“Dadalaw ka pa rin sa amin at sana kunin mo kaming ninang ng baby mo,” pakiusap ni Genessa na siyang huling yumakap sa kanya sa mga kasamahan ni Phoenix.
Tapos na ang party. Hanggang alas nuwebe lang sila pwedeng mag-ingay sa bahaging iyon ng El Nido. Kailangan na rin kasing magpahinga ng mga ito dahil may trabaho pa kinabukasan ang excavation team.
Mangiyak-ngiyak siya at hinigpitan ang yakap kay Genessa na isa sa napalapit sa kanya at mistulang nakatatanda na niyang kapatid. “Oo naman. Pwede ko ba naman kayong kaligtaan?” Iilan lang naman ang maituturing niyang mga kaibigan. At hindi lang niya basta kaibigan ang mga ito kundi pamilya. “I will keep in touch. I-update ninyo ako sa mga nangyayari sa dig. Para kahit na wala ako doon, parang kasama pa rin ninyo ako.”
Kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya at pinahid ang luha niya. “Sige na. Magpahinga ka na. May flight ka pa bukas.” Bumaling ito kay Vance. “Ikaw na ang bahalang mag-alaga kay Phoenix.”
“Kahit na hindi ninyo sabihin, iyon talaga ang gagawin ko. Salamat.” At hinatak siya ni Vance palapit dito saka nila pinagmasdan ang pag-alis ng mga kasamahan niya. “Pumasok na tayo sa loob,” yaya ni Vance sa kanya. Sumama siya dito dahil pagod na rin siya at gusto na lang niyang magpahinga. “Sana nag-enjoy ka sa despedida mo. Alam mo na biglaan ito pero nakarating naman ang lahat ng inimbitahan kong kaibigan mo at nakapagpaalam ka naman sa kanila, di ba?”
Tumango siya. Pati ang mga taga-Gawad Kalinga na malapit sa kanya at ang mga kapitbahay niya sa bayan ay dumaan din para makihapunan sa kanila. "Oo. Nag-enjoy kaming lahat. Thank you for the despedida party kahit na alam kong biglaan ito at mag-isa kang nag-organize. Mami-miss ko sila. Parang sila na ang pamilya ko dito sa El Nido."
"Yes, I can see that. Mahal na mahal ka nila dito at nakikita ko na inaalagaan ka nila. Pero magkakaroon ka na ng tunay na pamilya - ikaw, ako at ang anak natin."
He said it with the gentleness in his voice that really touched her heart. Nakikita siya nito bilang parte ng pamilya nito. Kahit na ayaw nito sa kanya. Kahit na kinamumuhian siya nito.
“I appreciate that you didn't put me on the spot. A-Akala nila magpo-propose ka sa akin kanina nang ibigay sa amin ang cake."
Tumaas ang kilay ng binata. "Sila lang ang nag-e-expect ng kasal?"
"Okay. Kami. I was expecting na may diamond engagement ring in cake. At pipilitin mong magpakasal ako sa iyo." Dumilim ang mukha nito kaya mabilis siyang bumawi. “That was silly, of course. Hindi ka naman kasi nag-propose. Wala akong nalulong diamond ring.” At pagak siyang tumawa. Subalit nanatiling seryoso ang mukha ni Vance.
"Kung magpapakasal tayo, gusto ko na aware ka sa pinapasukan mo. Choice mo iyon kung padadaliin mo ang buhay mo o hindi."
Napalunok siya. “Of course.”
It was choosing between the rock and a hard place. Kapag di niya tinanggap ang proposal nito ay tiyak na mahahati sila pagdating sa anak nila. Kung pakakasalan naman niya ito, parang inilalagay na naman niya ang puso niya sa alanganin. Kaya niyang patigasin ang puso niya kapag malayo kay Vance ngunit ibang usapan na kapag nasa malapit lang ito. He could easily make her melt. Kahit simpleng gesture lang nito ay lumalambot na ang puso niya. Kaya sobrang sakit kapag nakikita niya na sa huli ay ayaw pa rin nito sa kanya. Umaasa lang siya sa wala. Ganoon na lang ba siya habambuhay?
Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “Nakahanda na ang mga gamit mo kaya matulog ka na. Kailangan alas diyes ng umaga nasa airport na tayo. Goodnight,” anito at naglakad papunta sa kuwarto nito.
