Nasisiyahang pinagmasdan ni Phoenix ang sarili niya sa vanity mirror. It was her wedding day. At suot na niya ang wedding dress niya na siya mismo ang pumili. It was a peach single shoulder flowing dress and swayed in her every move. Hindi halata doon ang halos tatlong buwan na batang dinadala niya.
She loved the dress. It looked sunny and feminine at the same time. Kinulot ang mahaba niyang buhok at ipinusod sa ibabaw ng ulo niya. She was like an ancient queen.
Skeptical siyang tiningnan ni JK at saka naglakad paikot sa kanya. "Okay ka na ba dito sa dress mo? Sure ka? This one is not as fabulous as the old one. Not even virginal."
Dahil nagka-problema sa Egypt ay kahapon lang dumating si JK at ang nobyong si Joshua. Siya rin halos ang nag-asikaso ng kasal sa tulong ng sekretarya ni Vance na si Judith. For some reason, di siya mapakali na wala siyang participation sa sarili niyang kasal. Hindi ito katulad sa kasal niya kay Nelson kung saan wala siyang pakialam. Hindi niya alam kung bakit samantalang kung tutuusin ay hindi naman ayon sa plano niya ang kasal na iyon. Alam niya na sa kaibuturan ng puso niya ay parang napipilitan lang siya.
Di na lang niya ipinaalam kay Vance ang pagiging active niya sa paghahanda sa kasal. Tiyak na magtatalo na naman sila. Ayaw nito na masyado siyang nagpapagod, nag-iisip o gumagalaw. Kaya nandoon si Judith para tiyakin na ito ang magpaplantsa ng lahat. Mabuti na lang at hindi nakabantay si Vance sa tabi niya. He was too busy working anyway. Mas priority nito ang kompanya kaysa sa kasal nila.
"You saw this gown and you approved it. Sabi mo naman bagay sa akin,” kaswal na sabi ni Phoenix sa kaibigan. “I like this dress. First, hindi na bagay sa akin ang virginal. We know I am not. Pangalawa, hindi ko kailangan ng magarbong gown gaya sa kasal namin ni Nelson. Pamilya lang niya ang pumili nito. Hindi rin naman ito malaking kasalan. Iilan lang ang mga bisita. And I am comfortable with this. Mas nakakahinga ako."
She hated her first wedding gown. Ibinenta pa nga niya iyon at ibinigay sa mag-ina ni Nelson ang napagbilhan dahil ang mga ito naman ang gumastos doon. Whether they were insulted or not, she didn’t care. Hindi rin naman ibinalik ng mga ito ang pera sa kanya.
Di gaya sa wedding dress na siya mismo ang pinili. Kahit na may apprehensions si JK sa pinili niya ay siya pa rin ang nasunod. Kahit paano ay ipinagpapasalamat niya na binigyan siya ng laya ni Vance sa pag-aasikaso sa kasal nila. Hindi ito nakialam. Hindi nga ito nagtanong. Ina-update lang nila ito ni Judith sa mga nangyayari at kumikilos lang ito kapag may bulilyaso sa plano nila.
Hindi niya sigurado kung anong magiging pagsasama nila matapos ito. Hindi niya alam kung hanggang saan siya nito pakakawalan. Basta hindi na ito nagpakita pang muli ng interes sa kanya matapos ang usapan nila sa pathwalk. Naging malamig at pormal na ito sa kanya mula noon. Hindi na siya nito tinutukso pa. Hindi tuloy niya ito maintindihan.
Ibig sabihin ay hindi na ito interesado sa kanya? O kailangang siya pa mismo ang lumapit dito? She missed him these past few days that they barely spoke. Abala ito sa trabaho habang abala naman siya sa paghahanda sa kasal. Pagdating nito sa bahay ay magtatanong lang ito kung kumain na siya, kung may problema sa preparations at magpapaalam na ito na pupunta sa library para magtrabaho saka magbibilin na magpahinga na siya.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo? Pakakasalan mo si Vance?" tanong ni JK pagkuwan. They never really had a chance to have a heart-to-heart talk about this before. Iba nga naman kung mag-uusap sila sa pamamagitan ng internet at iba rin kung harapan.
Nagkibit-balikat si Phoenix. “Vance left me with no choice. Kapag hindi ko siya pinakasalan, baka ilayo niya ang anak niya sa akin. Ayoko ng magulong buhay para sa anak ko. Naisip ko na sa simula pa lang, pangarap ko namang bigyan ng anak ko ng isang buong pamilya. Ayokong lumaki siyang walang ama. Thus the wedding."
