"Congratulations, Phoenix. This is really a great news. In a few months, magiging magulang na kayo ni Vance. The first time I saw you together, alam ko na ikaw ang makakabingwit sa playboy kong kaibigan,” tuwang-tuwang sabi ni Dr. Ambrosio habang nasa isang late dinner sa beach house ni Vance sa Las Cabanas.
Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ni Phoenix sa amo at saka sumimsim ng Palawan mango shake na tanging tinatanggap ng sikmura niya sa magarang hapunan na iyon. Ayaw kasi ni Vance na mag-durian shake siya kaya mango shake na lang ang tiniyaga niya.
Masasarap ang pagkaing nakahain pero pakonti-konti lang siya kung kumain. Pakonti-konti din siyang sumubo ng garlic prawn. Habang ang dalawang lalaki naman ay umiinom ng white wine.
Nagrerebolusyon ang sikmura niya hindi dahil sa naglilihi siya kundi dahil sa sobrang kaba. Hinahayaan lang niya ang dalawang lalaki ang mag-usap. Kunyari ay kalmado siya. Kunyari ayos lang siya. Kunyari ay kontrolado niya ang sitwasyon.
Deep inside she was falling apart. Di niya alam kung anong mangyayari sa kanya mula ngayon. Kung anong susunod na hakbang ni Vance para sa kanya. Kung paano nitong paiikutin ang buhay niya at kung paano nito paplanuhin ang lahat para sa anak nila.
Nataranta na siya nang basta na lang umalis si Vance sa cottage niya. Sabi nito ay kakausapin nito si Doctor Ambrosio tungkol sa kondisyon niya. Hindi niya alam kung anong eksaktong pinag-usapan ng mga ito. Wala pa namang binabanggit ang boss niya tungkol sa trabaho niya. Pero alam na agad niya na wala na siyang career matapos sabihin ni Vance dito ang pagdadalang-tao niya. She would be out of the excavation team pronto.
Nag-text si Vance na magbihis siya nang maayos-ayos at medyo pormal na damit. Hindi siya makapalag nang sunduin siya ni Vance at sinabing kasama nila si Doctor Ambrosio na maghapunan. Wala siyang nagawa. Inaasahan na siya ng amo niya at importante daw ang pag-uusapan nila.
Nang dumating sila sa beach house ni Vance ay halos kasunuran nila ang boss niya. At walang bukambibig si Dr. Ambrosio kundi ang excitement nito sa pagdadalang-tao niya. Alam lang nito na may sakit siya kaya di siya nakapasok.
Parang tatay na niya si Doctor Ambrosio at magaan ang loob nito sa kanya dahil kaedad niya ang anak nito sa nasirang asawa na nasa ibang bansa na at may sarili nang pamilya. Pero alam niya na mas higit ang pagkakaibigan nito at ni Vance. After all, si Vance ang nag-refer sa kanya para makapasok sa team nito.
“Kaya nga po gusto kong alagaan si Phoenix at ang magiging anak namin. This child really means a lot to both of us. Kaya nga po pasensiya na kung kailangang i-pull out muna si Phoenix sa team ninyo para makapagpahinga siya at maalagaan niya ang magiging anak namin,” malumanay na wika ni Vance na parang kanina lang ay di siya ito galit na galit sa kanya at inakusahan siya ng masasamang bagay. Wow! He was like a devoted lover and a father-to-be. How neat.
At nakumpirma nga ang hinala niya. Kinausap nito si Doctor Ambrosio na parang may pinahintulutan niya ang binata na maging tagapagsalita niya. Hindi talaga ito nag-aksaya ng panahon para ipakita sa kanya kung paano nito paiikutin ang buhay niya mula ngayon. Kung paano siya nito tatalian sa leeg at pasusunurin siya na parang aso sa anumang gusto nito.
Mahigpit na hinawakan ni Phoenix ang table napkin na nasa kandungan niya. Hindi siya makahinga. Parang may leeg na sumasakal sa kanya. Ngayon pa lang ay mistula na siyang ipapasok sa bakal na kulungan. Kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang magpakalayo-layo. Gusto niyang makontrol ulit ang buhay niya at siya na ang bahala sa magiging anak niya.
Pero saan nga ba siya pupunta? Hindi naman siya makakatakas dahil wala naman siyang ibang susulingan. Pakiramdam niya ay hawak siya ni Vance sa leeg. Her job was her life. Parang iyon na lang ang matatawag niyang kanya. She worked hard for it. Hindi naman nawawala ang pagiging archaeologist niya at ang pagmamahal niya sa kasaysayan kahit na nalaman niyang hindi si Thomas Knowles ang tunay niyang ama.
Pero sa ginagawa ni Vance ngayon ay ipinapakita nito na kaya nitong kunin sa kanya ang mahahalagang aspeto ng buhay niya. Ang trabaho niya. Ang kalayaan niya. Ang identity niya. Pati na rin ang dignidad niya. Di niya alam kung may ititira pa ito sa kanya.
“Nahihiya nga po ako, Sir Pietro. Matagal na panahon po ninyong hinintay na sinuyo ako at pinagtiisang kumbinsihin para makapasok sa team ninyo tapos ganito pa po ang nangyari,” wika ni Phoenix na bagsak ang balikat.
Iba ang sitwasyon noong ikakasal siya kay Nelson. Kontrolado niya ang sitwasyon. Plano niya ang lahat kung sakaling magkakaanak siya. At kung magpapatuloy man ang trabaho niya ay mauunawaan nito dahil pareho sila ng propesyon.
