Naestatwa sa kinatatayuan niya si Phoenix. Hindi siya makapaniwala na naroon siya sa isang mamahaling jewelry shop, mamimili ng engagement ring at wedding ring sa nalalapit nilang kasal ni Vance habang ito naman ay hinahalikan ng ibang babae. It was sheer torture. Parang pinapatay siya.
Hindi naman kaila sa kanya na maraming babaeng naghahabol kay Vance. Marami itong naging fling. Noong bata-bata pa sila ay nakikita niya itong kasama lagi ang iba’t ibang babae. Pero hindi niya inaasahan na makikita niya na hahalikan ito ng ibang babae sa mismong harap niya. Nakaplastada pa ang katawan nito kay Vance. It was a nightmare.
Parang magdidilim na ang paningin niya. Gusto niyang magbasag ng salamin nang mga oras na iyon. O kaya ay kuhanin ang fire extinguisher na nasa di kalayuan at ihampas sa mukha ng bruhang babae na pagkakapal-kapal ng make up.
Matapos ang mahabang sandali ay biglang hinawakan ni Vance ang babae sa balikat at inilayo dito. "Krissy! What are you doing…?"
“Hello, Vance. It is good to see you again. I had just arrived from New York yesterday. Katatapos lang ng fashion show ko doon. I was about to call you. It must be destiny to find you here. I was about to indulge myself with a new diamond set when I saw you.”
“You look well,” nausal lang ni Vance na parang hindi komportable. Dapat lang. Dahil nang mga oras na iyon ay parang gusto rin niya itong hampasin ng fire extinguisher. Iyon lang ba ang sasabihin nito? Baka gusto nitong sabihan ang babae na tantanan na ito dahil ikakasal na ito?
Bakit naman niya gagawin iyon? Ikaw ang nagsabi sa kanya na ayos lang sa iyo na makipag-affair siya sa ibang babae. Na hindi ka makikialam. After all, this is a chance to rub it on your face, bulong ng super ego niya. Lalo niyang gustong maghurumentado. Ganoon ba talaga kagarapan ang labanan ngayon?
Tumaas ang kilay ng babae at tinalunton ng malalantik na daliri na may mahahabang kuko na kulay pula ang kuwelyo ng damit ni Vance. “So, are you shopping for a girl? Kailangan mo ba ng advice ko? O baka naman bibili ka ng regalo para sa akin."
Mukhang sanay na sanay ang babaeng ito na binibigyan ng mamahaling regalo ng mga kalalakihan. Sa ganitong paraan naman nabubuhay ang ibang babae. They trade their faces, their body or their youth either for money, popularity or expensive trinkets.
“Oh, that? I am actually here to…”
Naghintay si Phoenix ng isa, dalawa, tatlong segundo. Sa huli ay naputol ang pagtitimpi niya. Hindi na niya hinintay pa na sumagot si Vance at dali-daling lumapit sa mga ito. Mas mabuting lumayo siya sa fire extinguisher habang kaya pa niyang kontrolin ang sarili. Hindi siya papayag na pagmukhaing tanga sa harap ni Vance at ng babaeng iyon. Baka akala nito ay ayos lang sa kanya na tapak-tapakan ang pagkatao sa harap ng publiko. Bibigyan niya ang mga ito ng sample ng bangis niya.
Inilagay niya ang sarili sa pagitan ng binata at ni Krissy. "Excuse me.” Humawak siya sa braso ni Vance saka binalingan ang babae. "Hindi na kailangan ni Vance ang tulong mo. Ako naman ang magsusuot. Kaya ko namang pumili ng sarili kong singsing."
“Phoenix, this is Krissy San Marco, an old friend,” pagpapakilala ni Vance. “She’s a fashion model and she had just arrived from New York.”
Humagikgik si Krissy at hinampas si Vance sa braso. “Come on. I am just an old friend? I am a special friend.” Tinaasan siya ng kilay ni Krissy. "And you are?"
"I am Phoenix Villaviray, Vance's fianceé and future wife,” nakataas ang noong pagpapakilala niya.
Napanganga si Krissy sa sobrang pagkagulat. Sa laki ng pagkakabuka ng bibig nito ay parang pwede nang pasukan ng MRT. "Magpapakasal ka? I thought you will be a bachelor forever. You broke my heart. Did you knock her up? She’s the Villaviray heiress, right? Oh! This must be a business thingy. I feel sorry for you, Vance. How unfortunate. It must be like signing a death warrant."
Parang gusto niyang pumatay ng tao nang oras na iyon. Why? Because this bitch who was a mistress material but she swore would never be a wife was ticking all the boxes. Alam nito kung anong sitwasyon nila ni Vance. Maaring nanghuhula lang ito pero sa palagay niya ay di na bago sa babae na ang mga babaeng pinapatulan nito ay nakakatuluyan ng ibang babaeng gaya niya – a not so pretty heiress who was knocked up by a gorgeous guy. At hindi love match ang dahilan ng pagpapakasal kundi isang business tie up.
If this woman thought that Vance signed a death warrant, she had no idea that it was her death warrant. Pakiramdam niya ay nasa impyerno siya nang mga oras na iyon. Akala ba ng impaktang babaeng ito ay masaya siya? Miserable siya. At mas miserable sa pakiramdam niya kung iniisip ng mga tao kung ano ang nature ng kasal nila ni Vance.