"Mahal mo naman si Vance. Aminin mo na. Isa iyon sa dahilan kung bakit pinakasalan mo siya," panghuhuli ng kaibigan niya sa kanya.
Tiningnan lang niya ang sarili sa salamin at pilit na pinanatiling walang emosyon ang mukha niya. "That was before. And the man hates me now. Ginagawa lang namin ito para sa magiging anak namin. And there’s the business side, of course," aniyang di mapigilang umangat ang gilid ng labi para ipahayag ang pagiging sarkastiko.
"Hindi mo ibibigay ang sarili mo kundi mo siya mahal. Come on. I am sure he still loves you. Nasaktan lang siya sa naging trato mo sa kanya. Don't look at your union as an ordeal."
Huminga si Phoenix ng malalim. "Di ko alam kung mahal talaga niya ako. Minsan pakiramdam ko mahal niya ako. Na totoo ang sinasabi niya. Pero sa huli sinasabi niya na wala na siyang tiwala sa akin. And I am not also sure if I can also trust him. Ang isang bagay lang na positibo sa lahat ng ito ay alam kong magiging mabuting ama si Vance sa anak namin. Iyon lang ang pinanghahawakan ko."
Hinawakan ni JK ang balikat niya. "Mabuting tao si Vance. Oras na para isantabi ang mga hindi ninyo pagkakaunawaan. Ikakasal na kayo at walang masama kung magkakasundo kayo. Mas magiging madali ang pagsasama ninyo kung magiging normal kayong mag-asawa."
"Ewan ko. Wala siyang tiwala sa akin. Iniisip niya na pakana ko lang ang lahat ng ito para makuha ang kayamanan ni Tito at lamangan siya,” mabigat sa dibdib niyang wika at umupo sa kama.
"May ginawa ka siguro kaya ayaw ka niyang pagkatiwalaan."
Mariing pinagdikit ni Phoenix ang mga labi. Hindi alam ni JK ang ginawa niyang pagsira sa mga plano ni Vance noon. Sigurado na pagagalitan siya ng kaibigan pero oras na para malaman nito ang lahat. "Aminado ako sa isang kasalanan ko. Sinabotahe ko ang pagkuha niya ng surrogate mother. Binayaran ko ang surrogate mother niya para umurong sa procedure.”
“Ano? Ginawa mo iyon?” bulalas ng kaibigan niya habang nanlalaki ang mga mata. “I never thought you would stoop that low. Naku! Phoenix Lee Villaviray! Ano bang pumasok sa kukote mo?”
Bumagsak ang balikat niya. “Nasa kompetisyon kami. Natural lang na gagawin ko ang lahat para manalo.”
“Magpasalamat ka dahil ngayon ko na lang iyan nalaman. Pasalamat ka rin dahil buntis ka ngayon at araw ng kasal mo kaya hindi kita pwedeng ingudngod.”
Itinaas niya ang dalawang kamay. “Kumalma ka lang. Tapos na iyon. Saka patas lang kami dahil sinabotahe niya ang kasal ko," sabi niya saka umingos. “Ginantihan lang naman niya ako.”
"He did you a favor. Kung hindi nakialam si Vance, malamang ginagamit ka pa rin ni Nelson ngayon at ng pamilya niya. Hindi mo rin sana natulungan ang mag-inang tinalikuran niya,” paalala ni JK sa kanya. “Kundi dahil kay Vance, malamang ay pagsisisihan mo kung natuloy ang kasal ninyo ni Nelson at sa pamilya niyang mukhang pera. Kinikilabutan pa rin ako kapag naiisip ko sila. Ngiii!”
"Oo na. Kampi ka sa kanya. Si Vance na ang tama. Si Vance na ang bayani,” aniya at matalim na humugot ng hininga. “Si Vance na ang magaling. Wala na siyang ginawang mali.”
“Ikaw naman kasi kapag nagigipit, kung anu-anong kagagahan ang naiisip.” Tinaasan siya nito ng kilay. “Baka naman may iba ka pang ginawa. Aminin mo na.” Saka ito ngumuso sa direksyon ng tiyan niya. “Baka naman mamaya kasama iyan sa plano mo. Baka sinadya mong mabuntis tapos di mo sasabihin kay Vance.”
