Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 72

Tahimik lang si Phoenix pagsakay sa Mercedes Benz na minamaneho ni Mang Ador. Pag-upo ay sumandal agad siya at pumikit. Pagod na pagod ang pakiramdam niya – sa komprontasyon nila ni Nelson at sa mga nalaman niya tungkol kay Vance.

Parang nakasakay siya sa isang horror train kanina. Di niya alam kung anong bubulaga sa kanya. Akala niya ay ayos na sa kanya ang lahat. Akala niya ay hindi na siya maaring magkamali sa pagtitiwala pero mali siya. At pakiramdam niya ay hinugot ng isang malaking kamay ang puso niya mula sa dibdib niya. Lies. So many lies.

Kinabig siya ni Vance palapit dito at kinintalan siya ng halik sa ibabaw ng ulo niya. "I am sorry, Phoenix. Hindi kita dapat iniwang mag-isa. Hindi ko alam na pupunta ng ospital si Nelson."

"It's okay,” aniya at nakadama ng kirot sa dibdib nang mahimigan ang pag-aalala sa boses nito. Mukhang totoo naman ang pag-aalala nito sa kanya. Pero ilang porsiyento doon ang totoo at sinsero? Alin sa mga ipinakita ng binata sa kanya ang palabas lang?

Bahagya nitong inilayo ang sarili sa kanya. Hinawakan nito ang baba niya at ipinaling ang mukha sa kanya. "Sinaktan ka ba niya?"

Dumilat siya at umiling. "No."

“Are you sure?” tanong nito at sinipat-sipat pa ang braso niya saka kinapa ang tagiliran niya para alamin kung may masakit sa kanya. “Nakita ko kasi kanina na parang pinipilit ka niya. Malay ko ba kung anong ginawa niya sa iyo habang wala pa ako.”

“Maraming mga tao kanina. Wala siyang kayang gawing masama sa akin. He won’t even dare.”

“Pero di ko alam… natakot na lang ako dahil baka sumama ka na lang sa kanya,” anito sa malumanay na boses na may halong takot.

Umakyat ang dugo sa ulo niya. “I am not that stupid.”

“I am not saying you are.”

“It is implied!” aniya sa pagitan ng naggigiyagis na mga ngipin. “Vance, sa palagay mo ba hindi pa ako matututo ng leksiyon sa ginawa niya sa akin? Sa ginawa mo sa akin!”

Sa pagtaas ng tono niya ay nakuha nila ang atensiyon ni Mang Ador at tumingin ito sa rearview mirror para pagmasdan sila. Wala itong sinasabi pero alam niyang nakaantabay lang ito sa posibleng mangyari sa kanila ni Vance. Hindi niya alam kung kanino ang loyalty at pag-aalala nito – sa kanya o kay Vance. He should be worried about Vance. Nararamdaman na niyang nagsisimula nang kumulo ang dugo niya. Nagsasama-sama na ang lahat ng emosyon niya at malapit-lapit na siyang sumabog.

Natilihan si Vance. Akala marahil nito ay nakalusot na ito dahil hindi siya sumama kay Nelson ay lusot na ito sa ginawa nito sa kanya. Ngayon sila magtutuos. Oras na para malaman nito na hindi siya ganoon katanga. Yes, she was a fool. A first class fool. At masakit mang aminin ay kay Vance lang siya nagiging tanga nang paulit-ulit. Tangang-tanga. Hindi na siya nadala.

“I think we must discuss this in private,” Vance said in an even tone. As if everything was still under his control. "Sa penthouse tayo, Mang Ador."

"Gusto ko nang umuwi sa mansion,” aniya at humalukipkip. “Wala rin tayong kailangang pag-usapan.”

"But we obviously need to talk or do you want to have it here?” Saka nito pasimpleng sinulyapan si Mang Ador na kahit di nagpapahalata ay nakikinig sa kanila.

She was fuming at the moment. Mas mabuti bang ipagpaliban nila ito ni Vance? And then what? Kakausapin niya ito na parang walang nangyari? Hindi na ba niya ito kukuwestiyunin sa ginawa nito para pigilan ang kasal niya? Akala niya ay concern ito sa kanya. She was stupid to ask him to make love with her over and over again. Palalampasin na lang ba niya ito at babalik sila sa dati habang durog na durog na ang puso niya sa laro nilang ito?

Itinuwid niya ang tingin. “Mang Ador, sa penthouse po muna tayo ni Vance,” aniya sa pormal na boses.

Tama na. Oras na para harapin niya ang lahat ng ito. At kailangang matiyak niya na matapos ito ay wala nang kasinungalingan pa sa pagitan nila. She just wished that she could get out of this with whole being still intact. She could feel that she was starting to fall apart.

MANHID na si Phoenix. Mistulang binalutan ng yelo ang puso niya. Wala siyang ekspresyon sa mukha nang bumaba ng kotse ni Vance. Hindi siya nagpaalalay pa dito at narinig niya ang mahinang pagmura sa likuran niya. He knew he was in trouble.

Magkasabay silang naglalakad pero tuwid lang ang tingin niya sa nilalakaran niya. Hindi siya nahawakan man lang ni Vance. Naglalakad lang ito sa tabi niya. Hindi siya kumikibo. Nang pumasok siya sa elevator ay dumistansiya siya dito. Naramdaman niya ang tingin ni Vance na nakasunod sa kanya. She could feel him fuming. Subalit wala itong sinabi.

