Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 88

KAKAIBANG kilabot ang naramdaman ni Phoenix nang maglakbay ang dulo ng daliri ni Vance sa balat niya. It was just a simple glide on her skin with the tip of his finger but did in a sensual and exciting way that awakened her senses. That simple touch was a prelude to something hotter. A kiss that would lead up to more kisses. A night of soul-consuming love making. Kilala niya si Vance at iyon ag pangako ng haplos nito.

"A-Among other things,” nausal na lang niya nang magtama ang mga mata nila.

His eyes were like molten lava. Flamed with desire. She shuddered. Pigil niya ang paghinga at napapikit. She never thought that she would crave for intimacy from him. Mula nang malaman niya na hindi niya kayang angkinin si Vance nang di kasama ang puso niya ay pinili na lang niyang dumistansiya dito. Pero kaya ba niya itong tanggihan lalo na kung matindi pa rin ang atraksiyon nila sa isa’t isa? Pwede na ba niyang muling isugal ang puso dito? Na kapag mag-asawa na ba sila ay kaya na niyang bawiin ang tiwala nito sa kanya? Would she give in to him tonight if he wanted to make love with her?

Nakadama siya ng panlalamig nang bawiin nito ang kamay sa kanya. "Wala kang dapat na ikatakot. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa iyo.”

Bigla siyang dumilat. “A-Ano? A-Ayaw mong may mangyari sa atin?”

Ganoon lang kasimple para dito na tanggihan siya sa kabila ng atraksiyon nila sa isa’t isa? She could feel the sizzle between them. Nakita niya ang apoy ng pagnanasa sa mga mata nito. Pero nang tingnan niya ang mga mata nito ngayon ay malamig ang pares na mistulang itim na diamante. Wala na ang apoy. How could he easily turn it off like that?

“Malinaw naman kung para saan ang kasal natin na ito. We won’t do it for romance or for passion. As far as I am concerned, our marriage would be for convenience only."

Pakiramdam niya ay may palasong tumama sa puso niya. He was not interested with her body. Dapat ay matuwa siya pero pakiramdam niya ay sinampal siya nito bilang babae. "H-Hindi natin iko-consummate ang kasal natin?"

No more hot and steamy nights. Hindi na gaya ng dati na parang di pwedeng lumipas ang isang araw nang di nila inaangkin ang isa’t isa. As if they couldn’t get enough of each other.

Ngumisi lang ito. "Mas nauna na nating ginawa iyan, di ba? I will be a good husband and provider. Anumang hingin mo ay hindi ka magkukulang. Ibibigay ko rin ang lahat sa anak ko. Magsasama tayo bilang mabuting magulang para sa kanya."

Itinaas niya ang baba. Of course. Di na nito kailangang angkinin pa siya. Magkakaanak na sila. Nagawa na nito ang “responsibilidad” nito para sa testamento. "And you'll benefit because you will have part of the company shares, of course,” she uttered in a cold voice.

Ayaw niyang ipahalata na nasasaktan siya o apektado siya. It would be a joining without love. A joining without even passion. And she wanted to hit him for that.

Nagkibit-balikat si Vance. "Gaya ng nasabi ko, hindi ko kailangan ng pera para sa sarili ko. I will just manage it. Kung gusto mo sa iyo na lahat. Gusto ko lang i-secure ang future ng magiging anak natin. I have my own money. Pwede kong iwan ang Villaviray Construction kung gugustuhin ko at magsimula ng panibagong kompanya. Pero sinong maiiwan para sa kompanya? Sinong maiiwan para mag-manage ng lahat? Sino ang magmamalasakit sa iyo? I just want to uphold Ninong Mauricio’s legacy. Para sa iyo. Para sa magiging anak natin."

Fine. May punto naman talaga ito. Kahit na anong sabihin niya na laban dito, alam niyang si Vance ang dahilan kung bakit namamayagpag pa rin ang Villaviray Construction. He was her uncle’s prodigy. Hindi niya magagawang kontrahin ang bagay na iyon.

Humalukipkip siya. "How about your needs? Lalaki ka. Natural lang na may mga pangangailangan ka."

"Oh, that! Siyempre hindi ako gagawa ng bagay na magpapahiya sa iyo o makakasira sa pangalan mo."

"You will be discreet with your affairs, you mean?" nakataas ang kilay niyang tanong.

Malakas ang kabog ng dibdib niya habang hinihintay ang sagot nito. Ngayong nanlalamig na ito sa kanya, ano pa nga ba ang gagawin nito? Mukhang hindi naman si Vance ang tipo na nabubuhay nang walang babae. Okay. He was able to control his urges for a while, maybe. Pero di ibig sabihin ay habambuhay itong magpapaka-mongha para sa kanya. He was a hot-blooded male. Napatunayan niya iyon noong inaangkin siya nito.

Lalaki pa rin ito. At hindi rin kaila sa kanya na may mga lalaki na kapag hindi nakukuha ang gusto sa asawa ng mga ito ay kumukuha ng ibang babae o mga babae. Kailangan niyang malaman kay Vance kung anong kahahantungan ng pagsasama nila. Hindi naman nito kailangang magpanggap na faithful sa kanya. At least, alam niya kung saan siya lulugar.