Pero di ibig sabihin ay magpapatalo si Phoenix sa babaeng ito. O hahayaan niya ang sarili na magmukhang katawa-tawa sa lahat. She was a strong woman. Magiging matatag siya para sa kanya at sa magiging anak niya. Iyon lang ang mahalaga sa kanya. Wala siyang pakialam kung iniisip ng lahat na sinasadya niyang i-trap si Vance para pakasalan siya.
“Ma’am, here is our special collection of pink diamond rings,” wika ni Hans at inilapag sa harap nila ang velvet box na naglalaman ng pinakamamagandang diamante na nakita niya. “I am sure with your exquisite taste; you will find the simple yet elegant ring you are looking for.”
"Ibigay mo sa akin ang pinakamahal. A pink diamond would be nice.” Itinuro niya ang pink diamond na natitiyak niyang kahit di kasing laki ng bato ng ibang diamante na nakita niya kanina ay siguradong ubod nang mahal. “Vance, isukat mo nga sa akin. I think bagay sa akin," aniya sa malambing na boses at saka nakataas ang kilay na tiningnan si Krissy na parang nang-iinggit. Nakita niya ang pagdidikit ng labi ng babae. Tama iyan. Mamatay ito sa inggit.
“Perfect,” nausal ni Vance at kinintalan ang likod ng palad niya. She cringe. Alam naman niya kung saan galing ang labi nito.
“Vance, you have cheap lipstick on your lips. Baka kumupas ang pink sa diamond ko,” nakasimangot niyang reklamo at pinalis kunyari ang diamante niya. “Do you know that, Hans? Nakaka-contaminate ng pink diamonds ang cheap lipstick na gamit ng mga cheap na babae? Do you have a cleaner to make sure that my diamond won’t be contaminated?”
Dali-daling pinalis ni Vance ang labi nito. He looked uncomfortable. Habang nakita naman niya ang pagngingitngit ni Krissy habang nakatingin sa pink diamond ring sa daliri niya. Always the mistress, never the bride. Maaring nakakatanggap ito ng mamahaling regalo mula sa mga lalaki at malamang ay marami na itong diamond necklace o bracelet pero walang diamond engagement ring. Who is leading a sad life now? Amanos na sila ngayon.
“No worries. As long as the pink diamond is worn by a deserving woman, its beauty won’t fade,” wika naman ni Hans.
Matamis siyang ngumiti kay Hans. “I will get this one. Hindi ko na huhubarin, ha?”
“Do you want to see the wedding rings?” tanong ni Hans.
“Sure,” sabi naman agad niya. “I am so excited to pick one. How about you, Vance?”
“Anything you want,” pormal na wika ng binata.
“I will be back in a few minutes,” wika ni Hans. Sigurado siya na ang pinakamagagandang collection ng wedding ring ang ipapakita nito sa kanila.
Subalit parang walang balak na tumigil si Krissy. The woman still hovered over Vance like a vulture. "Invited ba ako sa wedding, Vance? You know? In case you change your mind."
The nerve! Hindi talaga niya matagalan ang ugali ng babaeng ito. At sa palagay nito ay iiwan siya ni Vance para lang dito? Tingnan lang niya kung matapos siya dito ay makakapag-modelo pa ito o kaya ay makakabingwit ng mayaman. She was about to unleash her full battle mode. Malaking pagkakamali na kinalaban ng babaeng ito si Phoenix Villaviray.
Itinaas niya ang kamay na may suot na pink diamond ring. "Matalim ang diamond, di ba? Pwedeng ipanghiwa sa mga babaeng makiri? Sayang naman ang mahal nito kung hindi ko magagamit sa mga babaeng makakapal ang mukha. Diamond is the toughest stone. It can easily cut through anything. Shall we give it a try?"
Kumuyom siya at saka matiim na tiningnan si Krissy. Kapag di pa nito nilayuan si Vance ay tototohanin talaga niya ang banta niya. Her lawyer can find a way to get her out of this mess just in case. At hindi siya magi-guilty na gurlisan ang perpektong mukha ng babaeng ito.
Namutla si Krissy at dali-daling nagpaalam. "I must get going. Bye!" And she left the store as fast as her high heeled pumps could take care. It was comical even.
Mabuti naman at nakuha ng babae ang mensahe ni Phoenix. Ginagamit din naman pala nito ang utak. Ano pang halaga ng ganda nito kung sasayangin lang nito sa pakikipag-inisan sa kanya? Mawawalan ito ng career at hindi na ito makakabingwit pa ng mayamang lover na magbibigay dito ng alahas. Serves the bitch right.
“Oh! It isn’t just a pretty thing. Nakakapagtaboy din pala ito ng masasamang espiritu. Every girl who has a boyfriend or a husband must get one,” nakangiti niyang sabi nang bumalik si Hans kasama ang mga wedding ring. “May nagustuan ka na ba?”
“Take your pick,” sabi ni Vance nang ilagay na sa harap nila ang kahon ng mga wedding ring. “Just pick anything you want as long as it doesn’t have pink diamonds.”
“Why? Pink diamonds are nice,” nakalabi niyang wika. “Fine. This one is perfect.” At itinuro niya ang simpleng platinum band na walang kahit anong bato.
Sa labanan nila ni Vance sa mga sandaling iyon ay siya ang nagwagi. Sa susunod na ilaladlad nito ang babae nito sa harapan niya ay dapat na itong mag-ingat lalo na’t may pink diamond na siya na secret weapon. He must not dare mess up with her.