Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 70

Natigilan si Phoenix nang makita si Nelson na tumatakbo sa hallway ng ospital at hinahabol siya. Ito ang kinatatakutan niya. Ito ang iniiwasan niya. Ayaw niyang magsanga pa ang landas nila. Anong ginagawa nito sa ospital? Dapat ay wala ito doon.

Kinuyom niya ang palad. Her first impulse was to runaway as fast as she could. Tumakbo na parang hinahabol ng peste. Hindi lang parang. Peste talaga ito sa buhay niya. Sa buhay ni Rosalinda.

Pero sa huli ay pinili niya na manatili sa kinatatayuan. Ano naman ang pwede nitong gawin sa kanya sa mataong ospital? Nelson may be a lot of things but he would never hurt her or force her. She could say that he was wimpy. Hindi ito banta sa kanya.

At hindi niya ito dapat katakutan. Wala itong magagawa sa kanya. Mas matatag na siya ngayon. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Kaya niya itong harapin. Masisira lang siguro ang mood niya pero kaya namang bawiin iyon mamaya kapag kasama na niya si Vance.

"Ikaw nga iyan. Sabi ko na nga ba't ikaw iyan. Tama ang desisyon ko na magpunta dito. Parang sinasabi ng puso ko na magkikita nga tayo," humihingal na sabi ng lalaki nang maabutan siya.

Sheesh! Ang corny nito. Akala niya noong una ay ganoon lang ito dahil in love sa kanya. Pwede sigurong gumana ang pambobola nito sa katulad ni Rosalinda pero hindi sa kanya.

Isang malamig na ngiti ang sumilay sa labi niya at humalukipkip.

"Nelson, kumusta? Dinalaw mo na ba ang mag-ina mo?" tanong niya sa flat na tono.

Naumid ang lalaki at namutla. Akala ba nito ay nagkataon lang na nandoon siya? "Yes. N-Nakita ko na rin a-ang b-baby sa nursery. I-Ibinalik doon ng nurse kanina."

"Fina ang pangalan ng anak mo. Inalam mo man lang ba ang pangalan niya?"

Inilagay nito ang mga kamay sa likuran nito. His shoulders were hunched. Parang isa itong ipis sa paningin niya nang mga oras na iyon. "Yes, of course. Si Fina. Hindi ko napuntahan si Rosalinda dahil dumating na ang mga kamag-anak ni Rosalinda at.... si Antiporda," tukoy nito kay Vance. Nalukot ang mukha ni Nelson at bakas sa mukha ang pagtataka. “Anong ginagawa ng lalaking iyon dito at masyadong pumapapel?" iritadong tanong nito.

"He is with me. At kung pumapel man siya, I guess that is fine. For your information, siya lang naman ang nag-asikaso sa mag-ina mo. Pati sa panganganak ni Rosalinda, siya rin ang nandiyan para umalalay lalo na sa bayarin sa ospital. Dapat nga nagpasalamat ka sa kanya dahil siya na ang gumagawa ng mga bagay na kung tutuusin ay responsibilidad mo."

Vance may be a lot of things but he was responsible. Malayo kay Nelson. Malayo sa ama niya. A part of her was so proud of him. At sa nakita niyang pag-aalaga nito kay Baby Fina ay tiyak niyang magiging mabuti itong ama. Di gaya ng lalaki sa harapan niya na gustong takasan ang responsibilidad nito. Ang mga tulad ni Nelson ang pinakamababang uri ng tao, kung dapat man itong tawaging tao.

Ngumisi si Nelson na parang nanunuya. "Bayani na siya ngayon? Madali para sa iyo na patawarin siya samantalang sinadya niyang isabotahe ang kasal natin para makuha ang kayamanan ng tiyuhin mo."

"Anong sinasabi mo?"

Hindi iyon magagawa ni Vance, tutol agad ng isipan niya bago pa man marinig ang sasabihin ni Nelson. Animo'y may tarangkahan na biglang nagsara at anumang negatibo tungkol kay Vance ay hindi niya matatanggap.

"Siya talaga ang tumulong kay Rosalinda sa simula pa lang. Pinaimbestigahan niya ako. Nahanap niya si Rosalinda at inilagay sa ilalim ng pangangalaga niya habang hinihintay niya ang araw ng kasal natin. Siya din ang dahilan kaya nakapasok si Rosalinda sa mansion nang araw ng kasal natin. Planado ang lahat ng ito. Sinadya niya tayong ipahiya sa lahat. Sinadya ka niyang masira sa mga tao. Para masolo ang kayamanan ng tiyuhin mo."

"No," mariing tutol niya.

Yes ang sagot ng isipan niya. Now everything makes sense. Kaya ganoon na lang kalaki ang utang na loob ni Rosalinda kay Vance. Noon pa magkakilala ang mga ito. Isang laro lang kay Vance ang lahat ng ito. And she was played at.