"What?” bulalas nito. “I will have a wife. Hindi ko kailagan ng ibang babae.”

"Who doesn't want you and vice versa. Ayaw mo sa akin. Ayaw ko rin sa iyo. At sabi mo nga ay hindi mo naman pipilitin kung ayaw ko. Basta huwag ka lang masyadong halata kung mambababae ka. Iyon lang ang hihingin ko sa iyo."

Darn! Bakit ba niya sinasabi ito? Parang hinukay niya ang sariling libingan at tinabunan ang sarili. Iba noong sinabi niya kay Vance na okay lang sa kanya na magkaanak ito sa ibang babae. Alam naman niyang artificial insemination lang iyon. No physical contact whatsoever.

He looked dumbfounded for a while. Parang di ito makapaniwala sa sinabi niya. Hindi siguro nito inaasahan na parang binibigyan niya ito ng laya na makipag-affair ito sa ibang babae. That must be the dumbest thing she had ever said. That was her pride talking, of course.

Please. Sabihin mo sa akin na hindi ka interesado sa ibang babae. Sabihin mo ulit na hindi mo kailangan ibang babae dahil nandito ako bilang asawa mo. Na di mo man ako mahal pero gusto mo pa rin ako. That you will take time in seducing me. Please, Vance. Take me out of this hellish feeling.

Pagkuwan ay mukhang nakabawi ito sa shock. His face became stoic once more. "Mabuti nang malinaw sa atin ang bagay na iyan."

Ouch! Bumagsak ang kompiyansa niya. She and her big mouth. Kung anu-ano kasi ang sinasabi niya. Bakit ba niya sinabi na okay lang dito ang magkaroon ng sideline? Tapos ay nasasaktan siya.

Ano bang magagawa niya? He didn't like her anymore. Parang pagkamuhi na lang ang nararamdaman nito sa kanya. Nagbabanta pa lang si Vance na hagupitin siya pero parang kinuha na niya ang latigo at hinataw ang sarili. Too much pride. It would be her downfall.

Pero iyon lang din ang pwede niyang panghawakan. The only means to survive was self-preservation. Kaya magpapanggap na lang siyang walang nararamdaman at wala siyang pakialam. She would just suck it up. Kahit pa nga parang mamamatay siya sa sakit.

"May iba pa ba tayong pag-uusapan? Inaantok na ako," tanong ni Phoenix sa malamig na boses at iniwas ang tingin dito. "Gusto kong magpahinga para sa flight natin bukas."

"Dalawang linggo mula ngayon ang kasal natin."

"Dalawang linggo agad?" bulalas niya sa mataas na boses.

Tumango ang binata. "Naisip ko na gusto mo ng mas simpleng kasal at mga piling bisita lang ang pupunta. Na baka mas gusto mo nang tahimik na kasal kaysa sa kasal mo dati. Unless you want another grand wedding where almost half of country would be invited."

Umiling siya. "No, no, mas gusto ko ang simpleng kasalan. I-I don't want to go through that debacle again.” Sinapo niya ang noo. Sumasakit ang ulo niya tuwing naiisip ang di niya naituloy na kasal kay Nelson. “Kung pwede nga lang ay iilan lang ang maimbitahan. Kahit less than twenty okay lang. Si JK lang naman at ang ilan sa mga kasamahan ko ang iimbitahan ko."

"Good. Magkakasundo tayo kung ganoon. How about the wedding gown?"

Nalukot ang mukha niya. "No. Ayoko ng wedding gown. Gusto ko ng simple lang na dress na komportable sa akin. Sa palagay ko hindi kami magkakasundo ng wedding gown."

"If that is what you want."

"G-Gusto ko lang.." Mag-sorry sa masasakit na nasabi niya dito. For using him like a boytoy. Pero baka di rin nito tanggapin ang sorry niya. Ipinilig niya ang ulo. "...marami kasi tayong di pagkakaunawaan. There is so much hate and misunderstanding. At ayokong...I mean...can we…."

"Ikakasal na tayo. Kalimutan mo na kung anong nangyari sa atin dati. Hindi na tayong dalawa ang mahalaga ngayon kundi ang magiging anak natin. Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas." At ihinatid siya nito sa pinto ng kuwarto niya. Ni hindi ito nag-abalang kintalan siya ng halik sa noo. Basta na lang siya nitong iniwan sa pinto ng kuwarto niya at nagtungo sa kuwarto nito.

He was right. Kailangan din niyang isantabi ang nararamdaman nila sa isa’t isa para sa anak nila. Hindi na mahalaga ang sakit at pag-aalinlangan. Nagsasakripisyo si Vance na pakasalan ang babaeng kinamumuhian nito. Gayundin naman siya. Pakakasalan niya ito kahit nasa isipan pa rin niya ang kawalan ng tiwala dito. Kahit na nasasaktan siya dahil alam niyang di siya nito mahal. Siguro naman ay magkakasundo sila para sa anak nila kahit na di nagtatagpo ang puso niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.