Nang makalabas si Deutsch sa penthouse ni Vance ay tinawagan agad niya si Aling Mina. Ito lang ang source ng impormasyon niya tungkol kay Phoenix. Dahil na rin sa bilin niya ay sinabihan niya itong paminsan-minsang dalawin ang dalaga para ipaglinis ng bahay o ipagluto. Hindi niya pwedeng iasa kay Phoenix ang pag-aalaga nito sa sarili. Masyado itong sanay sa payak na buhay. Hindi ito magarbong babae katulad ng iba. She was used to dealing with dirt and the elements. But she was still his woman. Kahit na magkahiwalay sila ay gusto niyang matiyak na maayos ang kalagayan ng dalaga.
"Aling Mina, kumusta na po si Phoenix?" tanong niya.
"Naku, Sir! Buti po tumawag kayo. Masasakitin po siya nitong nakakaraang araw. Laging walang ganang kumain."
Parang may ten-wheeler truck na bumundol sa dibdib niya. Heto na nga ba ang sinasai niya. Nagkakasakit ito pero walang nag-aalaga dito. Darn! "Nagpatingin na ba siya sa doktor?" tanong niya. Sa isipan niya ay pinagpa-planuhan na niyang i-dial ang numero ng kakilalang doktor sa El Nido kung sakaling hindi pa nagpapadoktor si Phoenix. Hula niya ay hindi pa.
"Hindi pa po yata. Wala akong nakikitang iniinom niyang gamot dito.”
“Sabi na nga ba!” usal niya. Pinapabayaan na talaga nito ang sarili. Dahil lang ba sa trabaho o nami-miss lang siya nito? Baka magbago na ito ng isip kapag nagkita ulit sila.
“Sir, dapat po sigurong malaman ninyo. M-May nakita po ako nang magtatapon ako ng basura, Sir. Pregnancy test kit."
"Pregnancy test kit? Anong resulta, Aling Mina?" hindi humihinga niyang tanong.
"D-Dalawa pong pink na guhit. Positive po, Sir."
Kung kanina ay ten-wheeler truck ang bumundol sa kanya nang sabihin na may sakit si Phoenix, ngayon ay sixteen-wheeler truck na ang sumagasa sa kanya.
Dalawang guhit na pink. Positive.
Paulit-ulit na umaalingawngaw iyon sa isipan ni Vance. Simple lang ang ibig sabihin ng lahat - Buntis si Phoenix. Magiging tatay na ako.
Hindi niya ito inaasahan. Hindi sumagi sa isipan niya na magkakaanak sila ni Phoenix. After all, they were having fun according to her. He lost his mind. Hindi na siya nag-isip. Ang totoo ay ayaw naman niyang magkaroon sila ng anak nang di pa sila kasal. Gusto niyang mabuo ang bata kapag kasal na sila. Dahil iyon ang itinanim ng mga magulang niya sa utak niya. Dapat ay pinaplano ang bata. Not like this. Na parang aksidente lang ang lahat.
Pero aksidente nga ba ang lahat? Paano kung sinadya iyon ni Phoenix?
Bigla niyang naalala ang tanong ni Deutsch sa kanya kanina. Paano kung ito na ang secret weapon na sinasabi ni Phoenix laban sa kanya?
Dali-dali niyang tinawagan ang numero ni Deutsch. Kailangan niya ng ibang kausap tungkol dito kung hindi ay mababaliw na siya. “Hello!” malambing na tanong ng kaibigan.
"Deutsch, do you have time? I think I need another round of drink."
“You mean you are asking for my time after you kicked me out of your penthouse. Sorry, my friend. I am busy right now.”
At narinig niya ang hagikgik ng isang babae. Matinik talaga ang kaibigan niya sa babae. Di pa man ito nakakalayo sa penthouse niya ay tiyak na may babae na agad itong diniskartehan at di makatanggi sa pang-aakit nito.
