Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 92

SA UNANG pagkakataon ay nag-enjoy si Phoenix sa pagkain. Mukhang nakikisama ang sikmura niya habang kumakain sila ni Vance ng tanghalian sa bahay. Mula sa jewelry store ay pinili na lang nitong umuwi sila at may ihinanda daw si Manang Doria para sa kanila. Ipina-serve nito ang pagkain sa tabi ng koi pond sa may hardin na natatabingan ng bubong. Mas gusto niya ito kaysa kumain sa Japanese restaurant sa Greenbelt na may nakabusangot na kasama.

This was the best feeling she had for a very long time. Ine-enjoy niya ang beef teriyaki at nakarami ng servings ng kanin dahil na rin sa masarap na teriyaki sauce. She missed eating so much. Ganito siguro ang epekto kapag wala siyang masyadong inaalala. Di tulad nitong nakakaraang araw na masyado siyang masyadong iniisip mula nang malaman niyang nagbubuntis siya. Siguro dahil wala na sa kanya ang pressure mula kay Vance dahil pumayag siyang magpakasal dito.

“I want more rice,” usal niya nang maubos ang pangatlong serving niya ng rice.

“Enough with the rice, Phoenix,” saway ni Vance sa kanya nang akmang oorder na naman siya sa waiter. “Sinabi ni Doktora na di ka rin pwede ng maraming carbs.”

“Ngayon lang naman ito. Kailangan ko ngang bumawi dahil sabi ni Doktora underweight ako at kailangan ay mas maganda na ang kondisyon ko sa susunod na check up ko. I think our baby likes to eat now.” Tiningnan niya ang rice bowl nito na halos di man lang nito nagalaw. “Can I have yours instead? Mukhang di mo naman kakainin.”

“Ikaw ang bahala,” wika ng binata at ang shabu-shabu na lang ang kinain. “You look happier now.”

“I have the perfect pink diamond ring. Pakakasalan ako ng ama ng anak ko. Oh! And there’s Villaviray Construction that you will manage for me. Napakasarap ng buhay ko. I just realized how blessed I am. While you signed your death warrant according to your old special friend. Poor you, Vance,” sarkastiko niyang sabi at sumubo ng crab balls mula sa shabu-shabu bowl niya. “It must be a pain to marry the poor heiress like me. Magluluksa ang mga babae mo katulad ni Krissy.”

“Hindi mo na siya dapat pinapatulan,” sabi nito. “What you did was a bit harsh.”

"Harsh? Ako pa ang harsh ngayon?” bulalas niya. Hindi siya makapaniwala na ipinagtatanggol pa nito ang babae nito. Grabe na talaga ito. Pinili na lang niyang ibaba ang chopstick kaysa iturok sa noo nito sa inis. Ibang klase na talaga ito. Humigop siya ng mainit na beef stock na ginamit sa shabu-shabu at saka tiningnan si Vance. “You are flirting with another woman. At sa harap ko pa mismo. Anong gusto mo? Makipagtitigan na lang sa mga mamahaling alahas doon at magkunwaring walang nakikita? Ang kapal mo naman!"

Humalukipkip ito at umangat ang gilid ng labi. "Jealous? Akala ko may go signal ako mula sa iyo. You told me to take my affections somewhere else."

"Discreetly,” dagdag niya sa pagitan ng naggigiyagis na mga ngipin. “Hindi garapal. Kung gaganyanin mo ako, siya na lang ang pakasalan mo." Sinubukan niyang hubarin ang pink diamond ring sa daliri niya pero sa malas ay ayaw matanggal. Mukhang kinilala na siya ng singsing bilang tunay na may-ari nito. “Mas pabor sa akin iyon para makapunta na ako malayo sa iyo at magawa kung anuman ang gustuhin ko.”

Tumayo siya sa kinauupuan at saka padabog na naglakad sa shaded pathwalk na patungo sa mansion. Wala talaga itong kahihiyan! Ang lagay pala ay iniisip nito na okay lang sa kanya na mambabae ito sa harapan niya. Peste kang Vance ka! Di pa man tayo kasal gusto mo na akong pamukhaan sa mga klase ng babaeng magiging kabit mo. Damn you!

Kaya niyang pagtiisan ang babaeng walang mukha kung mambababae man ito. Mas mabuti nang di niya alam para di gaanong masakit. Kaya niyang tiisin iyon basta hindi niya nakikita. Pero ibang usapan na makikipag-flirt ito sa ibang babae sa harap niya mismo. Kahit pa fetus pa lang ang anak nila ay nakakarinig na ang bata. Gusto ba nitong marinig ng anak nila kung anong klaseng lalaki ang ama nito? No! Hindi niya ie-expose sa ganoon ang anak niya. Kaya kung gagaguhin lang siya ni Vance nang harapan ay aalis na lang siya. Wala siyang pakialam sa banta nito na gagawing impyerno ang buhay niya. She was already in hell.

"Ah!Ah! Ah! Not so fast.” Dali-dali siyang hinabol ng binata at hinarang ang dinadaanan niya. “Gusto ko lang maging malinaw ang nangyari kanina, Phoenix. She flirted with me. Not the other way around. She kissed me. I didn’t kiss her back. At nakita mo naman na ako mismo ang lumayo sa kanya."

"Sige. Sabihin na nating ang babaeng iyon ang nagpakita ng motibo. Pero nang kasalukuyan niya akong dinidikdik at sinabi niya kung anu-anong posibleng dahilan kung bakit tayo magpapakasal, ni hindi mo man lang ako ipinagtanggol kahit na pabalat-bunga. Parang ako ang patay na patay sa iyo at habol nang habol. Huwag mo akong ipapahiya nang ganoon.”