Pero hindi sa pagkakataong ito. Vance was running the show. Nakasunod ang matiim na mga mata nito sa kanya sa bawat kilos niya at sasabihin niya. Parang nagbababala ang mga mata nito, naghihintay kung may mali siyang sasabihin at ikikilos. Kaya naman kiming-kimi siya ngayon. Di nga siya masyadong makahinga.
Ginagap ni Dr. Ambrosio ang kamay niya. “A child will always be a blessing. Pakiramdam mo siguro titigil ang buhay mo pero di naman kailangan. Marami ka pa namang pwedeng gawin. You can still help us with the studies. Hindi mo kailangang sumama sa amin sa dig. O kung gusto mong mas malapit sa Manila ang trabaho mo, I can recommend you to my colleagues. Or assistant instructor in a university. There is so much you can do.”
Kahit paano ay gumaan ang loob niya. Her hopes were up. Kahit paano ay may magagawa pa rin siyang trabaho. Hindi man iyon sa field pero mabuti na iyon kaysa sa wala. Kahit pa boring ang paperworks para sa kanya ay titiyagain niya basta gagana pa rin ang utak niya. Kahit ano basta maramdaman niyang may silbi siya.
“Pietro, gusto ko munang tiyakin na maayos ang kondisyon ni Phoenix bago namin pag-usapan ang tungkol sa pagtatrabaho niya. Kahit pa sabihing hindi iyan sa excavation site. Baka mapagod pa rin siya sa pag-iisip. I hope you wll understand. Priority namin ang magiging anak namin,” wika ni Vance at mariing ginagap ang isa pa niyang kamay.
Muntik nang mabilaukan si Phoenix sa nginunguyang garlic prawn. Bigla na lang bumulusok ang sayang nararamdaman niya. Parang ibon siya na pinutulan ng pakpak. Asang-asa siya na magpapatuloy siya sa pagtatrabaho. Pero sa sagot ni Vance, mukhang wala itong balak na pagtrabahuhin siya. Ito ang batas. At nang mga oras na iyon ay di niya pwedeng makipagtalo dito sa harap ng amo niya lalo na’t iniisip ni Pietro na mutual decision nila iyon ni Vance.
Binitiwan ni Dr. Ambrosio ang kamay niya. “Of course. Priority ninyo dapat ang magiging anak ninyo. Kung anuman ang mapag-uusapan ninyo, nandito lang naman ako. Sabihin lang ninyo sa akin kung anong maitutulong ko.” At saka uminom ng white wine.
“Thank you, Pietro. Alam ko naman na maiintindihan mo ako. Anyway, the company will be sending our donation soon,” sabi ni Vance sa amo niya. And he had that satisfied smile on his lips.
“That will be a big help. Thank you very much,” wika ni Doctor Ambrosio at ngumiti sa kanya.
Tumigil sa pagtibok ang puso ni Phoenix at parang gustong maiyak nang mga oras na iyon. Parang binibili siya nito. Ipu-pull out siya nito sa team kapalit ng donasyon mula kay Vance. Akala siguro ni Doctor Ambrosio ay may kinalaman siya dito o may consent siya. Hindi naman siya pwedeng magprotesta dahil alam niya kung gaano kalaki ang maitutulong sa operasyon ng project ang donasyon mula kay Vance. Para sa mga kasama niya sa project at sa mga bagay na madidiskubre pa ng mga ito para sa pagsasaliksik ng kasaysayan ay hahayaan niya ito. Titiisin na lang niya kahit parang mina-mummify siya nang buhay.
“Kailan ang balik ninyo sa Manila?” tanong ni Doctor Ambrosio at kumuha ng lobster.
“The next day,” kaswal na sagot ni Vance.
Nahigit ni Phoenix ang hininga bago pa niya napigilan. “What? Can’t I stay longer? B-Bakit kailangang umalis agad ako ng El Nido?”
“Mas mababantayan kita kung nasa Manila ka,” anang si Vance at matiim siyang tiningnan. May babala sa boses at titig nito. Mababantayan at hindi maaalagaan ang terminong ginamit nito. Ibig sabihin ay wala itong tiwala sa kanya. Babantayan siya nito dahil baka takasan niya ito.
“Vance is right. Mas maganda ang medical facilities sa Manila. Mas mamo-monitor ang kondisyon ninyo ng magiging anak mo,” sang-ayon ni Dr. Ambrosio.
“Di ko naman pwedeng basta na lang iwan ang mga kasamahan ko,” wika niya kay Vance. “B-Baka pwede pa kahit na isang buwan pa ako dito.”
“No,” anang si Vance at di siya nilingon.
“Kahit one week?” tanong niya.
“Hindi mo na problema kung sino ang magre-replace sa iyo. Bahala na si Pietro doon,” wika ni Vance sa maigting na boses at matiim siyang tiningnan. There was finality in his voice that cannot be challenged. Napalunok siya nang tumagal pa ang titig ng binata sa kanya. As if he was daring her to protest infront of her boss.
“Oo nga, Phoenix. Hindi mo na dapat problemahin iyon,” sabi ni Dr. Ambrosio. Bakit nga naman ito tututol sa pag-alis niya samantalang handa ngang magbigay si Vance ng malaking donasyon para sa excavation?
She felt helpless. Sobrang bigat ng dibdib niya. Wala siyang kakampi. Pakiramdam niya ay pinagtutulungan siya ni Dr. Ambrosio at ni Vance. Napahikbi ang luha niya at bigla na lang siyang napahagulgol ng iyak.
Tumayo bigla si Dr. Ambrosio at hinaplos ang likod niya. “O! Anong nangyari sa iyo?”