Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 82

Humikbi siya at parang batang pinunasan ng table napkin ang mukha niya. “Kasi kasisimula pa lang ng trabaho ko. Ngayon pa lang umaayos ang buhay ko tapos biglang…biglang mawawala na lang sa akin. H-Hindi ako makakapagtrabaho. Hindi ko yata kaya iyon.”

Wala siyang pakialam kung magmukhang siyang mahina at mukhang tanga sa pag-iyak niya. Hindi niya kayang kontrolin ang nararamdaman niya. Nasasaktan siya. Kanina pa niya tinitiis pero hindi niya kaya. Her hormones were working overtime. Wala na siyang pakialam kung ano pa ang tingin ng mga ito sa kanya. If she was reduced to a crybaby. Wala na siyang pakialam sa imahe niya bilang isang matatag na babae. Di na niya kaya ang nangyayari sa buhay niya. Ayaw niya ng ganito.

Inabutan siya ng tubig ni Vance. “You have to calm down.”

Tinanggap niya ang tubig na inaalok nito at ininom pero masama ang tingin niya dito. Kasalanan nito ang lahat.

“Ilang buwan lang naman,” pang-aayo ni Doctor Ambrosio. “I am sure magiging maayos din ang lahat kapag nalaman na ninyo kung ano ang makakabuti para sa iyo at sa magiging anak mo. Makakabalik ka pa rin sa trabaho. You are always welcome to my team.”

Kinuha ni Vance ang table napkin sa kanya at pinunasan ang luha niya ng panyo nito. “Narinig mo iyon? Pwede ka pa ulit magtrabaho basta matiyak lang natin na okay kayo ng baby natin. Makakabalik ka pa kung gusto mo,” anito sa malumanay na boses.

Tinabig niya ang kamay nito. “G-Gusto ko ang trabaho ko. Gusto ko dito sa El Nido. Payapa ang isip ko dito. Hinihingi ko lang naman kaunting panahon para makapag-adjust. Para makapagpaalam sa mga kasamahan ko at sa mga tagadito. Hindi ako pwedeng basta umalis.”

Huminga ng malalim si Vance at inabot sa kanya ang box ng Kleenex nang tanggihan niya ang panyo nito. “Kailangan nating umalis. Inilalagay lang natin ang lahat sa ayos. Saka hindi kita inaapi. Tumahan ka na.” Narinig niya ang himig ng iritasyon sa boses nito. Parang nagtitimpi lang ito sa kanya at malapit na itong sumabog. Na parang ginagamit niya ang luha niya para makuha ang gusto niya.

Patuloy pa rin siyang umiyak at hinablot ang tissue na inaabot nito. “Iiyak ako kung gusto ko. Bakit ba nakikialam ka? Ikaw kasi…”

“Phoenix!” bulalas ni Vance.

Tinapik ni Doctor Ambrosio ang likuran ng binata. “O! Huwag kang magalit. Ganyan talaga ang mga buntis, Vance. They are emotional. You have to be patient with Phoenix. Pregnant women’s hormones always go haywire. Masyado silang sensitive at minsan ay unreasonable. Kahit sila minsan di nila alam kung bakit sila naiinis o bakit basta na lang silang umiiyak. Kaya sana habaan mo ang pasensiya mo,” paliwanag nito.

Tumango lang si Vance. Then he gave her a bored look. Parang sinabi nito na wala itong pakialam sa hormones niya. Na hindi niya magagamit ang pag-iyak-iyak niya para makuha ang simpatya nito o mapasunod niya ito sa gusto niya.

“I am inviting your team tomorrow. Maghahanda kami ni Phoenix ng dinner para na rin makapagpaalam kayong sa kanya,” sabi ni Vance.

“Sure. Matutuwa ang team diyan. Tiyak na mami-miss namin si Phoenix.”

“Mami-miss ko rin po ang team, Doc,” sabi ni Phoenix at pinahiran ng tissue ang mga mata. “Gusto ko pa po talagang magtrabaho sa inyo basta kaya ko.”

Niyakap siya nito. “Hush now. This is not the end. Marami pa tayong pagsasamahan. Sa ngayon sundin mo muna si Vance. Para iyan sa anak ninyo. Okay?”

Tumango siya. “Opo.”

Sa palagay ay iniiyakan din niya kung anong mangyayari sa kanya oras na sila na lang dalawa ni Vance sa Manila. She felt helpless enough already. Na wala na siyang magagawang desisyon para sa sarili niya. Hindi ito ang pinangarap niya na buhay.

Tahimik na lang siya nang magpatuloy ang hapunan. Subalit sa isipan niya ay bumubuo na siya ng plano, humahanap siya ng pagkakataon upang ipakita kay Vance na hindi siya magiging sunud-sunuran dito. Hindi siya pwedeng tapak-tapakan lang nito.

