Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 80

“Vance, hindi mo na kailangang isipin ang mga bagay na di naman mangyayari para lang pasamain ako at lalo ka lang magalit sa akin,” aniya at sinapo ang dibdib. “Hindi na lihim ang pagbubuntis ko at di mo naman ako narinig na sinabi kong hindi ikaw ang ama. Wala ka rin namang kinuhang surrogate mother.”

“Wala pa. But I was about to.”

“Pero hindi naman natuloy kaya hindi mo pwedeng ibato sa akin ang mga kasalanan sa mga bagay na di naman mangyayari. Wala kang ibang anak sa ibang babae. At kung iniisip mo na sinadya ko na magbuntis, that is not true. Totoo ang sinabi ko sa iyo na a-ayokong magkaanak. I-I don’t want a child out of wedlock. Kaya ko nga piniling pakasalan si Nelson dahil ayokong magkaanak pero wala akong ipapakilalang ama.”

“Pero itinago mo pa rin sa akin ang totoo,” giit ng binata.

Pumikit nang mariin si Phoenix at huminga ng malalim. “Ngayon ko pa lang natatanggap na buntis ako. Kahit i-check mo pa ang appointment ko sa doktor na kahapon ko lang ginawa. Kapag handa na ako alam kong sasabihin ko rin sa iyo. Hindi ko pinlano ang lahat ng ito. Vance, maniwala ka naman sa akin. Alam ko ang pakiramdam na lumaking walang ama at hindi ako papayag na ganoon din ang danasin ng anak ko.”

Nangilid ang luha sa mga mata niya. Ang pagtatalong ito ay umuubos sa lakas niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan pa niya kayang maging matatag sa harap ni Vance. Kung hanggang kailan pa niya kayang depensahan ang sarili. Napapagod na siya. Pakiramdam niya anumang oras ay mapapasalampak na lang siya sa sahig habang humahagulgol ng iyak. It was so unfair! Ano pa bang iaakusa nitong masasamang bagay sa kanya para lang masiyahan ang kagustuhan nitong gumanti sa kanya?

Di pa rin nagbago ang ekspresyon ni Vance habang nakatitig sa kanya. Mukhang mas skeptical pa ito sa kanya kaysa dati. Umiling ito. “I don’t know if I can believe you anymore. You are a vicious woman.”

Huminga siya ng malalim. “Naghahabol ka ba sa bata para maging kaparte ng kayamanan ni Tito Mauricio?”

“That’s full of shit, Phoenix,” angil ni Vance. “For the record, hindi ko kailangan ng pera kung pera lang ang isyu mo sa akin. I have my own. Mahalaga sa akin ang kompanya at ang mga tao doon. Kasama ka na dahil nakadepende din ang kabuhayan mo sa Villaviray Construction. Kaya kitang buhayin at ang magiging anak natin nang wala ang pamana ni Ninong Mauricio. Kaya tigilan mo na ang pagpapamukha sa akin na magpapakamatay ako para sa pera. Yes, mahalaga na makuha ko ang pamana ni Tito at shares sa Villaviray Construction dahil wala ka naman talagang pakialam sa kapakanan ng mga empleyado niya. All you care about is your hate. Wala nang ibang tama sa iyo kundi ikaw lang. At ayokong lumaki ang anak ko sa isang inang katulad mo. I think you will be an unfit mother.”

Parang sinampal si Phoenix sa sinabi nito. Siya? Unfit mother? Ano ba sa palagay nito ang batayan para masabi nitong di siya nararapat na maging ina? Naroon ba ito nang mga panahong pinipilit niyang kumain para lang mabigyan ng sustansiya ang anak niya kahit na isinusuka pa rin niya? Kung ano ang magagandang plano niya sa magiging anak niya? Kung paano niya ia-adjust ang trabaho niya?

Anong karapatan nitong husgahan siya samantalang kadarating lang nito at ngayon lang nito nalaman na nagdadalang-tao siya? Ganoon ba ito kaperpekto? Ni hindi nga niya alam kung karapat-dapat nga itong maging ama sa anak nila. He had his own flaws he was not perfect.

Subalit wala na siyang lakas na makipagtalo. Kusa na lang umangat ang kamay niya para sampalin ito. “How dare you!”

Sinapo ni Vance ang kamay niya bago pa man lumagapak ang palad niya sa guwapo nitong mukha. “Hindi mo na ako masasaktan. Kahit ang anak natin ay hindi mo na siya magagamit pa laban sa akin. Matagal na panahon akong nagpakabulag sa iyo. Hinayaan kitang tapak-tapakan ako at paikutin ako na parang tanga dahil mahal kita. But you know what? Hindi iyon mangyayari sa magiging anak ko. Poprotektahan ko siya mula sa katulad mo.” At saka pasadlak na binitawan ang kamay niya.

“Hindi ako demonyo o halimaw, Vance. Anong magagawa mo para protektahan sa akin ang anak natin? Ipapa-transfer mo ba siya sa katawan mo kasama ang matris ko? Because that is the only way that you can take him away from me. Sa akin ang anak ko. May karapatan akong alagaan at mahalin siya. And your opinion doesn’t matter.”