She must maintain this. Habang kaya pa niyang mag-isip nang tuwid. Habang di pa niya hinahayaang masangkot ang puso niya na malambot pagdating kay Vance. Kailangang maging malinaw ang isipan niya kung saan pupunta ang relasyon nila mula dito.

Nang pumasok siya sa penthouse nito ay tumayo siya sa gitna ng sala. Nakahalukipkip siyang tumingin sa floor-to-ceiling glass window nito. Mainit ang panahon sa labas pero nanlalamig siya. Habang inaalala niya ang mga nangyari sa kanya nang nagdaang buwan mula nang mahalin niya si Vance, iniisip niya kung saan ba napunta ang utak niya. Kung nasaan na ang babae na nangakong di magiging tanga sa mga lalaki.

"Gusto kong magpaliwanag sa mga sinabi ni Nelson,” sabi ni Vance mula sa likuran niya sa malumanay at mababang boses. “Gusto kong malaman mo na kailangan kong gawin iyon."

Hinarap niya ito. "Vance, tapos na iyon. Hindi na natin kailangan pang pag-usapan. Ginawa mo iyon para makuha ang kayamanan ni Tito. Nasa kompetisyon tayo. Naiintindihan ko. I won’t hold it against you anymore," aniya sa magaang boses at pilit na ngumiti kahit parang mapupunit ang labi niya.

Palalampasin na niya ito tutal ay may kasalanan din naman siya dito. Siya ang unang sumabotahe sa plano nito. Patas lang sila. Naging emotional lang siya kanina dahil parang pinalabas nito na pagkatanga-tanga niya. And she hated being treated like one.

"Pero ginawa ko rin iyon dahil ayokong mauwi ka sa katulad ni Nelson. He only wanted to siphon out your resources for his family. At nariyan din ang ginawa niya kay Rosalinda. Hindi kita pwedeng hayaan na mapunta sa isang lalaki na hindi naman kayang pangatawanan ang babaeng sinabi niyang mahal niya. I care for you. You deserve more than that."

"You mean you? Mas gusto mo na sa iyo ako mapupunta. Umaasa ka ba na magkakabalikan tayo?"

Tumango si Vance. "Yes. Alam ko na may pag-asa pa tayo. Kaya hindi na ako humahanap ng magiging surrogate mother. I want you to be the mother of my child. I want us to be a family. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon."

Pagak siyang tumawa. "Are you crazy? Sinabi ko na sa iyo na humanap ka na ng babymaker. Sa iyo na ang kayamanan ni Tito. Ang kompanya. Hindi ko pa alam kung anong kailangan mo sa akin.”

Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito at tinitigan siya sa mga mata. “We have something wonderful between us. This is real. Kung bibigyan mo lang sana tayo ng pagkakataon, magiging masaya tayong dalawa. Mas masaya pa kaysa sa nararamdaman natin ngayon.”

Oh, heart! Huwag kang bibigay. Huwag kang magpapadala sa sinasabi niya, usal ni Phoenix sa sarili kahit nararamdaman niyang sumisikdo ang puso niya at nanginginig ang tuhod niya. It was not easy to resist him with so much emotion in his eyes.

Umiling siya. “Vance, what we have right now isn't real. It is just sex. It may be wonderful but it is not enough to make a relationship."

"No. It will never be just sex for you. You love me. You always do."

Bang! Pakiramdam niya ay pinakuan nito ang puso niya. Alam nitong mahal niya ito hanggang ngayon. Alam nito ang kahinaan niya. Dahil doon ay lalo siyang magiging mas vulnerable sa binata. Iniisip siguro nito na mas madali para dito na manipulahin ang emosyon niya. Hindi ito maaari. Iba kapag alam niya sa sarili niya na mahal siya nito. Iba kapag alam ni Vance na mahal siya nito.

Pagak siyang tumawa para ipakita na kahangalan lang ang sinasabi nito. "Vance, sex slave lang ang tingin ko sa iyo.”

“What?” bulalas ng binata. “S-Sex slave?”

“Yes. You are someone convenient.” Ipinitik niya ang daliri. “You showed me how wonderful sex is and I am thankful for that. But it doesn’t mean anything. Huwag mong ilusyunin na ginawa ko iyon dahil mahal kita.”

“Y-You don’t love me anymore?”

“Hindi na rin naman ako tumutol na ibigay sa iyo ang pagkakataon na makuha ang kayamanan ni Tito dahil ikaw lang naman ang may kakayanan na magpatakbo ng kompanya. And yes, I think in a way hindi mo rin ako pababayaan kung makuha mo man ang kayamanan ni Tito. So why should we complicate things? I love my life now as it is. No responsibilities. No commitment. No emotional ties. Emotional involvement. No love."

"No. Don't say that. This is not you. Ayaw mo ba ng isang pamilyang magmamahal sa iyo at makakasama mo? I can give you those. I will give you a family. I can give you stability. I can give you everything you want."

Except love. Kahit pa anong sabihin ni Vance, hindi siya nito mahal. At kung mananatili siya sa piling nito, aasa lang siya na mamahalin siya nito. At pinakamasakit na pakiramdam sa lahat ang umasa. Bakit ba kasi ipinipilit pa nito ang sarili sa kanya? Binibigyan na niya ito ng kalayaan. An pa bang gusto nito? Ang kaluluwa niya? Ang katinuan niya?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.