just make love with me, Vance."

She would stick to her rules. Ayaw na niya ng kahit anong deklarasyon ng pag-ibig mula sa binata. Ayaw na niyang umasa. Ayaw na niyang maniwala. Kahit pa mahal niya si Vance ay hindi na niya kayang ilagay ulit sa alanganin ang puso niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.