Magiging mabuting ina siya sa anak niya. Gagawin niya ang lahat ng makakabuti para dito. Patutunayan niya kay Vance na magiging mabuti siyang ina.

“Unfortunately, wala pang technology na naglilipat sa pagbubuntis sa ama. Kung meron lang, ginawa ko na.”

“Yes. Wala kang magagawa dahil ako ang nanay ng anak natin. At kung gusto mong maging mabuting ama sa kanya, tigil-tigilan mo ang pagsasalita ng hindi magagandang bagay tungkol sa akin. Maririnig iyon ng bata. At oras na ma-stress ako o sumama ang loob ko, mai-stress din siya. Iyon ba ang gusto mo? Marinig niyang nagtatalo tayo?”

“This early?”

“Yes. Sabi sa nabasa kong article sa internet. Kung anong naririnig niya, naririnig ko. Kung anong nararamdaman niya, nararamdaman ko. And you made me so mad and upset right now, Vance. Iyon din ang nararamdaman ng bata.”

Napatiim-bagang ang binata. Mahabang sandali siya nitong pinagmasdan. “Great. Nagamit mong shield ang bata para makalusot sa mga kasalanan mo. Magpasalamat ka dahil nagmamalasakit ako sa anak natin. So here is the deal. Hindi ako maghahabol sa kayamanan ni Ninong Mauricio. It would be all yours. Pero sa akin ang anak ko.”

“What?” bulalas niya.

“Oras na manganak ang bata, I want a full and sole custody. Dahil hindi ko alam kung may kakayahang magmahal ang isang katulad mo na walang ibang inisip kundi ang galit sa puso niya. You would poison a child rearing his or her up that way, Phoenix. I won’t allow that to happen.” At basta na lang siyang tinalikuran ng bata.

Ganoon-ganoon lang? Matapos siya nitong pagbantaan na kukunin sa kanya ang anak niya pagkapanganak niya ay tatalikuran na lang siya nito? That was a blatant declaration. Ganoon lang? Hindi man lang siya nito kakausapin? Di man lang nito pakikinggan ang panig niya? Siyam na buwan niyang dadalhin ang bata. Di niya isusuko ang anak niya basta-basta.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Kakausapin ko si Pietro,” sagot ng binata habang palabas ng pinto.

“A-Anong sasabihin mo sa kanya?” naaalarma niyang tanong.

“Oras na para sabihin sa kanya ang tungkol sa kondisyon mo. Hindi ka na pwedeng magpatuloy ng trabaho sa field. You should stop working altogether.”

Napamaang siya. Ganoon lang at pangungunahan na nito ang pagpapatakbo sa buhay niya. “No! Ako ang kakausap sa kanya. Ako ang may katawan. Ako ang nagtatrabaho. Huwag mong panghimasukan ang isyu na iyan dahil di naman ako imbalido. Hindi mo pwedeng pakialaman ang trabaho ko at ang buhay ko.”

Puno ng determinasyon siya nitong tiningnan. “For the sake of our child, I will do whatever what is right. You obviously make a lousy job of doing so. Oras na para may gumawa ng tama sa atin. Mag-enjoy ka na sa durian mo,” sarkastiko nitong wika at isinara ang pinto.

Naestatwa na lang siya nang makalabas ito at narinig niya ang ugong ng papalayo nitong sasakyan. Pakiramdam niya ay tuluyan nang gumuho ang mundo niya at natabunan siya ng guho. Hindi niya alam kung paano aahon. Di niya alam kung makakaya niyang magpatuloy pagkatapos nito.

Nanlulumo siyang napaupo sa sofa at tahimik na umiyak. Niyakap niya ang sarili habang di niya alam kung paano poprotektahan ang sarili sa sakit na nararamdaman niya. She was pregnant and the father of her baby hated her. Sa paningin Vance ngayon ay isa siyang masamang babae na handang manipulahin ang lahat para sa sarili niyang kapakanan.

Hindi na niya hawak ang sitwasyon at ang mismong mahahalagang desisyon sa buhay niya. Ngayong bumalik si Vance sa buhay niya bilang ama ng magiging anak niya, mistula itong toro na pinakawalan sa bahagi ng mall na may tindahan ng babasagin. He crushed everything in his way – including her.

Hindi na niya alam ang gagawin niya. Ano ba ang mas makakabuti para sa anak niya? Hahayaan na lang ba niyang kunin nito ang anak sa kanya sa huli? Hindi siya papayag. Alam niyang sa puso niya ay ipaglalaban niya ang anak niya kahit na saang korte pa sila umabot.

Sa isang banda ay natatakot siya na baka tama si Vance. Paano kung hindi nga siya nararapat na maging isang ina? Paano kung maibibigay lang niya sa anak niya ang isang masayang pamilya na pangarap niya para dito pero di siya bahagi?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.