Nakuyom niya ang palad. Vance was dominant and all but he was trying to put it all together. Gusto siya nitong alagaan, o kahit paano ay ang magiging anak nila. Ano pa ba ang hinihingi niya sa buhay? Marami man silang di mapagkasunduan ni Vance, alam niyang pagdating sa magiging anak nila ay magkakasundo sila. Kailangan niyang isantabi ang pride niya. Hindi niya pwedeng patuloy na labanan si Vance kung handa naman ito na ibigay sa kanya ang pangarap niya na magkaroon ng isang buong pamilya para sa anak nila. Hindi pwedeng patuloy lang silang mag-ikutan ni Vance. Hindi sila makakasulong kung patuloy silang magbabangayan. They should start moving forward. Kailangan nilang magkasundo para sa magiging anak nila. Kailangan na niyang magdesisyon ngayon.
“Vance!” tawag niya sa binata.
“Hmmmm?” anito at lumingon sa kanya.
Huminga siya ng malalim habang kuyom ang palad. "Nakapagdesisyon na ako. Pakakasalan na kita."
Tumaas ang kilay nito na parang di ito naniniwala sa kanya. “Really? Hindi ka ba maghihintay ng romantic na marriage proposal? Engagement ring sa cake? Fireworks in the sky?Nakaluhod ako sa harap mo habang nasa harap tayo ng maraming tao sa isang restaurant…”
“I don’t need those,” putol niya sa mga suhestiyon nito. “Basta pakakasalan kita alang-alang sa magiging anak natin.”
She didn’t need romance, fireworks and violins or the philharmonic orchestra on the background. She didn’t even need flowers. Gusto lang niya ng stable na pamilya para sa magiging anak nila. Para hindi matulad ang anak niya sa kanya na lumaking walang ama. Gusto niyang ibigay sa anak niya ang lahat ng wala siya.
Umaliwalas ang mukha niya. "You finally see the light! Finally, may nakuha rin akong matalinong desisyon mula sa iyo."
Napapitlag si Phoenix. Hindi man lang sinabi ni Vance na masaya ito. Na excited ito sa kasal nila. He was sarcastic about the whole thing.
Aray! He didn’t have the illusion of romance either.
Of course, he thought she was dumb most of the time. Na wala siyang gagawing tama at parang ipapahamak niya ang anak nila. Si Vance ang mas mabilis mag-isip sa kanila lalo na sa oras ng krisis. Siguro nga ay kailangan niya iyon.
"Tama ka naman. Pareho nating kailangang magsakripisyo para sa magiging anak natin. Para sa kapakanan niya, gusto ko siyang bigyan ng ama. Ng kompletong pamilya."
At walang duda na si Vance ay magiging mabuting ama sa anak nila. Saka na niya poproblemahin kung anong relasyon ang mayroon sila. Kaya na nilang mag-adjust doon. Matured naman na siguro sila para isantabi ang mga isyu nila sa isa’t isa at makakapag-focus lang sila sa magiging anak nila.
Tumango ang binata at naglakad palapit sa kanya. "Tama ang desisyon mo. Akala ko magmamatigas ka pa rin. You see, na-solve na natin ang problema. Simpleng-simple. Kailangan mo ang pumayag sa gusto ko.”
Tumango na lang din siya. Kasal lang ang solusyon para matigil ang giyera nila. Para mawala ang mga banta nito. Baka sakaling magkaroon siya kahit kaunting kalayaan mula kay Vance. Baka sakaling sa ganitong paraan ay mabawi niya ang dignidad niya.
Namaywang ang isang kamay ni Vance ang isa naman ay hinaplos ang baba. “Kakausapin ko si Attorney Munsayac tungkol dito. I am sure mas magiging stable na ang kompanya kung maikakasal tayo. And with the baby coming, mase-secure ang kinabukasan mo at ng Villaviray Construction. I am more inspired to work than ever. Gusto kong ipamana sa anak natin ang mas maunlad na Villaviray Construction para mabuhay siya nang walang inaalala. At maipagpapatuloy na ang legacy ni Ninong Mauricio."
Oh! He already mapped out everything. May plano ito sa anak niya at sa kompanya na parang iyon lang ang mahalaga dito. Paano naman siya? Anong gagampanan niya sa buhay nito? Hindi lang naman pera at kabuhayan ang mahalaga sa pagsasama nila.
Binasa niya ng dila ang nanunuyong labi niya. "Vance, what abour our set up?"
"Hmmm...?" tanong nito at inangat ang tingin sa kanya.
"Anong magiging set up natin bilang mag-asawa? I-I mean, magkakasama ba tayo sa isang kuwarto?" kinakabahan niyang tanong. Hindi naman talaga iyon ang uunahin niya dapat na itanong pero iyon ang nanulas sa dila niya.
"Assert my rights to claim your body, you mean?" tanong nito at tinalunton ng daliri ang braso niya at umakyat sa balikat niya.