"Drop it! I need your company right now. Phoenix is pregnant with my child."
“What?” bulalas ng kaibigan niya at narinig niya ang pagmumura nito. “Bakit di mo sinabi agad? Pabalik na ako diyan.”
Wala pang tatlong minuto ay tumutunog na ang doorbell niya. Pinindot niya ang remote niya para kusang bumukas ang pinto para sa kaibigan niya. Hangos itong pumasok sa loob. “Anong nangyari? Paano mo nalamang buntis si Phoenix?” tanong agad nito kahit di pa man niya napipindot ang remote para isara ang pinto.
“Do you want a drink?” alok niya sa kaibigan.
“Brandy,” sabi agad nito at umupo. Tumayo agad ang kaibigan. “Ako na ang bahala.” Ipinagsalin nito ang sarili. “What do you want?”
Umiling siya. “Ayokong uminom.” Sa halip ay kumuha na lang siya ng tubig sa water dispenser. Gusto niya na malinaw ang utak niya kapag pinag-usapan ito.
Nanginginig ang kamay ni Deutsch habang tinutungga ang alak. “This one is serious, man. Buntis si Phoenix? Paano mo nalaman?”
Binuksan niya ang isa pang butones ng polo niya dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. “Sabi ni Aling Mina ilang araw na daw na masama ang pakiramdam ni Phoenix. Hindi pa daw nagpapatingin sa doktor. Tapos nakita niya na may gamit na pregnancy test kit sa basurahan at positive ang resulta.”
“Wow! Congratulations!” nausal na lang ng kaibigan niya habang nakatigagal sa kanya.
Padarag niyang ibinagsak ang bote ng mineral water sa counter ng mini bar. "But she's keeping it from me. Wala siyang planong ipaalam sa akin na ako ang ama ng bata. Sinadya niya iyon… sa palagay ko ay plano talaga niya iyon."
"Sinasabi mo ba na plano niya na angkinin ang bata? Sinadya niyang magpabuntis sa iyo?” Ipinitik ni Deutsch ang daliri. "I knew it! Sabi na nga ba’t may masama siyang balak. Ito ang secret weapon na sinasabi ko sa iyo.”
Hindi pa rin makapaniwala ni Vance na ganito kagaling mag-isip si Phoenix. Akala niya ay hindi na ito interesado sa makukuha nitong kayamanan. Na hinayaan lang nito na patakbuhin niya ang Villaviray Construction. He was wrong. Pinasakay lang siya nito.
“She had been running the show since day one. Oras na para sirain ko ang lahat ng balak niya. At sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako mapapaikot."
MORNING sickness sucks. Nakahiga si Phoenix sa sofa sa sala habang hinihintay na tumigil ang pag-ikot ng lahat sa paligid niya. Daig pa niya ang na-knockout sa boxing. It was bad enough that she was useless during mornings. Ang masaklap ay nanlalambot siya kahit na hapon. Crackers lang ang nagpapakalma ng sikmura niya. Kahit na wala siyang hilig na uminom ng gatas ay pinipilit din niya ang sarili. Kapag lagi na lang bumabaligtad ang sikmura niya ay mas manghihina siya. Kailangan niya ng sustansiya para sa kanila ng anak niya pero hindi niya alam kung paano niya gagawin iyon kung lahat na lang ng kainin niya ay inilalabas din niya.
Nag-sick leave muna siya sa trabaho matapos kumpirmahin ng doktor niya na nagdadalang-tao nga siya. Mahigit dalawang buwan na siyang buntis. Masaya siya dahil parang isang himala iyon pero kinakabahan din siya dahil di pa niya kung anong magiging kinabukasan nila ng bata. Wala pa siyang tiyak na plano para dito.