Phoenix was breathing hard. Nanginginig din ang buong katawan niya. Galit na galit talaga siya. Ipinakita sa kanya ni Vance kung gaano kaliit ang tingin nito sa kanya. Na mas masaya itong kutyain siya ng ibang tao. Pero di siya nabuhay nang ganito katagal para tapak-tapakan lang. Gusto niyang ngayon pa lang ay malinaw na iyon sa kanya.

“What am I supposed to say? Tell Krissy to f*ck off?”

“Bakit hindi?” tanong niya at namaywang. “Ganyan ba ang plano mong gawin sa akin sa mga susunod na araw? You will let those women of yours to eat me alive and step on me? Pwes, hindi ako papayag.”

“It is better if you will just ignore them. Wala naman silang magagawa dahil ikakasal na tayo.”

“Better? Pwede mo akong takut-takutin nitong nakakaraang araw pero hindi extended iyon sa mga babae mo o habang kasama mo sila. Hindi ko sila pwedeng hayaan na tapak-tapakan ako. Sobra na.”

Pumalatak si Vance at idinikit ang katawan sa kanya. “Ayaw mong nakikita ako kasama ang ibang babae?” Walang iritasyon sa boses nito. He sounded amused. As if he was enjoying it.

“Sino ba namang gustong mangyari iyon? May pride pa naman ako. Walang kahit sinong babae ang gustong magmukhang tanga.”

"Is it pride or jealousy?” tanong nito at idinikit ang mukha sa kanya. “Kung ayaw mong may ibang babaeng lumapit sa akin, you can always fill up the role as my lover. After all, my body will be rightfully yours. And as far as I can remember, we have a chemistry, baby. Combustible. Explosive. I am sure you miss that.” At kinintalan nito ng halik ang baba ng tainga niya.

Nahigit niya ang hininga. Sinasabi ba nito na hindi ito papatol sa ibang babae kung hahayaan niya na may mangyari ulit sa kanila? Seryoso ba ito? Ibig sabihin ay magiging totoo na ang kasal nila ngayon. It would be consummated… regularly. Hindi na ito titingin pa sa ibang babae. Hindi na niya kailangang intindihin pa iyon. Wala nang katulad ni Krissy sa buhay nila ni Vance.

But where was her pride? She treated him as her boytoy once. Tinalikuran niya ito. Nasaan naman ang pride niya kung babalik na naman sila sa dati? She had the upper hand before but not anymore. Kapag naikasal na sila ay parang isinuko na niya nang tuluyan ang lahat kay Vance kasama pati ang katawan at kaluluwa niya. Kabisado siya nito. Alam nito ang kahinaan niya.

Humakbang siya paurong para makalayo sa init ng katawan nito. "Huh? Bakit naman kita pag-iinteresan? Ikaw na ang nagsabi na katawan lang ang habol ko sa iyo at ang sperm mo. Nakuha ko na ang gusto ko. I had enough of having you as a boy toy. I am pregnant now. I will have an heir. And you will manage my resources and Villaviray Construction. Bakit naman ako magkaka-interes pa sa iyo?”

"Ouch! That hurts. Poor me. Ganyan lang pala ang tingin mo sa akin,” sabi nito pero patuloy pa rin sa paglapit sa kanya.

"Yes. Poor you."

His eyes now held a naughty glint. "May nabasa ako na mas mataas ang libido ng mga buntis na babae. Can you really resist me?"

"Of course." Hopefully she could. Basta tigilan lang nito ang paglapit sa kanya. Just wipe off that predatory gleam on his eyes and she would be safe.

"Sabi mo iyan ha?" Naramdaman na lang niya na nakasandal siya sa isa sa mga poste sa pathwalk. Wala siyang kawala dito. Inilapit nito ang labi sa kanya. “You mean even if I kiss you right now, you won’t feel anything for me anymore?”

"Yes,"she replied in a hoarse voice.

Oh, no! Huwag sana siya nitong halikan. Pero palapit nang palapit ang mukha nito sa kanya. She could smell his cologne and it filtered through her senses. Nagsisimula nang manginig ang tuhod niya.

Napapikit siya. Yes! She wanted him to kiss her so badly. She missed him. She missed the intimacy. Damn her pride. Wala na siyang pakialam. She couldn’t fight her libido, can she? She might as well give in. Pwede naman niyang isisi iyon sa pregnancy hormones niya.

"Okay. Sabi mo nga hindi ka interesado sa akin,” sabi nito at naramdaman na lang niyang lumuwag ang pagitan nila. Nang dumilat siya ay humahakbang na palayo sa kanya. Pero mukhang hindi ito natalo sa anyo nito. Matagumpay ang ngiti sa labi nito. Alam nito kung ano ang gusto niya. And he was denying it to her. Damn him! “Kapag nagbago ang isip mo nasa kabilang kuwarto lang ako mamayang gabi. O nasa opisina lang ako ngayong tanghali. I know you love making love with the afternoon sunshine filtering on the window. Too bad you don’t miss it anymore.”

Naggiyagis ang ngipin ni Phoenix habang pinagmamasdan si Vance palayo at napasandal na lang siya muli sa adobeng poste ng pathwalk. He left her aching so badly. How pathetic! She was pathetic. Mukhang sa pagkakataong ito ay si Vance ang nanalo. He gave her a secret weapon against her. At hindi niya alam kung kailan nito gagamitin ang sandatang iyon para pasukuin siya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.