Matapos ang naghapunan ay nagkape ang mga ito. Siya ay nagkasya na lang sa pakikinig sa mga ito. Maya maya pa ay nagpaalam na si Doctor Ambrosio. “Thanks for the lovely dinner. Kailangan ko nang umuwi dahil kakausapin ko pa ang mga university na ka-tie up natin sa project. Baka may ipapadala silang kandidato para pumalit sa iyo.

“Sasabay na ako kay Doctor Ambrosio,” sabi ni Phoenix kay Vance nang palabas na ang doktor ng bahay ni Vance. Ayaw na niyang maiwan doon kasama ang binata. Para sa kanya ay tapos na ang gabing iyon.

Biglang sinambilat ng binata ang braso niya. “No. Dito ka na matutulog mula ngayong gabi.”

Napamaang siya. “What? Anong dito ako matutulog?”

“Mauna na ako,” sabi ni Doctor Ambrosio na parang nahimigan na hindi sila magkasundo ni Vance. Ayaw nitong maipit pa sa gulo. At walang nagawa si Phoenix kundi ang hayaan na lang ang butihing doktor na sumakay ng motor at humarurot palayo.

Nakatigagal lang siya habang nakatayo sa front porch ng bahay ni Vance. Mabigat ang dibdib na pinagmasdan ang paglayo ng sasakyan ni Doctor Ambrosio. Nawalan na naman siya ng pagkakataon para makalaya mula kay Vance kahit pansamantala.

“Pumasok na tayo sa loob,” sabi ni Vance.

Nanggigil niya itong hinarap. “Ano pa bang kailangan mo sa akin? Bukas na lang tayo mag-usap. Basta uuwi na ako.”

“Hindi na kita maihahatid sa bayan.”

“E di huwag. Kaya ko namang umuwing mag-isa.” Wala siyang planong matulog doon kasama nito. Too much memories.

“You are staying here. Mahirap nang mawala ka pa sa paningin ko.”

“What?” bulalas niya. “Praning ka ba? Babantayan mo lang ako dito? Sabi mo aalis na tayo sa isang araw. Hindi ba pwedeng umuwi muna ako sa apartment ko at iempake ang gamit ko?”

Biglang tumalim ang mga mata ng binata. “No. I don’t trust you. Malay ko ba kung saan ka pumunta kapag hinayaan kitang mag-isa at kung saan mo dalhin ang anak ko.”

Huminga siya ng malalim. “Vance, saan naman ako pupunta? Kung gusto kong lumayo sa iyo, napakadali na lang para sa akin na umalis. Hindi mo ako makikita sa El Nido. Kung gusto kong takasan ka, sana sa disyerto ng Egypt na lang ako nagpunta. O kaya ay sa Amazon Jungle o sa kung saan di mo ako maaabot. You are being unreasonable.”

“Unreasonable na kung unreasonable. I still don’t trust you. Ipapakuha ko na lang ang mga gamit mo. After all, anu-ano lang ba naman ang nasa aparment mo? Mga damit? Mga libro? Your cottage is so bare. Wala pa ngang isang oras ay baka pwede nang iempake ang gamit mo.” At ipinitik nito ang daliri. Na parang ganoon lang kasimple ang gusto nitong mangyari.

“Ayokong kung sinu-sino ang makikialam sa gamit ko? No way!”

Oo. Hindi magarbo ang apartment na iyon. Hindi nga iyon maituturing na bahay niya at kakaunti lang ang mga gamit niya. Mas tamang sabihin na nandoon lang siya para matulog, kumain o kaya ay magtrabaho. As if her soul was not there.

Pero sa kanya iyon. Ayaw niya sa lahat ay pinakikialaman ang mga gamit niya. Sobra-sobrang invasion na iyon. Wala na siyang privacy.

“Then stay here. Bukas ng umaga mo na asikasuhin iyon.” Inilahad ni Vance ang palad nito. “Nakahanda na ang dating kuwarto mo. Ipinaayos ko kay Aling Mina pagdating ko kanina. May naiwan ka pang damit dito kaya iyon ang gamitin mo. Goodnight.”

Iyon lang ang sinabi nito at tinalikuran na siya. Naglakad ito papunta sa direksiyon ng kuwarto nito. Ganoon lang? Sa isang pitik ng daliri nito ay inaasahan nitong susunod siya na parang isang masunuring aso. Hindi na siya papayag. Punong-puno na siya.

Hindi nakatiis si Phoenix. Sobra na itong ginagawa ni Vance sa kanya. Hindi na niya kaya. Sinugod niya ito. “How dare you do this to me?” At ubod ng lakas na binayo ang likod ng binata.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.