HINDI maalis ni Phoenix ang tingin kay Vance habang kalong ang anak ni Rosalinda kay Nelson na si Fina. Dinalaw nila ang mag-ina sa ospital. Ang alam niya ay si Vance tumiyak na maaalagaan ang mag-ina.
Pero di niya inaasahan ang tagpong ito na magpapalambot ng tuhod niya. Nang umiyak si Fina ay nagpaturo si Vance kung paano magkalong sanggol. Then she heard him hum a song. His voice had a low timbre, soothing and heart-melting. Kahit sinong babae ay matutunaw ang puso kapag narinig iyon.
Tumahan agad si Fina sa unang nota pa lang ng paghimig ng lullaby ni Vance. She totally didn't expect this. Parang di bagay sa image nito na mag-alaga ng bata at maging ama.
"Nagpa-practice ka na sa pagiging tatay?" tanong ni Rosalinda.
Nakangiting tumayo si Vance. "Oo. Sa palagay ko malapit na akong maging tatay," puno ng kompiyansang sabi nito.
"Sino ang maswerteng babae?"
Nanigas si Vance. "I am working on that one."
Biglang nagpreno ang puso niya. May babae nang napili si Vance para maging ina ng anak nito? And it won't be her but a nameless woman. A babymaker.
Kinuyom niya ang palad. Bakit parang sinampal siya? Gusto ba niyang sabihin nito na maaring siya ang babaeng gusto nitong maging ina ng anak nito?
Ano bang gusto mo, Phoenix? Na ipahiya ni Vance ang sarili niya? Ayaw mo nang pumayag sa set up ninyo na magpakasal. Ayaw mong maging ina ng anak niya. Masaya ka nang hayaan siyang magkaroon ng anak sa ibang babae na babayaran lang niya. No need to be possessive with him.
Parang gusto niyang sabunutan ang sarili. It was frustrating her. She wanted this no strings attached set up. She asked for it. She was just using Vance for sex. After all, sinabi na niya sa sarili na hindi siya magpapagamit dito. Kasama doon ang pagkakaroon ng anak.
But a part of her soul was crying out to him. Isang bahagi niya ang umaasa na magbabago ang lahat sa kanila. And she hated herself for it. Ayaw na niyang bumalik sa pag-asa dito. Ayaw na niyang pangibabawin pa ang nararamdaman dito. Iyon ang papatay sa kanya.
"Maswerte ang babaeng iyon, Sir. S-Sana lang katulad ka ni Nelson," puno ng lungkot na sabi ni Rosalinda at yumuko. "Tinawagan ko siya para sabihin na nanganak ako. Umaasa ako na gusto niyang makita ang anak namin. Kahit man lang sandali. Kahit hindi na lang ako. Pero wala siyang pakialam."
Tinapik ni Phoenix ang kamay ng babae. "Hayaan mo na si Nelson. Parating ngayon ang pamilya mo. Makakasama mo na sila. Sila na ang mag-aalaga sa inyong mag-ina. Hindi mo kailangan ang isang tulad ni Nelson na walang panininindigan," mariing wika niya.
"Nandito pa kami na pwede mong kunin na ninong at ninang ng anak mo," wika ni Vance at inilapag sa kuna si Fina. Nakatulog na ito.
"Maraming salamat sa lahat ng naitulong ninyo sa aming mag-ina. Lalo na sa inyo, Sir Vance. Nandiyan talaga kayo lagi para sa akin," mangiyak-ngiyak na sabi ni Rosalinda.
Bahagyang tumaas ang kilay niya. Parang mas malaki ang utang na loob ni Rosalinda kay Vance na parang mas malapit ang mga ito sa isa't isa. Sabagay si Vance naman talaga ang laging nakakaalalay dito dahil na rin sa kanya. Maybe it was Vance's charm working. Iba talaga ang epekto nito sa mga kababaihan.
Maya maya pa ay lumabas muna sila ni Vance dahil dumalaw ang isang kaibigan ni Rosalinda. Mukhang masaya si Vance lalo na nang magpaalam ito sa nahihimbing na si Fina. Nagtanong pa ito kay Rosalinda kung ano ang gusto ng babae bago sila umalis. Kung hindi niya kilala ang binata ay iisipin niyang ito ang ama ng anak ni Rosalinda. Komportable ito sa naturang role.
Nahuli siya ni Vance na nakatitig dito habang nilalagyan nito ng creamer ang kape nito. "Why are you giving me that look?"
Umiling siya. "You must be a hero in Rosalinda's eyes. She adores you so much."
Umangat ang gilid ng labi nito. "Are you jealous?"
Dali-dali niyang iniwas ang tingin dito. "Silly. I am not." Maybe it was just this nagging feeling that Vance would have a child with another woman soon. It didn't sit well with her. Nagiging irrational siya. Dapat ay tanggap na niya iyon.
Hinawakan ni Vance ang kamay niya at kinintalan ng halik ang pulsuhan niya habang di inaalis ang tingin sa kanya. "Gusto ko lang malaman mo na sa iyo ko lang inilalabas nang todo ang charm ko. And you are the only girl that matters."
Napalunok siya. "Paano ang magiging nanay ng anak mo?"
"Well, about that..." Tumunog ang cellphone nito nang may dumating na text message. "Nandito na sa lobby ang pamilya ni Rosalinda. Nahihilo daw sila sa dami ng pasilyo. Pupuntahan ko muna."
"Okay lang ba na umuwi na rin tayo matapos mo silang samahan sa kuwarto ni Rosalinda? Gusto ko na rin magpahinga." Hindi kinakaya ng puso niya ang mga nangyayari ngayon. Parang nagwawala ang puso niya at gusto na namang pangibabawan ang isipan niya.
"Gustong magpahinga? Or you have something naughty in mind," mapanudyong tanong ni Vance at hinaplos ng hinlalaki ang pulsuhan niya.
"You know me so well." Mas mabuti nang isipin nito na katawan lang nito ang habol niya kaysa malaman nito kung anong tinatakbo ng isipan niya. Na gahibla na lang ang kontrol niya at baka tuluyan nang bumigay any puso niya.
"Ang totoo hindi na kita kilala." Kinintalan siya nito ng halik sa noo. "I will see you at the lobby." At naglakad na ito palabad ng cafeteria.
Hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito na parang di na siya nito kilala. Because she was sexually brazen now? Dahil kinukuha na niya ngayon ang gusto niya kaysa maging prey sa mga laro nito? O dahil nakikita pa rin nito ang kahinaan niya na nagsisikap mangibabaw.
No. She won't be so emotionally weak anymore. At kailangan niyang isaksak sa isipan niya na ang "no strings attached" set up nila ni Vance ay may hangganan. Hindi lang niya alam kung hanggang kailan.
Matapos magkape ay umalis na rin siya ng cafeteria. Naglalakad siya papunta sa lobby nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. "Phoenix! Phoenix, please wait!"