Nakatulala si Phoenix habang nakasakay ng bangka pabalik ng bayan kasama ang buong excavation team. Umaalingawngaw sa isipan niya ang sinabi ng kasamahang si Genessa sa isa sa mga posibleng dahilan kung bakit masama ang pakiramdam niya, maselan siya sa pagkain, kakaiba ang trip kainin at laging naduduwal. Baka buntis siya.
Buntis. Posibleng buntis siya.
Lumulutang ang pakiramdam niya sa posibilidad na iyon at gumigiling ang isipan niya.
Did Vance use protection? No. She didn't think so. Ang totoo ay wala siyang pakialam.
How irresponsible of her. Hindi naman siya teenager na di nag-iisip pagdating sa sex life niya. Pero naging iresponsable siya. Parang isa siyang addict noon. All she cared about was getting her next fix which was Vance.
Siguro dahil wala siyang pakialam noon kundi ang lunurin ang sensasyong nararamdaman niya. Ayaw na niyang mag-isip.
Noong una ay wala siyang pakialam dahil nasasaktan siya. Gusto niyang makalimutan ang lahat ng kahihiyang dinanas niya. And Vance was handy. Hanggang paulit-ulit niyang ibigay ang sarili dito. What was her excuse? Di niya alam kung pwede pa niyang gamitin na palusot dahil matino na ang isipan niya noon. Hindi na siya nalulunod sa kalungkutan at nakabalik na sa normal ang buhay niya.
It was only Vance who made her lose her head.
And here I thought I had everything under control? Paano kung buntis nga ako? Kailan ako huling nagka-period? Natigagal siya nang hindi niya makapa sa isipan niya ang sagot na iyon. Ano? Hindi ko na matandaan?
Nagsimula na siyang mag-panic pero kinalma niya ang sarili. Ilang linggo na akong stress dahil sa paghahanda sa kasal ko at noon pa lang ay di ko na maalala ang period ko. Natural lang na ma-delay ang period ko at magkalabo-labo ang body clock ko.
Pero paano kundi lang ako basta delayed? Paano kung buntis na ako? Ang tanga-tanga ko! Ang tanga-tanga ko talaga!
Gusto na niyang ihampas ang ulo sa katig ng bangka nang mga oras na iyon. Kinalma lang niya ang sarili at huminga ng malalim. Hindi pa naman siya sigurado kung buntis nga siya o hindi. Kailangan muna niyang mag-pregnancy test para matiyak iyon.
Kailangan na ba niyang magpa-appointment sa doctor?
No! Di muna siya pupunta sa doktor. Tutal ay ninety-nine percent naman ang accuracy ng pregnancy test kits.
Tama. Pregnancy test kit muna. Mas discreet iyon.
Nang ibaba sila ng bangka sa dalampasigan sa bayan ay nakangiti siyang nagpaalam sa mga kasamahan at tinanggap niya ang sorry sa kanya ni Ferrer. Nagyaya ring mag-videoke ang ibang kasamahan niya sa isa sa mga bar sa kahabaan ng beach dahil rest day na nila kinabukasan subalit tumanggi siya. Sinabi niya na may importante siyang gagawin. Importanteng-importante.
Sa bayan na umuuwi si Shasha ngayon. Kumuha siya ng isang maliit na apartment doon para matuluyan at madalas ang ginagawa lang naman niya doon ay magtrabaho at matulog. Paminsan-minsan ay pumupunta si Aling Mina sa cottage niya para maglinis at ipagluto siya. Hindi na siya pwedeng manatili pa sa Las Cabañas sa cottage ni Vance dahil hindi na siya komportable doon. Masyadong maraming alaala silang pinagsaluhan doon. Mas mahihirapan siyang maka-move on. Pero mas lalo yata siyang mahihirapang maka-move on ngayon oras na mapatunayan niyang nagdadalang-tao siya. Masyadong permanente ang alaalang iyon.
Dumaan siya ng pharmacy bago umuwi. Bumili siya ng pregnancy test kit. Limang piraso. Kabang-kaba siya hanggang makauwi. Parang nakakapaso ang pregnancy test kit sa loob ng bag niya. Matapos maglinis ng katawan ay isinagawa niya ang test. Ang isang minutong paghihintay yata ang pinakamatagal sa buhay niya.
Natutop niya ang bibig nang makita ang dalawang pink na guhit. Positive ang resulta. Buntis nga siya ayon sa test.
Niyakap niya ang sarili at napaupo sa kama habang hawak ang test kit. Hindi niya inaasahan ito. Baka ito ang 1% na hindi accurate ang test. May apat ka pang pregnancy test kit. Use it. Baka iba na ang resulta, sabi niya sa sarili.
Subalit sa huli ay pinili niyang tanggapin na lang ang resulta. Parang hindi na niya kayang sumailalim pa sa apat na natitira pang test kit pero sa huli ay pare-pareho din ang magiging resulta. Mabuti nang harapin niya ang katotohanan ngayon.
Buntis siya. May maliit na buhay sa sinapupunan niya. Magkakaroon silang anak ni Vance. Natutop niya ang labi at napaiyak. Hindi niya alam kung dapat siyang maging masaya. Kung titingnan ang sitwasyon niya ay isang nakakalungkot na balita ito.
Isinuko na niya ang pagkakaroon ng anak. Isinuko na rin niya si Vance dahil ayaw na niyang maging komplikado ang lahat sa pagitan nila. Hindi na niya kayang inaangkin siya nito na pilit niyang pinapaniwala ang sarili na kaya niyang itago ang pagmamahal niya dito habang sa isipan niya ay iniisip niyang may masama pa rin itong motibo sa kanya.
Pero magkakaanak na sila. Dapat ba niyang sabihin dito? Matutuwa kaya ang binata kapag sinabi niyang magiging ama na ito?
Of course. Magiging masaya siya dahil kailangan mismo niya ng anak para makuha ang mana ni Tito Mauricio.
Paano kung may iba nang babae sa buhay nito? Hindi isang babymaker kundi isang babae na nakakuha talaga ng interes nito.
Isang babaeng mahal nito. Totoong mahal nito kaysa sa kanya. Paano tatanggapin ni Vance ang tungkol sa magiging anak nila?
Phoenix felt like she was her mother all-over again. Magkakaanak ba siya nang walang kinikilalang ama? Hindi pa siya sigurado. Sa ngayon ay masaya lang siya na ang ama ng anak niya ay ang lalaking mahal niya at hindi si Nelson. At gagawin niya ang lahat para mabigyan ng maayos na buhay ang anak niya may tulong man ni Vance o wala.
Nanlamig ang katawan niya. Sasabihin ba niya kay Vance o hindi? Tumingala siya at bumuntong-hininga. Kailangan niyang makausap si Vance tungkol dito pero hindi pa niya alam kung paano. Hindi pa nga tuluyang nagsi-sink in na buntis talaga siya. Marami nang magbabago ngayong may anak na siya. Maiiba na ang normal na kilos niya, ang pagkain at paano ang trabaho niya kung saan maaring di welcome ang mga babaeng buntis?
Kailangan pa niya ng panahon na sanayin ang sarili sa kalagayan niya. Kailangan pa niya ng panahon na mag-isip. Kailangan pa niyang magplano sa kinabukasan niya at ng magiging anak niya. Alam niyang hindi ito magiging madali lalo na’t marami siyang dapat isaalang-alang ngayon. Sana lang ay tama ay magiging desisyon niya para sa magiging anak nila.