Kasama rin ba sa plano nito na paamuin siya? Hindi na niya ito pinahirapan doon, di ba? Siya mismo ang nagkusang ibigay ang sarili dito nang paulit-ulit. And she thought that she was calling the shots. She thought she was in control. Mali siya. Maling-mali. At sa pangalawang pagkakataon ay binili niya ang drama nito.

Shame on you if you fool me once. Shame on me if you fool me twice.

Nagulat na lang siya nang biglang hawakan ni Nelson ang kamay niya."Phoenix, sa kabila ng lahat ng nangyari, ako pa rin ang totoong nagmamahal sa iyo. Kung tatanggapin mo lang ulit ako sa buhay mo, gagawin kong tama ang lahat. May pagkakataon pa para matalo natin si Vance."

"Ano?" bulalas niya.

"Pwede pa tayong magpakasal. Pwede pa tayong magkaanak. We can still be a team. Ikaw ang higit na may karapatan sa kayamanan ng tiyuhin mo at hindi ang Vance na iyon. I am willing to help. Kahit ano basta huwag lang manalo ang oportunista na iyon."

The audacity of this man. Ang lakas ng loob nito na alukin siya ng kasal kahit na tinanggihan na niya ito noong una. At naroon pa ito sa mismong ospital kung saan nakalagak ang babaeng naanakan nito at ang bago nitong panganak na anak. Mukhang gusto nitong samantalahin ang emosyon niya lalo na't ngayon lang niya nalaman ang tungkol sa pananadya ni Vance na ipatigil ang kasal niya sa pamamagitan ni Rosalinda.

Oo, maaring totoo ang sinasabi nito tungkol sa pananabotahe ni Vance sa kasal niya pero hindi naman ganoon katanga si Phoenix para ura-urada ay tanggapin ang inaalok ni Nelson. Sa palagay ba ng lalaking ito ay ganoon siya katanga pagdating sa lalaki? Sa konting galit lang niya ay tatakbo na siya sa unang lalaking mag-aalok ng kasal sa kanya? Di naman siya ganoon kahangal. Maaring may kasalanan sa kanya si Vance pero mamaya na sila magtutuos. Sa kaso naman ni Nelson ay wala siyang planong kumuha ng batong ihahampas sa ulo niya.

Hindi niya alam kung saan napunta ang talino nito o baka naman sadyang tingin nito ay mas desperada siya kaysa dati para makuha ang kayamanan ng tiyuhin niya. O baka sadyang sa sobrang desperasyon nito na mapakasalan siya ay sadyang pinasok na ng hangin ang utak nito. Grabe ang pagka-oportunista nito. Parang gusto niyang hampasin ng sapatos sa mukha.

"Hindi ba tinanggihan na kitang pakasalan noong una? Hindi ka ba nadadala?" may bahagyang iritasyong tanong niya sa lalaki.

"Mahal kita kaya handa akong bigyan ka ng isa pang pagkakataon. Kahit ipinahiya mo ako sa maraming mga tao noong una, pilit kitang uunawain dahil siniraan ako sa iyo ng mga tao."

"At sa palagay mo pakakasalan pa rin kita ngayon samantalang kapapanganak pa lang ng anak mo kay Rosalinda?" nakataas ang kilay niyang tanong.

"Hindi ko sila pababayaan kung iyon ang gusto mo.”

“Kung iyon ang gusto ko?” usal niya. Ibig sabihin kung hindi niya gusto ay wala itong pakialam sa mag-ina nito. How disgusting! Dapat ba niyang ipagpasalamat iyon dito na dahil sa kanya ay magiging responsable ito sa mag-ina mo kahit paano?

Inilahad ng lalaki ang dalawang kamay. “I know that you care for them. Naalala mo ang naging sitwasyon ninyo ng nanay mo. Tanggap naman ni Rosalinda na ikaw ang mahal ko. Isipin mo rin sana ang kapakanan mo. Pwede mo pang ituloy ang pangarap mo, ang pangarap natin na magkaanak at magkaroon ng isang buong pamilya. Sabihin mong pakakasalan mo ako ngayon at ibibigay ko ang lahat para sa iyo."

Wow! Ibang klase talaga ito. Parang siya pa ang may kasalanan at dapat nitong unawain dahil mahal siya nito. Mukha ba siyang utu-uto sa paningin nito? Kinikilabutan siya sa mga sinasabi nito. Parang utang na loob pa ng mag-ina nito ngayon na susuportahan nito pero halatang napipilitan lang. Sinabi lang iyon ng lalaki para gumaan ang loob niya dito. Sinong niloko nito? May pamilya nga ito pero hindi naman nito maasikaso. Siya pa ang isasangkalan nito.

She opened her mouth to tell him to go to hell. Nang biglang may matatag na kamay na sumambilat sa braso niya at inilayo siya sa lalaking dati niyang pakakasalan. "Layuan mo si Phoenix, Nelson!"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.