Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 73

"I want fun. Iyon lang ang gusto mong ibigay ko sa akin. Masaya na ako kung ano ang mayroon sa buhay ko ngayon. Don't give me all those emotional garbage. Hindi na ako naniniwala sa ganyan. Kung ginagawa mo lang ito dahil may habilin sa iyo si Tito Mauricio at pakiramdam mo ay responsibilidad mo na pangalagaan ako, kalimutan mo na iyon. Kaya kong alagaan ang sarili ko. If you want me to be happy, giving me pleasure is enough. Thank you."

Dumilim ang mukha nito. Hinapit nito ang katawan palapit sa kanya at nagtama ang mga mata nila. "I love you, Phoenix!” Nahigit niya ang hininga dahil di niya inaasahan iyon. Hindi niya magawang alisin ang mga mata dito sa tindi ng pagkakatitig nito sa kanya. “I love you,” he said in a more gentle tone that made her want to believe him.

Pinatigas niya ang puso niya. "I don't believe in love anymore."

"O hindi ka naniniwala na kaya kitang mahalin?"

Iniwas niya ang tingin dito at nagkibit-balikat siya. "Just the same."

Ayaw niyang makita nito ang sakit sa mga mata niya. Kung gaano katindi ang takot niya sa pagmamahal. Na malaman nito na mahal pa rin niya ito. His lies and deceit hardened her heart. Dapat lang malaman nito na wala itong aasahan sa kanya. Ito ang may kasalanan kung bakit ganito siya ngayon. Kailangan nitong tanggapin ang nangyayari ngayon dahil ito naman ang may kagagawan ng lahat.

Binitiwan siya nito. "Ayoko ng ganitong set up. I want a real relationship with you. I won't have you any other way."

"Hindi ba mas maganda nga ito? This is convenient for you. Mas marami ngang lalaki ang gusto nito. Walang commitments. "

"Nagtiis ako sa set up na gusto mo. I was thinking that you'll eventually wisen up. Looks like I am wrong. Mamili ka - magseseryoso tayo o tatapusin na natin ito?"

Naumid si Phoenix. Hindi niya inaasahan ang ultimatum na iyon sa binata at mukhang seryoso ito. Hindi lang katawan niya ang habol nito. Gusto nito na mag-commit siya dito gaya nang dati. Nang higit pa sa dati.

Maybe he will love you for real this time. Give him a chance, excited na wika ng puso niya. Hindi naman na niya kailangang magkunwari. Pwede naman siyang humanap ng ibang babae na magiging ina ng anak niya pero ikaw ang pinili niya. This is your chance to be happy.

No! Not a chance in hell, kontra naman ng isipan niya. Hindi ka magiging masaya pagdating kay Vance. Kasi mahal mo siya. Kasi involve pa rin ang puso mo. Kung gusto mong huwag masaktan, iwan mo na siya. Tigilan mo ang laro. With that ultimatum, hindi mo na kayang ibahin ang isipan ni Vance. He won’t have you any other way. Walk away now.

Nagtatalo ang puso at isipan niya. She decided to settle it halfway. She didn’t want to do marriage or love with Vance but she still wanted to keep him. She didn’t trust him, couldn’t trust him with her heart but she still wanted to make love with him. At least she still had a semblance of control.

Ngumisi siya at nilaro ng daliri niya ang neckline ng polo nito. "Vance, it is fun while it lasts. Pero hindi na parte ng set up natin ang love-love na iyan. Mag-focus ka sa paghahanap ng surrogate mother. You have a company to look after, a child to have. Then you can give me pleasure if you want to. We don’t have to complicate things. This perfect.”

Hinanap nito ang mga mata niya. "Wala ka talagang nararamdaman na kahit ano sa akin? Hindi mo na ako mahal?"

Hindi siya lumunok. Hindi siya kumurap. Ni hindi siya huminga habang nakatitig sa mga mata nito. "It is just lust. Nothing more."

Nakipaglabanan ito ng titig sa kanya. "It will never be enough. Goodbye, Phoenix."

Pakiramdam niya ay may sumabog na bomba sa harapan niya. Nagpapaalam na si Vance sa kanya. He wanted her to go. He wanted out of their set up. Ni hindi man lang ito nakipag-kompromiso. Seryoso ito na kung hindi niya ito pakakasalan ay mas pipiliin nito na maghiwalay na lang silang dalawa.

Malinaw na mas gusto niya si Vance kaysa mas gusto niya ito. Ipinapakita nito na hindi ito magmamakaawa sa kanya na manatili siya sa buhay nito kung hindi niya susundin ang gusto nito. Ito ang may kontrol sa sitwasyon. At kung hindi niya ibibigay ang totoong relasyon na hinahanap nito, mas pipiliin nitong mawala na lang siya sa buhay nito.

No to love. No to weddings. Yes to keeping my heart intact.

Itinaas niya ang noo at matapang na sinalubong ang mga mata nito kahit pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya bago pa man lumabas sa labi niya ang gusto niyang sabihin dito. "Goodbye, Vance. Good luck with your babymaking plans and please take care of my uncle’s legacy," aniya sa matatag na boses at saka tinalikuran ito.

Pinilit niyang patatagin ang lakad niya habang palabas ng penthouse nito. Pinangatawanan niya ang "no strings attached" set up nila ni Vance. Hindi siya naging mahina sa nararamdaman niya. And she should be proud of herself, right?

Tuloy-tuloy siya sa paglalakad. She tried her best so her steps won’t falter. Kung ayaw nito sa gusto niya, mas mabuting wala na lang siya sa buhay nito. Her chest heaved. Hinihintay niya na tawagin siya nito. O lingunin man lang. Subalit di niya nararamdaman ang maiinit na mga mata ni Vance sa likuran niya. Nanatiling nakasara ang pinto ng penthouse. Hindi man lang siya nito pinigilan. He didn’t bother to compromise. And it was painful that he just let her go. It was heartwrenching that he could live without her.

Napabulalas na lang siya ng iyak nang makasakay na siya sa elevator at tuluyang sumara iyon nang walang Vance na humahabol sa kanya. Bakit siya umiiyak ngayon na parang kumuha siya ng martilyo at dinurog niya ang puso niya? Because her heart was really shattered into pieces. Tinalikuran niya ang lalaking pinakamamahal niya at ang lahat ng magagandang pangako nito at pagkakataon na maging masaya sa piling nito.

Mahal niya ito. Aasa na naman siya. Kahit na anong kasinungalingan ang sabihin niya dito na hindi niya ito mahal ay aasa na naman ang puso niya. Muli na naman siyang masasaktan. Muli na namang madudurog ang mundo niya.

Kahit ano pa ang piliin niya ay siya pa rin ang talo. Para sa isang taong nagmamahal pero di naman kayang mahalin din ng taong mahal nito, mas mabuting lumayo na lang. Sana lang ay magagawa pa niyang magpatuloy sa buhay matapos ito. Sana.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.