Hindi pa niya masabi sa kay Doctor Ambrosio ang tungkol sa pagbubuntis niya dahil tiyak na makakarating iyon kay Vance. That would be trouble. Ayaw niyang maunahan siya nito na magbalita sa iba. Sasabihin niya dito ang tungkol sa bata. Gusto lang niyang ihanda ang sarili niya at maplano kung paano ito haharapin. Planuhin kung ano ang susunod niyang gagawin depende sa magiging reaksyon nito – kung tatanggapin ba nito ang bata o hindi. Paano kung mag-alok ito ng kasal? Tatanggapin ba niya?
Hindi lang talaga siya komportable na kausapin ito sa ngayon. Wala pa siyang lakas. At hindi rin naman maganda ang naging huling pag-uusap nila. Tinapos niya ang set up nila. Pinili niyang layuan ito. Tapos ay sasabihin niya dito na magkakaanak sila? She didn't know if he would welcome the idea. Is she even worth the trouble?
Mariin siyang pumikit. Nakakapagod lang isipin ngayon. Ang tanging nagpapasaya sa kanya ngayon ay ang durian na in-order niya sa internet. Na-pick up na iyon ng driver na contact niya na bumibiyahe mula Puerto Princesa papuntang El Nido. Anumang sandali ay darating na iyon. She was excited. Sa wakas ay matatahimik na ang sikmura niya. Ang weird lang dahil talagang durian pa ang napagti-tripan ng magiging anak niya.
“Kahit pa isang durian plantation ay bibilihin ko kung iyon ang magpapasaya sa iyo, baby,” usal niya at hinaplos ang impis pa niyang puson.
Kahit na wala pa sa plano niya ang bata ay gusto na niyang umaktong parang ina dito. Wala siyang di gagawin para sa magiging anak niya. Iniinom niya ang lahat ng vitamins na kailangan niya. Titiyakin niyang magiging malusog ito. At kapag lumabas na ito sa mundo, hahayaan niya itong tuparin ang mga pangarap nito. Ibibigay niya kung anong magpapasaya dito. Mahal niya ito dahil mahal din niya ang ama nito. At masaya siya na nabuo ito dahil gusto nila ni Vance ang nangyari sa kanila. Hindi dahil kailangan lang niyang magkaanak para masunod ang testamento ng tiyuhin niya.
Narinig niyang may kumatok. Hayan na ang durian niya. Excited niyang binuksan ang pinto. Nag-freeze ang ngiti niya nang makitang si Vance iyon. "Hello, Phoenix."
Bigla niyang isinara ang pinto sa mukha nito. Nandito si Vance. Oh, no! Anong ginagawa nito doon? Dapat ay nasa Japan na ito. Bakit bigla na lang itong sumulpot sa El Nido?
Sa loob ng dalawang buwan ay hindi ito nagparamdam o nagpakita sa kanya. Ni wala siyang tawag mula dito. Nang tanggihan niya ang proposal nitong kasal at mas gusto nitong tapusin na lang ang relasyon nila, inakala niyang tapos na sa kanila ang lahat. Tapos ay bigla na lang itong susulpot sa harap ng bahay niya. Hindi yata niya gusto ang nangyayaring ito. There was something fishy about his sudden appearance.
"Phoenix, buksan mo itong pinto,” wika ni Vance at kinatok ang pinto. “Come on! Huwag mo na akong paghintayin dito.”
"Umalis ka na! Wala na tayong mapag-uusapan. Tapos na tayo.”
“I think we have something important to discuss,” he said in a low, dangerous voice. Seductive even. And her libido was kicking overtime because of her hormones. Gusto niyang buksan na lang ang pinto at sugurin ito ng yakap at halik. She missed him sooooo much.
“Huwag mong sabihin na nandito ka dahil gusto mo pang ituloy ang relasyon natin ayon sa gusto ko. Tapos na iyon. Expired na ang offer ko.”
Kung gusto nitong ipagpatulong ang “no strings attached” arrangement nila ay di na siya makakapayag. Iba na ngayon. May bata na siyang kailangang isaalang-alang.