Niyakap ni Phoenix ang baywang niya. “Huwag mo akong pag-isipan ng kung anu-ano. Iyon lang surrogate mother niya ang pinakialaman ko. Di ko planong magbuntis. Nangyari na lang basta.”
"You had a relationship. Okay na sana ang lahat sa inyo. Bakit mo siya itinaboy kung wala kang ibang plano?"
Huminga siya ng malalim at pinagsugpong ang mga daliri niya. Kumindat sa kanya ang pink diamond engagement ring na bigay ni Vance. "Kasi naisip ko na self-destructive na ako kung mai-in love na naman ako sa kanya. Nang malaman ko na sinabotahe niya ang kasal ko at alam din pala niya ang pananabotahe ko sa surrogate mother niya, naisip ko na laging nasa pagitan namin ang mana ni Tito. At totoo talaga na hindi na ako interesadong maghabol sa mana. Marami nang iniwan sa akin si Tito. Di naman ako maluho kung mamuhay. Nasa mabuting kamay ang kompanya kung si Vance ang hahawak. Nakakapagod din naman na makipaglaban sa kanya. Gusto ko lang ng tahimik na buhay. Akala ko mas safe ang puso ko kung lalayo na lang ako sa kanya. Hindi ako mag-e-expect ng kahit ano mula kay Vance. Hindi na rin ako masasaktan. Hanggang malaman ko na lang na buntis ako."
"Paano nalaman ni Vance?" tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. "Baka nagkahinala siya na baka buntis ako. Na sinadya ko daw itago kaya nakipaghiwalay ako sa kanya. Galit na galit siya sa akin. Kaya hindi ko sinabi dahil di ko alam ang gagawin ko. Sex is one thing. Getting pregnant is another. Di naman madaling sabihin sa kanya na buntis ako lalo na’t ako ang nakipaghiwalay sa kanya. T-Tapos nalaman ko na sadyang di siya gumamit ng protection. K-Kaya naisip ko na sinadya din niya iyon."
“What a mess!” usal nito at sinapo ang noo. “Hindi ba ninyo naisip na baka nagkataon lang iyon? Walang nanadya? That you had sex without protection because you enjoyed the act too much. Period. Minsan kasi simple lang ang mga bagay pero ginagawa ninyong komplikado ang lahat. Pareho rin kayong praning.”
“Siya itong unang nambintang sa akin. Sasabihin ko rin naman sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko pero naunahan lang niya ako nang sumugod siya sa akin sa El Nido. Now it is like he wants to take away everything from me. Inalisan niya ako ng trabaho. Siya na ang nagpaplano ng lahat para sa akin at sa buhay ng magiging anak namin nang di man lang ako kinokonsulta.”
“Which is for your own good,” paliwanag nito. “Sa nakikita ko naman, alam ni Vance ang ginagawa niya. Ikaw lang itong masyadong mataas ang pride.”
“Hindi pride iyon. I am talking about respect here. Karapatan ko rin namang magdesisyon para sa sarili ko dahil katawan ko ito.”
"Pride din iyon. Ang dami mo pang sinasabi. Wala nang pride-pride dapat, Phoenix. Do you want to fix things? You have something good. Kailangan lang ninyong ayusin ang mga isyu ninyo sa isa’t isa. Baka kailangang ikaw ang magpakumbaba kahit paano. Ipakita mo sa kanya na pwede ka niyang pagkatiwalaan."
"Yes. Ayoko naman na kasal kami pero parang estranghero kami sa isa't isa. I… I don’t like the feeling."
Hinuli nito ang mga mata niya. "Do you still desire him?"
Umungol si Phoenix. Grabe naman si JK. Wala man lang pasintabi sa tanong. “Do I really need to answer that?”
Ngumisi ang kaibigan niya. "I will take that as a yes."
Umikot ang mga mata ni Phoenix. Ganoon lang. Di man lang siya nito pinaapela. Basta na lang ibinaba ang hatol.
Sabagay kabisado naman siya ng kaibigan. Dahil kahit anong pagkakaila ang gawin niya ay mas alam nito kung anong tumatakbo sa utak niya at kung anong nararamdaman niya kahit na ikaila pa niya sa sarili niya.
Sa huli ay tinanggap na lang niya sa sarili niya na may malaki talaga silang problema ni Vance at hangga’t walang nagpapakumbaba sa kanila. And she would try to do her part as his wife.